Trabaho lang?

Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Mga obrero… Hindi basta lilipas ang isang araw na wala kang makakahalubilo na kauri nila. Hindi lang sila gaanong nabibigyang-pansin.

Sa bansang tulad ng sa atin, lamang kaya sila – sa bilang. Pag kasagsagan, pagpag sa trabaho ang katawan; pag kalugihan, mga nauuna sa mga pabrikang nagtatanggalan.

“Dagdag na trabahong mapapasukan!”

Naglilingkod sa lipunan, para sa kapiranggot na sahod na panlamang-tiyan lang. Sa pamamagitan nila, natatamasa natin maging ang mga luho sa katawan, samantalang sila kapos sa mga pangunahing pangangailangan. Mga uring manggagawa – isang kahig, isang tuka? Trabaho lang, trabaho lang… paano naman ang kanilang mga ‘personal’ na pangangailangan?

“Umento sa sahod! Mababang buwis! (huwag na lang buwisan?)

“Murang presyo ng bigas at bilihin!”

Mga anak-pawis kung tagurian. Matitipunong mga bisig at kalamnan lang ang puhunan dahil walang mataas na pinag-aralan. Hanggang saan kaya ang kanilang itatagal?

“Mas murang gamot?” – mas mainam kung malayo sa sakit!

“Insurance? Benepisyo?” – baka kahirap kubrahin, tapos kakapiranggot lang naman (meron ba)?

Ang kanila bang ‘propesyon’ ay mamanahin pa ng kanilang mga kaapu-apuhan?

“Mabuhay ang Uring Manggagawa!” – gagad na sigaw nating mga maski hindi nila ‘kauri’.

Oo na, oo na… pero hindi sapat lang ang tawaging (bolahing) mga ‘bayani’ sila. Marami na tayong nakausap sa kanila, pero nauunawaan ba natin ang talagang kalalagayan nila?

Kailan kaya mangyayaring maiuusal mo sa kanila ang mga katagang ito nang hindi ka nangangambang baka ika’y kanilang masakal? –

Happy Labor Day…” (?)

————————————————————————————————

Padayon!

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/05/01/trabaho-lang/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Ahoy! Taon-taon na lang pare-pareho lang halos ang isinisigaw ng mga manggagawa sa araw nila.. tama.. sana, sila naman ang mabigyan ng importansya..

    http://hiraya.co.nr

    ————————————————

    HBH: Ewan ko ba, ‘pre… kelan kaya matatapos ang mga hinaing nila?😦

  2. dapat lang naman na bigyan na sila ng pansin, dito nga
    sa alemanya, may pinapasok na bill sa konseho na limit na nag super taas na sweldo ng mga managers, compared sa mga nasa ilalim nito, e totoo naman. kung walang mga taong gagawa, wala din namang silbi ang mga managers di ba? masyadong over naman kasi ang difference ng sweldo di ba?

    ————————————————

    HBH: Akala ko nuon, kengkay, sa mga bansang tulad lang ng Pilipinas ang may mga hindi kuntentong manggagawa. Napanuod ko sa balita yung pag-aaklas ng mga laborers dyan sa Germany — ahehe, mas ‘mellow’ pa pala ang mga Pinoy.

  3. dapat tlgang itaas ang sweldo, grabe halos klahati nga ibinabawas ng tax sa empleyado eh kaliit na nga sweldo, hay naku itay pag ako nging pres. sa yr. 3010 aba.. mataas ang sweldo ng mga empleyado at wla ng mhirap.. hehehhe

    ————————————————

    Itay: Sige anak, iboboto kita sa 3010! Siguro nama’y qualified pa akong bomoto maski ako’y uugod-ugod na nun. 😆

  4. naku, ano kayang naghihintay samin?> ganyan pa lang na hindi pa kami graduate yan na kalagayan pano pa kaya pag graduate na kami?😦 Kaya daming pinoy nag a abroad eh! hmm😦

    ————————————————

    KTB: Tiyak kong maganda ang magiging kinabukasan mo, bunso. Nakakapag-aral ka, gra-graduate, at matalino
    (at maganda😳 ) pa.

  5. npakahirap talaga maging mahirap saten, araw araw, halos nakikita ko ang muka ng kahirapan,, at nkaka lungkot pa, kung alin yung mahirap na trabaho, yun pa ang konti ng kita..

    makita ko nga lng yung mga sweepers namin na 700/mo. ang sweldo pero umaga pa lang, hakot na ng basura, walis p sa kalsada.. taz ano mangyayari sa 700 sa isang buwan? hays..

    ang hirap minsan mag isip, ang daming porblema ng mundo. kya kadlasan we resort na lang sa pag ignore..

    pero sana nga.. sana nga, may pag asa…

    ————————————————

    HBH-3X: Natumbok mo ang gusto kong sabihin ‘mine’ —
    “mas mahirap ang trabaho, mas maliit na sweldo.”
    At natural, pag mas mahirap ang trabaho, mas madaling magutom at magkasakit; at dahil maliit ang sweldo, halos wala nang maipambili ng dise-disenteng pagkain at gamot.
    How ironic… ahehe paano na nga ba?

  6. hi kuya!!

    wahh! namiss ko magbasa ng blog mo.. nakabalik na ulit ako sa mundo ng blogging!! haha.. at may trabaho na din ako.. hehe..

    bertday ko tuwing araw ng manggagawa, kaya naman taon taon… nasusubaybayan ko ang ang balita at kanilang hinaing…

    halos walang pagbabago kaya nakakalungkot.. kasabay ng init ng tag araw ay ang paglalakad na nila sa kalsada upang ipaglaban ang ninanais nila.. sana kahit papano, magbago ang sitwasyon..🙂 naiisip ko ito dahil isa na rin akong mangagawa ngayon.. hehe.. mas nagkaroon ako ng concern sa “laborers” ngayon..

    namiss ko po talga tong blog nyo.. God bless po kuya!!!

    ————————————————

    Kuya: Ay ganun baga? Belated happy birthday pala!
    Congrats din sa bago mong trabaho. Be a light and a salt in your workplace! God bless!

  7. Pasalamatan magiliw balutin…

    Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
    ( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: