Biyutiti-i-ar, epelway –baterplay!

1. Ahehe, ang saya-saya!😆 2. Ang daya ni gerpren, pinanuod na lang ako!
3. Arghh! Andami tanong, indi ko malunok ang sandwich ko.😳

Memoryado nyo ba yung kantang Paru-parong bukid?
Kantahin nyo nga, with this lyrics:😆

B, U, T, T, E… R ! … F, L, Y, —Butterfly !

B, U, T, T, E… R ! … F, L, Y, —Butterfly !

B, U, T, T, E… R ! … F, L, Y, —Butterfly !

B, U, T, T, E, R ! … F, L, Y, Butterfly!

B, U, T, T, E, R ! B U, T, T, E, R !

B, U, T, T, E, R ! … F, L, Y, Butterfly !

Yan lang naman po ang saliw na tugtog habang katuwaang pinasayaw kaming dalawa ng gerpren ko sa kantyaw ng isang friend at churchmate namin. Bakit ba naituro ko pa sa kanya ang kanta? Nabisto tuloy na kaliwa ang pareho kong paa!

I should have posted this a week ago. Kaso kahapon ko lang muling nabuklat ang aming photo albums. February 18 is a memorable day for us, because about two weeks after…

dyan, dyan, dyaran-dan-dan-dan-dan, da-ra-ran, dan-dan…

dyan, dyan, dyaran-dan-dan-dan-dan, da-ra-ran, dan-dan.

dyan, dyan, dyaran… dyan, dyan, dyaran…

Medyo tuping-tupi pa ako nuon dahil bago pa lang naman akong nag-a- attend sa church na iyan kung saan matagal na si gerpren. Pero lilinawin ko ha? Hindi ang misis ko ang rason kung bakit ako naging born-again. In other words, hindi niya ako chrinistian at hindi rin ako nagpa-kristyan para lang makasal kami.

Iyan ang gusto kong sabihin sa mga kapwa ko Bible-christian na binata’t dalaga ngayon. This post is aimed at you, my unmarried brothers and sisters in Christ — ikaw na makakabasa nito, blogger ka man o hindi. (Though practically speaking, what I am about to say holds true for other faiths or religions as well)

Pumili kayo ng kamananampalataya nyo. Malimit nyong marinig na sinasabi ng pastor nyo na:

Do not be yoked together with unbelievers. (2 Corinthians 6:14)

Huwag yung may ma-“kras”-an ka lang, “ki-kristyanin” mo na para maging katanggap-tanggap sa church nyo at pwede mo nang maging boypren o gerpren. Hindi maganda yung minahal nya lang ang Diyos dahil sayo. Hayaan mong makakilala muna sya sa Panginoon. Dahil kung talagang kayo ang para sa isa’t-isa, ang magkatulad na relasyon nyong iyon sa Kanya ang magbubuklod sa inyong dalawa.

Pag pinangunahan mo kasi, malamang pinagbibigyan ka lang nyan hangga’t hindi pa kayo mag-asawa. “Best foot forward” eka nga… pa-impress baga?. Pag nakasal na kayo at hindi naman tutuong ‘nakakilala’ yan, balik yan sa dating gawi at wala ka nang magagawa, dahil hindi naman ini-encourage ng alinmang bible-christian church na hiwalayan mo ang asawa mo on the basis na iba ang relihiyon nya. Ang desisyon ng “pagkalas” ay nasa umpisa habang hindi pa kayo mag-asawa (O baka naman hindi ka makakalas dahil PINAGBIGYAN mo na sya?)

Minsan, yung makapag-asawa ka lang ng foreigner, mahirap na adjustment na dahil may cultural differences dyan. What more kung sa isyu ng spiritual beliefs? Maliban na lang siguro kung ready kang mag-give-in sa kanya, o kaya kaya mo syang anderin. Sabagay, dyan naman yata sa area ng relihiyon pinakamadaling magpakabalimbing.

I have nothing against marrying a foreigner. We have a few Filipina church mates who are married to foreigners, and each couple is now serving as missionaries, here in the Philippines or abroad and their marriage and family are being continually blessed by their submission to God’s plan in their lives.

And look at the Koreans! Marami na ring mga Koryanong bible christians. Sila na hindi nagmamayabang as being “the only Christian country in Asia” ay mas progresibo na sa atin ngayon within a span of only a few decades no doubt dahil sa tamang pagkakakilala sa Panginoon.

This is a common statement ever since (iwas-pusoy na palusot ko rin ito nuong 1980s):

“Di baleng magkakaiba ang relihiyon basta importante iisang diyos e okey lang.”

Tatlong major world religions lang naman ang monotheistic Judaism and Islam, which both came from a common Semitic ancestor Abraham, and Christianity, which is “the sprout” of the Jewish faith. Bakit ito na ngang may iisang Diyos (na magkakaiba ang pangalan) ay naggigiyerahan pa? So the issue is not on the one God, kundi sa pagkakakilala sa Diyos at ito’y nai-discuss ko na sa RELASYON” …the second time around!

Paano naman sa case ng mga polytheistic religions na napakaraming Diyos?

May isang babae na nag-asawa ng Japanese na Buddhist, dahil “datung” ang habol nya syempre nga naman, buong angkan nya, binubuhay ng kanyang hubbyng Hapon. Nung tumanggap siya sa Panginoon ay wala na syang magawa kundi ang ipanalangin ang asawa na makakilala din, dahil sya mismo hindi maka-attend ng fellowship ng mga bible-christian. Makapal nga ang bulsa nya, hungkag naman sa JOY o true happiness ang buhay niya. Pilit na lang nilulunod ng mabibili ng ‘lapad’ ang emptiness nya. (Dont give up, kapatid… maraming fellowships dyan sa Japan, at marami nang Hapon ang naging Christian.)

Balik tayo dun sa stag-shower sa itaas…

Hehehe… Feeling ko nuon parang kinikilatis nila akong maigi habang nagsasalita ako dito. But I was glad, dahil patunay lang na may malasakit sila sa girlfriend kong church mate nila… atsaka hindi pa naman nila kasi ako ganuon kakilala.

Siguro nga kung hindi ako naging mananampalataya, my GF could has been another desperate woman. But in the first place, hindi naman sya pipili ng hindi nya “kapatid” and that is what sets women like her apart from other. Kung hindi sila steadfast sa faith nila, siguro nagpauto din sila sa mga BOLERO at nalamangan rin sila ng mga naunang boyprens nila. 😕

May experience ka bang ganito? CLICK THIS for a post on this baka sakaling makapag-isip-isip ka at ma-heal ng Panginoon ang galit mo first sa “ex” mo, and later sa buong “ka-lawit-an” sa mundo.

Truly… sobrang “pagmamahal” o “pagtitiwala” o “kalibugan” o “kalandian” o “katangahan” maski ano pang gusto mong itawag dyan can lead to a broken-heart. Okey, I understand you… hindi ko ito binubulatlat para pasakitan ka gusto ko ngang GISINGIN ka para TIGILAN mo na ang “pananakit” na matagal mo na sigurong ginagawa sa sarili mo… 😐

THIS IS MY POINT: Broken-heartedness can lead to HATRED, and hatred of that kind breeds a general prejudicial attitude AGAINST the opposite sex. This is the reason why there is a “battle between the sexes” the extremist philosophies of male chauvinism and women’s liberation movement. Hindi ito ang disenyo ng Diyos para sa mga lalaki at babae.

Pag pa-galingan ang parating nasasa-utak mo, maski makapag-asawa ka uli, hindi rin kayo magtatagal dahil “kakumpitensya” ang tingin mo sa asawa mo. Dapat PARTNER! (Huwag mong baguhin ang ispeling…)

Basta kami ni misis, walang problemang ganyan. Salamat na lang hindi ako naging bolero nuon… or else Choi could have been another angry biased man-hater. See #12 of this tag:

“Triple-tripleng BENTE”

Once again: it is a matter of your CHOICE. Nasasa iyo yan… Alagaan mo ang galit na yan at patuloy kang makipaglokohan. Tumatawa ka lang naman pag marami kang kagatungan na kaparis mo ang sinapit. You are just licking each other’s wounds, don’t you know that? Lalo ka lang nagiging deprived sa responses mong ganyan. Kaya pag nag-iisa ka na… o anung lungkot ng iyong buhay! Ang nagtitiwala sa Diyos, hindi nalulungkot maski nag-iisa. Ingatan mo lang yan at baka kung SAAN mauwi ang anti-male o anti-marital relationship na attitude mong yan.

Kayo man mga bogoys… woman-hater ka ba, p’re? Kaya ganun na lang ang panloloko mo sa mga babae? Alalahanin mo ang mga kapatid mong babae. Kung wala kang kapatid na babae, ang nanay mo. Kung suklam ka sa nanay mo, ang magiging anak mo na baka babae rin. Kung wala pa rin, ahehe… bahala ka na nga sa buhay mo.

Kami ni misis, natutuwa pag nakakakita ng mga “sweet” na magsyota. Lalo na yung mga maski senior citizens na ay nag-swit-un pa? 😆

Ikaw na man-hater, anong napi-feel mo kapag nakikita ka ng “sweet” na magkasintahan? Natutuwa ka rin ba para sa kanila? O napa-praning ka at iniisip mong ini-INGGIT ka?

“Anlalandi! Mabuntis ka sanang babae ka, at iwan ka ng boypren mo!” eka mo pa siguro.

O kaya ang tingin mo dun sa babae ay nai-insecure o pinagseselosan ka dahil AKALA mo takot si babae na agawin mo ang boypren nya? (Napakaganda mo kaya? Tumingin ka sa salamin… yang gandang yan kukupas din yan kaya huwag yan ang maging obsesyon mo — mabibigo ka lang. Yang karakter mo ang pagandahin mo)

Halos ipagdasal mo bang sana magkagalit sila? Mas masahol, baka ikaw pa ang maging instrumento para sirain ang magandang pagsasamahan ng mga mag-asawa you homewrecker!😦 Maawa ka sa kanila lalo na sa mga anak nila!

Basahin mo ulit yung post dito sa link, mukhang hindi mo ni-CLICK kanina:

Ang Dakilang Tita

Deal with it properly… huwag mong pagtuunan yang nawalang virginity mo, dahil maski ano pang scientific theory mo na baka sakaling bumalik yan nang kusa, the NEGATIVE FEELING is already there. Why don’t you go back to God and ask Him to HEAL YOUR HEART from HATRED instead?

Pasensya na po sa iba, alam nyo namang ganito na ang mga ‘tema’ ko simula pa nung bago ko kayo nakilala. Check it out for yourself You can go back to my previous posts before your very first comment. Baka nga nasabi mo pa nuon na kaya ka kusang-loob na nagsimulang mag-comment dito ay dahil nakaka-RELATE ka? Kaya huwag kang magalit sa akin, dahil paano naman yung IBA, kung sakali mang may darating pa? Pero SANA nga, WALA na — ibig sabihin, WALA NANG may ganitong problema! Sinabi ko naman na nuon pa, I cannot adjust the content of this post to fit anybody’s preferences (with or without “followings”).

If you want to claim this messages as yours, no problem… it’s free anyway. Sa ito ang angkop na TOPIC sa okasyong stag-shower ngayon. 😛

Sori dun sa mga naka-misinterpret sa akin. Kaya nga pag pinupuri ako, pilit kong inililiko ang credits sa Diyos. Ayaw ko nang iniidolo! Eksampol” pwede pa, dahil may mas mataas na pinanggagalingan ang kung anumang kagandahan ng isang halimbawa. At kung may pingas man sa mga ine-eksampol ko dito sa buhay ko, iyon ay pagpapatunay na pangkaraniwang tao lang ako.

Malaki ang utang na loob naming mag-asawa sa mga kapatiran namin na nasa mga litratong yan sa itaas sa kanilang patuloy na pagpapanalangin sa aming relasyon bilang mag-asawa. Even the speaker (also our church mate), na hanggang sa ngayo’y patuloy na ginagamit ng Panginoon sa paglilingkod bilang head ngayon ng Navigators, Philippines. A very compassionate man and well-gifted with wisdom. (Buti pa si Kuya!) Hindi namin sila nakuhang mag-asawa na maging ninong at ninang sa aming kasal, pero ilang beses rin naman akong nakahingi na ng payo sa kanya tungkol sa aking conflicts with my wife during the early stages of marriage, at sa aking trabaho nuon. Napa-humble nyang mang-rebuke (oo, ‘nasermunan’ nya na rin ako nuon — at tinanggap ko naman positively).

I am sure, hindi ko naman sila binigo. Kung meron man akong mabigat na pagkukulang ay ang pagiging inutil na kristyano ko ngayon dahil sa kasalukuyan, hindi na ako nakaka-attend ng maski anong fellowship at worship services. Wala rin akong matatawag na church ministry hindi kaparis ni misis na sa simula’t-simula pa ay walang patid sa paglilingkod. Maski na malayo kami ngayon sa home church namin sa Kamuning, sumasama sya sa praise and worship group dito sa isang local church sa probinsya. Pasasaan ba’t darating din yun…

Our marriage bonds have been going stronger thru all the years. Thanks to you, brothers and sisters… our prayer warriors.

And to those who want to keep me silent from sharing these, kaunting panahon na lang ang ipaghihintay nyo. Pramis yan.

At salamat nga pala sa mga FRESH na broccoli, carrots at lettuce.🙄 ??
Ahehe… kadadating kasi galing sa Baguio ni misis, nanuod ng Panagbenga!” Kahapon, kasama ang tatlong dalaga. Piyesta na naman ang aking mga DAGA!
Hanep ka nga SUMEGWEY, koya!

Next post: Photo-finish

(ang pinakahuling “iTinAwaGsa aking pananahimik… ni repah)

Published in: on 25 February 2008 at 1:30 pm  Comments (8)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/25/biyutiti-i-ar-epelway-baterplay/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. wahihihi! si ninong sumsayaw!
    alam ko yang kantang yan! Fly fly fly butterflY!
    hahahaha!
    Ninong tapos na flower festival!
    Yaong floats tapos na rin!
    Punta ka ninong sa blog ko, makikita mo dun yaong iba’t ibang floats! sensya kung mejo pangit pagkakakuha kasi pangit yaong lugar ko at di nmn kagandahn yaong camera ko! low tech!
    hehehe!
    Yan po ha!

    homebodyhubby: wahehe… galing timing mo,
    kapo-post ko lang at hindi pa ako nakakapag-sign-out.
    iba pa yang Fly fly fly butterflY!

    galing dyan si ninang mo😛 kasama ang tatlong dalaga — dalawa taga-dito, isa taga-bisaya. nung byernes sila pumunta dyan tapos kagabi lang siya umuwi… may pasalubong nga sa aking “Chowking Panagbenga 2008” na karton, pamaypay yata ‘are?

    napanuod nila lahat — street dancing saka float parade! 😀
    pati yung landscape na kaunti lang daw ngayun? balita ko triple dami ng tao kaysa last year.

    sige puntahan ko blog mo, hangga’t nandito pa ako, ahehe. 😛

  2. sayng at alang video yung sayaw nyo kuya..😀

    dapat punta din ako baguio kaya lang kasi gagastos ako sa march, sayang naman.. AKo din kelangan ko ng mga gulay eh, hehe😀

    homebodyhubby: uu hindi pa kasi uso digital video at
    celphone nuon — betamax at VHS pa lang! 😆

    lapit lang kasi kami sa baguio, mga 3 hours kung rented van… at may mga pinsan si misis dun, yung isa nagtuturo ng Korean language at family driver ng isang Korean family.

    pag nagawan na ng bahay ang lote namin ni misis duon
    (kelan kaya yun?) 🙄 at pag nandito ka pa, invite ka namin… magboypren pa lang kami, yun ang plans namin — ang tumanggap ng mga kaibigan at kamag-anak na napapasyal sa baguio para hindi na sila mag-rent for transient duon…
    but as of now i cannot tell kung duon ang talagang “will” sa amin ng Diyos. 😦

  3. ay uu nga iba ata ung naisalitype ko! Ah bsta ung nitutukoy ko eh ung b-u-t-t-e-r-f-l-y butterflY! tune nya eh paru-parung bukid! wahehehe!
    buti pa si ninang may nakuha na paypay ako wala!

    pumunta lang kami baguio kahapon. . .
    kasi un lang gusto ko panoorin eh!

    homebodyhubby: ahehe… ‘lam mo din pala kanta.

    si misis ko nga lang daw ang naabutan ng pamaypay,
    yung 3 kasama nya wala! indi ko alam kun pano nanyari yun, samantalang maiksi lang naman kamay nya saka paa? 😆

  4. tama kuya..🙂

    ewan ko, para lang sakin.. somehow, it’s struggle for “young” believers ang pagkakaron ng bf/gfs na hindi mananampalataya.. kaya talagang dapat we hold on to what God has promised.. sabi Nya naman na He has the best for us..🙂 gaya po ng sainyo ni wifey choi..🙂

    meron din for us “young” christians in the future.. haha… future kasi bata pa naman ako.. haha!

    God bless po!

    homebodyhubby: you’re right there —
    about the struggle, ako man dumaan dyan…

    pero alam mo bang yung una kong (ex) GF, believer pero
    may pagka-liberated ang lifestyle ( “young” din nga sya nuon, maski matagal na syang believer) ang nag-encourage sa akin about my blossoming faith pa lang nuon?

    though hindi kami ang nagkatuluyan, wala kaming tanim
    na galit sa isa’t-isa… somehow i am really thankful to God
    na naging girlfriend ko sya (maski it is very painful for both
    of us at regretful para sa akin nung “hindi pala kami”)…
    pag naaalala ko nga sya, ang prayer ko lang ay maligaya na sya sa kanyang pamilya (hindi ko alam kung nag-asawa sya).
    but i’m not insinuating na gayahin sya ng mga dalagang christian ngayon in the matter of pagboboypren ng isang non-believer na paris ko nuon… risky…

    yang “God’s best” tutuo yan.
    kung talagang “will” ng Diyos na makapag-asawa
    ang isang tao, may inilaan para sa kanya.

    sa case mo, i can see na malayo ang posibilidad na mapariwara ka, kasi nakikita kong close ka sa pamilya mong napakasasaya… ang malimit lang naman napapahamak ay yung mga hindi masyadong close sa parents and/or siblings nila (lalo na yung may mga parents na very permissive ang values)… it is not hopeless, though… pwede naman silang maging close sa “TATAY” nila, di ba? 😉

    anhaba na naman ng reply ko… 😛

    yes… our “TATAY” bless you din! 😀

  5. bat parang arimunding munding ang sinasayaw mu?😀 di k b pastor sa inyo? magiging veru efektib kang pastor, magaling ka manermon eh😀

    i mean, tumatama ng hindi bumubukol … i mean, di nkakapikon kundi nakaka tats😀

    homebodyhubby: hahaha… natawa ako sa arimunding- munding. 😀 ito yung mga kinakanta pag nilalaro ang mga baby, di ba? ehehe… ‘to lang kasi ang alam kong indak sa
    tune na yun eh. 😆

    ang una kong basa sa huling linya mo “nakakatawa”
    kasi nakatawa yung emotikong mo. :mrgreen: buti ka pa ‘mine’
    hindi napipikon! bakit yung iba nanggagalaiti pa. 😕

    pero ayoko ng nakaka tats lang, kasi kaya yun gawin ng
    mga telenobeladrama… sana nanunuot sa puso at nagpapa- bago sa buong pagkatao… sabagay trabaho na yun ng Diyos (depende sa pagsa-submit sa Kanya ng tao).

    pastor? nuon sabi ng isang commentor ko, baka pari ako… hindi ako pastor… mahirap pasukin ang pagpapastor nang walang “calling” …writer siguro sa telenobela pwede pa? :mrgreen:

  6. wahaha.. ang bangis.. bagets na bgets tlga kayo… sana nagpaturo kyo sa akin sumyaw ng paru-parung bukid.. sinyaw namin yan nung field day nung elementary.. napaisip tuloy ako mla milenyum na ang pagsasama ng iyong wifey dahil tlgang ang bagets ng porma nyo dito… pwede na ito sa puto-tag.. hehe

    homebodyhubby: Ang isang gusto kong matutunan ay yung daki-daki (itik-itik)😆 marunong ka ba nun?

    Mas maganda ang puto-kutsintag ko, antay mo.😉

  7. […] Mga dalaga, ingat sa mga boboyprenin. Nasasainyo ang kontrol nyan. Hindi ka pipilitin nyan kung talagang AYAW mo. Kung alam mong gago, huwag kang basta-basta magtitiwala at baka mapagsamantalahan ka pa! […]

  8. Turn-off naman ako
    sa ilang ↑ koryans! ► “legalising” adultery
    Wahapen tuyu?

    Oh, that will we fine!
    If it’s legal, it doesn’t matter na if it’s wrong .


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: