Si Pedro… o si Hudas?

Simon Peter and Judas Iscariot ( graphics from CorelDraw )

Hindi ko malimutan ang isang kwento sa komiks na nabasa ko nuong early 1980s. Tungkol ito sa isang batang abot-abot ang pighati dahil sa kanyang namanang apelyido at sa ibinigay na pangalan ng kanyang mga magulang…

Barakulyo Palampatetot. [ Aha-ha-ha!😀 Kabantot nga ano? ]

Obvious na hindi dahil lang sa napakahaba nito kung ipipirma, ayaw ni Barakulyo na panghabambuhay nyang taglay ang ganitong pangalan. Kaya nung magbinata sya at nagkaruon na ng sariling hanapbuhay, gumawa sya ng paraan.

Nagtiis syang pumila sa NSO para makakuha ng kopya ng kanyang birth certificate (muntik pa ngang pumatol sa isang fixer?) … Bumayad sa kung sinu-sinong abogado de kuliling para sa mga kailangang affidavit at sari-saring pang-ewang… Nag-atten-atten ng kung anu-anong nakakaantok na hearing para lamang makamit ang pinakamimithing pagbabago ng pangalan.

Sa malaon at madali, matapos ang di-hamak na sakripisyo at ginastos, napalitan naman ang kanyang pangalan. LAB na LAB na nya iyon. Siya na si —

Pedro Palampatetot !

[ Ahehe…😆 Hindi pa nilubos-lubos eh. ]

Eniwey, ang punto ko lang naman ay “bumango-bango” nang kaunti ang kanyang pangalan. Wala namang masamang pwedeng ikabit sa pangalang “Pedro” di ba? Maliban na lang siguro sa pagiging “sabungero.” (Tiktilaaaa–ooooooooook!)

Bakit kaya hindi “Hudas” ang kanyang napili?

Maganda ang pinanggalingan ng pangalang “Hudas” sa salitang Hudyo — Juda, Judah — “praised” o “pinuri”. Pero para sa mga Pinoy, maski saang anggulo, ang katumbas nito ay ang kabaligtaran — MURA as in ‘sumpa’ o ‘minura’.

“Hangkyut you, Yudas you!”😯 (Ansama pa rin!)😦

Ganid, switik, ahas, traydor, balikharap…

Si Pedro at Si Hudas. Sila ang mga pangunahing tauhan na sisipatin natin ngayong araw na ito ng Biyernes santo.

————————————————————————————————

Nangyari ang istoryang ito sa pagbubukang-liwayway nuong araw nang si Kristo ay ipinako sa krus (Biyernes ba talaga Sya ipinako?🙄 Ow, com’on…)

Maliban kay Juan (palibhasa may kilala yata sa ‘loob’?) ang lahat ng disipulo ay nagsipulasan nang ipadampot ng mga Honorable judges at Administration pipol nila nuon si Kristo sa Getsemane park, matapos ang kaunting jammingan, o yung Last Supper na tinatawag. Pero dalawa ang sa tingin ko’y pinaka- mabigat ang pagkukulang sa bosing nila — si Hudas na nagtraydor, at si Pedro na makatlong beses na nagkanulo.

“ When Judas, who had betrayed him, saw that Jesus was condemned, he was seized

with remorse and returned the thirty silver coins to the chief priests and the elders.

I have sinned, he said, for I have betrayed innocent blood.

What is that to us? they replied. That’s your responsibility.

So Judas threw the money into the temple and left. Then he went away and

hanged himself.”

(Matthew 27:3-5)

Si Hudas — city-boy na taga-Judea kung saan naroroon ang Herusalem. (sa Pilipinas, ang katumbas ay ang Manila). Matalino, nakapag-aral. Pinagkatiwalaan bilang treasurer ng grupo-trese (Christ at 12 apostles). Nagtraydor sa bosing nya, at ibinenta ito sa halagang tatlumpung salaping pilak (30 pieces of silver). Umamin naman dahil nakunsensya — but had resorted to SELF-REMORSE instead of repentance. Pinairal ang paninisi (at galit) sa sarili. Hindi nagtiwala sa kakayahan ng Diyos na patawarin sya. Nagbigti…

Maybe he thought that that would be better than to justify his misdeeds, than to spend the rest of his life explaining? Lalo ka nga lang naman mababaon sa kahihiyan habang hindi ka umaamin at pilit mong pinagtatakpan ang nagawa mong pagkakamali.

Yung controversial na Gospel of Judas looks like one. Saan ka naman nakakita ng gospel na siya ang mas bida kaysa sa Panginoon? At bitin ang istorya, hindi ba? Siguro pagtatakip lang yun ng isang kamag-anak o isang bespren niya?

Hindi mo naman kailangang pagtakpan (o kahit ng kaibigan mo) ang nagawa mong pagkakamali. Bakit hindi mo hayaang ang Diyos ang maglinis sayo ng nagawa mong pagkakamali?

“ Then seizing him (Jesus), they led him away and took him into the house of the high priest.

Peter followed at a distance. But when they had kindled a fire in the middle of the courtyard

and had sat down together, Peter sat down with them. A servant girl saw him seated there

in the firelight. She looked closely at him and said, ‘This man was with him.’

But he denied it. Woman, I don’t know him,’ he said.

A little later someone else saw him and said, ‘You also are one of them.’

Man, I am not! Peter replied.

About an hour later another asserted, ‘Certainly this fellow was with him,

for he is a Galilean.’

Peter replied, Man, I don’t know what you’re talking about!

Just as he was speaking, the rooster crowed. The Lord turned and look straight at Peter.

Then Peter remembered the word the Lord had spoken to him:

Before the rooster crows today, you will disown me three times.

And he went outside and wept bitterly.”

(Luke 22:54-62)

Si Pedro — probinsyanong taga-Galilea na nasa gawing norte ng Israel. (Sa Pinas, ang parang katumbas ay ang Ilocos). Ignoramus o “walang pinag-aralan.” Mangingisda. Pa-impress sa bosing nya. Makatlong ulit na ipinagkanulo si Kristo — nanumpa pa, huwag lang mabuking! (see Mark 14:71). Nakunsensya din — pero nagsisi in the right way. Nagbalik-loob sa Panginoon

Genuine REPENTANCE. Naglingkod sa Panginoon hanggang sa kanyang kahulihulihang hininga. Ayon sa tradition (church history?), nuong ie-execute na sya ng mga Romans — nagpapako nang patiwarik dahil hindi raw sya “deserving” para ipako nang kaparis ng Panginoon Jesus.

Minsan tuloy, gusto kong isipin na mas matalino ka at mas mataas ang pinag-aralan, mas malabo kang makakilala sa Diyos. Kung sino pa yung “mulat” ang kaisipan, siya pang “bulag” sa katotohanan. Tama yung sabi ng matatanda:

“Hindi lahat ng nag-aral ay natuto, at hindi lahat ng natuto ay nag-aral.”

Mas “sikat” pa nga si Hudas kaysa kay Pedro di ba? Hindi naman komo kilalang-kilala ka ay magaling ka na. Today, fame or notoriety will make no difference. People tend to glorify criminals, to make heroes out of villains.

Sayang si Hudas. Matalino sya at mataas ang pinag-aralan kumpara kay Pedro na isang mangingisda lang. Binigyan sya ng pagkakataon ng Panginoon na magsisi — he had a CHOICE. Kung hindi nya pinili ang paraang alam nya, ngayon sana’y HINDI katumbas ng isang pagmumura ang kanyang pangalan.

And now, Judas, by not repenting and by killing himself, had chosen “to live by his name.” What an irony…

————————————————————————————————

Hindi mo kailangang magpakamatay para maging kaparis ni Hudas. Yung mabuhay ka lang nang may self-remorse ay para mo na ring BINIBIGTI — o unti-unting pinapatay sa sakal ang SARILI mo:

EX-CONVICT: “Wala nang magbibigay ng trabaho sa akin,

kaya mangho- HOLDAP na lang ako!”

BABAERO: “Hindi na ako mapapatawad ng misis ko.

MAMBABABAE na lang lalo ako!”

MISTRESS: “Sino pa ang magseseryoso sa akin?

Hanggang KABIT na lang ako!”

BROKEN-HEARTED: “Mga manloloko kayong lahat! Magpapakaburo na lang ako!

Sige maga-FLING-FLING na lang tayo!”

DISGRASYADA: “Basa na ring lang e di magpakabasa na!

Magpapaka-PROMISCUOUS na lang ako!”

ABORTIONABOL: “Ayaw ko amining mali ginawa ko, kaya parati kong

bibigyang-katwiran ang PAGPAPALAGLAG sa beybi ko.”

ILLEGITIMATE CHILD: “Bastardo ako! Putok sa buho!

Hindi ako dapat isinilang sa mundo!”

BLACK SHEEP: “Tutal, masama naman akong anak,

eh di magduDUROG na lang ako.”

SCHOOL DROP-OUT: “Hindi na ako tatanggapin sa school,

kaya taTAMBAY-TAMBAY na lang ako.”

HUWAG ganyan… Maaaring yan ang “tatak” na inilagay sa inyo ng tao (na inangkin nyo naman nang husto), pero iba ang gustong itawag sa inyo ng Lumikha sa inyo — ANAK!

Ikaw kaibigan? Kamusta ka na? Are you doing things today just “to live out your name”? Maski gaano pa kalulutong ang iyong mga halakhak para lunurin ang sarili sa pagtatago ng negative feelings mo, nandyan pa rin yan. Oo… NAKATAGO lang.

Walang magaang o mabigat na pagkakasala kung pagpapatawad ng Diyos ang pag-uusapan.

Lahat tayo makasalanan, NO exemptions. Pero ang bawat isa ay may pagkakataong bumawi sa pamamagitan ng pagsisisi at pagbabago. Pero ano — self-remorse ba o genuine repentance?

Sino ka sa dalawa? Si Pedro… o si Hudas?

Jesus forgives and trusts Peter again.

Peter, repented and forgiven.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/21/si-pedro%e2%80%a6-o-si-hudas/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. […] Bakit nga ba naging mura na yang salitang bastard? Di bale pa siguro(?) ang “Hudas” – accountable ang may pangalan sa kanyang pagkukulang. Pero ang illegitimate child? Kasalanan ba nya kung sya’y naging isang “love child” lang? […]

  2. […] Sina Pedro at Maria (mga tauhang kilalang-kilala) ,
    may kapalpakan silang sa Bible ay malinaw na mababasa (huwag tutularan)… May mga kabutihan din naman silang ginawa, nagsilbing magandang halimbawa, para ang mga ito ay tularan – HINDI upang sila ay idolohin, sambahin at dasalan… Maging ang mga santo man. […]

  3. bakit wala ung tnong ko eh!!!!!!!!!!

    ————————————————

    HBH: Ngyeh!?😯 tnong mo? … o sagot ko?
    Ano ba kasing tanong yun, pate? Clue pa nga… hindi ka kasi nagpakilala eh. Hindi ko tuloy alam kung si Pedro o si Hudas ka.🙂 (jokes)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: