‘Mulat’ na bulag… bulag na NAMULAT

3-9)
Saul was blinded by the “LIGHT” (Acts 9:3-9).

Kahapon, natapos na ang Mahal na Araw

Maano naman? Tutal, ang pangyayaring ito ay naganap nuong mga panahon matapos si Kristo ay nabuhay na muli at naka-akyat na sa langit — mga eksena na karaniwang mas napapanood sa mga sinakulo. At isa pa, ang kahulugan ng mga pangyayaring ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang mga araw na iyan ay patuloy lang naman hanggang sa ngayon.

Kilala ng marami si Pedro, dahil isa sya sa mga pangunahing apostoles ni Kristo. Pero ilan kaya ang nakakakilala kay Pablo?

Si Pablo. Siya ang dating si Saulo (Saul). Wala sya sa apat na Ebanghelyo o Gospels (first 4 books of the New Testament of the Bible). Una syang ‘umeksena’ sa panlimang aklat ng New Testament, nang kuyugin ng mga Hudyo na ‘iligpit’ o patayin ang Kristyanong si Esteban (Stephen) sa pamamagitan ng pagbato (Acts 7:54-60, the stoning of Stephen).

Si Saulo. Isa rin siyang Hudyo at kababayan ni Kristo. Dahil siguro sa mataas nyang pinag-aralan, hindi napakahirap sa kanya ang makakamit ng Roman citizenship. Naging estudyante ni Gamaliel, isang sikat na maestro (Teacher of the Law, or Rabbi?). Kabilang sa mga grupong relihiyoso na kung tawagin ay ‘Pariseo’ibig sabihin, may malawak syang alam sa Banal na Kasulatan nuon (Old Testament of the Bible) at iba pang Batas ng relihiyong Hudaismo.

Si Saulo. Isang arch persecutor o pangunahing taga-usig kina Juan at Pedro, at sa lahat ng mga nangangaral ng katuruan ni Kristo. Sya ang isang klase ng tao na pirming nagmamanman sa bawat kilos o salita ng mga mananampalataya, hahanapan yun ng miski maliit na kapintasan para i-discourage o patigilin sila sa kanilang ginagawa dahil nako-convict sya sa mga ipinangangaral ng mga ito. Paano nga naman… taliwas ito sa mga prinsipyong natutunan at pinaniniwalaan niya.

Si Saulo… may mataas na pinag-aralan. Great knowledge, but NO understanding. Mulat sa maraming kaalaman, pero BULAG sa katotohanan.

Paanong nangyari iyon?

Hayaan nating si Saulo na mismo ang sumagot —

The man without the Spirit does not accept the things that come from the Spirit of God, for they are foolishness to him, and he cannot understand them, because they are spiritually discerned.

— 1 Corinthians 2:14

Hango yan sa kanyang sariling liham para sa mga taga-Corinto, na isinulat nya nuong mga panahon matapos siyang makakilala kay Kristo… nuong na-CONVERT na sya!

This is the BAD NEWS: Para sa isang taong BULAG (maski gaano pa siya katalino), ang Bible ay pawang “myth” o kabaliwan, kaya malimit napapag- kamalang may psychological need o problem ang mga Bible preachers. Hindi sila maunawaan ng mga taong ‘wala sa Panginoon’paano nga naman maiintindi- han ng mga nakikinig ang mga bagay na ‘wala sa kanila’? Mag-uumpisa ka pa lang magsalita, sumasara na ang kanilang mga tenga at isip. Hinuhusgahan na agad yung nagsasalita at hindi na iniisip yung sinasabi nito.

The GOOD NEWS? Pwede mong maintindihan, paris ng nangyari kay Saulo. Natandaan nyo yung sinabi ko sa first paragraph sa itaas? Nakaakyat na sa langit si Kristo nuon‘wala na’ dito sa lupa!

Paano ba talaga ang nangyari?

Isang araw, sa kanyang paglalakbay patungo sa Damascus (Syria) upang hulihin ang mga Kristyano (lalaki man o babae) at dalhin sila para ipiit sa Herusalem (talagang isang DIE-HARD persecutor ng mga Christians itong si Saulo)…

“… suddenly a light from heaven flashed around him. He fell to the ground and heard a voice say to him: Saul, Saul, why do you persecute me?

‘Who are you, Lord?’ Saul asked.

I am Jesus, whom you are persecuting, he replied. Now get up and go into the city, and you will be told what you must do.

The men traveling with Saul stood there speechless; they heard the sound but did not see anyone. Saul got up from the ground, but when he opened his eyes he could see nothing. So they led him by the hand into Damascus. For three days he was blind, and did not eat or drink anything.”

Acts 9:3-9

Binulag ng Diyos ang taong ‘mulat’…

Pero sa ‘awa din ng Diyos’, hindi naman nagtapos dito ang kwento. Kung itutuloy nyo lang ang pagbabasa, malalaman ninyong ibinalik ng Panginoon ang paningin ni Saulona kalaunan ay tinawag na Pablo (St. Paul)… ang bulag ay talagang IMINULAT!😀

At alam nyo bang ang pagkasama-samang taong itosi Sauloay syang napili ng Panginoon upang gamiting instrumento para ipahayag ang Magandang Balita ng Kaligtasan sa pamamagitan ni KRISTO — hindi lang sa bayan ng Israel, kundi maging sa labas nito? Si Pablo ang unang “apostle to the Gentiles” (Hentil o ‘pagano’ sa tagalog, na ang ibig sabihin ay mga lahi ng taong hindi Hudyokasama tayo dito).

Diyan nagsimula ang lahat kung kaya’t sa ngayon ay umabot na hanggang dito sa Pilipinas ang Pangalan ni Kristo (sa kasamaang-palad, nauna ang mga kastilaloy dito). Maging sa mga ‘huling araw’ ay aabot ito maski saan pang kasuluk-sulukan ng mundo! 😀

Si Kristo ay hindi lang para sa mga Hudyo, kundi para sa buong mundo! Naalala nyo yung sinabi kong nawalang relasyon ng tao sa Diyos sa post na ito?

RELASYON…the second time around!

Lahat ng relihiyon ay “pader” na lalong nagpapalayo sa atin sa Diyos, at ng tao sa kapwa tao. Relihiyon ang ugat ng lahat prejudice at giyera sa mundo. Isa lang ang TULAY pabalik sa Diyosat iyan ay si Kristo JESUS!

Even though Christ is in Heaven today, he has sent the Holy Spirit back to earth in the day of Pentecost (Acts 2), that is why conversion is still possible at this momentjust like what has happened to Paul, to the Philippian jailer and his family (nasa baba ang istorya), kay John Newton, at sa mga bible-believing Christians ngayon. Posible rin mangyari iyan maging sa’yo na maaaring magpa- hanggang sa ngayon ay hindi pa ‘nakakikilala’ o ‘tumatanggap’ kay Kristo Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay.

Maaaring mataas ang iyong pinag-aralan. Kabilib-bilib marahil ang tinapos mong kurso, at kilalang-kilala ang kolehiyo o unibersidad na pinag-gradweytan mo. Maaaring consistent topnotcher ka sa lahat ng bagay, at tuwang-tuwang ka at lunud na lunod na sa mga palakpak at papuri ng mga taong napapabilib mo sayo… walang kwenta yan eh. Men are praising you, but what is your standing before God?

May pakiramdam ka ba? O para kang isang estatwang bato na may tenga at mata, pero walang namang naririnig o nakikita?

“‘Nakakakitaka na ba?

25).

Paul & Silas sing praises to God while in prison at Philippi (Acts 16:25). Buti pa yung DAGA, nakapakinig ng maka-Diyos na kanta at papuri. 😆 Na-born-again kaya sya? (jokes!) You better read the rest of the story — many have been saved that night! 😀

Ito yung istorya sa piktyur (basahin nyo na rin Bible nyo): 😉

Nuong hatinggabing iyon, habang kumakanta sina Paul at Silas, nakikinig ang ibang prisonerong naruon… Biglang lumindol! Bumukas ang lahat ng pinto ng kulungan at natanggal ang pagkaka-kadena ng lahat ng prisonero. Nagising ang nagbabantay sa kanila (ahehe, bantay… natutulog?): 😆

27-28).“The jailer woke up, and when he saw the prison doors open, he drew his sword and was about to kill himself because he thought the prisoners had escaped. But Paul shouted, ‘Don’t harm yourself! We are all here!” The jailer called for lights, rushed in and fell trembling before Paul and Silas. He then brought them out and asked,

Sirs, what must I do to be saved?’ ” (Acts 16:27-30)

Another irony was ‘in work’ here — the Philippian jailer was ‘free’ — he was outside the prison cell, yet, was in ‘BONDAGE’…

Ituloy ang kwento…

“They (Paul and Silas) replied,

Believe in the Lord Jesus, and you will be savedyou and your household.’

Then they spoke the word of the Lord to him and to all the others in his house. At that hour of the night the jailer took them and washed their wounds; then immediately he and all his family were baptized. The jailer brought them into his house and set a meal before them; he was filled with joy because he had come to believe in God — he and his whole family.” (Acts 16:31-34)

Maaaring hindi NARINIG nung jailer yung papuring pag-awit nina Paul and Silas kasi natutulog nga sya, diba? Pero malay mo naman kung mababaw lang yung tulog niya? (naranasan mo na yun di ba? — lalo na sa umaga, maski ‘tulog’ ka pa, dinig mo yung mga ambient sound sa paligid, o kaya yung pag-uusap ng mga kasambahay mo). Maski na ba hindi pa yung kantaNAKINIG din sya sa mga ipinangaral nina Paul at Silas, kasama ang kanyang pamilya.

Kaya eto pa ang isang tanong ko, dagdag duon sa una:

“‘Nakakarinigka na ba?” 🙄

19-20). 17-19).

After his conversion, Paul became a preacher for CHRIST and an arch defender of the Christian faith. LEFT: He was stoned in Lystra (Act 14:19-20); this was before he was jailed in Philippi. RIGHT: He was receiving gift from the church in Philippi through Epaphroditus while in prison in Rome (Philippians 4:17-19); This was during his last days, before he was executed (beheaded) by the Romans.

Amazing grace, how sweet the sound,

that saved a wretch like me!

I once was lost, but now am found;

was blind but now I see.

‘Twas grace that taught my heart to fear,

and grace my fears relieved;

How precious did that grace appear,

the hour I first believed.

Thru many dangers, toils and snares,

I have already come;

‘Tis grace that bro’t me safe thus far,

and grace will lead me home.

When we’ve been there ten thousand years,

bright shining as the sun;

We’ve no less days to sing God’s praise

than when we first begun.

John Newton

Published in: on 24 March 2008 at 3:00 pm  Comments (11)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/24/mulat-na-bulag%e2%80%a6-bulag-na-namulat/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. hmmm. . .
    akala ko kanina walang katuloy yaong question na kung sino si PAUL. ..
    Napaisip 2loy ako!
    Parang nakalimutan ko na lahat ng napag-aralan ko noong hayskul.
    AmP! Baaaaaaaaaaaaad!!!

    homebodyhubby: o ayan, eloiski… nilagayan ko na ng “CLICK mo ito…” ahehe.

    hindi kasi talaga masyado kilala si ‘St Paul’. 🙂

  2. kamusta? napadaan at nakibasa. may bahay pala ng daga dito hehehe peace!

    xlinks po?

    homebodyhubby: musta ka na rin, dilan!
    tagal ko ring hindi napasyal sa bahay mo. 🙂

  3. aba.. itay.. parang nakakita na ako at nkarinig.. awww! ganda ng mesage nyan pra tlga yan sa mga nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulgan dito sa earth..

    homebodyhubby: ahehe, mabuti naman kung ganun, anak! p’reho naman siguro tayo ng weyblengk?😆

  4. naalala ko tuloy ang mga st paul days ko. si st paul ang patron saint ng skul namin.

    homebodyhubby: uy… yung 1st gf ko, St Paul sa QC din. 🙂

  5. tama.. ganda nito kuya..🙂

    happy summer po…

    God blesss po…

    homebodyhubby: sa tutuo, ‘spring’ pa lang —
    june 21 talaga ang start ng summer. 😛

    pero dito sa Pinas, tama lang na tawaging ‘summer’,
    kasi distinct wet and dry season lang dito sa atin —
    hindi paris sa iba na may spring, summer, autumn (fall),
    at winter…

    yehey! 😀 summer na nga! 😀 God bless din sayo!

  6. ako kilala ko sya pero mas maganda rin kung mas lalo sya makilala di ba?

    homebodyhubby: korek ka dyan! 😉

    ako nga, marami pa bagong naaalaman sa kanya…
    yan pala si Paul eh itinago na rin nuon sa basket para makatakas sa mga umuusig sa kanya? 🙄

  7. ako din nakakita na at nakarinig nuon pa nung binago ko na yung takbo ng buhay ko..😀 salamat sa entry na to Kuya..

    homebodyhubby: oo, bunso… ipagpatuloy mo lang!
    am really very happy for you. 😉

  8. […] Alam nyo bang si St Paul man ay galing sa kinagisnang relihiyon niya (Judaismo) at isa sya sa mga tumutuligsa sa mga mangangaral ng Bible nuon? Pero nung nakakilala sya sa Panginoong Hesukristo, kaisa na sya sa mga taong tinutuligsa nya nuon. Harangan mo man sya ng sibat, hindi mo sya kayang pigilan. See a short account about him here → “ Mulat na bulag, bulag na namulat. ” […]

  9. […] In fact, so many times I considered this a blessing😉 – kinda similar sa binanggit ni Paul na “thorn in the flesh” nya: […]

  10. […] (Examine the case of the man Saul who became Paul). […]

  11. thank you for this post… God bless us all…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: