Sa bandang harapan

4th floor

(Hello, Sun!) Mabilis ang pagsibol at pagtaas ng araw mula sa kalupaan. (Quo vadis, homebodyhubby?) Pakaliwa, hanggang tanaw lang; Pakanan, tatlong palapag palusong para sumayad ang paa sa lupa. (Hello, world!)

Pag ganitong mainit ang panahon, ‘parusa’ ang ‘magkulong’ ng bahay. Hindi na sapat ang mag-FRAMING nang buong araw, titigil pagdating ng dapithapon, at tatanawin sa bintana ang paglubog ng araw.

Dalawa ang units sa ikaapat na palapag ng gusali kung saan kami nakaupa. Pag-akyat mo ng 4th floor, nasa bandang kaliwa ang pinto papasok sa amin: isang wala pa sa 6 x 7 metro-kwadradong espasyo. Hindi ko naman iniinda ang kaliitan ng selda kong ito, dahil dadalawa lang kami ni misis, kasama ng sandosenang miyembro ng pamilya ng DAGA na hindi naman matakaw sa teritoryo.😆 Sa apat na konkretong dingding o pader ng kwarto, isa lang dito ang may mga bintana — yaong nasa gawing likuran ng gusali na nakatapat sa kanluran. Mula sa bintanang ito ko kinunan ang mga SUNSETS.

Sa silangan nakaharap ang gusali. Dahil sa iisang pader nga lang ang may bintana, kailangang buksan ang pinto para pumasok ang hangin. Para makita ang umaga, kailangang lumabas pa at tumungo sa veranda. Kunsabagay, wala namang masyadong igaganda ang SUNRISE para tignan at ‘syutan’ kumpara sa sunsets. Mas higit na napakadali, para sa mata o sa lente man ng camera, ang titigan ang papalubog na araw kaysa duon sa papasikat pa lang.

Kabaligtaran ng tahimik na bundok at palayan ang makikita at maririnig mula sa balkonahe ng building na ito: mga tore at gusali, mga sasakyan at mga taong humahangos na parang mga daga na kulang na lang ay magliparan. (flying mouse?) 🙄

Kapansin-pansin ang mangilan-ngilang tambay na walang magawa kundi ang pagsawaang titigan ang mga nagseseksihang kababaihan na dumaraan, na madali kong matatanaw ang mga “cleavage” kung ako’y magsasamantala lang.

oops!O ano, nakita nyo ba ang nunal? Hindi ko gawain yan ha? Kinunan ko yan para mag-sampol lang. Eniwey, ginawa ko namang hindi malaswang tignan. Parada ng mga beauty queens yan. 🙂

Sa balkonaheng ito ako napapahangos ng tanaw kapag naririnig ko ang sirena o hugong ng mga trak ng bumbero mula sa fire station na nasa mismong tapat lang (Tag-init ngayon, kaya mas ‘madalas ang hugong’). Mula sa ‘deck’ ng building ay tanaw ko ang buong kalupaan sa gawing hilaga, timog at silangan. Gamit ang isang compact binoculars, madali kong naiispatan ang maitim na usok malayo man ang sunog na pinangyayarihan.

Katabi ng fire station ay ang bagong-gawang gusali ng Justice hall. Ilang linggo ko ring napagtyagaang kunan mula sa balkonahe habang itinatayo ito.

Sa bandang kaliwa ng aming gusali, direkta sa ibaba ng balkonahe ay ang simbahang Aglipay. Dito kami madalas nakasasaksi ni misis ng mga menor de edad na ikinakasal dahil nire-reject daw sa simbahang katoliko. (Ano kayang hitsura ng bride?)

Katabi lang ng simbahan ay ang punerarya. (Buti na lang walang nakaisip magtayo sa malapit ng gotohan at bulaluhan…)😆 Minsan sa gabi ay nakaririnig ako ng mga palahaw ng iyak ng mga kamag-anak ng namatay. 😦

Sa bandang kanan ng aming gusali ay ang dalawang bankoyung nasa may bandang kalayuan ay kare-renovate lang, itong nasa bandang bungad ay matagal nang nagsara dahil nalugi. Itong mismong baba ng aming gusali ay banko din. (Napapalibutan kami ng mga banko rito, pero wala naman kaming maideposito. 😆 Maraming farmers at tindera dito, hindi mapustura pero kung magdeposito sa banko, bag-bag ang kwarta.)

Sa balkonaheng ito rin kami nanunuod ni misis ng mga kwitis at putukan tuwing bagong taon.

Sa kalsada sa ibaba nagdaraan ang lahat ng parada at prusisyon: intramurals ng mga eskwelahan, town fiesta civic parade, flores de mayo (santacruzan) ng mga naggagandahang binibini o badaf man, at “salubong” pag mahal na araw. Dito rin malimit idinaraan ang mga karosa ng patay na ililibing, na halos hindi pumapalya linggo-linggo, lalo na sa tuwing sasapit ang buwan ng Oktubre na para bang napupuna ko ay “panahon ng ‘anihan’” (Saan kaya napunta ang mga kaluluwa ng mga grumadweyt na nilalang?) 😦

Patimog pakanan ang sulong ng lahat ng mga sasakyan mula sa kaliwa sa hilagang pinanggalingan. Pag madaling-araw lumuluwas ng Maynila si misis, bababa lang ako at hindi na lalayo pa ng ilang hakbang para ihatid sya at antayin hanggang sa makasakay ng bus na magdaraan.

Maghapon ang pag-agos ng mas nakararaming mga traysikel. May mga eskirol, pero hindi pa rin nawawala ang pila, (maliban na lang kung ‘patay na oras’ o ‘patay na araw’), mga traysikel drayber na maagap na tatawag ng “sakay!” sa mga pasaherong halos hindi pa nakabababa mula sa dyip. Pag ‘market days’ mas patok ang mga traysikel sa mga taong may bitbit na pinamili mula sa malapit at tanaw ding palengke.

may nasagasaan daw!Minsan, may pinagkaguluhan… May ale kasing galing ng pamimili sa palengke, nabutas ang plastic bag na tangan. Nasagasaan daw at ang buto ay naglabasan😯! Eto ang piktyur sa kanan… kaya nyo kayang tignan nang malapitan?  E di sige, click nyo yan, basta walang sisihan!

Nung gumulong kasi, saktong may traysikel na nagdaan. Huwag nyo na tanungin kung paanong nakaligtas yung dalawa — sa isa lang yung nasagasaan eh. Baka wala kanina yung dalawa dyan, nag-u-uzzi lang? 😆

Huwag po sana kayong mapipikon, ako po’y talaga lang ganyan… 😉

Ang bihira kong pagtanaw sa silangan ang umaaya sa akin para muling paalikabukan ang aking mga talampakan.

Makababa nga muna… makapa-nyut ng mga kamatis na nasagasaan! 😆

Hindi po… magpapaaraw lang… magpapaitim nang kaunti, magpapagpag ng vertigomaglalakad-lakad. Kailangan ko na rin kasing lumabasnagsasasakit na ang ulo ko sa kakukompyuter. Ayush lang… sa computer naman lumabo ang mata kohindi sa silaw sa araw.

Talikuran muna ang likuran, harapin ang harapan. Tutal “pakulimlim na” naman, iiwan ko muna ang bahay. Huwag lang kalimutang may isang kawan ng hamsters akong pinapastulan. 😉

Saan ako tutungo Yahweh upang ako ay makatakas?

Sa Inyong kadakilaan, kailanma’y di makaiwas.

Kung ako ma’y pumasilangan

Umiwas man pakanluran

Pihong Kayo’y nar’on O Yahweh

Upang ako’y pangunahan.

O Diyos ako ay siyasatin

Ang lahat sa ‘ki’y Inyong nababatid

Sa buhay na walang hangganan

Samahan Nyo ako at ihatid.

Aleluya…

hango sa lyrics ng “Awit 139 (Ako’y Inyong Sinisiyasat)” mula sa album na “Pagsamba” — isang produksyon ng KALOOB: Musika at Sayaw ng Bayan Alay Kay Hesus.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/30/sa-bandang-harapan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

21 CommentsLeave a comment

  1. aba.. itay tlagang detalyado bwat sulok ng tirahan nyo ha.. pero mukhang pisful naman ata sa inuupahan nyo.. nawindang ako sa babaeng kita cleavage kc di ko sya mkita blurd sya.. basta sana wag syang pulmunyahin.. ska anu nangyari dun sa aleng nasagasaan?? di ko mxado naisplukan eh.. At itay lumabas ka naman ng maexpose ka sa public… yung mga fans mo hinihintay ka na… hehehe

    homebodyhubby: ha?😯 sinong ale ang nasagasaan?
    tara, tanong natin kina ‘angel’ at camille?🙄 mukhang naisplukan nila eh! 😛

    oo anak, miski saang sulok ng bahay namin, payapang nakahihimbing ang mga daga namin. 😆

    ahehe… lalabas na nga eh, kaya dadalang na ang blog —
    pero hindi naman talaga mawawala. 🙂

  2. Wow! Ganda nung pagkakakuha!!

    Yung sa babae baka lang nainitan sya kaya ayun, labas yung cleavage nya.. ahehehe..

    Nyak! April fool’s day nga pala.. Hala kinabahan ako kala ko buto ng tao ang lumabas.. hahah..
    Kuya buti naisisingit nyo pa ang pag ba blog nyo kahit dami kayong ginagawa..

    homebodyhubby: natutuwa naman ako sayo ‘angel’ — p’rati kita napapakaba sa mga jokes ko! 😀

    yung posting? hmm… oo, pero simula this month medyo dadalang na… 🙂

  3. hello po kuya, sensya po, now lang napadalaw ulit. (*shy mode*)
    sa lahat ng pedeng mapiktyuran eh yung babaeng seksi talaga ang nakunan mo ha?😉 at talagang nagmadali akong buksan yung pic ng aleng nasagasaan. at totoo naman. nakalabas nga ang buto! hehe

    pag pakulimlim na, saka ko naman gusto mag-’emote’.. hehe ewan ko ba, pero sarap magnilay nilay sa ganyang oras eh… haayy…🙂

    homebodyhubby: oo camille… yang mga seksing babae, nasa float yan eh… mukha ang talagang gusto kong syutan, kaya nga lang dahil nandito ako sa 4th floor, para silang nakatungo at “iba” ang nahahagip ng camera ko. :mrgreen:

    siguro dapat bumaba ako ng 2nd floor ano?

    hindi din naman maganda kung didikit ako sa float duon sa mismong kalsada — tiyak titingala naman ako, baka mas lalong “iba” ang masyutan ko? 😳 — yung tutsang,
    o yung buhok sa butas ng ilong? 😛

    mas kyut mag-emote sa ilalim ng ulan —
    miski tulo ang sipon at luha, hindi halata…😛

  4. aha! bat nanyunyut ka na ng cleavage ngaun! sandali lang ako nawala ha iba na sinusyut mu!😀 hmmnn, pde b mkapanungaw jan senyo? gus2 ko din mkatanaw ng cleavage! Lols😆

    parang pag napunta ko ng nueva ecija eh hahanapin ko na lang yug buildng na malapit sa firestation at justice hall at purerya at mga bangko at simbahan eh mahahnap na kita ah! hehe parang wikimapia pagkaka deskryb!

    hmmn.. wak mo sabihin bumababa k p ng lungga mo para mka panyut ng pisak na kamatis???😀

    homebodyhubby: ngeh — trial lang naman yun? 😳
    uu, baba ako para nyut kamatis — hindi cleavage. :mrgreen:

    uu din! …kaya nga ni-detalye ko, baka by chance may magawi sa inyo dito, bukas lang ang gate para akyat kayo.😛
    o, a-yan! nilagayan ko na ng satalayt ng daga ang saydbar! 😆

    nialis ko muna uli yung satellite map, nagluluko eh —
    ayusin ko muna, hane?🙂

    o, ‘minyang’ e-yan na uli — ang wer-abawts ng mga daga! 😆 Baka indi lang kayo magkaintindihan, hanapin mo lang ang 47-yr-old na manong na ito:

    hamster caregiver
    hamster interpreter

    Miski sino dyan, iisang tao lang naman yan, magkaiba ‘syat’ lang!😛 Silaw lang sa biglang labas ng bahay (sa balkon) sa bandang harapan — hindi nakasimangot yan! 😆

    Sundan mo ang kalsada ng mapa mga 4 kilometers pababa — makikita mo ang PhilRice. 😉
    Malayu-layo naman pakaliwa at medyo pataas nang bahagya, mararating mo nasa SUNSET photos kong mga bundok na ito sa Talugtug at Cuyapo, ang bayan ni bad boy robin padilla.😆
    (saka ko na ipa-plot ang mga iyan sa mapa)

    ————————————————

    31 July 2008: Sunset mountains and tower, PhilRice, and other places are marked on the Platial map at the bottom of the sidebar.

    ————————————————
    (02 Mar 2010)
    HBH: Platial map no longer available → see HERE

  5. oo, minsan, nakakatamad harapin si pareng kompyuter 24/7. para bang pinagtutulakan din niya akong mag=unat-unat at lumabas at magpakyut kay haring araw. haha. ayon kay koreanmine, taga-NE ka pala. hehe, ako din. ^_^ sta. rosa.

    homebodyhubby: talaga, pate?😀 biro mo yan — dalawang bayan lang pala ang pagitan natin sa isa’t-isa!? kaya pala maganda rin ang sunset dyan. 😛

  6. […] solargazer […]

  7. […] Maggagantsilyo (expert sya dito!), o kaya tatanaw sa balkonahe… […]

  8. […] Mga ka-blog, dadalang na uli ang posting ko (Yehey!:mrgreen: eka siguro nung mga miski hindi ko naman pinatutungkulan eh nanggagalaiti dahil sa mga ipino-post ko)… Lay-low lang uli, hindi ko alam kung “😳 -tus” (hiya-tus) bang matatawag ito. Sa katunayan, ilang beses na rin akong nagpaalam, pero hindi naman ako totally “nawawala” o nagiging imbisibol – kahirap din kayang pigilan ang passion ng pagsusulat. […]

  9. Ayos na-imagine ko na ngayon ang tahanan ng mga sikat niyong hamsters. o”,)

    ————————————————

    HBH: Taliwas ito sa iniwan naming staff housing sa PhilRice… pero aush lang.😎

  10. […] Nung una kong makita ang pushcart na ito sa bahay ng anak-online ko, yan talaga ang unang salita na naisip ko… Tulak! Syempre, kariton e. Rolling store. Marami ngayon dito
    sa baba ng building, nagtitinda ng mani, popcorn, fishball o kikyam dahil magpapasko. Sey mo, may French fries pa na iba’t-iba ang kulay at lasa ng polbo! […]

  11. […] Naalimpungatan ako!!!🙄 Nawala sa paningin ko yung indoor pool, family resort, at Los Baños. PANAGINIP lang pala. Pero yung USAL na paulit-ulit, umuukilkil pa sa aking pandinig. Galing mula sa kalsada sa ibaba, dumadaan ang KAROSA. Over the microphone at sa naka- full-blast yatang sound system, yung dasal nga. […]

  12. […] Ilang sandali matapos kong ipaskel ang entry’ng ito,
    ako’y muling yayapak sa lupa (nakatira ako sa 4th flr ng
    sang building)😆 para makalawa o makatlong magpasalin-salin ng bus sa lakbaying pa-timog na tatagal ng humigit-kumulang sa pitong oras. (Haigh… hiningal ako!) […]

  13. […] Sabi ng iba nakalulungkot daw panuorin ang sunsets o papalubog na araw kaya naman mas pinipili nilang pagmasdan ang papasikat na araw…
    O e di sige, tara sa bandang harapan: […]

  14. […] ‘Parusa’ na naman ang post meridiem (pm) hours dito sa 4th floor unit ng building na inuupahan namin — mahigit limang oras ding direktang tumatama ang sikat ng araw sa kanlurang bahagi ng gusali. […]

  15. […] May narinig akong parada sa baba.
    Anuba’t pag sugod ko ng dungaw sa balkon — na sakto namang nagdadaan ang mga mutya — ay biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan? (with matching kulog pa nga yata!) […]

  16. […] Langhap hanggang dito sa 4th floor ang amoy ng iba’t-ibang putahe ng nilulutong karne ng baboy sa ibaba. Kinabukasan, eyun na nga… mula sa maliit na kapilyang kadikit lang ng gusaling aming tinitirhan, inihudyat ng kampana ang okasyong kararaos pa lang… […]

  17. […] Baluga (Baba, Luwas, Gala) […]
    “Makababa nga muna… makapa-nyut ng mga kamatis na nasagasaan!😆 Hindi po… magpapaaraw lang… magpapaitim nang kaunti, magpapagpag ng vertigo — maglalakad-lakad. Kailangan ko na rin kasing lumabas — nagsasasakit na ang ulo ko sa kakukompyuter. Ayush lang… sa computer naman lumabo ang mata ko — hindi sa silaw sa araw.”

  18. […] Sa bandang likuran naman ito. […]

  19. […] Nasa itaas ka ng tore? ← Pede kang lindulin [kaba].
    Dehado ka rin sa sunog pag nasa taas ka ng building. […]

  20. […] Mga lumipad at dumapo sa harap o likod ng aming building. […]

  21. […] Sinyat ko yan mula dito sa 4th floor ng building. Ano kayang posibleng nangyari kung dito sa kalsada sa ibaba sila pumuwesto paris nung new year 2008? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: