Debut

RobertChoi

Alam nyo bang “debut” ng dalawang batang yan ngayon?

Baduy na baduy kasi ako sa mga nakikita kong statuette na “groom and bride” sa mga commercial na wedding cakes. February na nuon, 18 years ago today, tsansang nasulyapan ko yan sa isang eskaparate sa isang bookstore. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at baka maunahan pa akong bilhin ng iba!

Wala lang… tinanggal ko lang naman ang korning design ng chalk na groom and bride sa wedding cake nung mismong araw ng aming kasal ni misis

03 March 1990

at ipinalit ko yan. Ahehe… muntik pa ngang makursunadahang kunin ng isa sa mga guests. Buti na lang mahigpit kong ipinagbilin sa isang hihipagin ko.

Marami na naman akong naikuwento sa inyo tungkol sa aming dalawa, kaya hindi na ako masyadong magkukwento, hane? Mas lalo akong dapat magpahinga ngayon (at sa hanimun!).😳 Don’t forget, “debut” ito… at sa mga nababalitaan ko, ang mga dalaga ay karaniwang nabubuntis at nanganganak pagkatapos mag-debut! :mrgreen:

“Asa ka pa ba Robert?”

Hindi naman… dyok-dyok laang! 😛

Ni-post ko na lang uli ito aming walang kamatayang Tikbalang bidyo!” Salamat uli sa mga kaibigan kong nakapag-inspire sa akin para gawin ito. 😉

————————————————————————————————

Eto na lang pala ang isang maiksing kwento:

PULES, may nahuleng BATA na sumisinghot ng rugby —

PULES: “Ikaw bata! Anong pangalan mo?”

BATA:Demonyito PO!” (ang maGALANG na sagot!)

PULES: “Tan’tadong bata ito a! Sino bang tatay mo?”

BATA: “Si Satanas po!”

PULES: “Tsk, tsk, tsk! Samahan mo na nga lang ako sa inyo!”

At sumama ang pules papunta sa bahay ng bata…

Ang AMA ng bata ang nakapagbukas ng pinto.

TATAY: “O ano na namang kasalanan mong demonyito ka!?”

Mula sa kusina, sumagot ang INA ng bata:

NANAY: “Magtataka ka pa ba? Eh sayo naman nagmana

yang anak mo, satanas ka!”

TATAY: “Huwag kang sasabat-sabat pag hindi kita

kinakausap, demonya ka!”

PULES: “Aysus… IMPYERNONG bahay ito!!! Makalayas na nga!

————————————————————————————————

RobertChoi (03 March 1990)Unless the Lord builds the house,

its builders labor in vain.

Psalm 127:1

Published in: on 3 March 2008 at 8:00 pm  Comments (11)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/03/debut/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. wow ang cute ng istatyuwet..ako nga rin naco-cornyhan sa mga kumakalat na grrom and bride na ganyan lalo na sa divisisoria..mahilig din kasi ako tumingin tingin ng figurines pang display sa bahay bukod pa sa mga action figures.

    naks antagal nyo na pala kasal..going strong talaga!

    homebodyhubby: hehehe… oo pards! pero it doesn’t happen ‘automatically’ — kailangang i-work-out din ng mag-asawa, of course with God’s help and guidance. 🙂

  2. huwaw, maiksi ngaun😀

    *** congratz sa inyo ni misis ha! kayo ang “living proof that love is not dead!”

    kc ako, madlas na ko mawalan ng tiwalang tru love does exist, pero wen i thnik of u, how i wish dt ol us can find wat u two hv…

    ** hangkyuttt, nunulis pa nguso😀
    happy anniv! uli! – XXX

    homebodyhubby: salamat… 😳

    true love? 🙄 hmm… LOVE TRIANGLE kasi kami eh —
    GOD, Robert, and Choi. 😀 — the closer we get to God,
    the closer we get to each other! …kung “kaming dalawa lang” siguro, matagal na rin kaming hiwalay dahil salbahe ako! 😆

    salamat uli ‘mine’ …

  3. klasmeyt

    homebodyhubby: hi, klasmeyt! 😀
    pagbutihin mo thesis mo ha? God bless!

  4. wow! hanimuuunnn ulet. ayihiiii🙂

    tsaka ang kyut ng

    kaka inspire naman ang lab stori nyo kuya. haayy.. kainggit.

    happy anniv po!

    homebodyhubby: ay! ahihi!
    sempre hindi dapat mawala ang romance!

    mas kyut yan avatar mo! saan mo ba nipagkukukuha yan? 🙄 sana kung magkakaanak pa kami kamukha mo! 😛

    salamat sa greetings! 🙂

  5. happy anniversary sa inyo ni wifey mo! wow, honeymoon ulit ang swet!🙂

    homebodyhubby: ehehe… sabi nga ng mga ilokano — “ag–swita–un!” 😛

    salamat sa greetungs! 😉

  6. wekwekwek… nakakatakot naman sa bahay na yun…. buti naman po at hindi ka na nakipaghabulan todo para sa pigurin na iyan…. hekhek…ü

    happy happy…ü

    homebodyhubby: ay oo nga… ahehe 🙂

    thank you sa ‘happy happy…’ ! 😛

  7. aww.., hangcute naman nun…

    Sorry nga pala kung di ako madalas makadalaw, dami ko kelangan tapusin kasi eh..

    Congrats po! Happy anniv sa inyo po ni outgoing wifey 😀

    homebodyhubby: no problem, bunso 😛 —
    ako man hindi na masyado nakakapag-ikot sa ibang blog…
    salamat sa greetings! 🙂

  8. […] Yung title ba? “Honeys year 20” yun.😳 28 September 1988 nung maging sweethearts kami ni misis. After about 18 months, she agreed to marry me… […]

  9. […] 19 […]

  10. […] ◙ More about marriage ↑ in this link […]

  11. […] 2. Buwan ng Marso kami ikinasal ni misis.
    Natural every March ang aming wedding anniversary,
    kaya ang sampung albums na tinutukoy ko ay tuwing anibersaryo namin nagsisimula!😉 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: