Cool off

March 18, 1988 — Los Baños, Laguna

(taken using a 210mm lens + 2x teleconverter fitted with a sepia filter).

Araw na araw. Hindi naman uulan. Pero unti-unting nagdilim ang paligid.

Nagtilaukan ang nalitong mga manok. Nag-iyakan ang mga musmos at

walang-malay na bata.

Hintakot na nakiramdam ang mapamahiing mga matatanda.

Nakangiting tumingala lang ang mga nakauunawa.

— kwento ng nanay ko (ika-20 ng Hunyo, 1955)

————————————————————————————————

Nakahiligan ko na ang astronomy maski nung bata pa ako. Hanggang sa ako’y magkolehiyo, maski hindi ito related sa course o subjects ko, ang pagbabasa tungkol dito ang isa sa mga inaatupag ko.

1983-astronomy-data-1.gif1983-astronomy-data-2.gif1983-astronomy-data-3.gif 1983-starchart.gif

A few of my research notes.

Napapabilib ko nga ang mga kasambahay at mga kapitbahay ko nuon dahil napo-“foretell” ko ang mga lunar eclipses nang una pa bago ibalita sa TV. Paano naman, may yearly almanac akong pinagbabasihan sa pagtambay-tambay ko sa UPLB library. (Ngayon, mas madali na ito – mag-surf ka lang sa internet…)

Pag gusto kong umiwas sa gulo ng bahay, umaakyat ako sa bubong sa bandang hapon hanggang sa gabi para panuurin ang bituin. Sa pamamagitan naman ng mahigit isang dangkal na spyglass na ginawa ko, ay naappreciate ko ang nagsiksikang mga bituin sa Milky way galaxy, ang star cluster sa zodiacal constellation ng Cancer, ang trifid nebula sa Orion, at ang faint na galaxy sa Andromeda.

Nung nag-LOA (leave of absence) ako ng tatlong semester (Nov 1980 – May 1982), nakabuo ako ng may mahigit isang metrong-haba ng simpleng refracting telescope, at gamit ito ay naaninag ko ang crescent phase ng Venus, ang four moons ng Jupiter, at ang di gaanong obvious na ring ng Saturn.

The crescent moon with Venus (left). My first attempt to take a ‘close up’ shot of

the full moon (1983), using my improvised camera and telescope.

Trivia lang ulit ito pero gusto ko lang itanong: Ilan kaya sa atin ngayon ang nakakabatid na lima sa siyam na planeta (5 out of 9 planets) ng ating solar system ay ‘visible to the naked eye’?

Maski walang telescope. Hindi lang natin napagtutuunan ng gaanong pansin ang mga ito, kasi para lang malalaking bituin o mga tala. Pero hindi sila ‘fixed’ na kaparis ng mga birtuin, dahil ‘planeta’ nga sila – planeta, na ang ibig sabihin ay “wanderer” o gumagala. Nuong unang panahon pa alam ng mga nag-aral ito. Sa katunayan, sa limang visible planets na ito isinunod ang pangalan ng lima sa pitong araw natin sa kalendaryo.

Tutal, nabanggit ko naman na sa ang pinanggalingan ng pangalan ng 12 months of the year, kumpletuhin na natin bago man lang ako magpaalam sa kale-lecture dito. This time, the seven days of the week:

As far as the people of the ‘old times’ are concerned, there are only 7 planets – Sun, Moon, Jupiter, Mars, Venus, Mercury, and Saturn. Apparently, ang pitong iyan nga naman ang sumisikat mula sa silangan at lumulubog sa kanluran.

Sa sinaunang pananaw (geocentric theory of the universe) kasi, ang mundo na hindi gumagalaw ang nasa sentro ng lahat ng bagay. Alam nating lahat ngayon na ang araw, kung hindi man sentro ng ‘lahat ng bagay’ (universe) ay siya namang nasa gitna ng ating “solar system,” at ang mundo ay isa ring planeta na umiikot dito (heliocentric reality).

Ang buwan? Tamang tawagin din itong isang planeta, kasi hindi sya ‘fixed’ at wala syang sariling energy – ng init at liwanag na paris ng araw. Naglalakbay din siya sa kalawakan paikot ng araw, pero ‘dala-dala’ ng mundo – so, ‘satellite’ is a more appropriate term.

Clearer close-ups: quarter moon (1991) using a 210mm lens with 2x teleconverter; crescent & full moon (1992) using a 600mm telephoto lens.

————————————————————————————————

The 7 days of the week:

Sunday – ‘Sun day’

Monday – ‘Moon day’ – kaya nga ang tagalog dito ay Lunes, galing sa root word na ‘Luna’.

Tuesday – from ‘Tiw’ o ‘Tyr’ (Teutonic god of war). Ang equivalent sa Roman mythology ay ang god of war na si ‘Mars’, o si ‘Marte’ kung saan galing yung salitang Martes. Mars is also the name of the red visible planet.

Wednesday – Hindi ko na matandaan yung exact name ng god din na nagsisimula din yata sa ‘W’ (i-research nyo na lang), pero ang equivalent ay ang Roman god of trade na si ‘Mercurius’, kung saan naman galing yung Miyerkules. Mercury is another visible planet, bihira nga lang makita dahil masyadong malapit sa maliwanag na araw. Minsan ko na ring naaninag ang planetang ito nang magdaan sa harap ng papalubog nang araw – habang sakay ako ng isang bus na namamaybay sa South Luzon Expressway. Ito yung tinatawag na ‘transit of Mercury’. Wala akong dalang camera nuon kaya nagkasya na lang ako sa pagtitig hanggang sa lumubog yung araw.

Thursday – from the Teutonic god ‘Thor’ or ‘Thunar’. Ang Roman equivalent ay ang god of power or chief god na si ‘Jupiter’ kung saan naman galing yung Iovis, o Huwebes. Jupiter is the biggest planet of our solar system, visible to the naked eyes as a bright reddish yellow star.

Friday – from ‘Freya’ or ‘Frigg’, goddess of fertility. Ang equivalent ay ang Roman goddess na si ‘Venus’, kung saan nagmula yung salitang ‘Viernes’ o Biyernes natin. Venus is the brightest among the planets because of its white and dense atmosphere, and its proximity to the sun. It is visible to the naked eyes as a brilliant morning or evening star.

Saturday – from the Roman god ‘Saturn’, bringer of ill fortune. Dyan galing yung word na ‘Sabbath’ na mukhang talagang pinili daw ng mga Hudyo na gawing ikapito at ‘peborit’ na araw para sadyain ang mga pagano, at ipakitang walang malas sa araw na ito (pero nuon, pag nagtrabaho ka sa ‘Sabbath’, tiyak na ‘mamalasin’ ka kasi babatuhin ka ng mga tao hanggang sa mamatay ka). Dyan galing yung Sabado. Saturn is faint because of its far distance, but still visble to the naked eyes.

————————————————————————————————

Gusto ko lang bigyang-diin ito: ang mga ‘diyos’ at ‘diyosang’ tinatawag nila ay mga false gods and goddesses lang ng mga paganong ito nuon – mythology, so to speak. Alam naman nating iisa lang ang Diyos, na Syang may gawa ng lahat ng ‘elemento’ sa universe. Kung sa mga diyos-diyosan man nanggaling ang pangalan ang mga araw at (mga buwan) sa ating kalendaryo, walang dapat ikabahala – wala naman talagang kaso.

Bweno, bago tayo abutin ng isang linggo dito, balik na tayo sa ‘stargazing’

above the roofAlso with just the naked eye, may kung ilang ulit na rin akong nakakita ng mga shooting stars o meteors, at minsan ko na ring napagtyagang mataunan ang meteor showers sa Perseus (strongest every 12th day of August).

Ilang magkakasunod na araw din akong bumabangon nang maaga bago pa pumutok ang araw para makita ang pagbisita ng Halley’s comet nung 1986. Hindi ko sya nakunan dahil nasira ang ginagamit kong rangefinder na camera nuon; hinintay ko yung araw na pinakamalapit daw sya sa earth nung makahiram ako ng SLR camera, kaso maliwanag ang buwan nuon kaya hindi rin makita sa litrato yung buntot. Di bale, may maganda naman akong nasyutan na kometa – nung 1995, eto o…

Hale-Bopp Comet (1995) ‘above’ the PhilRice staff dorm water tank.

Taken with a 50mm lens at f/1.4, 20 seconds.

Halos lahat naman siguro, maski hindi pa gaanong katandaan ay nakakita na ng pamumula ng full moon dahil sa isang lunar eclipse.

Isa ang hindi ko pa nasasaksihan sa tanang buhay ko — yung paris ng nasaksihan ng nanay ko nung nakatira pa sila sa Sta Mesa, Manila nung magsi-16 years old pa lang sya. Isang natural phenomenon na kung tawagin ay total solar eclipse, o ang pagtakip ng buwan sa araw.

Ang eclipse ay nangyayari ng apat na beses sa loob ng isang taon – dalawang lunar eclipse, o yung pagdaan ng buwan pag full moon sa anino ng mundo; at dalawang solar eclipse, o yung pagtatakip ng mismong buwan pag new moon sa mukha ng araw. Kaya nga lang, ang path o ang dadaanan ng anino ng buwan sa mundo ay hindi palaging tumatama sa kalupaan kundi sa karagatan. Sa liit pa ng bansang Pilipinas, napakaliit ng tsansang makakita tayo ng solar eclipse dito.

astrophotographyMatagal ko nang nabili ang librong ito at umaasang minsan ay maitututok ko ang aking camera sa araw maski sa katanghaliang tapat.

Nangyari ito nuong March 18, 1988, alas nuwebe ng umaga. Ang path ng totality ay sa General Santos City (Mindanao) nuon nagdaan, kaya partial solar eclipse lang ang matatanaw mula dito sa Luzon.

Nasa PhilRice-Los Baños pa ako nuon. Nagpamudmod ako ng nadevelop na exposed leader ng negative films (o kaya developed unexposed slides film) sa mga kaopisina ko para mapagmasdan ang eclipse nang hindi sila nasisilaw sa araw. Malamig sa mata kung tatanaw ka sa kapaligiran, dahil kumulimlim ang buong paligid lalo na nung nasa maximum partiality na. Yung picture ng araw na may silhouette ng buwan, ayun sa pinaka-itaas.

stampstamp

Isa na namang total solar eclipse ang naganap nuong October 24, 1995 at sa Tawi-tawi naman nagdaan. Sa kasamaang-palad, hindi nakisama ang panahon, kumulimlim ang ulap at nag-uuulan, kaya ang mga eclipse-chasers (pinoy o foreigners man) na gumastos ng malaki at nagpakatyagang makipag-unahan sa mga fully booked hotels ay nadismaya dahil wala kayang magandang eclipse na nasyutan.

Magandang pangitain ang total solar eclipse. Tumatagal yan ng mula dalawa hanggang mahigit pitong minuto, at pag natapos yan, masasabi natin,

“Tapos na? Andali naman!”

Pero ano kaya ang posibleng mangyari, kapag hindi na umalis ang buwan sa pagkakatakip sa araw? Masisiyahan kaya tayo dahil hindi na tayo maaasiwa sa init nito? Madilim pa – hindi mo na kailangang magtago pa. Ahehe, mahirap na problemahin ito.

W’eno nga naman? Ang araw ay isang maliit na bituin lang. Marami namang mas malalaking mga stars pa na nauna pang isilang… malalayo nga lang.

He also made the stars.” (Genesis 1:16)

They are… always learning but never able to acknowledge the truth.

(2 Timothy 3:6,7)

Ang susunod na TOTAL solar eclipse? Hmm…

Kung sakali mang abutan ko pa ito, hindi lang ang camera ang itra-tripod ko, kundi pati ang sarili ko dahil 81-anyos na ako! Maaaring may mas maaga-aga pa na hindi ko lang alam; ito lang daw ang pinakatiyak.

Eto daw, mga anak… Hintayin nyo:

Sunday, April 20, 2042.

Antagal pa ay? Basta cool ka lang…😎

————————————————————————————————

Skymap ↓ on page 2

Pages: 1 2

Published in: on 1 April 2008 at 12:00 pm  Comments (15)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/04/01/cool-off/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. Total solar eclipse, tatlong uri ng pananaw:

    1. Those INSIDE the path of totality –😯 “Nagtago ang araw!

    2. Those OUTSIDE the path of totality –🙄 “Kita naman ang araw, a?

    3. Those who understand, regardless of where they stand at the moment (inside or outside the path of totality) –😎 “Nandyan pa rin ang araw. Nasa ilalim lang si #1 ng makitid na anino ng buwan!”😦

  2. The truth. O. Would you forgive me for not telling me?

    ————————————————

    HBH: I’ve been writing about ‘THAT’ here all along.
    This blog is always available for all your reading pleasure. 😉

  3. bakit nga ba naiba na ang avy mo? natatakpan ba ang araw mo? .. bukas ko na himayin ang mga “buwan” mo….

    ————————————————

    HBH-XXX: whoops… nandito ako, nagbabawas ng laman ng puno nang hard disk ng laptop.

    Sa pagp-PC (dat mins pati sa internet-surfing at pagba-blog) ako magko- ‘cool down’, minyang… In real life, am definitely ‘sunny’ — still warm and radiant. 😉

    Nabanggit ko naman na ang tungkol dito sa previous posts ko. (didn’t I break it gently?)

    Reason and feeling — and circumstances, are ‘insinuating’ that
    I have to give more time on my other priorities. (Kung pwede ko nga lang sanang i-delegate ang ibang trabaho kay solargazer)😉 … But it doesn’t mean na titigil ako totally sa pagba-blog — MAS lalo lang na dadalang. 🙂

  4. Naku sana nga maabutan ko pa po yung susunod.. Ahehehe.. Ang gaganda po ng mga pics.
    Naku isa sa pangarap ko ang makakita ng meteor shower! Kasi kadalasan eclipse lang ang nakikita ko eh.. hehehe

    ————————————————

    Kuya TeddyBear😉 : Every year dalawa ang chances
    na magka-solar eclipse — pupunta ka nga lang sa ibang bansa kung saan dadaan ang anino ng buwan.😆 Iyan ang gimik ng mga scientists o hobbyists na eclipse-chasers kung tawagin.

    Malay mo, iha, pag naging stewardess ka na,😛
    mas maganda sigurong makita mula sa itaas ng lumilipad
    na eroplano ang anino ng buwang nakalapat sa mundo?

    Ahehe, ano kayang eclipses yung mga nakita mo…🙄
    At bakit gusto mo ng meteor showers? —
    para makapag-wish ka ng sangkaterba? 😉

    Mas madaling makakita ng meteor showers, kasi every year, marami nyan — yung iba malakas, yung iba mahina lang.

  5. toinks! toinks!

    last time nagkaroon kami ng Astro Camp!

    astig ung jupiter…
    atsaka ung moon..
    nde nageskinol..

    hehehehe..

    Godbless po!

    ————————————————

    HBH: ahahaha… hindi ba nag-eskinol? ahehe, buong mukha nga eh… buti pa si Jupiter, isang malaking red pimple lang. 😆

    God bless din sayo, iho!

  6. eclipse hnd ko pa nakikita! hanggang tv at internet lang!
    Gusto ko makita sa personal! AMp!
    Ngapala ninong, paano ba gumawa nung telescope! galing kasi eh!

    Salamat po sa trivia kasi hnd ko po knowings ung mga un!

    ————————————————

    Ninong😉 : ahehe… madami ka pa tsansa makakita.
    telescope…🙄 …reading glass lang ang nigamit ko nuon
    (medyo crude) , tapos nilagayan ko ng mas maliit na lens na silipan sa kabila dulo… Huwag you lang teteleskopin ang araw — nakakabulag yun!

  7. waw. ang interesante naman ng hilig mo. ako, wala akong hilig jan e. pero natuwa ako sa mga nabasa ko. punung-puno ng impormasyon. ngayon, kahit papano, may alam na kong kaunti, pero alam kong kulangot lamang to sa mga nalalaman mo. eniway, pinakanatuwa ako dun sa 7 days of the week. KEWL~! ^_^

    ————————————————

    HBH: O, anong sarap magtitingala, tuwing gabing nasa labas ng bahay at walang magawa. 😛

  8. uy, marunong ka rin maghula sa pamamagitan ng astrology😀 anyway, nung andyan kami sa pinas, tuwang tuwa si kengkoy kasi daw ngayon nakita nya yung buwan na medyo nakahinga – kasi dito sa alemanya e naka tayo yung buwan kapag quarter sya e🙂 at sempre kapag malamig, sino dito ang magtiyagang tumingin sa ulap kaya naman maganda talaga sa Pinas…

    ————————————————

    HBH: Astronomy, tita…😉 (empre iba yung astrology😆 )
    At yang mga future eclipses, at recurring meteor showers at visiting regular comets, pwede na ring malaman in-advance ng layman sa pagsa-surf lang sa internet. 😳
    Lalo dito sa patag naming probinsya, ansarap tumunganga sa labas at tumingala sa gabi kapag maaliwalas ang langit. 😆

  9. […] Sabbatical […]

  10. […] Sa Maynila na nasaksihan ni Zeny ang 1955 solar eclipse na nikwento ko nuon sa isang post dito. […]

  11. Annular solar eclipse → 2009 Jan 26 (click)
    Visible in Philippines → (click once more)

    Annular ito, hindi total solar eclipse.

  12. hi, call me Jasmin, 23 yrs old residing in Marikina City. I really appreciate your blog. While reading your blog , i felt something unusual..hmf..as if i was there..hehe..thank you so much for a very valuable information…

    ————————————————

    HBH: Thank you jasmin.🙂 You are always welcome.

    Sa tuwing pumupunta ako nuon sa mga in-laws ko sa Angono, napapadaan ako sa Marcos highway bridge (click this) →

    Sa bandang kaliwa, may natatanaw akong isang higanteng sapatos na nakalutang sa Ilog ng Marikina, medyo kalayuan sa mga estatwa ng kalabaw… Parang gusto kong bumaba mula sa sinasakyang “patok” na dyip o FX, baybayin ang ilog at puntahan ang lugar na ayon sa marami ay
    “Ang pinakamalinis na syudad sa buong Metro Manila.”😉

  13. ammm kartolina at acetate pede na pO sa telescope?????? at tyaka pano gumawa ng adjustable telescope?? TNX NINONG LOLX ^^ PAKI reply nalang po ha

    ————————————————

    Ninong na nga rin😆 : Hmm, yung kartolina pede,
    pero yung acetate…🙄 ay para saan ga iyon?

    Yung cardboard tube na pinag-ikutan ng linoleum na lang
    para hindi ka na magrolyo ng kartolina, o kaya yung “rotring” na lalagyan ng tracing paper o drafting plans ng mga archi o engineering students?

    Yung haba ng tube depende sa focal distance ng objective lens, o yung mas malaking lente (lens) o magnifying glass na ilalagay mo sa isang dulo ng tube na itututok mo sa bagay na sisilipin.

    To measure focal distance: During daytime, duon ka sa loob ng bahay nyo, malapit sa dingding, sa tapat ng isang nakabukas na bintana. Sa pamamagitan nung magnifying glass, i-focus mo sa dingding ang imahe (image) ng mga bagay na nakikita sa labas ng bintana. Sukatin mo ang distansya mula sa tangan mong lente hanggang sa dingding — iyun ang focal distance.
    Mas mahaba ang focal distance, mas greater yung magnifying power ng telescope.

    Kuha ka naman ng mas maliit na magnifying glass para sa eyepiece lens, o yung silipan. Isalpak mo sya sa dulo ng isa pang cardboard tube — yung mas maliit para lulusot dun sa naunang cardboard tube.

    Eyan… telespokyo na!!!😀 Adjust mo na lang ang focus habang sinisilip mo ang isang bagay na nasa malayo.

    By the way: baligtad yung masisilip mo ha? Astronomical refractor kasi yang ginawa natin… Tinginin mo yung pulang diagram ng isang simple refracting telescope dito → ─╤══• (click click yo)

    Huwag sisilipin ang araw.😎

  14. […] Eto yung previous stiff neck di ba? […]
    —————
    Skymap ↑ appended on 2009 Nov 18.

  15. […] Kyuryus lang, baka ekako sablay yung forecast nilang ang susunod na total solar eclipse na buong-buong makikita dito sa Pilipinas ay sa 2042. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: