“Krus”

Krus sa Bundok Samat

Ang Dambana ng Kagitingan (Shrine of Valor) sa Mt Samat, Pilar, Bataan. (Narating at naakyat na ni misis ang tuktok ng ‘krus’ na ito, ako hindi pa)

Kung may lolo o lola kang buhay pa, may edad na humigit-kumulang sa otsenta (80) anyos at hindi pa naman ulyanin na, malinaw nilang maisasalaysay sa’yo ang kahalagahan ng araw na ito. Kung ang lolo mo ay beteranong sundalo pa, baka mailang ka pa nga dahil hindi malayong hindi nya maiwasan ang mapaiyak habang ikinukwento ang mga pangyayari sa petsang ito, animnapu’t anim na taon na ang nakararaan.

Abril 9, 1942 – the Fall of Bataan.” Nuong World War II, bumagsak ang tanggulan ng Bataan sa kamay ng mga Hapones kung kaya’t ang pinagsanib na lakas ng mga natalong Amerikano at Pilipinong sundalo ay napilitang sumuko. Ito’y sinundan ng kalunus-lunos na Bataan Death March – na talaga namang isang kalbaryo.

Sa mga kabataan ngayon:

Miski naman wala kayong lolo na pwedeng magkwento pa nito, siguro naman pahapyaw nyong napag-aralan ito sa inyong Philippine History subjects. But I encourage you to read more – may access naman kayo sa internet. Tayong mga nabubuhay nang matiwasay (?) sa mga panahong ito, huwag nating kalilimutan ang katapangan at pagpapakasakit para sa atin ng ating mga yumaong ninuno.

The only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing.

Edmund Burke

Ibang topic naman?

Kyuryus lang ako… bakit kaya KRUS ang ginawang simbolo? Dahil kaya maraming namatay na mga bayani nuon sa Bataan at ang malaking krus sa bundok Samat ay tanda ng isang malaking puntod paris sa mga sementeryo?

Kunsabagay, ang krus ay sumisimbolo sa pagpapakasakit at pagsasakripisyo ni Kristo para sa lahat ng tao. Ang mga Pilipinong sundalo nuon sa Bataan ay nag-alay din naman ng kanilang buhay para sa Bayan nila at sa ating mga Pilipino.

Alam nyo bang ang simbolo ng krus ay matagal nang nagsimula bago pa man nung kapahunan ni Kristo? The cross was not a really a Christian symbol; the cross is of a PAGAN origin. Nagkaruon na lang ito ng ‘christian meaning’ kalaunan.

Napaka-elegante ng simbolong yan ngayon – makikita mo nga minsan yan bilang maliit na palamuti na nakasabit sa hikaw ng maraming kabataan (ahehe, parang ako nuon).

Bigyan ko kayo ng ideya kung ano ang katumbas na kahulugan ng krus, mula sa mga nagdaang panahon hanggang sa ngayon. Siyam (9) lang itong ineksampol ko:

  1. Sawing
  2. Breaking wheel
  3. Impalement
  4. Hanging
  5. Decapitation (guillotine)
  6. Strangulation (garrote)
  7. Electrocution (electric chair)
  8. Gassing (gas chamber)
  9. Poisoning (lethal injection)

Ang krus ay isang BITAYAN! Sa internet ko lang hinagilap ang mga ‘execution technologies’ na iyan, kaya kung gusto nyo ng detalye, surf nyo na lang – methods of capital punishment.

Kung ikaw ang bibitayin, ano ang iyong pipiliin?

TIP ko sa’yo: yung sa pinakahuli. Kasi mas ‘relaxed’ ka dun. Nakita nyo naman, magsimula nung una sa nakabiting patiwarik; kalaunan, medyo ginawang ‘makatao’ ang pagpatay. Sa pang-6 hanggang pang-8, pauupuin ka pa nga. Itong pinakahuli, nakahiga ka na… cool na cool. At syempre, may final request ka pa kung ano ang gusto mong chibugin bago ka chugi-in.

Ang pagpako sa krus (crucifixion) ay sya na yatang pinaka-makahayop na paraan ng pagbitay. Hindi naman ito ‘tradisyon’ ng mga Hudyo (Jewish execution is by stoning); paraan ito ng mga Romans na sumakop sa kanila nuon, hindi lang para patayin ang isang naakusahang kriminal, kundi para na rin siya’y alipustahin (humiliate) at pahirapan (torture) – at lapastanganin (dishonor) maging ang kanyang bangkay.

Yung iparada ka lang sa kalsada nang walang saplot sa katawan ay kahiya-hiya na, ipapagkit ka pa sa malaking piraso ng kahoy na itinaas upang makita ng buong madla?

Ang pangunahing ikinamamatay ng mga taong binitay sa ganitong paraan ay hindi naman dahil sa sakit ng sugat ng pagkakapako sa kanyang mga ‘kamay’ at mga paa, kundi dahil dun sa tinatawag na asphyxia – isang kundisyon kung saan ang supply ng oxygen sa katawan ay kinakapos dahil sa kahirapang makahinga.

Kung ang buong bigat ng katawan ng isang tao ay dala-dala lang ng kanyang dalawang brasong nakadipa, nahihirapan syang makahinga dahil todong naka-unat (expanded) ang kanyang mga baga (lungs). Upang suminghap ng hangin (inhale), obligado syang buhatin ang buo nyang katawan sa pamamagitan ng kanyang nakadipang mga braso (Nasubukan mo na bang mag-pull-ups sa baras ng magkalayo ang mga kamay? Gawin mo pang patalikod!). Maiaangat nya rin ang katawan kung isisikad nya ang kanyang mga paa. Gaano pa ang sakit kung ang mga ‘kamay’ at mga paa ay nakapako pa!

Sadistang pagpapahirap tungo sa unti-unting kamatayan – torture!

Magiging ‘mabait’ pa nga ang mga berdugo kung mamasuhin nila para baliin ang mga buto sa binti nya – para hindi na sya makasikad pa. Kapag nilumpo na sya, hindi nya na kayang iangat ang kanyang katawan; kapag hindi nya naiangat ang katawan, hindi na sya makakahinga… Derpor mapapabilis na ang kanyang pagkamatay.

Ang mga namatay sa krus ay karaniwang hindi inililibing. Hinahayaan lang silang mabulok at mamaho duon – pagpiyestahang lapangin ng mga buwitre’t uwak at iba pang ibon.

Hindi naman na siguro malaking ‘isyu’ kung saan man nanggaling ang simbolo ng krus; nasasaatin na iyon kung paano natin ito ginagamit o tinitignan. Sana lang, klarong nauunawaan natin na humigit-kumulang sa siyam na oras lang na ginamit ang bitayang iyon. TAPOS NA ang naging ‘trabaho’ ng buhay na Kristo na matagal nang nakaalis sa pagkakapako sa pinag-krus na kahoy na yaon.

Ahehe, wala akong hang-over ng nakaraang mahal na araw. Aminin mo rin, narinig mo na ba ang mga kabibida ko pa lang? Matanong nga kita, kaibigan…

Ano ang kahulugan ng krus sa’yo?

Cross in My Pocket

I carry a cross in my pocket, a simple reminder to me of the fact that I am a Christian no matter where I may be. This little Cross is not magic,

nor is it a good luck charm. It isn’t meant to protect me from every physical harm. It’s not for identification for all the world to see. It’s simply an understanding between my Savior and me. When I put my hand in my pocket to bring out a coin or key, the Cross is there to remind me of the price He paid for me. It reminds me, too, to be thankful for my blessings day by day and strive to

serve Him better in all that I do and say. It’s also a daily reminder of the peace and comfort I share with all who know my Master and give themselves to His care. So I carry a Cross in my pocket reminding no one but me, that Jesus Christ is Lord of my life if only I’ll let Him be.

(Tim Tiley Prints, copyright Easter Morning Philippines)

Many give their lives for their country, But Jesus gave his life for the world.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/04/09/%e2%80%9ckrus%e2%80%9d/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. hindi ko makakalimutang torture yung kay San Lorenzo.. Matindi din mga hapon noon eh..

    Naaalala ko tuloy yung lolo ko noon na kapoag nandito sya sa laguna favorite kong ipakwento sa kanya yung panahon ng hapon na naabutan nya..

    Hayysss swerte talaga at nabuhay ako sa panahon ngayon (?)…
    ————————————————
    Kuya Teddy Bear: Nabasa ko rin yang martyrdom nya. 😦
    Isa yata sa mga ginawa ay tinusok ang mga daliri at hinila ang mga kuko? hsp…! ansakit nun ah…

  2. ang gandang tanong, bok, nung kung ano ang kahulugan ng “krus” sa akin… kung hindi ako magpapatali sa mga “kaalaman” na isinubo sa akin nung nag-aaral pa lamang ako sa isang catholic school, masasabi kong ang simbolismo ng “krus” ay parang CHOICES sa buhay. parang crossroads kasi yung krus (kaya nga crossroads eh. hehehe) at merong magkakaibang landas (4 yung obvious pero marami pang gradations ito) na maaari mong pagpilian. kung alin ang piliin mo, nasa sayo na at sa Diyos yun🙂
    ————————————————
    Bok: Angganda rin sagot mo, bok.
    And your posts… magaganda rin. Mga praktikal na bagay na matagal ko nang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin.
    I personally believe that you are one of the few good men
    (not only here in the blogosphere) who do something. 😉

  3. ako narating ko na yang dambana ng kagitingan. twice na hehehe. mainggit ka klasmeyt haha joke

    ako. the cross reminds me of the amazing love Jesus has given us.

    “amazing love how could it be
    that You my King would die for me
    amazing love, i know it’s true
    and it’s my joy to honor You
    in all i do, i Honor You”
    -amazing love by Newsboys
    ————————————————
    Klasmeyt: Buti ka pa — twice mo na pala narating,
    sana binigay mo na lang sa akin yung isa. 😛
    Uy, alam ko yang song na yan. Pero mas maganda sana kung may sound ano? Narinig ko sana ang boses mo. 🙂

  4. dati science ngaun nman eh history na aking peyborit!
    kung sa science eh kulelat ako d2 sa history aribang-ariba ako.
    gustong-gusto ko ang history lalo na yung tungkol kay rizal at sa pagpapahirap ng mga dayuhan sa mga Pilipino.
    kaya tuloy minsan pag may nakikita akong espanyol prang gusto ko hilain ilong nya! amF! hahaha!

    ninong ang ganda ng kuha mo sa cross!!!
    turuan mo nmn ako sa mga pagkuha ng tamang anggulo tsenes tsenes. Paturo po ako digital photography. gusto ko po tlg matuto! mga tips nmn dyan oh!

    ninong miss u!!!
    ————————————————
    Ninong: Aba, talagang iba ka pala. Bihira sa
    mga kabataan ang may interes sa Philippine history.
    Miski nga ako nung highschool, hindi ko type ang subject na History😳 — nung nag-college na lang.

    Ahehe, huwag na you magalit sa mga Espanggol…
    maski pa sa Kano, o sa Hapon — kasi wala naman sa lahi yun,
    di ba? Kundi nasa indibidwal na tao. Maski siguro Pinoy,
    pag naging powerful pwedeng maging salbahe din.

    Yung krus sa Samat, hindi ko shot yan, nalimutan ko lang syang i-link sa tutuong may-ari (ayan, ini-link ko na). Pero yakang- yaka ko ang ganyang shot. Maski ikaw kaya mo yan😉 sipatin mo lang sa lahat ng posibleng anggulo. Shot lang nang shot — lalo ngayon mas madali at mura na dahil digital, hindi na film.

    Baydawey… nakita na ba ng ermats at erpats mo ang post mo na may piktyur ng minimithi mong digicam? Tagal ko na rin kasing hindi nakakapag-computer at nakakaikot sa blogosphere.

  5. yung yumaong lola ko, hindi sya makalakad ng matino yun pala nung mga panahong tinutukoy mo e parati daw nyang karga yung tita ko na maliit pa nung kasalukuyang giyera — kapag daw tumunog ang sirena para umakyat sila ng bundok, karga daw nya sa isang baywang yung tita ko – kaya ayun, naging permanent damage sa kanya pero okay lang sa kanya kasi nga safe naman ang anak nya. at yung lolo ko naman, hindi na naman nalaman kung ano ang nangyari sa kanya kasi nung nagsimula ang giyera ay asa maynila sya mantalang ang lola ko at ang mga anak nila e naiwan sa pangasinan. at iba naman ang kwento dito sa mga lola at lolo ko sa alemanya sempre – kasi si lolo e sundalo ni hitler…
    ————————————————
    HBH: Parang yung mga matatandang babaing
    igorota siguro, ano? Kurkubado dahil sa kaaakyat ng bundok. What more sa case ng lola mo na may pangko-pangko. Grabe siguro ang nerbyos na nararamdaman nila nuon…😯
    Yung tiyuhin naman ng tatay ko, namatay nung tamaan ng shrapnel minsang nasilip sa bintana. Ang kwento, hindi sinasadyang galing yun sa bomba ng mga amerikano nung Liberation ng Maynila (February 1945).

    Wala talagang pinipili ang giyera. 😦

  6. napuntahan ko na po yang mt. samat sa bataan. hehe ganda din.

    lola ko hmmm 75 p lang eh. pero probinsyana. bisaya pa. wala yata syang alam jan.

    sabi ng mama ko nung panahon daw ng lola hindi daw sila pinag-aaral eh. trabaho lang.
    ————————————————
    HBH: Mapalad pa rin ang lola mo. Maraming babae nuon ginawang ‘comfort women’ ng mga hapon.

    Musta ka na, iha? Takot ka pa rin ba sa daga? Ang mga hamsters walang buntot kaya mas mukhang teddy bears. 😉

  7. yung dad q kc is matanda na kaya may isip na xa nung panahon ng hapon kya madaming xang wento samen tungkol jan. alala ko p nga, sabi nya,tumira daw cla sa may bukid sa bulacan nun para masarap kainin kc di maxado nararating ng hapon,sa metro mla daw kc ang kinakain eh yung mabantot na bigas na sinisisid pa mula sa mga lumubog na barko..

    taz dahil madami din ako nakakasamang mako kyonders sa brgy, dami din cla wento sa panahon ng hapon…. hays, katakot, buti na lng talaga, ipinanganak ako sa kapanahunan ni kim chiu! Lols😆

    ay eka, sa krus nga pla topic, nalibat na nmn ako hehe

    pag nkaka kita ako ng krus, lalo na pag ginagawang alahas, taz katoliko pa mismo yung may gamit, mejo nawiwindang ako..

    di rin ako elibs sa mga nag pepenitensya tuwing mahal na araw.. saken, we should carry our “cross” everyday…
    ————————————————
    HBH-3X: Ahehe… dami mo palang tagawento na may pers-han akawnt, ‘mine’… Oo, narinig ko rin yang tungkol sa sinisid na bigas. 😛
    Ang tatay ko, nakita naman ang ‘pag-ganti’ ng mga Pinoy
    nung Liberation ng Manila (February 1945). Kinuyog daw talaga ang sugatan at nangongonti nang mga sundalong hapon. Pinupokpok ng martilyo ang mga tuhod.

    Isang krus lang yata ang ‘di ko napagdaanan — kara y krus. 😆

  8. itay..

    itay..

    itay..

    hehehehe.. una namimis ka na ng bhay ko dalaw ka naman.. heheh.. pangalawa namis ko na ang bhay mo..
    hehehe.. nkalaylo mode kc ako ngayun… hehehe…

    Ako itay.. nkapunta na dyan 300 steps ata yung hagdanan dyan .. nung high skul ako mhilig kc akong sumama sa mga campingan tapos sa bataan yun.. kya pinunthan namin iyan.. sobrang ganda… ng view pag napunthan mo yan my mlawak na ocean kang mkikita.. at higit sa lhat.. my tindahan sa krus na yan.. hehehe.. at dyan daw nkatago ang kyamanan ni yamashita…

    pero nung mlaman ko yung meaning ng krus humanga na naman ako sayo kc nagresearch ka tlga… ganun pla mining nun… itay dalaw ka bukas sa mansion ko hiniram ko muna yung krus mo… hehehe..
    ————————————————
    Itay: Anlapit mo nga dyan, anak, kapitbahay mo lang.
    Ahehe, mukhang binilang mo ang baytang? Sana nga maka- punta rin ako. Mas magandang exercise ang panhik-panaog duon kaysa dito sa building na hanggang 5th floor lang (including rooftop). 😛
    Dito may rumor ding may natagpuang Yamashita gold bars.
    Sa CLSU — sa tiyan ng estatwa ng isang kalabaw! 😆

  9. […] Kung may Fall of Bataan (Araw ng Kagitingan, April 9), mayroon ding “Fall of Corregidor”. Sa katunayan, magkasunod lang na pangyayari ito; at ngayon (May 5) ang ika-animnapu’t anim (66) na taong anibersaryo nito (May 6 is the ‘formal’ surrender). […]

  10. […] Ang “Araw ng Kagitingan” (April 9) at “Pagbagsak ng Corregidor” (May 5) ay mga kasaysayang sangkot ang mga Amerikano at Hapones; ang “Araw ng Kalayaan” ay mas may kinalaman ang mga Kastila. […]

  11. […] Incidentally, in my “Krus” post, isang ka-blog ang nagbigay ng sariling kahulugan sa krus, na sa loob ng mahigit 20 years ng aking pagiging isang born-again christian ay nuon ko lang narinig at na-realized ang taglay na katotohanan. […]

  12. […] Araw ng Kagitingan 2008 post ► ╬ ◄ […]

  13. HBH: Inilagay ko lang yung latest pikyur ko.😉

    […] 70 years na. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: