Delivered.

new life

Black Saturday. Sabado de Gloria. Araw ng mga “lukaw” at baru-baruan, na tiyak na susundan ng mga isang linggong langgasan ng dahon ng bayabas. :mrgreen: TULI ka na ba? Ahehe… mga tutuy, TULIAN na namaaaan! kanina pa!😆

Hindi ang pagpapatuli ko ang ibibida ko ngayon (hindi pa nga yata ako tuli nung mga panahong iyon :mrgreen: ), kundi tungkol duon sa isang babaing nakaitim na naging bahagi ng isang yugto sa aking buhay. Eto yung mga panahong active kaming kasali sa pag-a-“ave–ave” nuon sa mga bahay-bahay (“block rosary” ba’ng tawag dun, o “BLACK rosary”?).

1st year highschool

Calamba, Laguna, nasa first year highschool ako nuon (Ano!? 1st year highschool ka na, hindi ka pa tuli!? uu — sabi ko sayo, late-bloomer ako eh!). :mrgreen: Ito yun kahuli-hulihang araw na nag- gudbay ako sa isang hindi maipaliwanag at paulit-ulit na karamdaman.

Sa katunayan, nagsimula ang pananakit ng tiyan at pagsusuka ko nuong taong 1973 (elementary grader ako) bago pa man kami lumipat ng Calamba. Sa Baesa, Quezon city kami nakatira nuon. Minsan, isinama ako ng nanay ko sa pamamalengke sa Cloverleaf market sa Balintawak. Ibinili nya ako ng isang stick ng banana cue na naubos ko naman agad.

Pag-uwi ko ng bahay, ayun na… sumakit na ang tiyan ko at paulit-ulit ang pagsusuka. Dinala ako ng mommy sa isang hospital sa Novaliches. Awa naman ng Diyos, sa tulong ng mga gamot at pagkakabit ng dextrose, gumaling ako. Pero hindi pa pala natapos duon yun…

Sa tuwing kakain ako ng saba — kesyo banana cue yan, minatamis na may yelo, maruya, o yung sahog sa ulam na putsero, ganun nang ganun… Sasakit ang tyan ko, dadalhin sa hospital, ide-dextrose, uuwi. Dala ko yun hanggang makalipat na nga kami ng Calamba.

Kalaunan, hindi ko na kinakailangang kumain ng saba para magkasakit uli. Kusang sumusumpong ang pananakit ko ng tiyan every other two months na yata. Dahil duon, medyo naging phobic na ako sa hypodermic needle ng dextrose.

Ikaw ba naman ang matusukan ng maraming beses ng karayom dahil hindi matumbok-tumbok ng mga nars ang ugat sa braso. 😦

Ang nakapagtataka ay iyong huling sumpong na nabanggit ko na kanina sa itaas (nung highschool ako).

The same usual pattern: sasakit ang tiyan nang may pagsusuka, dadalhin sa ospital, ide-dextrose, gagaling, uuwi ng bahay… pero ngayon iba. Wala na ang sakit, pero hindi ko na maiunat ang aking kanang(?) binti dahil sumasakit ang aking pelvic joint kapag aking ipinipilit. Hindi naman appendicitis.

Ilang araw din akong nasa ganuong kalagayan… Hindi maiunat ang binti sa pinagdugtungan ng baywang at hita, kaya napilitan ang mommy ko na dalhin ako sa isang manghihilot sa karatig-bayan ng Cabuyao duon din sa Laguna.

Sinipat-sipat ng matabang babaeng hilot ang mata ko

“Hindi magkasinlaki.” eka nya.

Hiniwakan ang magkabilang kamay ko at pinagtabi ang mga hinliliit

“Hindi pantay…” eka uli. “Hindi ako naghihilot ng ganito. ‘Nabati’ ito!”

Nabati ng nuno sa punso o napaglaruan ng duwende ang ibig nyang sabihin. 😆

“Ipatawas mo ito.” ang payo ng matandang mataba.

Ang nanay ko naman, alalang-alalang iniuwi ako…

Kinabukasan, nagpasundo ng mananawas o albularyo. Habang naruon kaming dalawa ng “manggagamot” sa itaas na kwarto, sinabihan ng Mommy ang Daddy na nasa ibaba ng bahay:

“‘ddy’, basta huwag ka na lang kokontra.”

Ang tatay ko, maski na saradong Katoliko nuon, hindi naman naniniwala sa mga kulam-kulam. Ang nasabi na lang:

“Sino namang akala mo sa akin, si Cosmic man?”

(Kalaban po iyon nung isang sikat na karakter sa Liwayway komiks-magasin na si Phantomanok, Pinoy bersyon ng “Eagle-man” o “Hawkman” o “Birdman” o maski anung ibon pa yan)

Humigit-kumulang sa trenta anyos ang babae. Nakasuot itim. Nuong una, kasama sa kwarto ang mommy ko. Pinatanggal ang lahat ng suot na damit ko (nakakumot naman ako kaya hindi rin kita… beh!). Pero pamaya-maya lang pinalabas din ang nanay ko.

Ahehe… hindi naman ako ni-harass. Nag-ayos lang ng mga tawas-tawas at kung anu-anong paraphernalia nya, dinasal-dasalan ako at parang tinapa akong pinausukan ng kung anu-ano habang nakakulubong, nagsindi ng kandila at ipinatak sa tubig na nakalagay sa nakatihayang takip ng kaldero.

Gising na gising ako at tiyak akong hindi ako nakatulog dahil saglit lang naman yung orasyon. At mukhang mabait naman yung ale. Sinsero at seryoso sa kanyang ginagawa. (Sincere, but mistaken?)

Maya-maya lang, tinawag ang nanay ko at ipinakita ang hugis na nabuo mula sa ipinatak na kandila sa tubigmukha daw ng isang duwende (sa tutuo lang, wala naman akong maitsurahan kundi patak ng kandila 🙄 ). Itinuro pa ng mananawas kung saan lugar ako ‘nakatuwaan’sa may kanal sa gawing tagiliran ng compound ng apartment na aming inuupahan (may mga puno ng saba), na sya namang talagang parati kong pinupuntahan. At yung mga puno ng saba, animo isa akong ninja na ini-spin ng kutsilyo ang mga iyon. (ahehe… anggaling ko naman — may nitamaan akong maliit at IMBISIBOL na duwende?):mrgreen:

Maya-maya pa, nagpaalam na ang babae. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi pa sya gaanong katagalan na nakaaalis ay nakaramdam ako ng ginhawa. Bagama’t masakit pa ang tagiliran ko, naiunat ko na nang kaunti ang binti ko.

Kinalingguhan, isinama ako ng nanay ko sa simbahang katoliko ng Calamba, at mula sa tubig ng agua bendita ay pinahiran ng kamay nya ang parteng pelvic joint ko (empre hiya din ako kasi binatilyo na ako nuon nu?). 😳

Ang lubhang nakapagtataka, matapos lubusang mawala ang sakit ng tagiliran at maiunat ko na ang aking binti, hindi na sumumpong maski kelan ang aking pananakit ng tyan at pagsusuka!

Ang explanation ng tatay ko: psychological lang iyanfaith-healing” eka. Hypnotic suggestion — posible kaya?

Nung naging born-again ako, I was inclined to believe that I was “healed” by a spirit OTHER than God Himself. Perhaps a so called ‘familiar spirit’ or ‘disembodied spirit’ or demonbecause even demons can “heal” to deceive. (click the red letters for some scriptural bases)

I am telling you this story to warn you: Take good care of your BODY, nourish it and be healthy. But do not forget your SOUL which is more important.

“For whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for me will find it. What good will it be for a man if he gains the whole world, yet forfeits his soul? Or what can a man give in exchange for his soul?” (Matthew 16:25-26)

Maaaring ang ispiritong ito rin ang naglagay ng sakit sa akin na kanyang “pinagaling” kalaunan (inside job kumbaga?)para lang paniwalain ang buong sambayanan namin na tutuo ang mga balis-balis at kulam-kulam! Ahehe… but he didn’t succeed!

Is my soul doomed because of this? Of course not. I was ‘touched’ but not possessed. And besides, nangyari ito nung hindi PA ako ‘bible-believing’ Christian.

When I accepted Jesus as my Savior and Lord many years later, by His blood I was cleansed and my soul delivered from whatever curse this experience has had on me. Hindi ako conceited o nawawala sa sarili sa pagsasabi ko ng ganitoIF you’re a Christian, you can claim all THESE promises and assurance from your Father in heaven. (com’on click it)

Nangyayari ito maski kaninumang tao na tatanggap kay Kristo.

“In him (Jesus) you were also circumcised, in the putting off of the sinful nature, not with a circumcision done by the hands of men but with the circumcision done by Christ, having been buried with him in baptism and raised with him through your faith in the power of God, who raised him from the dead.

When you were dead in your sins and in the uncircumcision of your sinful nature, God made you alive with Christ.”

Colossians 2:11-13

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/22/delivered/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Mga magulang ko, lalo na si Mama hindi naniniwala sa mga albularyo yung mga ‘nabati’ daw. Yung kuya ko kapag ganun nangyayari, doktor agad ang tinatakbuhan ng mom ko. Pero kahit papano swerte din pala ko kasi nung bata pa ko, hndi naman ako nagkakasakit ng malala.. Ubo lang tapos wala na. Hindi ko na experience ma confine nung bata pa ko kasi healthy ako nun. Pero kung kelan naman ako nag college tsaka ko naman na experience ma confine..

    homebodyhubby: mga parents ko man, hindi nagre-
    rely sa mga albularyo o mananawas — maski pa mahigit dalawang taon din akong nagtiis sa pabalik-balik sa ospital dahil sa paulit-ulit na pagsusuka at pananakit ng tyan…
    kaya nga lang, niyong huli ay talagang hindi ko na maiunat ang kanang (?) binti ko, kaya desperado na ang mom ko…
    sa aming anim na magkakapatid, ako lang naman ang “nasalang” sa ganun. 😆

    ahehe, balistad tayo…
    simula nung mag-resigned ako sa dati kong trabaho,
    hindi na ako nagkakasakit maski lagnat man lang.

  2. ay hnd rin naniniwala si papa sa ganyan!
    pero si mama, sobrang oo. hahaha!!!
    Hindi naman masama maniwala sa ganyan eh!
    Pero mas magnda pa rin kung kumunsulta na lang sa doktor!

    hayyyy!!! ninong grabe namiss ko ang blogging!
    sa wakas at bakasyon ko na rin!!! hayyy!
    namiss ko rin si ninong!!!
    amP!!!

    blogging blogging na ang drama ko ngaun!!!
    hahahahaahahahhaahha!!!

    happy easter!!!

    homebodyhubby: hanggulat ko sayo, inaanak! 😯
    akala ko mamamasko ka! …kasi pasko ngayun eh — pasko ng pagkabuhay! ahehe…

    mas maganda pa rin iha yung nag-iingat tayo, para hindi magkasakit… o… bakasyon na nga pala! magpataba ka😉 huwag you masyado magpupuyat sa kaba-blog…😀

  3. ay ninong hnd nmn ako magpupuyat sa kakablog!
    sa tingin ko sa movie marathon!
    yun ang pinagpupuyatan ko ng sobra!!!
    hahahaha!!

    homebodyhubby: ay! ahehe… mukhang bakasyong-bakasyon ka na nga, naka-online ka pala,
    ambilis you nakareply.

    mas okey nga siguro pagpuyatan movie marathon, relax-relax, nuod-nuod lang — hindi mangawit ang kamay
    sa kaka-keyboard at kaka-mouse. 🙂

  4. sabi ko naman sa iyo ninong eh!
    summer na tlg!!!
    mas masaya sana kung mag-iistay ako sa baguio kasi malamig!
    ahihihih!
    musta summer mo ninong?
    Amblis me nakareply noH! fufufufU!!!

    Hindi nga nakakapagod manood kaso sasakit nga lang mata! Amp! heheheh!!!

    homebodyhubby: mas mainit dito sa kapatagan
    ng Central Luzon, lalo na dito sa 4th floor ng building na animo’y isang pugon.

    oo kita ko na nga yung post mo, mukhang namakyaw ka
    ng DVDs sa Baguio hehe. edi pikit ka minsan-minsan habang nuod para hindi sakit mata mo, kinig mo na lang (jokes) 😛

  5. […] Hindi ko malimutan nung ako’y grade IV, yakap nya ako minsang inaapoy ako ng lagnat at halos magdiliryo na ako. Nung ako’y first year highschool, dahil wala na syang magawa ay napilitan syang dalhin ako sa magtatawas – hindi dahil may putok ang kili-kili ko – kundi eka ng isang hilot ay ‘nabati’ daw ako ng isang nuno sa punso. […]

  6. […] • Delivered. ( my personal experience sa ‘usog’ at ‘tawas’ ) […]

  7. […] Nasabi ko na nuon ang posisyon ko tungkol diyan: Hindi ako elibs sa mga kulam-kulam na i-yan! Maniwala kayo o hindi dyan, in the end, hindi naman ang ipinakulam ang dehado e — kundi yung mangkukulam at nagpakulam… Awoooooo!!!😯 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: