Unang araw (Part 2)

“Malaya” (1992). f/8, 1/250. Nikkor 180-600mm f/8 lens.

————————————————————————————————

The Lord shall preserve thy going out and thy coming in from this time forth, and even for evermore.

— Psalm 121:8

————————————————————————————————

Eight years ago today (March 1, 2000), I came out of “my Egypt.”

I took my first steps… an oasis behind me, and a seemingly endless stretch of parched land before me. I’m “free” — but in the desert of uncertainty.

Sa pamamagitan ng Php 36,000 na natanggap ko mula sa employer ko (wala na halos natira dahil in-exhaust ko ang lahat ng leave credits ko), at sa inutang ko mula sa mga (kapatid at) in-laws ko, nabili namin ni misis ang guillotine mitring chopper (yung kulay pula) at underpinner-joiner (asul) na ito. Lakas-loob kong pinasok ang trabaho ng paggawa ng kuwadro o pagpe-FRAME (custom-framing).

Matapos ang mahigit isang linggo pagka-bitiw sa trabaho, ito ang ginawa ko (wala lang, trip ko lang)::mrgreen:

Buhok na mahaba, iniingat-ingatan ko

Nuong isang linggo, pinaputulan mo ito.

Kung isa kang ibon, ano ang pipiliin mo:

  • yung ‘nakakulong’ ka sa isang napakagandang hawla, pero sigurado ang supply ng feeds (formulated with vitamins and minerals) at drinks mo, at protektado ka sa panganib ng buhay sa labas, o
  • malaya ka ngang nakalilipad sa mas malawak na himpapawid, pero kailangang magkahig-kahig ka sa lupa. Nakasalang ka parati sa paninila ng mga pusang-gala at sa malulupit na pananaltik (paninirador) ng mga walang magawang bata?

Ahehe… mahirap sagutin kasi hindi ako ibon? (nakakainis ka talaga! Robert!) Hindi ko rin sinasabing yung una ang sitwasyon ng marami o lahat ng mga iniwan ko sa aking dating pinagtatrabahuhansa ganang akin, o feeling KO lang yun. (O… MALINAW yan ha!)😀

Mahirap ang walang permanenteng trabaho.

Wala na ang mga regular na kinsenas-katapusan na collectibles. Kulang-kulang Php 15,000 ang huling sahod ko bilang Science Research Specialist II (Ayaw ko kasing mag-aral at ma-promote pa). Maliit lang talaga ang sweldo, at hindi tutuo yung komo government employee ka, nangungurakot ka na (ewan ko dun sa IBAng mga opisina). At ni minsan, hindi ako ‘sumipa nang pabalik’ (kickback).😆

Wala na ang mga COLA, medicare, hospitalization at kung anu-ano pang benefits of the doubt na iyan.😆

Pag hindi ka kumilos, gutom ka. Pag hindi ka nag-save miski lang sa buddha o piggy bank na alkansiya, kawawa ka pag nagkasakit ka (Fortunately, simula nung nagresigned ako nung year 2000, hindi pa naman ako trinatrangkaso! Maski yung simpleng lagnat man lang? Kung medyo naging far-sighted man ako at nagkaroon ng vertigo, iyon ay sa dahilang nagkaka-edad na ako).

Wala na ang 13th month pay, ang Christmas bonus, Christmas basket at groceries na paniyak na may maihahanda kayo tuwing noche buena at bagong taon. Wala na rin ang regular na supply ng sako-sakong BIGAS na rice allowance na kalimitan e sobra-sobra kaya may maibabahagi pa kayo sa inyo-inyong pamilya.

Wala na ang subsidized staff housing na 150 pesos ang upa kada buwan, libreng water supply service at mababang upa sa kuryente. Kelangan kumayod dahil sa dami ng nagdadatingang billssa tubig, kuryente, cable TV, at telepono, na huwag lang mabayaran agad, mapuputulan ka.

Unang inupahan namin yang nasa kanan pero iniwan din namin pagkaraan ng isang taon. Dito kami lumipat sa 4th floor ng building kung saan kami kasalukuyang umuupa ngayon. Mas nakakamenos kami dahil nasa mismong bayan ito at nasa baba lang ang palengke.

Bilang isang government employee noon, sa mga official business (OB) travels, mabilis ang mga pagbyahe-byahe. Red plate ang service vehicle, kaya walang abala dahil maski sa mga pulis hindi takaw-huli. Sa mga shooting jobs, napakadali makalusot dahil may “PROP Media card ako. Nung nag-training ako sa Japan, RED pasupoto ang gamit ko, nasa first/executive class ang pwesto ko sa eroplano (nasa likod mismo nung cockpit ng piloto). Ngayon, ni hindi ko alam kung makakasakay pa uli ako ng eroplano.😆 (Makapag-abrod na lang din kaya? ahehe… Huwag na, baka lumala ang aking vertigo!)

Sample of framed cross stitch

Ngayon pag nagbyabyahe ako para bumili ng gamit sa frame, commute lang ako. Kelangang huwag kalimutang may sukli pa ang pamasaheng iniabot ko sa palusot na kunduktor ng bus. At ang bus, dahil namamasahero at pinipili pa ang daang matrapik, apat na oras paluwas ng Maynila at apat na oras pabalik sa Nueva Ecija ang binubuno ko. Para hindi mainip, nagtyatyagang manuod ng korning pelikula. O yung kung ilang beses na napanuod ko na. (Ilang KARATEHANG INTSIK na palabas na ba ang aking dalawang oras na natitigan?) Sabagay, mas pipiliin ko na ito kaysa nuon… Lalo na pag sira ang “Video on board” sa mga aircon bus? mga lumang kantang tagalog na hindi mo alam kung ika’y maiinis o matatawa:

Gusto kong kuman… gusto kong kuman—

Gusto kong kuman—ta ng isang kundiman!

Sa malalaking pu… sa malaking pu—

Sa malalaking puno ng kawayan!

Haruuump, hanu bang napapala niyodiyaaaan!!!😕

Pero ang kaigihan naman pag self-employed ka, sarili mo ang iyong panahon at schedule. Pag kaya mong gawin ang trabaho, tanggapin mo. Pag hindi, i-refer mo sa iba. Katwiran ko kasi:

“Huwag mong ipangako kung hindi mo kayang gawin. Kapag ipinangako mo na, kayanin mong gawin.”

Wala kang boss na sinusuyo. Wala kang amo na kailangan mong tawanan ang korning joke, huwag lang mainis sayo.

Ilan sa inyong mga empleyado ngayon ang hindi magkandatuto kung ano ang ireregalo sa magbebertdey na anak ng boss nyo kung kanino sipsip kayo? At ilan sa inyong mga babaeng sekretarya ang hindi lang pumayag na ma-harass ng DOM na supervisor nya eh, dadaanin na sa “professionalism” kuno ang simpleng pagkakalimot mo sa pagbabalik ng takip ng snowpake para ipatanggal ka? Ikaw namang empleyada, sa takot na mawalan ng trabaho — pumapatol na lang sa sir mo!

Ikaw ba’y bumabati pa ng “Good moring, sir” sa bosing mo? Baka naman Morning na, sir! ???:mrgreen: Ummm… baka may asawa na yan? bad yun!😕

Hinuhuli ko lang kayo…😆 Wala naman akong matandaang ganito sa dati kong pinagtratrabahuhan. (Ow?)😳

“FRAMEABLES”

Ayan, nigawa ko na palang parang DINGDING ng bahay ko itong LUNGGA ng mga HAMSTERS KO!😆 (Mahigit-kumulang sa dalawang libong frames na pala ang nagawa ko — mula sa sinliit ng monitor screen ng isang laptop, hanggang sa sinlaki ng pinto o full-sized na kabaong ng isang tao? Wala nang pwesto yun, sa bahay lang…)

Syempre maski saan may bwisit din. Kung sa trabaho may misconception regarding the saying “The boss is always right!” — sa business, may mga nang-aabuso din ng kasabihang “The costumer is always right!” (Ahehe… kelan pa ako magiging “TAMA” nyan? E wala naman akong kaplano-planong maging bossing maski nuong empleyado pa ako!)

Ay, dipindi yan…

Sample of object-framing and encapsulation (with depth)

Yung mga nagpapa-frame na naghahanap ng “special treatment” binabara ko agad:

“Pumila ka… maski gaano pa kadami o kalaki yang ipapa-frame mo, maghintay ka. Rush pala e bakit hindi mo dinala nang maaga?”

Ay paano naman ang ibang mga nagpapa-RUSH din na nauna pa sa kanya?😕 Maski mukhang ‘tagilid’ — PIPILITIN KONG tapusin sa abot nang makakaya ko, pero hindi ko maipapangako.

May pailan-ilan kasing AROGANTE eh. Ganito ang parating viewpoint nila:

“Andami ko nang pina-frame sayo!”

Eh kung isagot ko sayong:

“Ang dami ko nang ginawang frame para sayo!”

Andami ko na palang ipinaglingkod sayo, siguro panahon na para maghanap ka naman na ng ibang BABAYARAN MO, at ako naman, hahanap naman ng ibang MAPAGLILINGKURAN KO.

FaIr lang naman ang usapan natin di ba? — ipinag-FRAME kita, binayaran mo ko… Ahehe, bakit ngayong hindi lang kita napagbigyang sumingit sa pila eh tampo-tampo at nanunumbat ka na? Sige dalhin mo sa iba, baka makamura ka pa. Akala mo ba susuyuin kita? Huwag ka sa akin magpa-frame, hindi naman AKO ang mawawalan.😐 WALANG SISIHAN…

Kaya ayun… may mga sising-sisi dahil sa iba nila dinala. Yung iba naman, nilunok ang pride huwag lang makapag-frame ng hindi nila gusto sa iba.

Sa mga project ng mga elementary at highschool, committed ako. Rush daw eh. Alam nyo naman, basta mga batang musmos na ang nakiusap, hindi na ako makapalag.😛

Samples of framed cross stitch projects

Minsan pag hindi pa tapos yung mga cross stitch, si misis na ang nagtatapos, malimit wala na ngang additional charge. Pero hindi namin pinamamalita kasi baka mawili yung mga bata at yung mga nanay-nanay nila e mamihasa.😆

Ang ibang ‘sideline’ ko ay ang panunyut pa rin at paggawa ng simple video (minsan lang).

Scale-model-making ang isa pang skill ko (maski nung bata pa ako). Eto yung isang ni-job-contract ng former employer ko. (Opo naman — nagkikita pa kami ng FIRST LOVE ko! Good riddance naman kami ay!)🙂

Ginawa ko lang ito out of matboard scraps na ‘retaso’ (patapon na, eka nga) mula sa pagpe-frame ko — wala ako ginastos para bumili pa ng materials, kundi puhunang skill at tyaga. Mga three weeks ko ring ginawa ito dahil gusto ko talagang detalyado! (ahehe… malaki-laki na rin ang ibinayad nila sa akin dito.)

Hindi naman lahat eh pera ang katapat. Minsan may mga college students na nagpapatulong gumawa ng scale model ng mga bahay sa “Drawing” subjects nila.

As 2005-2006 school year ended, an Engineering college student from CLSU came to me asking if they could hire me construct for their group a scale model of a flash dryer (ni-refer daw ako ng taga-PhilRice). Dahil busy ako noon and they are working as a group naman, I just offered them my scraps, my tools, my table, my place and my guidance — FREE OF CHARGE — maski hindi ko naman sila kakilala. I knew their dilemma. Naging estudyante din naman ako, ‘no? At mas mahaba ang experience ko kaysa kanila.😀



Next came these two young ladies (one is a member of the group), each with an individual project to construct a scale model of a residential house. I was not so busy then kaya, I did helped in the construction. And because I refused payment dahil mga estudyante lang ito, araw-araw akong may supply noon ng prutas at mga gulay (FARMER kasi ang kani-kanilang mga tatay). Even my hamsters rejoiced due to the plethora of kamote, papaya and singkamas!😀

Bumalik last week yung isa sa dalawang yan (4th year na sya), may project ULIT na mas mahirap —three-bedroom na two-storey house. Masaya na naman ang aking mga daga!😀

Empleyado ka o sariling-sikap, pareho lang… May advantage at disadvantage din. Ang importante, kung saan ka MASAYA at HINDI KA NANGGUGULANG.

Your job is your service, NOT ONLY some sort of money-making! Work is created — or man is employed first (Genesis 2:15), BEFORE the CURSE of the SWEAT upon the brow is given (Genesis 3:17-19). Hindi yung trabaho ang SUMPA — kundi yung hirap ng pagtatrabaho. Naalala ko tuloy yung sabi ng iba:

“I love my JOB, it’s the WORK I HATE!”

NOT a healthy attitude toward one’s work! How could you swallow your “BREAD AND BUTTER” kung hindi mo naman pinagbubuti yang trabaho mo? Kung sa tingin moSILA” ang may diperensya, sabihin mo; kung ayaw pa rin, layasan mo. (Hindi mo kaya, kasi takot kang mawalan ng trabaho!)

Learn to love your work — dapat BALANSE. Otherwise, mag-resign ka na lang — sayang lang yang sinusweldo sayo… mahiya ka naman.

MISKI pa ISANG MALIIT NA DAGA LANG ang audience ko.😉

My future is already written, and of course God knows it. Hindi naman ako tatamad-tamad para Nya pabayaan, kaya wala akong dapat ipag-alinlangan… huwag lang ako maaADEK sa pagba-BLOG !!!😆

By the way… Remember my “Palayman (emoticons)” in my former employment? They made a mascot of it, and replicated it — one for each of PhilRice’s five branches in the country. Every year, the main station’s mascot passes by the front of the building where I live. My friends wave their hands up at me, but the poor mascot, of course, cannot tilt its head to see me.

At nanganak pa pala ang kartuns ko ng marami? →

If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or as Beethoven composed music or as Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so that all the hosts of heaven and earth will pause to say, ‘Here lived a great street sweeper who did his job well.’

—Martin Luther King, Jr.

Published in: on 1 March 2008 at 7:00 am  Comments (10)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/01/unang-araw-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

10 CommentsLeave a comment

  1. hala! pinakyaw mo posts ngaun ah! ang gulat ko, sabi ko bat , ang dami ko na mis, saby sabay pala posting😀

    homebodyhubby: naka-private yan nung una kasi nitapos ko pa lahat ng ritrato! 😆

  2. ** hehe, yan pala yung pang garote mu😀 di nga pukpok system😀

    🙂 mas mabilis at convenient pa… ingat lang baka ma- “yakuza” ang mga dariri ko!

    ** talagang pektyur adik ka din ha, may mga pix tlga pati pag gugupit mu😀

    😳 sempre kasi “manunyut” ako… saka meydyor desisyon yan pagreresign… alam mo bang inabot din ng 6 years yang buhok ko dahil sa “panata” kong magkaanak? (jokes)

    ** uuyy, ganda ng bus.name pala CHOIce talaga😀
    (dati hilig din aq mag crostitch kaso lalo nalabo mata ko eh😀 ang tangi ko natapos eh bugsbunny😀 , yung last supper ko eh hanngang ngaun eh balikat pa lang! LOls😆

    🙄 tapusin yu tita, sayang — suot ka na lang reading glass
    pag cross stitch ka lang… o kaya, patapos mo sa iba?

    ** ska galeng galeng pla, di lang basic framing, may ecapsule chuva pa😀

    😎 yan “encapsulation” idea ko lang…

    ** may scale model pa, naalala ko tuloy yung serial killer sa CSI😀 ( ganda laruan yan, yung mga tipong dollhouse, pag yumaman ako kukumisyunin kita gumawa nun😀 )

    😛 tawag nga ni kengkay sa mansyon ng daga ko — “dollhouse” !

    ** mr. swabe ka tlga khit nung nata ka pa ha😀 lagi may bagote😀 ( di ko matandaan kung may pic ka ba na wala? ) (senxa na, memory gap😀 )

    😆 marami ako piktyur clean-cut, kaya lang mas gusto ni misis na bagotilyo at barabas-sarado ako!

    ** dun sa tanong mu re: ebun,
    – mas masarap talagang maging malaya, coz dats how God planned it. altho, masarap mabuhay ng may security at alang niiintindi, uncertainty makes life worth living..
    – ders only one thing we need to be certain of n dat is our trust in our creator…

    animal pt. of view😀 _ altho may mga hayop tlga na mas ok na domesticated, samhaw, iba pa rin yung nasa wild wer dey can be wat dey rili r..

    (samhaw, kaka awa din yung mga pets ng mayayaman, kahit na super sarap buhay kung tutuusin, pero di na sila naging hayop, naging parang laruan na lang..

    (ay eka, san n b ko napunta, nahawa na ko sau, lagi nalalayu sa topic😆 )

    o xa, yan na lang… lukin’ 4ward 2 ur next post(s) – XXX

    😀 ako man mas pabor na nasa “wilds” ang mga hayop, maliban na lang kung ENDANGERED sila — like extinction
    (o kaya baka “matirador”😉 ), in which case kelangan nila
    ang pagkalinga ng mga tao.
    itong mga hamsters ko ay hindi ko naman binili — inampon
    ko lang ang mga ninuno ng mga iyan (August 2003) mula sa dating amo nila na gusto na silang idispatsa… somehow this has a parallelism sa prinsipyo ko — hindi ko kelangang mambuntis ng hindi ko asawa, para lang tumulad sa iba na nagpapadami ng “bugok” nilang lahi😆 o mapagbigyan ang gusto kong magkaanak. 😉 — andaming batang pwedeng ampunin diyan dahil napabayaan ng mga “prolific” nilang
    mga magulang… 😦
    — ayan… nibalik ko sa tao ang usapan ha?

    homebodyhubby: o, ayan na naman… naka-interweave uli yung mga replies ko sa bawat comment mo! — those in italics are mine, those in regular are ‘mine’s…😛

  3. PhilRice and the staff housing were marked on the Platial map at the bottom of this blog’s sidebar.

  4. […] Nung nag-resign ako at nag-framing-framing na lang, hindi pa gaanong uso ang magkaroon ng internet connection sa bahay. […]

  5. […] Edad __, custom framer, pastol ng mga hamster. 😆
    “Mas mayaman pa ang aking mga daga” (kapus-atiks daw, eka) – it’sokey lang, basta ‘malaya’…😀 […]

  6. […] Ako yung specialist #2. Ahehe, papaano nga ba ako naging qualified sa trabahong ito? Ngayon, custom-framer lang ako, hehe. […]

  7. […] • Framing backlogs… and then to wind up – […]

  8. […] Ang totoo nyan, hindi ako nababakantehan ng ginagawa maski nasa bahay lang… nandito ang trabaho ko.😉 […]

  9. tok,….tok… tok…. itay….

    itay….itay…

    hehehe.. nandito na ako… namis ko ang bahay mo… pasensya na sa pagliban ko ng mraming buwan.. hheheheh.. busy lang ako sa shootings at pictorials.. hahahah..

    itay ang galing ng mga gawa mong frame.. aba pag natapos pla ang crosstitch ko mhanap nga kita at maipaframe ko ito sau..

    ang tyaga mo gumawa nyan itay….

    khit wla k ng regular na trabaho.. msaya naman yan… at least ikaw na ang bosss…

    itayyyy.. blik ulit ako sa susunod..

    ————————————————

    Itay: Empre naman anak… kewl na kewl.😎

    Anlayo mo naman para sa akin magpa-frame.
    Padala ka na lang ng pikyur ni mudang mo, gawan natin ng pattern. (13 DMC brown colors lang ha?) Kayong dalawa lang
    ni ‘mine’ ang alam kong nag-cross stitch na mga ka-blog ko.

  10. […] Nakasampung taon na pala kaming ‘painot-inot’ dito? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: