“Krus”

Ang Dambana ng Kagitingan (Shrine of Valor) sa Mt Samat, Pilar, Bataan. (Narating at naakyat na ni misis ang tuktok ng ‘krus’ na ito, ako hindi pa)

Kung may lolo o lola kang buhay pa, may edad na humigit-kumulang sa otsenta (80) anyos at hindi pa naman ulyanin na, malinaw nilang maisasalaysay sa’yo ang kahalagahan ng araw na ito. Kung ang lolo mo ay beteranong sundalo pa, baka mailang ka pa nga dahil hindi malayong hindi nya maiwasan ang mapaiyak habang ikinukwento ang mga pangyayari sa petsang ito, animnapu’t anim na taon na ang nakararaan.

Abril 9, 1942 — the Fall of Bataan.” Nuong World War II, bumagsak ang tanggulan ng Bataan sa kamay ng mga Hapones kung kaya’t ang pinagsanib na lakas ng mga natalong Amerikano at Pilipinong sundalo ay napilitang sumuko. Ito’y sinundan ng kalunus-lunos na Bataan Death March — na talaga namang isang kalbaryo.

SA MGA KABATAAN NGAYON:

Miski wala kayong lolo na pwedeng magkwento pa nito, siguro naman pahapyaw nyong napag-aralan ito sa inyong Philippine History subjects. But I encourage you to read more — may access naman kayo sa internet. Tayong mga nabubuhay nang matiwasay(?) sa mga panahong ito, huwag nating kalilimutan ang katapangan at pagpapakasakit para sa atin ng ating mga yumaong ninuno.

The only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing. — Edmund Burke

Ibang topic naman? Sige, CLICK mo ➟ dito.