Huling araw (Part 1)

“Sun-Rice” sunset (1992). f/32, 1/1000. Nikkor 180-600mm f/8 lens.

————————————————————————————————

Two things I am most thankful to God: in 1987, PhilRice helped relieve my family from hunger; and in 1988, here I came to know the person who I have been sharing lives with since 1990.

— Excerpts from my resignation letter, dated 03 January 2000

————————————————————————————————

Mahirap iwan ang ‘first love’ di ba? Lalo na kung ito ang unang ‘nagpakain’ at ‘bumuhay’ sayo. ( Eight years ago, today — February 29, 2000 — iniwan ko ang una’t huling naging employer ko. )

“Photo-finish” kong matatawag ang paggradweyt ko sa college. Overstay na kasi ako, at kung hindi ko pa natapos ang kurso ko nuon, isa akong UP kicked-out undergrad ngayon.

——————————————————————————————

( Alumnus o undergrad, what’s the difference? )😆 BS Development Communication, major in audiovisual communication ang kursong tinapos ko (the other major fields being Development Journalism & Community Broadcasting). Alam nyo bang PHOTOGRAPHY lang talaga ang habol ko kaya ako napa-shift mula sa BS Forestry tungo sa kursong ito?

——————————————————————————————

Two months after graduation, hindi ko na kinailangang magpakahirap. Inirekomenda ako ng thesis adviser ko sa isang tiyak na trabaho. Isa ako sa walong (8) pioneering staff ng nuo’y umuusbong pa lang na rice research agency na ito.

Naalala ko nung una kong matanggap ang first two-month salary ko.

Bago umuwi ng bahay, dumaan ako ng Magnolia house sa harap ng Cine Calamba at bumili ng dalawang galon ng ays-kwim.🙂 Pati yung yaya ng pamangkin ko nuon, nakisalo sa katuwaan ng buong pamilya. Sa kaunaunahang pagkakataon sa loob ng sampung taon, isang sweldo ang muling naiuwi sa sambahayang iyon simula ng nawalan ng trabaho ang tatay ko nung 1977. Sayang at HINDI NA NAKITA ng Daddy ang mga panahong ito.

Sa isang government employee, malaki na nung 1987 ang Php 2,960.00 basic pay at COLA bilang Communication Specialist II. Ako ang anak na unang nag-abot ng “sweldo” sa nanay ko galing sa isang permanenteng trabaho. (Hehehe… dapat lang siguro dahil ako ang panganay na lalaki.)

Pag naaalala nga namin iyon ngayon ng mga kapatid kong lalaki (who in 1988 the following year ay grumadweyt at nakapag-abot na rin sa mommy dahil sa di-hamak na mas malalaking sweldo nila bilang private employees), nagkakatawanan kami dahil ang popular na “hatian” ko at ng nanay ko ay “one-third, two-thirds” — sa nanay ko ang dalawang libo, sa akin ang botal na 960. Okey na yun sa pang-araw-araw na pamasahe, mula Calamba papunta sa bayan ng Los Baños at balikan pauwi. Dahil mahigit 15 kilometers din ang agwat ng dalawang lugar, mas nakaka-menos ako sa panahon at allowance kung sa isang murang kainan na lang manananghalian. Matipid ako nuon kaya nakapagse-save pa ako sa bangko.

Maski kakarampot ang sweldo ko, nakatulong ito nang malaki sa amin. Nakakabayad na kami nang regular na upa sa apartment. Hindi na rin masyadong dibdiban ang pagtitinda ng balut at ang pagre-repack ng mga minatamis na pusit, dilis at kung anu-anupang sweets na pinasok ng ate at nanay ko bilang dagdag na pagkakakitaan. Nagsimula na ring kumuha ng hulugang ref ang nanay ko.

Nung 1988, isang officemate at barkada ang naging girlfriend ko, na kalaunan ay syang naging lifetime partner ko. (Si misis ko yung nasa dulong kanan)😳

Nung 1989, kasama akong nalipat sa Nueva Ecija. Rice granary daw ng Pilipinas ang Central Luzon, kaya dito napagbotohan ng Board of Trustees na itayo ang aming main experimental office and station sa tulong ng grants ng JICA.

Nakita ko ang pag-usbong ng gusaling ito mula sa lupa.

(1990: Mahigpit ang mga Japanese contractors sa pagpapasok dito sa loob nuon. SOP yung may suot akong hard hat pag may nyunyutan sa loob.)

Nakita ko ang kabuuan nito sa isang “panoramic view.”

(1991: I was surmounting a more than 100-foot scaffold to shoot this. Yaiiks! I’m afraid of heights! Hehe… TRABAHO LANG. OVERCOME your worst FEAR by facing IT!)

Natanaw ko ito mula sa himpapawid tulad ng isang agila.

(1991: I was aboard a HELICOPTER to shoot this, seated right on the “doorless” opening of the craft with nothing but a seat-belt to keep me from falling! Ahehe… I FORGOT all my acrophobias!) Nuon ko lang nakita ang mga BAKA na tila mga LISA, at ang likod ng mga IBON habang lumilipad!

Tiningala ko ito nang may buong paghanga. Gayunman, naabot ko ang “rurok” niya. (Its tower and water tank. Climbing the tower)

Iyan ang Philippine Rice Research Institute o PhilRice, ang una’t huling opisina na pinagtrabahuhan ko bilang audiovisual specialist. Ang aktuwal na trabaho ko ay photographer, illustrator at graphic artist (later naging desktop o computer artist), exhibit developer and producer, video-editor (minsan lang, kasi sa ‘stills’ ang forte ko).

Napakapalad nyo mga bata. Napaka-conveniently high-tech ng mga paraan para gawin ang trabaho nyo ngayon. Minsan nga, nasisingitan nyo pa ng pagba-BLOG o pagko-computer games.:mrgreen:

I had experienced “to do things the hard way.” Dito na ako natuto at somehow naging ‘expert’ sa paggamit ng computer. Dito na kasi ako inabot ng transition mula sa mga lowtek na paraan sa paggawa ng trabaho papunta dun sa pwedeng gamitan ng computer.

…makodakan lang ang tamang kuha.

Nagsimula kami sa electronic typewriter. Papauso pa lang kasi ang mga “XT” na computers. Yun bang mga monochrome pa?😆 Ansama! Kulay green, atsaka “Space invaders”, “Tetris” at “Pacman” pa lang ang mga games nuon.

Wordstar 1.0 pa lang ang document software nuon bago lumabas yang mga MSOffice Word. Ang printers nuon yung mga de-ribbon na dot-matrix at daisy wheel, bago nauso yang mga laser at deskjet printers.

Hindi pa uso ang page-layouting software, kaya literally cut and paste kami nuon: gugupitin ang mga letrang itinype o mga drawings na iginuhit sa papel, tapos lalagyan mo ng paste sa likod saka mo ipapagkit sa dummy.😆 Buti na lang nauso ang Ventura Publisher na kalaunan ay dinaig ng Aldus, then Adobe Pagemaker.

Bago nauso ang iba’t-ibang FONTS na iyan, ang ginagamit namin sa pagle- lettering sa mga exhibits ay Rotring o Staedler technical pen and ink gamit ang Leroy na guides at templates. O kaya yung ikinukuskos na may adhesive sa likod — “screen graphics transfer letters!”

“Palayman” has over 30 expressions.

Sa paggawa ng graphical logo, lapis at technical pen and ink din. Pag colored graphics o cartoons, may water-based na Sakura poster colors naman. Buti na lang inabot ko ang vector-image drawing softwares tulad ng CorelDraw. Nauso rin ang colored printers na may 4-color ink cartridges — cyan, magenta, yellow & black.

Nagpakatyaga-tyaga ako na magkulong sa madilim na darkroom, langhapin ang amoy ng mga developer at fixer duon, para magdevelop ng FILM at mag-PRINT ng litrato gamit ang ENLARGER.😕 Sus… antagal pag kelangan mong mag-print ng 50-pirasong kopya ng litrato dahil itatapat mo sa enlarger at ide-develop mo ang print ng paisa-isa. Para menos-trabaho, dalhin mo na lang sa Kodak o Fuji developing centers. Pero pag hindi naman RUSH, ansarap maglaro sa darkroom.😀

Vigan, Ilocos Sur; Pantabangan, Nueva Ecija

Porac, Pampanga

Sta Fe, San Marcelino, Zambales

Iwahig, Palawan; subterranean river

Legaspi city, Albay; Midsayap, North Cotabato

Cagayan de Oro (Misamis) — Agusan — Surigao — Maguindanao

Marawi city, Lanao

Japan


Buti na lang nauso yan desktop scanners at photo-quality printers. Nauso rin yung Adobe Photoshop photo-editing software, at ang mga digital cameras.

Sa mga presentation, slide reversal films ang unang gamit namin, na kailangan ang isang slide-projector para ipakita. Buti na lang nauso yang Powerpoint presentation at iba pang multimedia.

Hindi lang pala ikaw ang unang bumuhay sa akin, marami ka rin palang naituro sa akin.

Kaya lang, maski gaano kita kamahal at gaano mo ako kakailangan, hindi na tayo liligaya sa isa’t-isa. Mahihirapan lang ako at malulugi ka lang.

Magkaiba na ang ating daigdig, kaya paalam aking first love. May makikita ka ring mas higit pa kaysa sa akin. More power to you…

Marami pa sana ako wento… kaya lang nabe-vertigo na ko… BOINGK !

“ I don’t want to achieve immortality through my work.
I want to achieve it through not dying.”
😆

— Woody Allen

The Lord shall preserve thy going out and thy coming in from this time forth, and even for evermore.

— Psalm 121:8

Published in: on 29 February 2008 at 7:00 pm  Comments (17)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/29/huling-araw-part-1/trackback/

RSS feed for comments on this post.

17 CommentsLeave a comment

  1. […] Scale-model making ang isa pang skill ko (maski nung bata pa ako). Eto yung isang ni-job-contract ng former employer ko. (Opo naman — nagkikita pa kami ng ‘FIRST LOVE’ ko! Good riddance naman kami ay!) […]

  2. eka lng ha, hang hahaba😀 excyted lang ako magkoment! Lols😆

    homebodyhubby: iksi pa nga yan kasi more than 12 years kaming MU (mag-un) niyan! 🙂

  3. **madaya, yung ibang pic, di nalalakihan😀

    :mrgreen: mga isla-ed (slide) felm yun eh, kelangan projector para lakihan?

    ** kyut kyut mu nung bata ka pa ha! ngaun? amm, emmm, kyut pa din😆

    😯 nakakata-kyut na!

    ** ibang klase pati resignation letter mu ha, it was very candid indeed! heartfelt at personalyz tlga, di tulad ko, nakiki copy paste lang😀 hehe

    😳 liit na letra nun a… nibasa yu din pala.

    ** reminiscin’ ka na nmn ha..
    pero kakatuwa, jan sa “only job” mo nakita at nakilala ang iyong “only love”😀

    😀 sya nga ang greatest award na natanggap ko dyan!
    kaya nga dapat nung 1990 pa ko umalis?

    ** hayus sa mga pyx ah, cno nanyunyut sau nyan? lyk yung nasa kabaong ka😀

    🙄 yung nasa kabaong? …ah! — si Robert ang nanyut nun,
    yun nagpopokpok sa exhibit dun sa layo sa unang kuha?
    — si Arleen (yung tamad) ang nakahiga sa kabaong! (jokes)
    camera trick na double-exposure using negative film yan,
    — hindi pa uso ang digital camera! 😉

    ** galing ka din b mag lettering? ako nung HS, may speedball pa eh( mejo di p din maxado uso comp. print outs😳 )

    😎 ahehe… forte ko yan lettering at cartooning wiski
    nung bata pa… ako nga ang taga-letering at drowing ng
    mga classmates kong journalism at broadcasting majors
    (mga hindi gamay sa graphic arts) nung college.

    ** hanu kaya gus2 mong gawin sa darkrum? hmmnn😛

    :mrgreen: marami! iba-iba! basta ito na yun taym na nag-e- “eksperiment” ako sa aking asawa… eheste– sa mga ritrato ng aking asawa (jokes).

    ** may mascot pa pla na palayman😀 (di q alam yung philrice, pramis😀 )

    😆 nasa probinsya kasi kami tita, at hindi kami ganun
    katututyal paris ng mga taga-Ortigas o taga-Makati…
    pero sa mga academic (state college and universities), scientific communities at government offices, knows kami (siguro, hindi mo rin alam yung IRRI sa UPLB?)

    – haba na koment ko😀 babay😀

    homebodyhubby: o, ayan ule… nidugtong ko na lang alternately yung mga nisagot ko sa mga nikoment mo! — those in italics are mine, those in regular are ‘mine’s…😛

  4. laam ko yung UPLB empre😀 IRRI? amm yung ginagawa pag nanganganak???😀 hehe parang nadidinig ko na, samting 2 do wd irrigation ba? hehe tamad ako mag google😀 Mwah😀

    homebodyhubby: 😕 IRE yun, mahal — IRE! 😀
    IRRI — International Rice Research Institute 😉 …langit para sa iba ang matanggap na empleyado duon (ayoto lalu dun) 😛

  5. […] E di eyun… nagpa-payreyt ako sa adviser ko (in part dahil din sa utang na loob ko dito) at napasok sa PhilRice. Hanggang sa makilala ko nga ang 3rd (and final) girlfriend ko, mapalipat dito sa Nueva Ecija, at makapag-asawa. […]

  6. PhilRice was marked on the Platial map at the bottom of this blog’s sidebar. →

  7. […] Bukod po kasi sa pagpu-putokraper, isa sa mga trabaho ko ang pag-desktop layout at pag-edit ng litrato para sa publication at exhibits ng research agency na dating employer ko. […]

  8. […] When I had chosen PhilRice over the Azolla project na offer ng adviser at boss ni bestfriend ko, itong si bunso at si mom ko ang primary consideration ko. Kasi, may sariling pamilya na naman nuon si Ate ko; ang mga brothers ko naman ay may kanya-kanyang diskarte para makapagtrabaho. In 1988, grumadweyt na nga with honors sina 2nd and 3rd brothers… Tulong-tulong, we are optimistic na later on, makaka-gradweyt din ng college si bunso. […]

  9. […] Edad __, hired agad ako sa isang permanenteng trabaho nung nagdaang taon, at ‘nagpakabusabos’ duon bilang isang “public servant” (?). (dyok lang, baka may dati akong bossing na mapikon). […]

  10. […] Nung mga unang araw ko sa trabaho (1987), inutusan ako ni bosing na pumunta sa Institute of Plant Breeding (IPB). Initial operation ng PhilRice (isa ako sa first eight pioneering staff), kaya hindi pa dumadating ang mga ni-request naming equipment. Wala pa kaming mga cameras kaya kelangang puntahan ko pa si Mang Pids, ang beteranong photographer sa IPB, para pakunan at i-print sa B&W ang mga slide reversal films na hiniram ko sa IRRI (International Rice Research Institute). […]

  11. […] Ako yung tipo na hindi pwedeng hindi kumpletuhin ang maski na anung bagay na naumpisahan. Though HINDI naman ako nag-e-expect na sa mga natutunan ko lang sa kurso o kolehiyong ito ako aasa habangbuhay, kelangang matapos ko ito NUON alang-alang sa nanay ko. As expected, nagkatrabaho naman agad ako. […]

  12. […] Seven months back (June 1987), initial operation ng PhilRice kaya sa pinaglumaang building ng IPB muna kami nag-o-office. Ito yung mga panahong pag tinanghali ka ng dating sa opisina ay wala ka na halos mauupuan dahil wala pa kaming sariling gamit. […]

  13. […] Nung nakapagtrabaho ako at napalipat sa Nueva Ecija, sa magkakatabing photo stores sa kalye ng Hidalgo ako nagka-canvass at bumibili ng photo at darkroom supplies ng aming opisina. […]

  14. […] Bukod sa pagkukwadro, may tanggap din naman akong mangilan-ngilang computer-based jobs
    (paris nung sa dating employment na iniwan ko) […]

  15. […] Simula sa aming first three nieces, hindi ko na nasubaybayan ang paglaki ng mga sumunod ko pang pamangkin, dahil mula sa Los Baños ay nalipat ako ng
    destino sa Nueva Ecija. […]

  16. […] Mahabang idetalye ang latak-disposal dahil ang kelangang iligpit ay yung mga bagay na naipon simula nung mapasok ako sa trabaho at malipat dito sa probinsya… Ngayon pa lang dapat nang magbawas-bawas ULI. […]

  17. […] On 29 Feb 2000, nagresigned ako
    (nauna na si misis 32 months earlier) …
    Two years later (2002) inilipat ang R&D sa April!😆 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: