Debut

RobertChoi

Alam nyo bang “debut” ng dalawang batang yan ngayon?

Baduy na baduy kasi ako sa mga nakikita kong statuette na “groom and bride” sa mga commercial na wedding cakes. February na nuon, 18 years ago today, tsansang nasulyapan ko yan sa isang eskaparate sa isang bookstore. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at baka maunahan pa akong bilhin ng iba!

Wala lang… tinanggal ko lang naman ang korning design ng chalk na groom and bride sa wedding cake nung mismong araw ng aming kasal ni misis

03 March 1990

at ipinalit ko yan. Ahehe… muntik pa ngang makursunadahang kunin ng isa sa mga guests. Buti na lang mahigpit kong ipinagbilin sa isang hihipagin ko.

Marami na naman akong naikuwento sa inyo tungkol sa aming dalawa, kaya hindi na ako masyadong magkukwento, hane? Mas lalo akong dapat magpahinga ngayon (at sa hanimun!). 😳 Don’t forget, “debut” ito… at sa mga nababalitaan ko, ang mga dalaga ay karaniwang nabubuntis at nanganganak pagkatapos mag-debut! :mrgreen:

“Asa ka pa ba Robert?”

Hindi naman… dyok-dyok laang! 😛

Ni-post ko na lang uli ito aming walang kamatayang Tikbalang bidyo!” Salamat uli sa mga kaibigan kong nakapag-inspire sa akin para gawin ito. 😉

————————————————————————————————

Eto na lang pala ang isang maiksing kwento: (CLICK mo…)

Published in: on 3 March 2008 at 8:00 pm  Comments (11)  
Tags: , ,