PHOTO-finish

sinaunang putokraperdzapayuking putokraperkapten dyak isparo

During my former employment, I was caught in the middle of analog-to-digital transition of photo-imaging. Nuong hindi pa uso ang digital camera at photo-editing computer software,😆 I had been doing things the HARD WAY. Eto ang tatlo sa mga pinag-praktisan ko nuon (you may CLICK on the thumbnail for a larger me :mrgreen: ) — simula sa mano-manong slide magic technique of multiple FILM exposure (photo #1, 1993). Sinadya kong piliin yang una para ipakita ang SABLAY… Salamat na lang dahil later nauso ang computer. Yung pangalawa ay pinagpraktisan ko gamit ang Aldus Photoshop 1.0 (? Japan training, 1996), at yung pangatlo gamit ang Adobe Photoshop 5 (?) bago ako mag-resigned sa PhilRice nung year 2000.

Samakatuwid, hindi pa iyan ang sagot ko sa TAG ni repah sa akin.

Pasensya na po kung parating piktyur ko ang mga ineeksampol ko. Some “mind-reading” experts can brand me as narcissistic (or whatever jargon of their choice). Just let them, they are entitled to their opinion (and judgement).

I was a photographer, and honestly, I like “playing” with images of my face, but in just the sheer enjoyment of showing its varied “faces” (pero hindi ako multiple-kara ha), or image-manipulating it. Unang-unang, myself is the “ready, willing and able subject.”😆 (Kung yung mga PAINTERS nga, may mga self-portrait na tinatawag).

Napapansin ko kasi minsan, kung sino yung barbero, sya ang hindi maganda ang hairdo. Kung sino ang karpintero, siya ang walang mauwiang bahay. Kung sino ang magsasaka, siya ang walang maisaing na bigas. Kung sino ang mga judges… di bale na nga. Basta it’s time to break this “RULE.” Parang dentista, malulusog ang mga ngipin. Duktor, malusog ang pangangatawan. At halimbawang duktor, saang organ ka ba nag-specialized? Kidney ba? Heart? Sa phallus? 😆 O sa hypothalamus? (saan ba yun?) 😯 (isip, isep!) Maski ano pa ang “expertise” mo, dapat lang na naia-apply mo sa sariling pagkatao mo. 😉

Wala namang kaso kung kukuha ako ng ibang model — nuon ginagawa ko yun. Pero bakit naman ako magpapakita dito ng hindi nyo kilala? Baka mamaya, magalit pa sa akin ang imo-model ko, dahil “pinaglaruan” ko at isinalpak sa internet ang kanyang fez.

Wala itong ibang ibig sabihin: hindi ko ipinagrarangya ang aking pagmumukha, pero hindi ko rin naman ikinahihiya. Hindi ko ginagawa ito para magpa-“glamour” …maski nga angsama ng hitsura ko, okey lang. Subukan mong tignan ang mga “unglamorous” poses ko kasama ang mga pamangkin ko (lalo na yung with Kevin) dun sa Mananatiling BATA post.

Turn-off ang maraming piktyur ko dito, di ba? Bigay na bigay ang pagiging ugaling-bata. :mrgreen: But I dont care… sabi ko nga sa’yo, hindi importante kung maganda o pangit ang itsura ko sa paningin ng iba — basta huwag lang bulgar at malaswa. Baka kayo’y tuluyan nang masuka! 😆

And let me inform you, PHOTO ng blogger talaga ang involved sa TAG na ito… mag-ikot ka sa WP Pinoy blogosphere, marami nang gumawa nito. Kung gusto mo gumawa ka rin maski walang nagta-TAG sayo.

Mamaya, may makikita kayong piktyur ko na “mukhang-Hudas” sa ibaba.

“Bakit may ‘finish’ pa?”

Tagal na kasing nauso nito, kaya lang ngayon ko lang naharap ang photoshop tag na ito ni repah.

“Ah… okey!

Sandali meron pa… tungkol sa word na ‘finis’ —

Nung elementary ako, may titser akong taga-Mindanao yata yun? Para yaya kung mag-inglis. Pag may written quiz o exam kami at ipapapasa nya na, eka nya:

“Fenish or NOT fenish, pass yur pepers!”

Ang pagkakaintindi ko tuloy sa ibig nyang sabihin ay ito:

“BOYS or GIRLS, pass you papers!” :mrgreen:

“Robert ha, ambastos mo!”

Sori po, ngayon lang ulit yan. 😳 Para ‘fenis’ lang… (harump! inulit pa!) Ha’nyo, last na yan tutal last day of the year ngayon, at ang new year’s resolution ko, babawasan ko na ang pagiging green.”😆

“Anu namang last day of the year ang pinagsasasabi mo? Baka katapusan ng buwang ito ng Pebrari ang ibig mong sabihin!? Ulyanin yo na talaga!”

Hindi kaya… 😛

Nung sinisimulan pa lang gawin ang kalendaryo, March ang first month. Pansinin moang September na ang pagkakaalam natin ay 9th month, ay galing sa prefix na “Septa” o “seven.” Ganun din ang mga sumunod na buwan: October (Octaeight), November (Nonanine), at December (Decaten).

“Hongah no? pano nanyari yun!?”

Tamo… nangsasabi ka agad ng ulyanin — hindi mo lang pala alam. Basta February ang last month of the year nuong BC kopong-kopong — pero hindi ko inabot yun! 😆 I-muestra ko na rin nga sayo ang mga pinanggalingan ng mga pangalan ng mga months na iyan.

JanuaryJanus” a Roman god with two faces (eto ang talagang balikharap), one on each side of his head (ay, kabilaan pala), symbolic deity of the gateway.

FebruaryFebruarius” a Roman festival of purification. Initially this was the last month of the year (March being the first) and also the shortest, with only 28 days.

MarchMars” a Roman god of war. Bakit kaya… marami kayang giyera pag Marso?

Aprilaperire” latin word for ‘to open’ referring to the opening of buds, the reappearance of green leaves and the general sense that the womb of nature is opening itself to the creation of new life.

MayMaia” a Roman goddess, like Ceres who was Mother Earth and great protectress of the harvest. “Flora” the goddess of flowers was also associated in this month.

JuneJuno” the ‘venerable ox-eyed’ wife of Jupiter (Roman chief deity), was the official guardian of women and marriages.

JulyJulius” Caesar, a Roman emperor and one of the great calendar reformers of history. It was his idea to call the month after himself, but since he was regarded as something of a god, the vanity of his gesture should not be despised.

August — originally called “Sextilis” as it was the sixth month from March (one-time first month of the year), but was changed to “Augustus” in honour of Julius Caesar’s successor as emperor, Caesar Augustus. Ahehe… hindi nagpatalo?

Hindi pa tapos, eto pa:

Nuon, 30 days lang ang month of Sextilis (August), samantalang ang July may kumpletong 31 days. Nangamba ngayon itong si Augustus na baka isipin ng mga tao na mas magaling na emperor si Julius Caesar kaysa sa kanya. So ang ginawa nya, ‘kumuha’ ng isang araw sa February, at idinagdag sa ‘buwan niya’ (dagdag-bawas? Eheste bawas-dagdag pala)

Yung mga buwan na may buntot na ber ay alam nyo na…

September“Septa” o seventh month of the year (starting from March)

October“Octa” (eighth month)

November“Nona” (ninth month)

December“Deca” (tenth month)

(source: galing lang sa paperback ito ahehe… search nyo na lang sa internet kung tutugma nga dito sa nabasa ko lang)

Ahehe… napansin nyo siguro: andaming diyos-diyosan ang mga paganong Romano nuon? (Walang kaso sa mga pangalan ng mga months na yan). Ngayon namana natin sa kanila ang similar practices na yan sa dami naman ng ating mga santa at mga santong pinapadrino.

Si Christ mismo ang nagsabi nito:

God is spirit, and his worshipers must worship in spirit and in truth.” (John 4:24)

Gusto nyo pa bang malaman kung saan nanggaling ang mga pangalan naman ng days of the week?

“Huwag na kaya… kung saan-saan ka na naman napunta. Andami nang deboto ang galit sa’yo. Mag-pass ka muna sa kasesermon mo tutal tag naman ito!” 😕

Ahehe… ayos ba ule sa segwey, ateng?

ANG PUTO-TAG SA AKIN NI REPAH

Eto na yung pinakahuling tag sa akinang puto-tag… Kaya lang, hindi pang-magazine ito, repah — pang PENIKULA!😆

All along, AWARE naman ako dito (maski hindi personal na naihatid sa lungga ko). At awa naman ng Diyos hindi pa naman ako ganuon katanda para maging malilimutin. :mrgreen: Kaya lang talagang magkakasunod yung tag, medyo MATAGAL pang GAWIN ito, tapos BUSY pa ako sa pagpe-FRAME (ahehe… kailangan ko pa bang ulit-ulitin yan?)

Medyo naguluhan ako sa huling tagor maybe, “iTinAwaG is the more appropriate term. Hindi ko kasi malaman ito kung TAG o “ano?” Gagawan ko sana ng photo-tag kaparis nung mga “pelikulang” nasa ibaba, kaya lang nung i-search ko na ang particular WORD sa internet, andaming ibig sabihinmay pelikula, may TV series, may pangalan ng banda, may libroambiguous, in other word.

Nung tignan ko naman sa dictionary, iisa lang ang ibig sabihinaysusginoo, ambigat! ANTINDI! (huhuhu… repah anon tatalanan to ta ‘yo?) 🙄

Kung kelan pa ako nanahimik saka pa ako naging isang Intruder (ano bang naglalaro sa isip mo, ateng?) 🙄 ano namang inINTRUDE ko sa’yo?😥 ahuhuhuhu…

Sana tita, tinawag mo na lang akong extruder — tanong mo sa akin kung baket? 😛 o kaya exhumer kasi ayan o… ginapangan pa ako ng kutakutakut na alakdan para laang maitulak palabas ng piramid ang sarcophagus na iyan.😥 ahuhuhuhu…

“’ala ka repah… pinaiyak mo na naman si kuya hubby!” 😛

Hokey ERASE! ERASE! 😀 Huwag mo na isipin yun. Charush lang yaan…😉

Pero… huwag na bigyan ng ibang kahulugan yung “pananahimik” ko, ha’ne? 😉 Nasabi ko naman na ang RASON sa mga nagdaang post ko, di ba?

And this emoticon😉 that to me is a symbol of TRUST (huwag bigyan ng malisya)HINDI pagiging “presko” o BOLERO. I am sorry sa mga bad experiences nyo sa iba. 🙂

Ako nama’y na-epal din nuon eh, lately… (ngayon? 🙄 …hamo na, konti lang naman!) — But I remain. 🙂 TRUST ME, take it or leave it. 😐

Handaming EMOTIKONG sa itaas… 🙄 prang mga tagyawat? (huwag ka kasing magpuyat sa kaba-BLOG!) 🙄 HINDI parang mga dilaw na NUNAL? Ehhe, may mamerde-merde pa! ngiii! hangkuleeeet ay! 😕 basta indi mga BOLA yan… ARAW yaan!

Anyway, eto yung answer ko sa pinakahuling TAG. 😎 natsilaw sa alaw

TinAwaG Mula sa Aking “Pananahimik”

Dyeraaaaaaaaaaaaaaaaaan! (18 “a” naman yan)😉

awoooooooooooooooooo!!!

HINAYAAN ko na po sa dating mga pagmumukha nila yung dalawang kontrabida (Iskurdapyon King at Mummy Imhotep) — kasi po pag isinalpak ko rin ang mukha ko sa mga pagmumukha nila, OBLIGADO rin akong ilagay ang mukha ng misis ko sa fez ng babaing kontrabida (Anck-Su-Namun)… Ayoko nga! — kita ang galing sa dodo ng cow!

The Mummy ReturnsWalang ibig sabihin ang title nyanI’ll stick to what I have said. Kung bumalik man ako ngayon, hindi rin gaanong magiging regular.

Kung gusto nyong makita yung tutuong SINE na pinanggalingan nyan, CLICK nyo lang ‘to tambneyl

Ayaw padaig ng mga HAMSTERS ko, kaya sempre meron din sila:

GADa seyb da chiz!

Kita nyo naman… maski pa umekstra ang French actoRAT na si Ratatuwe, yung isang BAOG at Isang BYUDO na mga hamsters ko pa rin ang BIDA! Kaya ang kanilang mga kapamilya (asawa, mga magulang at kapatid, mga tiyuhin at tiyahin, at mga pamangkin), tuwang-tuwa at nagsipagbunying tila “cheering squad!”

🙂😀😛😆 🙂 😀 😛😆 🙂 😀 hamistel tsiling iskwad en bold of sensols

The GuardianNabasa nyo ba yung red caption sa bandang baba: Wen e chiz is on da layn, sakripays ebri teyl. — kasi po, si Wigwam, sa buntot nakabitin? :mrgreen:

Yang tambneyl sa kanan naman ang tutuong SINE nayan

Pasensya na po kung hindi kayo natawa sa kakornihan ko (super-babaw lang naman talaga ang kaligayahan ko — nagkahawaan na kami ng misis ko).

So, yan lang po…

I’ll just post “a few” entries on the onset of March, at baka sakali sa holy week (hindi ako magpipinitensya… 😕 ) then, April will be The Hammy returns awoooooooooo!!! (pet blog is reborn).

Morticiang daga, sideline sepultureroHano indi mo pa nipanuod ang Amsterdaker? O e di tige klik mo to plibyew.

SINASABI KO NA ITO hangga’t maaga, baka ekako hindi na ako ganuon kadalas makasilip kahit kaninong blog (maski itong sa akin) may magtampo-tampo uli dyan. Game naman akong makipaglaro ng TAGGING sa inyo mga itoy, mga ineng — kaya lang, huwag naman kayong mag-demand masyado. Sa tuwing “magla-lay-low” na lang ako, parating may isa o dalawang blogger na ganito. Bakit yung iba, hindi naman? 😦

Maski naman “TAHIMIK” ako, I still respond to tags (huwag lang bara-bara ‘bay) — basta hatid nyo dito sa lungga ko (LINAWIN ko na nga: ipaalam nyo sa akin — BANGGITIN nyo na ni-TAG nyo ako pag nag-COMMENT kayo dito sa blog ko. Baka kasi hindi ko mapansin o malaman pag ini-link nyo lang ako. Lalo na pag hindi ako nag-log-in sa WP account ko. Okey ba, Tita? 😉

Sa lahat ng naging TAG mo repah, dito ako higit na nagpapasalamat — hindi para sa akin kundi para sa buong WP blogosphere… Bakit ekanyo? kasi na-courage ng tag na ito na magpakilala ang mga bloggers at mapatunayang walang dapat na ilihim o ikahiya o ipangamba dito sa blogosphere! (Huwag naman ang lahat ng bagay sa buhay nyo na SA TINGIN NYO ay masyado nang PERSONAL at talaga namang hindi na dapat sabihin o ipakita pa. Itong sa akin? hmmm… wala naman akong nakikitang dapat ikahiya sa mga isene-share ko tungkol sa akin — DEPENDE sa INDIBIDWAL na may-ari o otor ng blog yun, di ba?)

Yung mga hindi pa nagpapakita ng mukha nila — ipakita nyo naman ang mga gwapo at beautiful faces nyo sa amin! (Maliban na lang siguro kung may threat sa buhay o seguridad mo) 😉

Ahehe… padadaig pa ba kayo kay Ispidbol at Wigwam Wigglerson? :mrgreen:

Hanggang sa muli (bukas yun)…

————————————————————————————

😦 CONDOLENCES 😦

Nakikiramay ang buong pamilya ng daga ng lunggang ito kay Tommy, sa pagpanaw ng kanyang kabiyak na si Clansey.

Tommy & Clansey ni BentongClansey ni Bentong Hamsters Tommy and Clansey ni Bentong

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/28/photo-finish/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. uuuyyy ang galeng galeng ng pix!😀 maya ko na hihimayin, pasok muna ko😀 gus2 ko lang mauna uli😀 weeeeeeeee

    homebodyhubby: salamat ‘mine’ talagang bilib ako sa katapatan mo…😉 maski hindi na ako masyadong nakakasilip sa minahan mo (maski saan naman, di ba?).

    i remain… patutunayan ko yan sa’yo isang araw bago ako ‘lumisan sa mundo’…😉

  2. oi kuya hubby iba p la ang nhaukay mong mining yan… “the intruder ” means ayon sa dictionary ko mgaling magintro.. hehehe magintroduction.. kya da intruder… hahaha.. wak k na iyak… ang bangis galing mo gumawa sa adobe minsan paturo naman.. hehehe.. babalik pa ako mya.. hintay mo pa yung ibang koments ko

    homebodyhubby: 🙂 wala problema dun tita,
    LAMBING ko lang din yun sa’yo. 😛

    alam ko namang “introducer” ang ibig mong sabihin eh, hahaha… ikaw talaga o… hindi ako napikon dun, pramis. 😉

    ikaw pa… sa blogosphere, ikaw ang napuna kong pinaka- friendly (tutut ito, indi bola)… well halos lahat naman ka-blog ko talaga friendly, paris ni kengkay at minyang… ikaw nga lang ang super, miski ask mo sila — ‘kaw nga lang ang nakita kong nagpakahirap pa na gumawa ng sorpresa para sa aming lahat nuong pasko.😀

    huwag ka magbabago, tita… remain as sweet as you are… lalo na sa mga pamangkin mo. 😉

  3. wahaha… nakakatuwa, ang galing galing….ü

    homebodyhubby: tenkyu…🙂
    hindi talaga magaling… matyaga lang. 😉

  4. hoist, anung lumisan sa mundo cnasabi mo jan, khit d2 lang, wag nmn sana, pero if ever, desisyon mo yan, lagi lang naman anjan si she daisy😀

    *** da best ang poster mo ha! hehe

    *** bagay na bagay pala sakin ang april, – opening og bugs este bud pala😀

    *** tnx sa pag lagay d2 kay clansey, nakasama pa xa sa post ng kapitbahay nya🙂

    *** tnx 4 evrything….
    (napahba😀 di bale, fenis na😀 ) – XXX

    homebodyhubby: babalik na ako sa tahimik na mundo
    ng mga daga… daga… daga…😆 dahil duon lang ako walang sumpa… sumpa… sumpa…:mrgreen: jokes!

    buti nasilip ako sa blog mo, kung hindi,
    hindi ko knows yung kay clansey. 🙂

  5. as usual may natutunan na naman ako sa post mong to, ngayon naman tungkol sa calendar natin, salamat po! ang galing ng mga posters panalo ito!

    homebodyhubby: tenkyu…
    yung kalendaryo, andami pa kwento dyan eh hehe…😛

  6. that made you magaling. matyaga ka… or, sng psgiging matyaga ay isang kagaligan…

    “ang galing mong magtyaga”

    wahaha… whop, subjective…ü

    pero, hehe, di ko naman sinabi na magaling IKAW… alam na natin yun dalawa…

    nakakatakot po, thesis defense na namin bukas.. huhu, haaayz..

    GB

    homebodyhubby: thanks…🙂

    napaghahalatang di ko na masyado nasisilip blog ng iba — kasi koo, hindi ko alam o matandaan na hindi pa pala tapos ang thesis mo? …neway, bilib ako na kaya mo yan, iha…😉 God bless din sayo.

  7. i mean, alam na nating dalawa kung sino talaga yun magaling, sinususot(inaasar na pakulit) lang po kita kaya sinabi ko na ikaw yun.. hehe…

    aral mode

    homebodyhubby: bikol ba yung “susot” — kasi parang naririnig ko rin yang “nakakasusot” sa Calamba nuon…

    yung hipag ko na kasundong-kasundo ko may ibang term — “inaatat” o “nang-aatat” — yan din ang meaning (inaasar na pakulit)… “nag-aatatan” kami o nag-aalaskahan kami. 😆

  8. kuya hubby wak mo ako tinatawag na tita.. prang antanda ko na nyan.. twagin mo na lng ako anak.. pra ikaw tatay ko dito sa blogosphere.. yehey mdami na akong mamu.. may tatay na ako.. hehehe.. naiyak ako sa mensahe mo.. tats tlga ako.. hehehe

    homebodyhubby: ay ganun ba? ahehe… sori 😳
    akala ko kasi type mo ang “tita” kasi naaalala ko yung mga pamangkin mo… ‘kaw talaga o. 😛
    sige… anak na kung anak wahehe… 😀

  9. […] Tutal, nabanggit ko naman na sa ang pinanggalingan ng pangalan ng 12 months of the year, kumpletuhin na natin bago man lang ako magpaalam sa kale-lecture dito. This time, the seven days of the week: […]

  10. ito yung entry na hindi ako nakapag comment dati..
    Sorry kung now lang pero tagal ko na syang nabasa..

    Yun sa NG na cover galing po nung pagkakakuha.!
    ire request ko na sana yung sa daga na maging cover din ahehehe meron na pala..😉

    Nung ginawa ko din tong tag na to, binago ko na rin pati yung itsura nung lungga ko.. Ahehe.. Parang pag-oopen kasi ng panibagong chapter ng blog ko yun nung ginawa ko tong tag na to tapos naglakas loob pa kong magpakita ng pictures ko..

    sang-ayon din ako na isa ito sa pinaka da best na tag na nagawa ko..😀

    homebodyhubby: oo nga, ‘angel’ …ang sarap ba nung ‘feeling’ na transparent ka dahil wala kang ikinahihiya at ikinatatakot na makita o malaman ng iba?😀

    sana lang huwag ma-misinterpret (na self-centeredness o vain-glory) o abusuhin (gawan ng intriga) ng ibang blogger (iilan lang naman) na hindi nakauunawa.😦

  11. […] Kaya nga October – “octo” means eight, this is in fact the 8th month. Kung hindi ka maniwala sa akin puntahan mo ito → “Kalendaryo sa ibang anggulo.” Balik ka dito dahil hindi pa tayo tapos. […]

  12. […] Paris nun minsan, nagrekwes uli ang mga daga ng mubi–poster: this time ng pinakahuling(?) tatay sa pamilya nila, kaya eto ► Obyus ba na kelangan i-cropped ang pusa? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: