Gen-X

Napadaan lang saglit… Nagreply sa mga comments… Nagpaskel nitong… POST nga ba ito? 🙄 (Sabi ko two weeks… anyways maiksi lang naman ito)

Sins nung balentayms, hindi pa rin nakapag-iikot, maski medyo napangisi sa WP* administrasyon panel last week. (*WPWa–buhay! Pelepens…)

Sino na b’ang “mga sikat” ngayon? Ahehe… salamat sa pagpapakilala (Impressive! 😆 ). At least nayugyog sila para maglantaran mula sa kanilang mga mala-palasyong lungga. Sabi ko nga di ba: “Sainyo na ang blogosp— eheste, Yaman ng Bayan”? Hindi ako masyado nakakapag-internet ngayon — superbisi… kaya wala akong choice kundi manood ng TV tuwing gabi. Pero powtek… Pwe! Nakakasuka din nga… ahehe.

Uy, lapit na uli EDSA Eto na lang i-powt ko — pakita ko lang dalawa sa mga naitabi kong mga powters bago ang orig at awtentik na “People’s Power” (Just for powterity sake) :

1984-03 lakbayan1984-08 poster
“…ang silanga’y pupula, sa timyas (?) ng paglaya!”

Tagal na nito… may ipinagbago ba? Kung meron man, bakit parang nagde- de javu sa dati? …Baka naman ang “malas” ay yang napakalaking “Barbie doll” sa puso ng malapad na kalsadang yan?

Sori, pipol op da pelepens ha? TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN. Yung relihiyon naman ang kinokondena ko, hindi ang mga relihiyoso. Galing din ako dyan nuon at may barkada akong born-again na nangungulit sa akin. Hindi nya ako “makuha” kasi mas matalino ako sa kanya — ang galing ko kasing mamilosopo. Palibhasa UP student ako nuon (ehem! 😆 ), siya isa lang hamak na enlisted military man.

Hindi naman nag-give-up sa akin ang kumag. Nagtawag pa ng gerpren nya at pinagtulungan ako. Hindi ko naman maituring na pangunguyog ito dahil maganda ang kanilang motibo. Later nalaman ko, TAMA pala syaat ngayon laking pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi pala sapat ang TALINO LANG para mamulat ka sa katotohanan.

Baka lang may panahon (at barya) kayo para pumunta sa mga Christian bookstores at hanapin, bilhin at basahin ito:

Babylon Mytery Religion

Akala nyo ba’y nalulugod ang babaing ginawan nyo nyan? Namamahinga na nga yung tao sa langit, binubulabog nyo pa? Iniiyakan nya kayo ngayon dahil sa mga pinaggagagawa nyo sa kanya na alam nyang hindi naman dapat ginagawa sa kanya. Tao lang syaHindi dapat ina-IDOL (Exodus 20:4-5). (Kakaba-kaba talaga pag tinawag kang “idol” — di bale kung biru-biruan lang. Pag sineryoso mo kasi, pag “bagsak” ng “idol” mo, bagsak ka na rinkasalanan pa nung idol mo.)

Lumakad sana yan, nang madapurak kayong lahat.

On second thought, huwag na nga lang pala… yung luluha nga lang ng dugo, bilib na tayo — lalakad pa kaya? Baka isipin na naman nating ISANG HIMALA!

Aba’y daig pa nyan ang kay Lenin at Mao sa Russia at China.

Sayang ang tiwalang ibinigay ng ating BAYAN sa inyong mga tatang at mga nanang naming public servants diyan. Kailan kaya may mangyayaring HIMALA sa mga puso nyo? Sayang na mga TALINO. Sayang ang mga KALOOB sa inyo… Nagsipagtandaan nang paurong. (Paano ka ba lumaki at nangarap nung bata ka pa?) Nasa sariling bahay mo na nga ikaw, wala ka rin namang magawa. Makalabas na rin lang kaya?

INDI… buti pa, magtantahan na lang tayu? tige, KLIK mo ito.

Published in: on 21 February 2008 at 2:00 pm  Comments (8)  
Tags: , ,