Not-so-quick lovers!

Mabilisan din ito paris nung post kanina na Squeaky lovers pero hindi naman ito ganun ka-“quickie!” Late-bloomers na nga, halos huling byahe na nung maisip magpakasal… Para sa mga tulad kong may gerpren o sa mga may boypren ang post na ito. Naibibida ko lang naman.


A page in my photo album which I laid out a few weeks after we got married.

Laguna de Bay yan… korteng PUSO di ba? Huwag nyo lang ititiwarik ang laptop nyo — baka malikot ang imahinasyon nyo, kung ano pa ang “makita” nyo. (Hindi nga itiniwarik, iniikot naman ang ulo… baka magka-stiff-neck ka nyan!)😕

Basta heart-shaped yan… pwede nang pang-Valentine’s.😛

Ang post na ito ay tungkol sa mga panahong mag-“MU” pa lang kami ni misis. Almost 18 months. Pero 15 months kaming naging magbarkada bago naging mag-un (MU). Hindi kami perpektong magkasintahandami rin kaming pinag-awayan na halos umabot sa paghihiwalay.

Para hindi na masyado humaba ang post ko, ibida ko lang yung mga kapirasong sandali na uminog sa mga baybaying bayan ng lawang iyan.

Dati akong taga-Calamba, dating taga-Angono si misis, at kaming dalawa ay nagkatagpo sa Los Baños. Ang Angono ay nasa hilagang (north) baybayin ng Laguna lake, ang Calamba naman ay nasa timog (south).

May panahong nag-leave without pay si gerpren (misis ko) para mag-board exam review sa Morayta. Every Tuesday at Thursday for one month, from 5 to 9 pm. Sa kanila siya umuuwi.

Ayaw ko syang mag-isang umuuwi… naibida ko na senyo nuon na masyado syang magtiwala sa tao, kakabahan na lang pag nanganganib na sya. At ayon sa mga nababasa ko, mas prone na victims ng crimes ang mga babaeng maliliit. Kaya mula opisina (Los Baños), lumuluwas ako ng Manila para sunduin sya at ihatid sa kanila. Syempre uuwi rin ako ng Calamba pagkatapos, kasi may pasok sa opisina kinabukasan.

Darating ako sa Quiapo area ng mga 8 pm… Pag medyo napaaga, daan muna ng National Bookstore. Bago mag-alas nuwebe, nandun na ako sa harap ng review center at nag-aabang sa kanya. Proud naman ang loka kasi nakikita ng mga classmates nya na may boyfriend sya… sey mo, gwapo pa… nyak nyak nyak!

Bago ko sya ihatid pauwi, syempre mabilisang tsibog muna.

Sa bus ng G-liner kami minsan sumasakay pauwi sa kanila pero hanggang Taytay lang ito kaya bitin. Antagal pa magpuno bago umalis, medyo makupad pa, at malimit mas maraming lasing o sabog (yata) na nasasakay dito… Kaya malimit, nagdi-dyip na lang kaming pa-Cubao muna, at mula dun sasakay kami ng patok na dyip. Alam nyo naman ang mga drayber ng “patok” kung gaano kabilis magpatakbo — akala mo mauubusan ng kalsada.

Pagdating sa Angono, tricycle paakyat, na kung hindi mo ipapa-special, maghihintay pa na maka-anim na pasahero bago lumarga. Sabagay kung hindi nila lulubusin, lugi nga naman sa gasolina. Pagkahatid ko sa kanya sa harap ng gate nila (almost 12 midnight na), alis na ko… Wala bang goodnight kiss?😳

Balik ako pa-Cubao, at least less na ang trapik kaya mas lalo pang mablis.

Cubao—Alabang—Biñan—Calamba… yan ang ruta ko kasi wala nang masakyan bus nuon na pa-San Pablo o pa-Sta Cruz na dadaan ng crossing ng Calamba. Dyip na mula Biñan, malimit hanggang Cabuyao o Sta Rosa lang yata yun? May mga lasing at mga mukhang holdaper pa minsan. Syempre miski papano kabado akoyung payat ko ba namang yun nuon. Sabagay nag-iisa naman na ako — kabilis ko naman yatang tumakbo!:mrgreen:

Nung naging gerpren ko si misis, parang naging “duwag” akong mamatay. Not in “duwag” as in bahag ang buntot ha? Ibig ko sabihin, lalo kong pinakaingat-ingatan ang buhay ko umiwas-iwas na ako sa panganib at gulo. But for the sake of her, I think it doesn’t matter if it cost me my life. Sabagay, mahirap magsalita ng tapos.

Kayo ba mga mister, ano ba kayo sa asawa nyo? O maski kayo mga misis, ano ba kayo sa mga anak nyo? Ganun, di ba? Well… the moment of truth is pag nandun na…

————————————————————————————————

Syempre si misis ko muna… Maski man yung mga lumalapit sa akin para humihingi ng payo. Ako naman ay matiyagang manuyo kung alam kong nirerespeto ako. May pamilya din ako — ang asawa ko.

Iyan din ang sabi ko kay misis sa mga lumalapit sa kanya — Huwag mo ekakong hayaan na maubos ang panahon mo sa kanila, maski pa sila magtampo kung kailangang bitawan mo na sila. Lumapit sila, nasabi mo na ang advice mo… pag matigas pa rin ang ulo, do not waste your time — CHOICE na nila yun. Paano naman yung iba pa? (Napalayo na naman sa usapan)

————————————————————————————————

Tricycle ako pauwi hanggang Laureola, kung wala maski maglakad na lang… Nasa bahay, pasado alas dos na ng madaling araw. Hindi naman apektado ang performance ko sa trabaho kinabukasan, kasi sanay naman akong kakaunti ang tulog nuon (kape, kape, at kape pa!), at nagna-nap ako tuwing lunch break. 😛 Ako pa? Andali kong makatulog sa sasakyan, pero nagigising naman ako pag malapit na bumaba. Pero nangayayat din ako nang husto. Buti na lang natapos na ang review nya bago ako nalipat sa Nueva Ecija.

Pag sabado from 6pm to 9pm, practice naman ni gerpren sa choir sa church nya sa Kamuning dahil sa nalalapit na Christmas cantata nuon. Sundo-hatid pa rin, pero this time, sa kanila na ako pinatutulog ng byenang hilaw ko. Linggo kinabukasan, kaya sama na rin ako kay gerpren na um-attend ng worship service.

Nung December 1989 (tapos na ang review nya pero naka-leave pa rin), coup attempt nina Gilinggo laban kay Tita Cory. Ito yung panahon na andaming uzzi na photographer-wanabee? Tapos pag natamaan ng ligaw na bala (Kaya? Ansarap yatang target ito ng mga triger-hapi!), galit na galit ang mga kamag-anak. Eniwey…

“Patay!” ekako… sarado ang EDSA, paano pa ko makakasilay?

Ahehe… e di yung silangang baybayin ng Laguna de bay! Paputol-putol na byahe nga lang ng dyip, at hindi ko na kabisado yung mga bulubunduking bayan na dinaan-daanan. At ang tagaaaaaaaal! Napabakasyon tuloy ako nuon ng ilang araw sa kanila, kasi hinintay ko na ‘mag-cool-off’ yung kudeta.

Paano na lang kaya kung walang daan sa gawing Laguna-Rizal?

May maiksing daan na tuwid papataas, kaya ko kayang languyin ito? Ahehe… ewan ko. Siguro. Minsan kasi nasubukan ko nang tawirin ito nung sinamahan ko ang dalawang kabarkadang weirdo ding paris ko nang gawin nung isa ang thesis nya. Sakay kami ng bangka mula sa Victoria hanggang sa Jala-jala.

Tulad nung nasabi ko sa itaas“Pag nandun na” Siguro susubukan ko… Maski “maka-bahay” ako, pag nakalabas naman e napaka-adbenturero.

Hindi ako fan ng grupong ito ha? Natatawa lang ako…😆

Kahit na ilang gubat ang aming susuungin

Flowers for me Kahit na ilang bundok ang aming aakyatin

hindi na kami, maaring pigilin!

Kahit na ilang dagat ang aming tatawirin

patutunayan namin sayo ang aming damdamin!

Babae, babae,

ikaw ang talagang dahilan!

Babae, babae,

ng aming pagkalalake!

Hagibis

Mga mister, gaano kayo ka-“macho” sa misis nyo nung mag-boypren pa lang kayo? Kumusta na ngayong mag-asawa na kayo?😆

I-date nyo si misis… may ilang oras pa kayo o! …nakawan nyo ng halik!!!:mrgreen:

Happy Valentines ULI sa inyong lahat !!!

Published in: on 14 February 2008 at 12:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/14/not-so-quick-lovers/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. wow. so sweet. happy hearts day po.

    homebodyhubby: happy heart’s day din sayo, fau. 🙂

  2. hanep… artistahin ka pala nung bata-bata ka pa, bok🙂

    homebodyhubby: hehe… alin dyan bok?
    ambaduy nga eh. 😛 lalu na yang nasa pinakababa? nakabestida lang kasi dyan si misis kaya ko ipinost. 😆

  3. cute naman ng luv story nyo, naalala ko tuloy nung college days ko kasi taga Laguna din ako pero Sn pedro nga lang. Happy hearts day!!!

    homebodyhubby: thanks…

    San Pedro yung unang town ng Laguna from Manila, right?
    happy heart’s day din sayo! (nalimutan ko yatang bumati sa blog mo) 🙂

  4. ** di ko inikot ulo q, nitagilid lang😛
    ** pag nag post ka tlga ng pix prang evolution😀

    – huwaw! napaka chaga mo nmn plang boypren😀

    naalala q tuloy yung BF q dati, evryday, halos 4 na oras nagbababad sa arcade ng isetan sa recto yun kakaintay sakin kc pang pang 11-3 xa at ako nmn 3-7, di na xa umuuwi kc malayo at doble pamasahe, pang arcade na lng daw..

    di q alam kung machaga xa tlga mag intay dhl sakin o sadyang adik talaga xa arcade games! LOls😆

    hapi balemtyms uli😀

    homebodyhubby: ahehe… ibig sabihin, 90° lateral
    head tilt lang nakuha mo na? kaw talaga ‘minyang’…😛
    evolution ng primate? 😆 kaw metamorphosis.

    isetann sa Quiapo — dyan ako nakumpiskahan ng balisong nuon 😛 …malay ko bang magulo pala dun? 😕 …saka iksi lang naman at utility knife ko lang …sabagay napulot ko lang. 😛

    hapi balemtayms din uli. 😉

  5. gwapings pala kayo nung bata pa hehehe.. napadaan lang po🙂

    homebodyhubby: bebi-face lang siguro… 😳
    salamat sa pagbisita 🙂 hapi valentine’s! (miski kahapon pa)

  6. yung may capiz na bintana sa likod… naaks… “taas-noo, para kita adams epol ko” hehehe

    homebodyhubby: ehehe… klarong-klaro nga ano?
    kase payatot ako nun! 😆 …nakalapag din kasi sa mesa yung camera — low-angle shot baga?
    pero kursunada ko yang piktyur kase mukhang sinauna.

  7. hi kuya.. belated happpy hearts day..🙂

    thanks sa comment..🙂 may reply ako din.. check nyo.. hehe..🙂

    ang sweet naman ng love story nyo..🙂

    gusto ko din nung nas likod kayo ng windows..katabi nyo po si wifey..🙂
    maikli pa buhok mo dun..🙂 haha!

    Gb!

    homebodyhubby: salamat pompom.
    kita ko na rin yung reply mo 🙂 God bless din, a-ding.

  8. […] Kaga-graduate ko (April 1987), yung isang barkada ko nagte-thesis pa! As a moral support, sinamahan namin sya (ni Juni) sa study area nya sa Jala-jala (mentioned in Valentine’s day post). […]

  9. […] Yung title ba? “Honeys year 20” yun.😳 28 September 1988 nung maging sweethearts kami ni misis. After about 18 months, she agreed to marry me… […]

  10. […] Bakit ba itong waswit ko — almost 21 years ko nang kasama (17 months 3 days as steady, 19 yrs 2 days as wife) wala akong matandaang nasabihan ako ng:

    “Ang tahimik mo naman!”😆 […]

  11. […] “Bakit kase duon sila tumira?” eka mo siguro.
    “Eh hindi naman nagkakagay-on nuon dun!” mariing sagot. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: