Take 2!

A Hamster’s Autumn of Life

A hamster’s old age speeds by as fast as the rest of its life. The first signs of old age appear with relatively little warning, and from then on hamsters age quite rapidly compared with dogs and cats.

Most old hamsters die quietly. One day, you’ll find the hamster’s small body, still and lifeless, in its house or curled up in a corner of the cage. Because the animal looks as if it is asleep, death is probably painless. The hamster simply breathes its last, like a candle burning out.

These are the visible signs of an aging hamster:

Behavior: spends most of the time sleeping; loses interest in its surroundings (including his wheel); stores small amounts of food.

Appearance: loses weight; rounded head becomes more pointed; coat loses its uniform sheen and looks matted and unkempt; eyes’ color become pale.

Motion: no longer scurries about; movements are slow, awkward and unsteady.

Hygiene: doesn’t have the strength to groom itself as often as it used to; sometimes unable to clean its bottom when it ‘poos’.

Health: there seems no age-related problems (unless there is a tumor or other illness).

Senses: smelling, hearing, and vision possibly decline with old age (?)

(Source: My Hamster and me, copyright 2001 by Barron’s Educational Series)

DATES: Rain and all time-lapsed movies, May 2008; The Hall scene in sunset, 11 July 2007; The Hall scene in monochrome, 28 October 2007.

Ispidbol must had gone by now. For the past four weeks, he’s been showing signs that his time is swiftly running out. But remarkably, his condition got quite better. Sudden rains that dispelled the heat of summer seem to have a good effect on him.

He still spends all day and night sleeping – yes, and he had long trodden his last mile on The Wheel. But somehow he wakes up to take his meals and clean himself off his refuses. Once more, he can manage to move (in a sloth-fashion) across his homecage to the opposite corner, just to pee.

This is actually Ispidbol’s second second chance.” The sunset scene, with him shown in the video, was his first second chance – the day he rose up from his bed of illness (11 July 2007), when he was about 16 months old. Ispidbol is indeed a weaker hamster compared to his brother Isnobol, and that is why he won my favor to be the steward of The Hall (This has been the rule ever since their first ancestors).

Hamsters are not blessed with nine lives – not even a long one. But like any other higher creatures, they do have second chances. As for my Ispidbol, I do not know for certain how long this yet another second chance will last. Weeks? Days? …or hours?

Will this be his last second chance?

Published in: on 31 May 2008 at 12:00 pm  Comments (5)  
Tags: , , , ,

Protected: Flores de Mayo

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Published in: on 21 May 2008 at 12:00 pm  Enter your password to view comments.  
Tags: , , ,

Protected: “Borkano”

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Published in: on 18 May 2008 at 12:00 pm  Enter your password to view comments.  
Tags: , , , ,

Larawan ng dalawang ina (Part 2)

Mommy” – about 6 years and 9 months before I was conceived, or 7 years 5 months and 30 days before I caused her her longest labor of childbirth; “Nanay” – 39 years before I was sealed for a lifetime commitment with her daughter.

Kung babalikan nyo yung mga larawan sa nakaraang post ko kanina (“Larawan ng dalawang ina, Part 1”), yung bata pong kilik duon ng isa kong lola ay siya pong aking ina nung isang taong gulang pa lang siya.

Mame” ang nakagawian naming tawag sa aming ina.

Mas “Mother’s day” kong maituturing ang birthday ko, dahil sa kaunaunahang araw ng petsang iyon, 11:30 ng gabi (“0-year-old” pa lang ako) mas naging ganap na ina sa akin ang nanay ko (lalo’t breech birth ako). Anim kaming magkakapatid (pero sa awa ng Diyos ako lang naman ang ipinanganak na naunang lumabas ang paa). Samakatuwid, bukod sa araw na ito ngayon, masasabi kong may anim pang espesyal na mother’s day ang nanay ko.

Pareho kami ng mom ko na ipinanganak ng September. Pareho din kaming suwi, kaya parehong takbuhan ng mga natitinik ng isda sa lalamunan. Nung dalaga pa ang mom ko, maraming binata daw ang nagkukunwari lang na natinik. 😆 Sa September na lang ang mahabang kwento?

Isa pang mother?

Syempre hindi natin pwedeng iisantabi ang isa pang nanay – ang “nanay-sa-batas.” Mother-in-law, o biyenang babae ang ibig kong sabihin.

Nanay” ang tawag sa kanya ng kanyang pitong anak, at maging ng kanyang (mga?) manugang na paris ko. Maaaring hindi ako ang peborit nyang son-in-law o manugang; basta para sa akin, siya lang ang peborit kong byenan. Dapat ko ring pasalamatan sya, kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ang misis ko. Malaki rin ang nagawa niya sa paghubog ng magandang ugali at pagkatao ng misis ko.

Sa dalawang mothers ko… Sa lahat ng mga nanay… Sa lahat ng mga ‘Tita’ o tiyahin na ngayo’y tumatayong ‘nanay’ sa mga pamangkin nila… Binabati ko kayo:

Maligayang Araw ng mga Ina!

Eto pa ang ibang istorya ng mga dakilang ka-NANAYan (motherhood) I-click nyo na lang ang mga sususunod – mga kuwentong DAGA nga lang?

Seven stories of madAGArhud:

  1. The menopause litter
  2. Daughters became mothers
  3. The 17-day mother
  4. Dying young
  5. Teenage dad and mom
  6. Byudang ina ka
  7. Kulang sa pansin (Part 1)

Published in: on 11 May 2008 at 2:00 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

Larawan ng dalawang ina (Part 1)

Dalawang malapit pang “nanay” na kilala ko: (1) “Lola Liit” – mommy ng dad ko, at (2) “Mamay” – kilik ang one-year-old nyang panganay.

May dalawang pang nanay na directly related sa akin:

Pangalawang NANAY ko sila nuon… Gusto mong makilala?

Published in: on 11 May 2008 at 12:00 pm  Comments (9)  
Tags: , , ,

A Mother’s portrait

What more can vividly portray a mother than a woman with a child?Mother and child: isa sa pinakamagandang portrait subjects – sa painting, sculpture, photography… maski sa cross stitch.

Natural na yata sa mas nakararaming mga anak na ituring ang kani-kanilang ina bilang pinakadakilang nanay sa buong mundo.

“You’re the greatest mom in the world!”

“Mama, you are the best!”

“Wala kang katulad, Inay!”

But partiality aside, sino kaya ang naging pinakahuwarang ina (at babae) sa lahat (sa buong mundo)?

Since last May 3, ilang beses na pinalabas uli sa Star Movies sa cable TV ang “Terminator” trilogy.It reminded me of Sarah Connor, the mother of John Connor, future leader of those who survived the nuclear holocaust in their fight against the ‘machines’ – thus saving humankind from total extinction.Pero fiction lang ito… and am not endorsing the movie here, sinampol ko lang.

How about a true story?A real-life ‘man’ who is the only capable of saving every WILLING human creature from eternal damnation? Considering this, the greatest woman would be her mother. I am referring to Mary, the mother of Jesus.

Klaro ang pagkakasulat ko ha? – the mother of JesusNOT ‘the Mother of god.’

CLICK this for MORE mothers. Sermunan na naman ito.

Published in: on 11 May 2008 at 10:00 am  Comments (8)  
Tags: , ,

10:1

Isnohontas (♀)Teepee (♀)
Models, not photographers.

Hindi related ang pictures sa write-up, nagkasabay lang na pareho silang bukas (May 11) ko pa sana ipapakita. Kaso, tatlo na ang posts ko bukas, kaya yang piktyur ng mader-n-dawter, at itong 11 TAG sa akin, napaaga ang posting.

“12—11” ang talagang tag. Meron na ako nung “12” ( Ang muling paglabas ), kaya itong “11” na lang ang naiwan para sagutan. Kaya lang uli, nakatatlong posts na ako na may “11.” Hindi ko na ili-link, click nyo na lang ang dates sa calendar sa saydbar kung trip nyong puntahan:

  1. Once young, onse-young – Jan 30
  2. Ang brother kong 11 years old – Feb 29
  3. How’re the hammies? (My 11 hammies, a rundown) – April 21

Para maiba naman, SAMPUng tao na lang… para sakto rin, di ba? “Salimpusa” na lang yung ISAng “botal” – nilagay ko sa peborit namber ko. Kaya ang taytol ng post ko Tenistuwan 😆

The rule: Name 11 people (or otherwise) you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.

  1. Mine
  2. Tonyo
  3. Renren
  4. Riza
  5. Carlo
  6. Camille
  7. Johny
  8. Ispidbol (sowee)
  9. Fayfay
  10. Lito
  11. Roldan

How did you meet # 4? Dalaga pa sya, suki na siya ng misis ko sa tindahan ng cross stitch nung 1997, pero may asawa at isang anak na sya nung makilala ko nuong 2002. Dalawa na ang anak nya ngayon. Pa-minsan-minsan sa kanila ako nakikigamit ng computer simula nang nasira ang modem ng laptop namin.

What would you do without #5? Kasamahan ko sya sa opisina nuon, magaling sa desktop layout, webpaging at iba bang techies sa computer. Barkada ko na rin, very friendly (medyo hawig ni Bok). Pag wala sya, mahihirapan siguro akong makapaghanap ng ibang mapagtatanungan tungkol sa mga hindi ko pa alam sa latest trends re computers.

What would you do if #2 and # 6 were going out? Si #2 ay ang two-year old son ni Riza; si #6 naman ay ka-churchmate ni misis na nagbigay sa akin ng hamster calendar (mentioned in January 12 post) – isang dalaga na malapit nang ikasal. Anong gagawin ko? Sasabihin ko siguro kay #6: “Sige Camille… ngayon pa lang, pagpraktisan mo nang maging yaya dyan kay Tonyo!”

Who’s #10’s best friend? Barkada ko din ito at dating kaopisina, mas kalbo sa akin maski nuon pa. Si #7 yata (barkada at dating kaopisina din) ang ‘bespren Johny’ nya duon.

Have you ever eaten around #1? Ay, anlabo ng tanong? Anoko, hanibalekter? At maski pa… considered ‘friend’ ko na rin, kahit na ba sa 11, sya lang ang hindi ko pa personal na nakikita. Ni-first ko sya sa list, kasi siya ang nag-TAG sa akin.

Do you miss #2? Oo… parati ko sya gusto kalaro, kung puwede nga lang duon na ako sa kanila matira.

Who is #11 dating? Bestfriend ko yan, kumpare ko pa. Syempre ang ‘date’ nya parati ang misis nya!

What do you think of #3? Kyut at mabait na ate ni Tonyo! Matalino pa – nag-first honor nuong grumadweyt ng nursery, nag-accelerate kaya diretso na ng kinder, hindi na dumaan ng prep. (Tama ba to? Alin ba ang mauuna? Basta nilaktawan yung gitna.)

What do you think of #9? Parati naming ‘bisita.’ Makulit at pasaway na girl, pero ‘wa sya sey’ sa younger sister nya na parating bisita rin namin.

Who does #2 like? Kumbinasyon ng papa at mama nya. Andami tanong tungkol kay Tonyo ah, click nyo ito para makita nyo piktyur nya (may napulot kaming salaginto dyan).

Would you marry #8? Hindi a! Pareho kaming lalaki at parehong may kanya-kanyang gerpren na. Pareho din kaming apparently ____ ‘daw’ (haruuummmph! naungkat pa tuloy). Saka daga si Ispidbol – boypren sya ni Teepee, kaya bale byenan nya si Isnohontas (yung dalawang tisay na hamsters sa itaas)! Ahehe… eto napala ko sa pag-break ng rule!

O ‘minyang’ tapos na homwork ko ha?

Yan lang… bukas na lang uli.

Published in: on 10 May 2008 at 6:00 pm  Comments (3)  
Tags: , , , ,

Bato

Monument in The Rock’s Japanese cemetery

Maituturo mo kaya sa mapa ng Pilipinas kung saan naruon ang Corregidor? Naisipan ko lang i-post – lalo’t may mga pikytur na naman ako dito. 😛

Akala nyo na siguro yung shabu ang tinutukoy ko? Ahehe, may mga SABOGan din naman dito sa ibibida ko.

Kung may Fall of Bataan (Araw ng Kagitingan, April 9), mayroon ding Fall of Corregidor. Sa katunayan, magkasunod lang na pangyayari ito; at ngayon (May 5) ang ika-animnapu’t anim (66) na taong anibersaryo nito (May 6 is the ‘formal’ surrender).

Hindi kasi ito masyadong kilala. Maski pala ang ilang lumagpas na sa edad ng matatawag pang kabataan ay hindi alam kung saan naruon ang naturang lugar. ‘Tahimik’ na kasi ang naglalakihan at obsolete nang mga ‘boga’ dito. Pero kung susumahin, isa ito sa mga pangunahing tanggulan at taguan (defensive, stronghold, refuge) nuong panahon ng digmaan. Bago pa man naiwagayway ang puti-at-pulang bandila ng mga Hapones sa buong archipelago nuong World War II, kilala ng mga Pinoy ang lugar na ito sa pakikinig lang ng mga balita sa radyo.

Ang Corregidor ay isang maliit na isla na hugis-butete (tadpole- shaped or sperm-shaped ) sa pagitan ng BATAAN at CAVITE, sa bungad papasok ng Manila Bay.

May itinindig na parola (lighthouse) dito ang mga unang mananakop na Kastila nuon, pero hindi napuna agad ng mga nakatalagang sundalo ang nakalusot na mga barko ni Admiral Dewey sa Battle of Manila Bay nung taong 1898.

Dito unang sumubok rin na magtayo ng eskwelahan ang mga ‘pumalit’ na Amerikano. Ginawa nila itong isang fortress ng mga sundalo. Nagtayo sila ng mga barracks, naglatag ng airstrip para sa mga ng maliliit na eroplano, at naglapat ng mga “battery” ng naglalakihang kanyon. Bago pa tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones, dito ikinubli ni General MacArthur ang may sakit na nuong si Presidente Quezon, bago ito itinakas patungong Australia, at mula duon patungong Amerika.

Napasakamay ito ng mga Hapones nuong May 1942. Sa pagbabalik ni MacArthur nuong 1944 upang ‘bawiin’ ang Pilipinas, sa isang malaking lagusan (Malinta tunnel) sa islang ito pinili ng ayaw sumukong mga sundalong Hapones na magkulong at magpatiwakal sa pamamagitan ng pagpapasabog ng bomba sa loob. May mga nauna nang tumalon sa isang bangin (suicide cliff ), malapit kung saan itinayo kamakailan ang isang maliit na estatwa ni Buddha. Ang taon ng madugong labanan ay 1945, ilang araw matapos ang Liberation of Manila ng buwan ng Pebrero.

Corregidor. The Rock, it was then called – a scene of invasion, battles and death. It was now a historical park, referred to as “a monument to peace, human valor and international understanding.”

May “Eternal Flame” of Peace monument sa Corregidor. Sa Japan, may nabisita akong “Everlasting Waves” of Peace naman. Marami pang mga monumentong paris nito sa Asya – at maging sa mga isla sa Dagat Pasipiko (‘pacific’ comes from a word which means ‘tranquil’ or ‘peaceful’).

EternalEverlasting … hanep sa terms. Mukhang dalang-dala na ang mga taong nagpangalan dito. PEACE. Maski sa Middle East — Shalom ng mga Hudyo at Salaam aleikum” ng mga Muslim at Arabo. Sawa na nga ba tayo sa gulo?

Sa ngayon, ubra nang mag-camping at magpiknik sa Corregidor, o mag-swimming-swimming kaya. Pwede ka pa ngang maglaro ng taguan na may kasamang baril-barilan (Gotcha!), basta duon lang sa mga designated areas na malayo sa memorial sites. Medyo may kamahalan nga lang ang pagpasyal duon, lalo na kung magho-hovercraft ka (1.5 hours) mula CCP complex sa Roxas Boulevard. Mas maikli ang tatawiring dagat kung mula Mariveles, Bataanpero syempre kung taga-Maynila ka, mga dalawa’t kalahating oras din ang byahe sa bus.

Eniweys, maski mura o kaya mo pa, pag-“aksayahan” mo pa kaya ng panahon para bisitahin ito?

Philippine history… nakakaBATO, baka sabihin pa ng iba. Weno nga naman ang significance nito sa ‘tiwasay’ nating buhay ngayon? May ilan nga dyan sa ‘itaas’, marami din sigurong alam sa kasaysayan ng Pilipinas, pero wala lang… They just want their names written on it.

Ow… tutut ba yun? Itaga mo pa sa bato.

Personal na lakad at gastos po ito. At dinner time, sa table naming mag-asawa naisipang sumalo ng guide – nalibre tuloy kami sa pananghalian.

Eto pa ang ilang shots, yung wala naka-pose na kami. Pasensya na sa mga kuha, SLR camera na size 110 ang film lang ang ipinang-testing ko dito (the shots were made almost 14 years ago, hindi pa uso ang digital camera).

“I love you, O Lord, my strength.
The Lord is my rock, my fortress and my deliverer;
my God is my rock, in whom I take refuge.
He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold.

I call to the Lord, who is worthy of praise,
and I am saved from my enemies.”

– Psalm 18:1-3

Published in: on 5 May 2008 at 11:00 am  Comments (12)  
Tags:

Trabaho lang?

Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Mga obrero… Hindi basta lilipas ang isang araw na wala kang makakahalubilo na kauri nila. Hindi lang sila gaanong nabibigyang-pansin.

Sa bansang tulad ng sa atin, lamang kaya sila – sa bilang. Pag kasagsagan, pagpag sa trabaho ang katawan; pag kalugihan, mga nauuna sa mga pabrikang nagtatanggalan.

“Dagdag na trabahong mapapasukan!”

Naglilingkod sa lipunan, para sa kapiranggot na sahod na panlamang-tiyan lang. Sa pamamagitan nila, natatamasa natin maging ang mga luho sa katawan, samantalang sila kapos sa mga pangunahing pangangailangan. Mga uring manggagawa – isang kahig, isang tuka? Trabaho lang, trabaho lang… paano naman ang kanilang mga ‘personal’ na pangangailangan?

“Umento sa sahod! Mababang buwis! (huwag na lang buwisan?)

“Murang presyo ng bigas at bilihin!”

Mga anak-pawis kung tagurian. Matitipunong mga bisig at kalamnan lang ang puhunan dahil walang mataas na pinag-aralan. Hanggang saan kaya ang kanilang itatagal?

“Mas murang gamot?” – mas mainam kung malayo sa sakit!

“Insurance? Benepisyo?” – baka kahirap kubrahin, tapos kakapiranggot lang naman (meron ba)?

Ang kanila bang ‘propesyon’ ay mamanahin pa ng kanilang mga kaapu-apuhan?

“Mabuhay ang Uring Manggagawa!” – gagad na sigaw nating mga maski hindi nila ‘kauri’.

Oo na, oo na… pero hindi sapat lang ang tawaging (bolahing) mga ‘bayani’ sila. Marami na tayong nakausap sa kanila, pero nauunawaan ba natin ang talagang kalalagayan nila?

Kailan kaya mangyayaring maiuusal mo sa kanila ang mga katagang ito nang hindi ka nangangambang baka ika’y kanilang masakal? –

Happy Labor Day…” (?)

————————————————————————————————

Padayon!

Pages: 1 2

Sagwan

May tiyuhin ang nanay ko, taga-Palauig, Zambales. Pangingisda ang ikinabubuhay nya nuon, katu-katulong ang apat na anak na lalaki.

Kahit ismol-taym fishermen lang, nakakahuli naman sila minsan ng mga hayop-dagat na kung ibebenta mo sa mga palengke at supermarket sa Maynila ay talaga namang mahal – malalaking isdang talakitok, blue marlin, du-al (isdang berde ang tinik) at sabalo (parang bangus), pusit, alimasag… Marami pa, hindi ko na lang matandaan ang mga pangalan. Hindi ko tuloy maunawaan nuon ang malimit na bukambibig ng mga tiyahin ko: “Walang pera ang mga tao dito (sa Palauig).”

Trip mong mamasyal sa laot? CLICK mo ito.

Published in: on 1 May 2008 at 10:00 am  Comments (7)  
Tags: , , , ,