In my life…

one-year-old homebodybaby

Helow? hellooowww… batet tanun ang modem to ??? …tatlo tunud-tunud na powt na ang tulang to!

Mga negative films ito ngayon. Ineksakto ko nang isang rolyo (36-exposure) — B&W at color na pinaghalu-halo. Kung nitatamad kayo tinginin yung pikyurs, huwag nyo na lang ‘ipa-debelop’ ang mga negatibs.😆

————————————————————————————————

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36

In my childhood

n-01.gif1 One of the oldest family photo recovered (1965): Homebodybata (encircled) with Dad and Mom (standing at left), Ate (seated foreground) and 1st brother (kilik ng Tito kong navy), with immediate relatives and friends.

n-02.gif2 Unang kalarong natatandaan ko pa (1967): si Berto (ahehe, tukayo ko pa -– seated on the rock), ilang beses ko ring pinaiyak ito. Homebody- totoy was reclining on his mom and ate at right, 1st brother was the boy with cap, and 2nd brother was the blond-haired baby at the foreground.

n-03.gif3 With siblings and playmates in Quezon city (1971): Ate was carrying my youngest sibling (baby sister), 1st brother was the big boy beside them, 2nd brother was at far right, and 3rd brother was the long-haired boy with his gaze turned toward the back.

In my school

n-04.gif4 Second year highschool, Calamba (1975): Homebodypupil was standing at the back, 2nd from right. Consistent class president (section 3 of 8-15 sections, kasi sa aming anim na magkakapatid, ako lang ang ayaw sa section 1) — from 1st to 4th year (maski tigas na pagtanggi ko… what’s so good about being ‘the president’ -– or ‘being first’ in anything, anyway?).🙄

n-05.gif5 Wala akong na-recover na maski isang picture sa UPLB Writer’s Club, kaya ito lang ang nag-iisang representasyon sa photo album ko. Nung mamatay ang father ko, medyo nag-lay-low din naman ako, dahil ayaw kong nag-aalala ang nanay kong kababalo…

n-06.gif6 Still in college (1985): Giving our group a treat after finishing our “Mental health campaign” project. Kaakbay ko ang my best friend ever.’ Yun namang girl sa dulo… e… kuwan… naalala nyo yung girl sa simbahan na ni-kwento ko sa Sori anak… post ko? Wala lang…😳

In my hikes

n-07.gif7 Kaga-graduate ko (April 1987), yung isang barkada ko nagte-thesis pa! As a moral support, sinamahan namin sya (ni Juni) sa study area nya sa Jala-jala (mentioned in Valentine’s day post).

n-08.gif8 Nag-aantay pa ako ng tawag sa una kong trabaho (May 1987) kaya nakakapaglakwatsa pa ako! Eto naman yung barkada kong enlisted military man na binago ng Panginoon (mentioned in Gen-X post).

Three persons — my 1st brother, thisfriend, and the woman who gave me this card →  — played a significant role in my knowing the Lord and Savior of my life.

n-09.gif9 Eto si Juni (NAC and UST alumnus), constant na kasama ko sa pamumundok. (Kung pamilyar kayo sa award-winning short/experimental film sa super 8 na “Kabaka” ni Raymond Red, itong co-hiker ko ang lead actor dun). Kaming dalawa lang ang magkasama nung akyatin ko ang mga highest peak ng Bundok Banahaw (mentioned in Si Lolo at Lola post) at ng Bundok Makiling nuong may tsansa pa akong mamundok pag holidays at weekends.

Banahaw peak1988-04-02-banahaw.gif

n-10.gif10 Binulag na ng catarata (or glaucoma?) ang mountain-climber friend kong ito kaya umuwi na sya sa kanila sa Bukidnon (Hindi ko man lang to nabalitaan bago sya nakauwi, plano sana namin akyatin bundok sa Musuan). Musikero at kompositor sya kaya hindi rin sya masyado naiinip.

In my work (Los Baños)

n-11.gif11 First junior staff ng PhilRice on its initial operation, kaya kami aalog-alog pa. Yung babaeng nasa likod ko? Maganda sya! Pero talagang friends lang kami. Dun sa babaeng nasa harap nya ako na-inlab!🙂

n-12.gif12 Kwento kasi nang kwento maski magkokodakan na (Hindi ko pa sya gerpren dito)… Pero maski gaano pa ka-‘unglamorous’ ang mga kuha nya, hindi ako nata-turn-off sa kanya.😛

n-14.gif13 Batad, Banaue. First time na nakasama ko si misis sa hiking, lakad naming mga mag-o-officemates. Bagong kasal pa lang kami dito, kaya parang honeymoon-hike na rin.:mrgreen:

n-13.gif

n-15.gif14 Isang taon pa lang nayayari yung building namin sa Central Luzon, ilang araw kaming inulan ng abo galing sa Mt Pinatubo (mga 90 kilometers din ang layo ng bulkan mula dito).

In our church

n-16.gif15 Porac, Pampanga, September 1991. KBCF-PhilRADS evangelistic, medical and relief mission for Mt Pinatubo victims. (“Therefore will not we fear, though the earth be removed, and though the mountains be carried into the midst of the sea.” — Psalm 46:2)😎

n-17.gif16 Garden wedding ng dalawang kapatiran sa KBCF. Katabi ako ng ninong naming pastor sa dulong kanan, si misis nasa bandang kabila. Ako kasi ang nag-set sa self-timer mode ng camera kaya kami magkalayo.

Out my ‘home’

n-18.gif17 Co-trainees in Hokkaido. Mag-amerikana at magkurbata pa silang lahat, basta ako ay giniginaw, naka-jacket lang. Yung kaklase naming ‘Turko’ nakamaong nga lang.

n-19.gif18 Sensei kong beteranong photographer. Medyo napabilib ko si lolo dahil in the history of OIC, ako daw ang first time na naka-perfect score sa pre-test sa photography. Eka ko na lang — maski sino naman, pag PINOY, tiyak panalo!😀

n-20.gif19 Sumali ako sa tradisyong laro ng matatanda — ang malaking lubid na tug-of-war sa Yonabaru. 😀 Famous sa longevity o sa haba ng buhay ang marami sa mga Okinawan folks.

n-21.gif20 Syempre maski anong kulay o lahi, basta mga BATA, ako’y nahihilang makigulo at makisaya! 😀 Kyeme pa nga ako dito dahil may nakatingin sa likod na matanda.

n-22.gif21 The lady beside me is a Chinese co-trainee. It is interesting to note that despite being an atheist, she believes in spirits -– kasi one time na magkasama kaming dalawa na naglalakad at napadaan ng sementeryo (na wala namang mga nakalibing kundi puro mga abo), dumikit sya sa akin at natatakot daw sa multo.😆 We became so close that she kept on asking me about Jesus. Ito yung Sunday na isinama ko sya sa worship service ng Bible-Christians dito.

n-23.gif22 Beach-and-beer escapades, kasama ang mga kaklase kong Latino amerikano. Kumbakit napag-usapan pa naman itong circumcision — ako pa ang tinanong ng dalawang kastila kung bakit nagpatuli pa daw ako?😆

n-24.gif23 Ang sarap ‘magwala’ kapag ‘nangungulila’. Sa mga ganito, asahan mong ako ang promotor ng gulo. Hindi naman lasheng — medyo tipsi-tipsi lang.

n-25.gif24 The guy’s name is Suleman, a Moslem. He called me a “brother” dahil pareho daw kami ng birthday. Tapos na ang training dito kaya sinusundo na sya nung Hapon na taga-Naha airport para umuwi ng Tanzania.

n-26.gif25 Hindi kumpletos rekados kung walang mga Pinoy na kahalubilo. Pwera lang yang si Nubia na isang Latina (from Paraguay) na napagtripang paglaruan ang buhok ko.

n-27.gif26 Mga PINOY pa rin… Isang Pilipinong US navy na kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa Okinawa. Nung araw yata ito ng linggo minsang sumama akong makinig ng sermon ng isang amerikanong pari sa simbahang Romano Katoliko. Ang poporma namin, sey mo?

n-28.gif27 Mga kababayan sa training center dorm (kita nyo ba ako?). Pauwi na ng ‘Pinas yung girl na nasa likod, kaya sabi ko sa kanya: “Ikahon mo na ako at i-smuggle pabalik sa bayan natin… miss ko na ang misis ko, huwaaaah!”😥

n-29.gif28 Nasa Tokyo na rin lang, bakit hindi pa mag-Disneyland? Makakakita pa ng ‘totoong kartuns’!😆

On my return (PhilRice-Nueva Ecija)

n-30.gif29 Dinalaw ako ng isang sensei ko (katabi ko), kasama ang kanyang mga kabataang estudyanteng haponesa… Napansin ko na ang mga babaeng Hapon, walang kyeme-kyeme at hindi pa-glamor.🙂

n-31.gif30 Mudspring, my eight visit! Reunion ng mga Pinoy na co-trainees sa Japan… si misis lang ang ‘sampid’ dito, pero hindi na-out of place. Alam nyo naman si misis!😉

n-32.gif31 Makiling rainforest park. A Pinoy friend and ‘brother’ I met in Okinawa while he was working (US navy) in one of the air bases. Sya ang nagbigay ng Couple’s Devotional Bible namin ni misis!

n-33.gif32 Inhale, don’t exhale… One of my favorite group portraits with my co-worker friends. Just my idea of fun: I told the group to take a dip in the water, then roll over the sand. Aptly described as “Mga Baboy-dagat.”😆 “Nag-dukyut”, sabi nga ng mga ilokano…

n-34.gif33 Despedida ng retiring na ‘tatay’ ko sa edad na sikisti-five (true… ganyan nilang mga dinatnan namin dito bigkasin ang “sixty” – ‘plural’ daw eh). Beteranong potograpo (at marksman na rin) — inabot pa nya at nasyatan (ng litrato) si Agriculture Minister Arturo Tanco nung panahon nito. Theoretically mas marami akong alam sa photography, pero kung sa karanasan, mas di hamak na malawak ang kanyang karanasan kaysa sa akin — kaya sa kanya, saludo pa rin ako!

n-35.gif34 Mga huling buwan ko sa trabaho. Pumasyal ulit sa opisina ang navy Pinoy friend ko kasama ang isa pang kaibigang Hapon na nakilala ko sa Okinawa. Kalalabas ko ng ospital kaya ‘bumagsak’ ang katawan ko dito.😦

Out of PhilRice

n-36.gif35 James and Robin, mga kapitbahay kong Koryano, estudyante ng CLSU. Misis ni James (nasa kaliwa), isang Pilipina.

36 “In my life… ♫ — ♪, ,

1988-09-baguio.jpg1988-12-tagaytay.jpg

IN MY LIFE” by The Beatles

In my BLOG

jonell • dilan • ian • nika • inaanak • tita kengsk • anak kong goodboy • parekoy • pards • ginoong kapatid • july • bok • my a-ding • klasmeyt • super anak mama ni Bentong fau • basyang • misyel • bunso kong angel • jen • koo-koo • camille • akda • a-ding pompom • 4angels • raymond

Kelangan ko na rin kasing maglalabas — at magluluwas. That means, mababawasan pang lalo ang time ko sa pagko-computer at pagba-blog… Hindi appropriate yung word na ‘hiatus’ kasi sandali at temporary lang ang ibig sabihin nun. This one is ‘for good’ — pinakamadalang na siguro yung once or twice a month na posting. Okies ba?😉

My “blogmates” (then and now), mabuhay kayong lahat…

The Lord bless you and keep you;
the Lord make his face shine upon you
and be gracious to you;
the Lord turn his face toward you
and give you peace.

(Numbers 6:24-26)

————————————————————————————————

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/03/31/in-my-life/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. Pasensya na po kayo kung naging parang ‘postdated’ ang publishing ng tatlong post ko (March 30 and 31, and April 1). Nagkaroon kasi ng problema sa physical connection ng modem ko — naka-dial-up pa lang kasi ako! 😆

    Everybody’s friendship is appreciated (jonell is still my fave writer, kengks my fave blogger, etc…) ; I just highlighted three who are especially ‘dearest’ to me…

  2. Okay lang kuya, naiintindihan ka namin. Ako nga po madalas na ganun eh..😀

    Pero yung song na yun, ia yun sa mga gustong gusto ko kahit pa matagal na sya.. Ayoko ng mga bagong versions gusto ko yung orig lang talaga..

    Sa totoo lang, iba yung feeling ko kapag tinitingnan ko yung mga luma ko pictures.. Pati lumang pictures ng mga magulang ko at yung mga kamag-anak namin. Hindi ko nga namamalayan yung edad ko eh kasi parang ang bilis bilis na ng panahon ngayon lalo pa’t nagiging buzy na..

    homebodyhubby: salamat, bunso, sa malawak mong pang-unawa. 🙂

    ganuon nga yata talaga yun, ano? mas naia-associate natin ang song sa mga tinig ng umawit the first time nating narinig yung kanta.

    re sa bilis ng panahon — kaya dapat talaga, i-enjoy natin ang bawat araw — sa paraang wala naman tayong pagsisisihan sa huli dahil malinis ang ating kunsensya…

    Be happy, young man (woman also), while you are young,
    and let your heart give you joy in the days of your youth.
    Follow the ways of your heart and whatever your eyes see,
    but know that for all these things God will bring you to judgment. (Ecclesiastes 11:9)

    yung mga ‘unenjoyable pasts’ ay lessons na lang (ako man marami nun eh). 😉 sa edad mo, mas higit ka pa ngang mas daming panahong ie-enjoy kaysa sa aming ‘matatanda’ na.😛

    ahehe… at yang pagtanda? — sabi nga ng mga matatanda “kalabaw lang ang tumatanda!” 😆 ang importante,
    sa ‘puso ay nananatili tayong mga bata’ (‘heart of a child’) — in the positive way, of course.

    In regard to evil be infants, but in your thinking be adults.
    (1 Corinthians 14:20)

  3. wahaha. pang Blak n wyt ka tlga!!!!😆 hehe

    Tabi to tayu pan-naytin-topon-topong ato!😆

    – at meron ka pa tlgang hot warm frozen chuva ekek ha😛

    Mga naging avatars ko yan simula nung September nang magblog ako, somehow reflecting my dominant “mode” as can be seen in my posts. ‘Dumating’ ka sa blog ko (sa life ko na din) nung kasalukuyang nasa ‘hot mode’ ako…😳 Aware ka naman, yun → pinakahuli, sayo ko lang ginamit na parang mensahero. Hindi ko na ito gagamitin uli maski kelan (it’s just between us).

    – bat may bro. na baril :-s

    Yung UPLBWC ba’ng tinutukoy mo? Di ba nabanggit ko malimit, lalo na sa “Sori anak…” post, na gusto ko na nuon “mamundok”?😦

    – ung chinese gurl, nag papakyut lang sau un para makadikit sau! Lols😆

    Tanun ba yun?🙄 Pero ‘lam mo talaga curious sya re Christ. That ‘sementeryo’ incident was during the first time we met – nagkasabay kaming lumabas sa back gate ng training center at pareho ang pupuntahan; pakaliwa sya sa usual na daan, ako pakanan sa ‘unbeaten path’ na kokonti ang dumadaan (yung sa sementeryo nga)… May asawa din sya at wala din silang anak… Panay ang kwento ko sa kanya tungkol kay Choi ko at nasabi nya nga “You love your wife very much.”
    Nauna akong umuwi sa Pinas ng August (hindi kami magka- klase) pero nag-long distance ako sa kanya ng October para lang batiin sya… Hanggang makauwi na sya ng Hainan, nag-eemail at snail mail pa rin sya sa akin – ang salbahe ko, hindi ko na sya nasagot kasi balik na naman ako sa trabaho
    at busy na naman… Nagi-guilty nga ako dahil hindi ko na
    ni-follow-up ang pagse-share ng gospel sa kanya.
    (hala, anhabang wento na naman)😛

    – patented pala sau yung pose ni chitaeh sa face! Lols😆

    Madami pa ako pose na mas daig pa si chitaeh!:mrgreen:

    – aha! at bat nipapakalikot mo hair mo sa iba!

    Mabait yang si Nubia, hindi nakakailang kasi parang batang inosente at walang kamali-malisya… 😛 Sya’ng kasama ko sa piktyur ng tug-of-war… Nung pauwi na ako, may pa-cry-cry pa sya at pa-hug-hug pa kami; ganun naman kasi talaga silang mga latino at latina – napaka-warm-blooded (pero grabe din magalit, na madali naman ding humupa). Pinoy nga ang peborit nilang kasama dahil marurunong
    kami mangastila (may 12 units pa na required sa Spanish nung nasa college ako).

    – ok sa beach trunks? ha! Lols😆

    Pitis ang suot ko pag sa beach, kasi pag maluwang, pinapasok ng buhangin ang salawal ko! 😆 Pag sa pool, usually ina-underwear ko lang yan… Parang ganyan yung suot ko sa → pinakababang piktyur sa post na ito.

    – lam mo , grabe ang chaga chaga mo tlaga, sana mahawa man lang ako kahit konti sa cpag at chaga mo. as in…

    Tama ka ‘mine’😉 – napagkakamalan lang siguro akong ‘magaling’ – pero sa tutoo, matiyaga lang… Maski sinong matyaga, pwedeng maging mas ‘magaling’…

    *** pero alam mo, kahit mga blak n wyt yang mga pinakita mong pix, napaka colorful nmn ng buhay mong nai share.. di lang sayo kundi para na din sa mga taong nakasalamuha mo…

    … tnx for “hylyting” me… ul always be “hylyted” in my heart as wel…. MKB-XXX

    HBH-XXX: Ayan, interwoven ulit ang comments mo at replies ko – those in italics are mine, those which are not
    are ‘mine’s’…

    Alam mo bang it’s my ‘obsession’ to keep photographs of people – especially those I love? They also put color in my life! Maski pa nga dito sa blog ko lang nakilala.

    Salamat din ‘mine’ – for being a part of my blog… and for occupying a special place in my heart.

  4. waaaaaaah! ngaun ko lang nabasa to!
    amp mamimiss ka namin ninong!!!

    basta sa pagbalik mo po may pasalubong na ah! Joke!!!

    ako rin baka maging madalang na rin pagbloblog kasi aaral na nmn si ako!!!

    homebodyhubby: isa ka pa! 😉 — mami-miss ko rin ang mga tawa mo na ‘naririnig’ ko sa tuwing pumapasyal ka dito. sige inaanak, parating pagbutihin ang pag-aaral, hane?🙂

    ahehe… nakarami ka na siguro ng dvd… 😛

  5. hi kuya…

    mamimiss ko pagbabasa ng blogs mo…🙂 pero ok lang po yun kuya..🙂

    kakatapos lang ng graduation namin ni kookoo kanina umaga.. ang bilis ng panahon.. sa bawat click ng camera kanina.. parang ang saya na malungkot, dahil naalala ko lahat ng nangyari sa amin sa 4 na taon super saya … malungkot dahil mababawasan na ang aming pagkikita..😦 ang hirap magpaalam minsan ..

    alam mo po kuya, yun tatay ko mahilig sa beatles yun e.. at lumaki ako naririnig yun kantang nabanggit sa itaas.. kaya naman sa tuwing naririnig ko yan ay maraming ala-ala ang sumasagi sa isip ko… maalala na din kita pag narinig ko to.. gusto mo pala ng kantang yan e…

    siguro mababwasan na ang pagtawa ko at pagtango(dahil nag-aagree sa sinabi mo) sa tapat ng computer tuwing gabi dahil di na ko masyado makakapagbasa ng blogs mo.. hehe!

    baka mabawasan na din ang pagbblog ko dahil balak ko magbakasyon sa lugar na kung saan makakapagisip ako at makakapagplano kasma ni God ng gagawin ko sa buhay ko.. hehe🙂 ang haba ng comment ko..haha!

    God bless po kuya!! regards din po kay wifey..

    homebodyhubby: salamat, pompom.

    naalala mo yung “everlasting friend” na nabanggit ko minsang magkumento ako sa isang post mo? — siya yung kaakbay ko sa pang-anim na litrato… may cassette tape siya ng beatles (hindi pa uso ang audio CD) na napudpod na sa kape-play namin nuon… isa yang “in my life” sa mga peborits namin.

    God bless! 🙂

  6. […] Out of many, one. […]

  7. […] Sa iba’t ibang lugar at panahon, may mga nakasalamuha ako — naging prating kasama na hindi na-“ilang”
    sa pagiging tahimik ko…
    Syempre isa na sa kanila ay si bestfriend! […]

  8. […] Ahehe, hinahanap-hanap uli ng mga paa ko:
    Mamundok! ↑↑↑😆 Sana maulet… Sayang ang ibinigay
    na GPS ni utol. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: