Tigok…? “TIGOK!”

Sabado de gloria. Ayon sa mga matatanda, mula alas-tres ng hapon kahapon (Byernes santo), hanggang sa madaling araw ng Linggo (Domingo de Pascua🙄 kulang-kulang dalawang araw lang yun ah?) ay “patay ang Diyos.” Tradisyon lang naman yun, kapatidkaya hayaan na… huwag nang palakihin pa. Basta alam ko at alam mo, parating buhay si Kristo.

Maski nung late 1980s pa ako tumanggap sa Panginoon, mahal na araw ng 1990 nuong nagdesisyon akong magpabautismo sa tubig.

KBCF Summer Family Camp at UPLB College of Forestry (Holy Week 1990, April 11-14). Taken from our 1990 photo album. The photos were cut-out to form the first letter “G” in a phrase that says to God be the Glory.
You may click on the photo for a larger view of the offset portion (Easter Sunday, April 15): My first step of Obedience.

Malinaw pa rin sa “pandinig” ko ang awit ng nakapaligid na mga kapatiran:

I have decided to follow Jesus (3X)

No turning back, no turning back.

The world behind me, the cross before me (3X)

No turning back, no turning back.

Though none go with me, I still will follow (3X)

No turning back, no turning back.

Tahimik akong nakikiramdam habang nakalusong sa baptismal pool at idine-declare PUBLICLY ng isang pastor namin ang aking desisyon… May hiwaga bang magaganap? Maiiyak ba ako? (Yung iba kasing kasabayan ko, naiyak, yung iba hindi.)

Natapos ang pronouncement. Nailubog ako sa tubig at umahon mula sa baptismal pool. Ipinagpray kaming lahat (Yung nasa itaas na bahagi na nakatungo kaming lahat). Wala akong kakaibang naramdaman. 🙄 (Batet tanun?) Walang himala! Hindi ako naiyak. But…

Months after this, I started to cry even FOR my offenders. Dito nagsimulang maging pusong-mamon akomaawain, mababaw ang luha…

Naalala ko nung grade 2 pa lang ako (hehehe, natambak yata ang lahat ng kasutilan ko nung elementary pa lang ako)

Alam nyo pa yung mumurahing plastic na straw ng softdrinks? 🙄

Pag nakakita kami ng kalaro ko ng anthill, o yung tumpok-tumpok na lupang durog na matyagang iniahon ng mga pulang langgam mula sa ilalim ng lupa (hindi yung ‘punso ng duwende’ ha?termite hill yun), sisindihan ko yung plastic straw at saka ko itatapat duon sa munting burol ng langgam. Kung minsan, ang gamit ko ay pudpod na suklay na plastic -– miski ano, basta plastik.

Ang mga kawawa at walang ka-malay-malay na langgam, taas ang puwitan na kanya-kanyang nagsisipulasan. :mrgreen:

“Ang sadista mo pala, Robert! Wala kang puso!”😡

Guyam lang naman? saka nuon pa yun…😳

Minsan ang sinindihan ko ay isang tsinelas na Spartan na nawala ang kabaak… Goma yun!

Itinusok ko sa dulo ng patpat (takot ko lang, baka mabilasik ang pagliyab)… sinindihan si istepin (ang hirap sindihan) Nagsindi naman… sey mo, ang ITIM ang usoknice!

Primerong patak, paisa-isang lang, aandap-andap: tak… tak… tak… tak…

Maya-maya lang… tak! tak! tak! tak! (potragis, tunud-tunod!) tak—taktaktak !

Nataranta ako! Itinaktak ko sa lupa yung patpat para mamatay ang sindi… Isang munting ‘bolang apoy’ ang pumailanlang pataas at saktong nag-landing sa paa ng kalaro ko! whoops! 😳

Minsan naman, naputol yung leeg nung tutubing hawak ko dahil sa pag-atras nung isang batang inuto kong ipakagat ang dodo nya sa tutubi para “rumunong syang lumangoy” — naiwan pa yung ulo ng tutubi na nakakabit sa dodo nya! 😯 iii… Tagal naman na yun?😳

“Tsk tsk tsk… Yung bata? Buti hindi nilagnat?”😕

Uunga eh…😳

Tutubi at langgamclass Insecta lang yan. Umakyat tayo nang kaunti pataas sa animal kingdom reptilia at amphibia.

Tuwing gabi, mula sa loob ng kwarto sa itaas ng aming bahay, tanaw na tanaw ko ang mga butiking nakakapit sa wire mesh screen sa labas ng bintana. Bigla na lang magdidis-apir ang walang malay na nilalang sa kadiliman ng gabi sa labas, kasi pipitikin ko sya — at mula sa ibaba ay madidinig ko ang tunog ng kanyang paglagapak. :mrgreen:

Nuon libang na libang ako pag bagong taon. Nilalagyan ko ng labintador sa ilalim ng tiyan ng mga palakang bato (Bufo marinus -– yung palakang pag inaatat mo e dyumi-DYINGGOL?🙄 ). O kaya huhulihin ko sya tapos, papakahirap akong ibuka yung bibig nya at duon ko isisingit ang paputok. Saka ko sisindihan… Lalakad o lulundag si palakahanep, “cool na cool” — akala mo may yosi sa bibig !😆 Thrilled ako pag nakikita kong tumatalsik si palaka o kaya biglang nawawala ang ulo. Sori po… 😳 Bata pa ko nun.

Mas grabe pa nga ito, 15 year old. 😦 Hindi naman ako yan, pero baka gusto nyo lang tignan (i-CLICK nyo lang):

Kawawang BATA na nangawawa ng DAGA

Hindi ko alam kung natural lang sa ilang mga bata na dumaan sa ganito, which he can outgrow naman later?trabaho na yan ng mga psychologist at psychiatrist. 😉

Bakit ngayon, naging ‘maawain’ ako? I see even a big and strong man as hes a helpless child if he is ‘LOST’. 😦 If I cry for you, it does NOT mean napikon mo ako… naaawa ako sa iyo.

Simple lang po ang mga ibinibida ko dito. Hindi lang yan. Marami pang naging magandang pagbabago. Maraming-marami pa… 🙂

“For we know that our old self was crucified with him so that the body of sin might be done away with, that we should no longer be slaves to sin — because anyone who has died has been freed from sin.”

Romans 6:6-7

“I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me.”

Galatians 2:20

“Now if we died with Christ, we believe that we will also live with him. For we know that since Christ was raised from the dead, he cannot die again; death no longer has mastery over him… In the same way, count yourselves dead to sin but alive to God in Christ Jesus.”

Romans 6:8-9, 11

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/22/tigok/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. I want to emphasize here that being “dead to sin” does NOT mean “being perfect” or not capable of sinning
    (like the ‘infallible’ ‘Papa’ for some?) …ambabaw naman. 😕

    Being “dead to sin” is more of

    “What is your ATTITUDE toward sin?” — or
    “How do you FEEL when you are sinning?”

    Yan ang ibig sabihin ng adjective na “God-fearing” o
    “may takot sa Diyos” — yung umiiwas magkasala o gumawa ng hindi maganda maski pa walang ibang taong nakakakita. 😛

    Kung ikaw yung tao na “OK lang” na magkasala
    (por eksampol — “okey lang na magluko ako sa ibang babae, hindi naman alam ni misis” — miski pa nga may ‘approval’ ni misis) — then you are a “slave to sin” — a slave to your LUST or EXTRAMARITAL PASSION towards women who are not your wife.

    Ibig sabihin, ALIPIN ka ng promotor ng lahat ng pagkakasala o paggawa ng lahat ng kasamaan sa buong mundo — si Taning! 😈

    Para kang naka-programmed na ROBOT nyan, o zombie na susunud-sunod sa idinidikta ng iyong pagnaNASA o LIBOG sa hindi mo asawa… ahehe miski na ba BOSO lang. 😆

    “It doesn’t mean a man will never find other women attractive. Rather, we are to limit how we respond to those natural attractions by controlling both our thoughts and our actions.
    It’s true that our world bombards us with sexual images, but it is our choice whether to pursue these images or resist them.” (quoted from Couple’s Devotional)

    Baka gusto mong basahin ito? — CLICK mo😉

    Dangerous fantasies

    Tanungin mo sarili mo:
    “Anong gagawin ko sa TUKSO — magpapaalipin ba ako dito,
    o tatakbuhan ko?”

    Kung gusto mo nang mahaba-habang diskusyon, CLICK mo ito:

    TUKSO, layuan mo ako?

    Ahehe… Nasasayo yan — kung ano ang PILOSOPYA mo sa buhay. 😆 Baka naman nai-insecure ka lang sa misis mo? 😦

    …yan lang ang naieksampol ko dito, kasi parati iyan ang pinakamainit na isyu.

  2. aba itay.. hindi ko naman ugali manunog nung bata pa ako.. manira lng ng bhay ng langgam.. hehehe.. kakatuwa ka pla nung bta.. isa ka plang pasaway..

    homebodyhubby: tama ka anak… isa akong firebrand– eheste, “arsonist” nuon😳 buti pa pala ikaw, nagde-demolish lang ahee… bahay lang naman ng guyam…😆
    hanubayan! nabisto tuloy ako ng ‘anak’ ko! 😳

    heniwey, tagal na naman yun, diba? 🙂

  3. kawawang mga nilalang na nabiktima nyo, kuya.. Hahaha.. Ang kulit nyo pala noon😀 .. Mas pasaway yata ako, kasi ako dati nanghuhuli ng ipis tapos nilalagay ko sa bag ng kaaway ko. ahehe.. Pero bata pa ko nun..😉

    homebodyhubby: uunga eh… pero mas kawawa yung
    nagmimiron na mga kalaro! 😛

    yaiiks!!! ipis?😯 …kadiri yun, day! 😆

  4. […] As ever, may takot sa Diyos (hindi sa krus, ha?) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: