Gen-X

Napadaan lang saglit… Nagreply sa mga comments… Nagpaskel nitong… POST nga ba ito? 🙄 (Sabi ko two weeks… anyways maiksi lang naman ito)

Sins nung balentayms, hindi pa rin nakapag-iikot, maski medyo napangisi sa WP* administrasyon panel last week. (*WPWa–buhay! Pelepens…)

Sino na b’ang “mga sikat” ngayon? Ahehe… salamat sa pagpapakilala (Impressive! 😆 ). At least nayugyog sila para maglantaran mula sa kanilang mga mala-palasyong lungga. Sabi ko nga di ba: “Sainyo na ang blogosp— eheste, Yaman ng Bayan”? Hindi ako masyado nakakapag-internet ngayon — superbisi… kaya wala akong choice kundi manood ng TV tuwing gabi. Pero powtek… Pwe! Nakakasuka din nga… ahehe.

Uy, lapit na uli EDSA Eto na lang i-powt ko — pakita ko lang dalawa sa mga naitabi kong mga powters bago ang orig at awtentik na “People’s Power” (Just for powterity sake) :

1984-03 lakbayan1984-08 poster
“…ang silanga’y pupula, sa timyas (?) ng paglaya!”

Tagal na nito… may ipinagbago ba? Kung meron man, bakit parang nagde- de javu sa dati? …Baka naman ang “malas” ay yang napakalaking “Barbie doll” sa puso ng malapad na kalsadang yan?

Sori, pipol op da pelepens ha? TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN. Yung relihiyon naman ang kinokondena ko, hindi ang mga relihiyoso. Galing din ako dyan nuon at may barkada akong born-again na nangungulit sa akin. Hindi nya ako “makuha” kasi mas matalino ako sa kanya — ang galing ko kasing mamilosopo. Palibhasa UP student ako nuon (ehem! 😆 ), siya isa lang hamak na enlisted military man.

Hindi naman nag-give-up sa akin ang kumag. Nagtawag pa ng gerpren nya at pinagtulungan ako. Hindi ko naman maituring na pangunguyog ito dahil maganda ang kanilang motibo. Later nalaman ko, TAMA pala syaat ngayon laking pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi pala sapat ang TALINO LANG para mamulat ka sa katotohanan.

Baka lang may panahon (at barya) kayo para pumunta sa mga Christian bookstores at hanapin, bilhin at basahin ito:

Babylon Mytery Religion

Akala nyo ba’y nalulugod ang babaing ginawan nyo nyan? Namamahinga na nga yung tao sa langit, binubulabog nyo pa? Iniiyakan nya kayo ngayon dahil sa mga pinaggagagawa nyo sa kanya na alam nyang hindi naman dapat ginagawa sa kanya. Tao lang syaHindi dapat ina-IDOL (Exodus 20:4-5). (Kakaba-kaba talaga pag tinawag kang “idol” — di bale kung biru-biruan lang. Pag sineryoso mo kasi, pag “bagsak” ng “idol” mo, bagsak ka na rinkasalanan pa nung idol mo.)

Lumakad sana yan, nang madapurak kayong lahat.

On second thought, huwag na nga lang pala… yung luluha nga lang ng dugo, bilib na tayo — lalakad pa kaya? Baka isipin na naman nating ISANG HIMALA!

Aba’y daig pa nyan ang kay Lenin at Mao sa Russia at China.

Sayang ang tiwalang ibinigay ng ating BAYAN sa inyong mga tatang at mga nanang naming public servants diyan. Kailan kaya may mangyayaring HIMALA sa mga puso nyo? Sayang na mga TALINO. Sayang ang mga KALOOB sa inyo… Nagsipagtandaan nang paurong. (Paano ka ba lumaki at nangarap nung bata ka pa?) Nasa sariling bahay mo na nga ikaw, wala ka rin namang magawa. Makalabas na rin lang kaya?

Harap kanaaaan… naaa! harap kaliwaaaa… naaa! …kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa! —- nagmamartsang GUYAM (LANGGAM) ? 🙄 …TO–NGOOOOINKS!

F. Agilar:

“Ibon mang may layang mag-fly-fly

Kulungin mo at magka-cry-cry…”

Pipita Corasisi:

“Pag pumanaw ang buhay ko

May isang pepet na iiyak!”

Ha? Hanu daw? Anukaya yun? Nakakainiiiiiiiis!!! 😕

Awanin… purbida… malay ko sayo… 🙄 Wlaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang kakwenta-kwentang post!!!

“Hanu ka? Dalawamput-dalawang ‘a’ yan!”

“O weno ngayon?” 😮

“22nd anniversary!” :mrgreen: (Sa wala akong maisip eh)😳

“Sumilip ka pa kasi, nang-atat ka lang… Mag-frame ka na nga lang!” 😕

Opo na po… baka lang kasi ekako gasgas na ang eardrums nyo sa mga kantang iyan sa itaas — eto sa baba ang isa pang medyo luma na rin, pero baka hindi nyo pa alam.

Sige uwi nako, balik hanapbuhay ule. I’ll be back next week. 😐

Patuloooong NAAA !!! ← beybing buyoy na guyam

PINAKAMAMAHAL KONG BAYAN

Pinakamamahal kong bayan, bakit ka nagkaganyan?

Langit mong inaasam, lupa ang binagsakan

Di ka na nga makaahon, patuloy pang nababaon

Kay taas ng ‘yong lipad noon, ba’t gumagapang ka ngayon?

Pinakamamahal kong bayan, ano nga bang dahilan?

Sa kabila ng pagsisikap, bakit pa rin naghihirap

Sa pighating lumalaganap, gumuguho ang pangarap

Kung sino-sinong tinawagan, Diyos pa ang kinalimutan.

Pinakamamahal kong bayang Pilipinas

Natatangi ang daan patungong bukas

Kung magkakaisa’y muling mabubuo ang pangarap

At nang minsan pa’y muling magapos ang paghihirap.

Bigkis nati’y panalangin

Sa iisang Diyos natin

Manumbalik sa Kanya hanggang wakas

Pinakamamahal kong bayang Pilipinas…

Pinakamamahal kong bayang…

PILIPINAS!

Mula sa Papuri! 13 album na may parehong pamagat -– “Pinakamamahal kong Bayan!” (Copyright 1992 PAPURI! FEBC)

There is a generation that curseth their father, and doth not bless their mother. (Proverbs 30:11)

Published in: on 21 February 2008 at 2:00 pm  Comments (8)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/21/gen-x/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. ok lang sumilip ako ng sumilip d2, di nmn ako nagkaka kuliti eh😀 .. pero ang kulit ng powt mu ngaun ha! Lols😆

    homebodyhubby: ako hindi rin tinutubuan ng kuliti…
    sore eyes pa — siguro sa katititig sa araw? 😆
    pero ngayon, maski maghiwa ako ng sibuyas, wa-epek na? 😦

  2. ako din eh.. nag-aabang sa bagong entry.😀 Tagal na nung 2 posters na yun ah.

    homebodyhubby: inabot din siguro yun ng father mo…
    baka nga sing-edad ko lang sya. 🙂

  3. haha.. natawa ako dun.. :0

    next week ulit..
    🙂 tama kuya, napagtanto ko din na ‘di sapat ang talino upang maunawaan ang maraming bagay lalo na ang pagmamahal ng Panginoon para sa ‘tin..🙂

    parang may nabasa ako tunkol sa Babylon Mystery Religion before.. pero sa phamplet lang saka sa Alberto ata.. nabasa nyo na po ba yun Alberto series?

    bayan natin ngayon, nakakalungkot lalo pag nanood ng balita sa tv..

    God bless po..

    homebodyhubby: huhu… ako natatawang nalulungkot. 😦
    yung kay father alberto (ex-priest), sa crusaders comics yata. oo nabasa ko lahat yun.😀 antindi nun.

  4. uy kuya hubby cenxa.. na ngayun ko lng nkita ko.. kc akala ko sarado pa bhay mo.. kc magpapahinga ka dw.. hehhe.. kakapanganak ko lng yan.. nung inirelease yang pic na yan… slamat sa pic nkita ko ang IDSA hehhee.. ibang klase ka tlga kuyahubby

    homebodyhubby: ibig sabihin —-ty-four ka pa lang?
    bata ka pa nga…🙂

  5. […] ‘AMEN’ ka nang ‘AMEN’ dyan… edi IYONG-IYONG NA! Ako’y umay na umay na sa MGA DIY—an ! […]

  6. […] Nag-aantay pa ako ng tawag sa una kong trabaho (May 1987) kaya nakakapaglakwatsa pa ako! Eto naman yung barkada kong enlisted ‘military man’ na binago ng Panginoon (mentioned in “Gen-X” post). […]

  7. hi there…

    i just went through you anr your friend’s blog(jezreel i think is the name) and i found out that you read Alberto and the Crusaders Comics… I’m also a Christian and I’m always blessed being reminded on how God has been so real in my life. On how he has taken me out of the miry clay that i was with before… i just got even more blessed by your comment and your life as well…

    “For our light and momentary troubles are achieving for us an eternal glory that far outweighs them all.” – 2 corinthians 4:18
    Thank you…
    Godbless

    ————————————————

    HBH: Hello, my brother friend!
    Thanks for the visit — and for the encouragement as well.
    To God be all the glory!

  8. […] Nung 1986, halimbawa, ang umani ng mga papuri ay
    ang mga matataas na taong naruon, o di kaya’y ang mga nakaabitong mas tanggap ng marami na may karapatan sa usaping maka-Diyos (dahil sila ang kinagisnan) , may hawak
    na mga kwintas-agimat at barbidals na ngayo’y may malaking heavy metal version dyan sa EDSA. Pero ilan kaya ang nakapuna sa mga evangelical Christians na naruong nakimartsa at nagpahayag ng suporta para pababain ang diktador, at higit sa lahat taimtim na nanalangin sa tunay na Diyos na sinasabi
    sa Bible? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: