Mundong araw

Tuluyan nang bumigay ang internal modem ng laptop namin. Buti na lang ngayon lang! Paano kaya kung nuon pang kasagsagan ng posting ko nasira ito? Laking problema ko siguro?

Kaya eto ako: para lang makapag-post uli dito sa blungga (blog na lungga) at makasilay sa blogosphere, kelangang lumabas uli ng kwarto, bumaba ng building, at maglakad ng may kalahating kilometro patungo sa isang medyo mura-murang internet café na malapit dito.

Kagabi pa sana ito, kasunod nung nakaraang post (How are my hammies?) na ipinaskel ko mula sa bahay ng isang kakilalang naka-SmartBro ang kompyuter (Thanks, Riza!), kaso mga 11:30 ng gabi naman na, mga antok na rin kaming pare-pareho. Eniwey, hindi rin naman ako maka-upload ng powerpoint para kumpletuhin ang link ko diyan sa ibaba (.ppt format ang hinahanap sa IE browser, .pps format ang file na dala ko). At least, nai-upload ko naman nang mas mabilis itong 46-minute YouTube video. 10 minutes lang? Ngayon ko lubusang napagtanto na super-baaaaaaaagal nga palang talaga ang naka-dial-up lang na connection.

By the way… alam nyo bang ang English word na hamster ay galing sa isang salita na naglalarawan ng peculiar ‘trait’ o katangian ng hayop na ito? May expandable na cheek pouches kasi ang mga hamsters. Para itong supot o ‘bulsa’ sa magkabilang pisngi nila – naiuunat na animo’y gomang lobo (rubber balloon) – at dito nila inilalagay nang minsanan ang mga pagkaing hinahakot nila para dalhin at iimbak sa kanya-kanyang haybol. Sa gayon, may makakain nga naman sila sa mga panahong hindi sila makalabas ng lungga. Watch the video to see what I mean.😉

Wigwam. How many corn seeds can you count?

The word “hamster” was coined from the German word “hamstern” which means to hoard.”

Yes, hamsters are natural hoarders – but don’t you despise them for that! Hoarding is their God-given instinct to survive. Ahehe… ewan ko lang sa tao.

Naalala ko lang kasi mukhang nagkakausuhan na naman ang mga lintek na patago-tagong i-yan. Nabanggit ko nga nuon sa post na ito (Kahayupan ng Pilipino), nakaka-turn-off lang naman ang asal-hayop pag in-adapt na ng tao.

Huwag nyo akong tanungin kung tutuo ngang may shortage sa BIGAS; at kung meron nga, bakit nagkaganon – matagal na akong resigned. Kung ibig nyo, rumekta na kayo duon. Tiwala naman akong mas masasagot nila ang inyong mga tanong.

So much about rice-hoarding – masisira lang ang araw ko. Balik tayo sa blog ko…

Hirap palang matagal na hindi sumisilay sa blogandaming naipong spam. Tsk, tsk, tsk… ito ang maski hindi ka maghakot ay pagkarami-rami! Airline tickets, nude teens video, viagra… ahehe. Aanhin ko ba ang mga ire? Andali sana kung one click na “delete all” lang. Pero dapat isa-isahing ibaraws ang naka-kweweng (queue)😆 mga comments. Ang concern ko lang naman ay yung ibang legitimate comments na napagkakamaliang salain ng akismet – baka mapasamang mabura automatically after 15 days. Nakakahiya naman sa commentor, baka akala minoderate ko.

Tagal na ring wala akong bagong upload sa Flickr; sa YouTube kagabi lang uli. Try ko ngang mag-sign-in sa yahoo mail account… How would you react kung may anonymous sender… na naman! Hindi naman ‘hate mail’ – hindi ko lang ma-gets yung “‘inakay’ na nambabanat” daw? Puzzle ito… hamo na nga.

Mundong araw… anlabo yata? Hindi… nakita ko kasi sa Nat Geo, Earth day daw ngayon? Oeditsige – “araw ng mundo.” Nasilip na rin lang e di makapag-post na din.

Earth yang graphics na nasa ibaba. Huwag nyo na ask kumbakit ganyan ang kulay – basta CLICK nyo na lang. This will prompt you to the powerpoint program (sorry about that, mukhang hindi na makapag-upload ng .pps format simula nung mag-upgrade ang WP dashboard). You have to press F5 to play the presentation.

NOTE (appended 2009 Nov 16) : Pwede na uli ang PPS format —

open nyo lang ang file pagka-download, aandar na sya mag-isa.

Pag nagkataon, may mabilang pa kayang binatog si Wigwam ko? At ang matunog na pagtawa, magagawa ko pa kaya?

Display all post with PPSBabay muna uli…

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/04/22/mundong-araw/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. honga. talaga palang ganyan, takot ako dati kc kala ko baka mabulunan…

    lakas ng tawanan u ni choi ah😀

    ***kaka alarm ung slyd. kaso nga, wen wil we ever learn nga ba…
    sasabihin ko din b na .. i belong to d generation hu can make a difference but chose nt to act.. hayss😦

    ————————————————

    HBH-3X: Pangit boses ko no?😳 ahehe😆
    Si misis nakakahawa tawa nyan.

    Yun sa earth, ako rin minsan, napagwawalang-bahala ko
    ang isyu na iyan. 😦

  2. uy, wawa ka naman, wala kang computer. hirap ng sanay na parating may kinakapang keyboard ano lalo na kapag tumatakbo ang utak mo sa mga topics na gusto mong i blog. anyway, thanks for the word of the day ‘hamstern’ di ko alam yan kahit na parati kong ginagawa yang pang ha-hamstern na yan dito sa alemanya, hahaha.

    ————————————————

    HBH: Uungah, tita. Ang mahirap pa, pag bigla ako may naisip na mali pala yung grammar na nagamit ko, nakauwi na ako sa bahay, kaya kelangan bihis ulit at baba ulit ako para balik sa internet cafe — ang gastos pa, indi tulad ng sariling pc na unlimited ang internet access ko, huwaaaah!

    Yang ‘hamstern’ tanong mo nga kay kengkoy? 😛

  3. ninong dpat bili na kasi ng bagong laptop! hehehe!
    may hamster kmi dati kso may pumtay at kilala ko kung sino ang salarin. amP! ang takaw nmn ng hamster…

    pero may tanong ako? ano po ba tagalog ng hamster???
    hehehe!!!

    ————————————————

    Ninong: Ahehe, mahal ang bagong laptop eh. Saka wala pang two years yung laptop namin kaya medyo bagu-bago pa yun. Palitan ko na lang siguro yung internal modem para medyo mas mura-mura. O kaya papa-DSL na lang kami kasi may kasama daw external modem yung PLDT package, mas bibilis pa. Hintay ko lang siguro tubusin ng mga may-ari yung mga bagong pina-frame nila sa akin, para magkaroon ako ng piwrah. 😛

    Tagalog ng “hamster”? Wala! “hamistel” siguro? 😆 ahehe…
    Pwede na siguro ang “DAGA” o kaya, “imported na daga” o “porendyer na daga.” 😆

  4. napanood ko yung presentation, grabe nakakatakot yung ganung mangyayari.. hirap! kuya, ni save ko ah.. ppakita ko sa school para sa ecotourism namin, kei lang? hehehe thanks in advanced.. Pero kinilabutan talaga po ako dun..

    ————————————————

    KTB: Kei lang, ‘angel’ — nakuha ko lang din yan sa e-mail messages sa misis ko. Saka may acknowledgment naman sa otor.

  5. […] Na-imagine nyo naba ang pedeng mangyari pag napundi ang araw?🙄 Walang hindi mate-teggy sa mundo.
    Tao o hayop, giginawin. Ang mga halaman, hindi na makakapag-photosynthesize, which means wala na tayong makakain. Unti-unti, lahat mamamatay – maging ang mundong ito na ating tinutuntungan (o niyuyurakan?) […]

  6. […] ◙ Related posts: “ewtdey-o-eyt” […]

  7. […] … baka malimutan mong earthling ka. […]

  8. […] Eto pa yung panahon na lumalabas ako ng bahay para mag-post lang sa blog. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: