Bato

Monument in The Rock’s Japanese cemetery

Maituturo mo kaya sa mapa ng Pilipinas kung saan naruon ang Corregidor? Naisipan ko lang i-post – lalo’t may mga pikytur na naman ako dito. 😛

Akala nyo na siguro yung shabu ang tinutukoy ko? Ahehe, may mga SABOGan din naman dito sa ibibida ko.

Kung may Fall of Bataan (Araw ng Kagitingan, April 9), mayroon ding Fall of Corregidor. Sa katunayan, magkasunod lang na pangyayari ito; at ngayon (May 5) ang ika-animnapu’t anim (66) na taong anibersaryo nito (May 6 is the ‘formal’ surrender).

Hindi kasi ito masyadong kilala. Maski pala ang ilang lumagpas na sa edad ng matatawag pang kabataan ay hindi alam kung saan naruon ang naturang lugar. ‘Tahimik’ na kasi ang naglalakihan at obsolete nang mga ‘boga’ dito. Pero kung susumahin, isa ito sa mga pangunahing tanggulan at taguan (defensive, stronghold, refuge) nuong panahon ng digmaan. Bago pa man naiwagayway ang puti-at-pulang bandila ng mga Hapones sa buong archipelago nuong World War II, kilala ng mga Pinoy ang lugar na ito sa pakikinig lang ng mga balita sa radyo.

Ang Corregidor ay isang maliit na isla na hugis-butete (tadpole- shaped or sperm-shaped ) sa pagitan ng BATAAN at CAVITE, sa bungad papasok ng Manila Bay.

May itinindig na parola (lighthouse) dito ang mga unang mananakop na Kastila nuon, pero hindi napuna agad ng mga nakatalagang sundalo ang nakalusot na mga barko ni Admiral Dewey sa Battle of Manila Bay nung taong 1898.

Dito unang sumubok rin na magtayo ng eskwelahan ang mga ‘pumalit’ na Amerikano. Ginawa nila itong isang fortress ng mga sundalo. Nagtayo sila ng mga barracks, naglatag ng airstrip para sa mga ng maliliit na eroplano, at naglapat ng mga “battery” ng naglalakihang kanyon. Bago pa tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones, dito ikinubli ni General MacArthur ang may sakit na nuong si Presidente Quezon, bago ito itinakas patungong Australia, at mula duon patungong Amerika.

Napasakamay ito ng mga Hapones nuong May 1942. Sa pagbabalik ni MacArthur nuong 1944 upang ‘bawiin’ ang Pilipinas, sa isang malaking lagusan (Malinta tunnel) sa islang ito pinili ng ayaw sumukong mga sundalong Hapones na magkulong at magpatiwakal sa pamamagitan ng pagpapasabog ng bomba sa loob. May mga nauna nang tumalon sa isang bangin (suicide cliff ), malapit kung saan itinayo kamakailan ang isang maliit na estatwa ni Buddha. Ang taon ng madugong labanan ay 1945, ilang araw matapos ang Liberation of Manila ng buwan ng Pebrero.

Corregidor. The Rock, it was then called – a scene of invasion, battles and death. It was now a historical park, referred to as “a monument to peace, human valor and international understanding.”

May “Eternal Flame” of Peace monument sa Corregidor. Sa Japan, may nabisita akong “Everlasting Waves” of Peace naman. Marami pang mga monumentong paris nito sa Asya – at maging sa mga isla sa Dagat Pasipiko (‘pacific’ comes from a word which means ‘tranquil’ or ‘peaceful’).

EternalEverlasting … hanep sa terms. Mukhang dalang-dala na ang mga taong nagpangalan dito. PEACE. Maski sa Middle East — Shalom ng mga Hudyo at Salaam aleikum” ng mga Muslim at Arabo. Sawa na nga ba tayo sa gulo?

Sa ngayon, ubra nang mag-camping at magpiknik sa Corregidor, o mag-swimming-swimming kaya. Pwede ka pa ngang maglaro ng taguan na may kasamang baril-barilan (Gotcha!), basta duon lang sa mga designated areas na malayo sa memorial sites. Medyo may kamahalan nga lang ang pagpasyal duon, lalo na kung magho-hovercraft ka (1.5 hours) mula CCP complex sa Roxas Boulevard. Mas maikli ang tatawiring dagat kung mula Mariveles, Bataanpero syempre kung taga-Maynila ka, mga dalawa’t kalahating oras din ang byahe sa bus.

Eniweys, maski mura o kaya mo pa, pag-“aksayahan” mo pa kaya ng panahon para bisitahin ito?

Philippine history… nakakaBATO, baka sabihin pa ng iba. Weno nga naman ang significance nito sa ‘tiwasay’ nating buhay ngayon? May ilan nga dyan sa ‘itaas’, marami din sigurong alam sa kasaysayan ng Pilipinas, pero wala lang… They just want their names written on it.

Ow… tutut ba yun? Itaga mo pa sa bato.

Personal na lakad at gastos po ito. At dinner time, sa table naming mag-asawa naisipang sumalo ng guide – nalibre tuloy kami sa pananghalian.

Eto pa ang ilang shots, yung wala naka-pose na kami. Pasensya na sa mga kuha, SLR camera na size 110 ang film lang ang ipinang-testing ko dito (the shots were made almost 14 years ago, hindi pa uso ang digital camera).

“I love you, O Lord, my strength.
The Lord is my rock, my fortress and my deliverer;
my God is my rock, in whom I take refuge.
He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold.

I call to the Lord, who is worthy of praise,
and I am saved from my enemies.”

– Psalm 18:1-3

Published in: on 5 May 2008 at 11:00 am  Comments (12)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/05/05/bato/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. You wanna “ROCK”?

    CLICK THIS.😆

  2. lolo ko daming kwento tungkol dyan.

    huwaw dun sila nag date.. ahehehe…

    wah hindi nakakabatp phil his.. lalo kung kayom pa prof! ahehehe galing!😀
    ————————————————
    Kuya Teddy Bear: Ibang klase mag-date ano?
    Ahehe, talaga ha? Magtitser na nga lang kaya ako?😆

  3. masarap talaga dyan mag date. ilang beses na rin akong pabalik balik dyan, sakay sa military ship dahil sa sponsored ng knights of columbus kung saan member si tatay ko. feel na feel mo ang history dyan sa place na yan, tapos kunyari ghost hunting pa daw😀 hindi ko pa rin napapanood yung film showing dun sa kweba, hayyy… mag ingat sa taguan kasi may mga ahas dyan sa paligid.. ilang beses ko na silang na meet habang nag pi-piknik kami. at talaga po namang, kakatakot, nyeee
    ————————————————
    HBH: Ay… buti ka pa, nakapagpabalik-balik na!
    Yung punta namin, bitin… maghapon lang.
    Tutuo, maraming ahas duon… mga nakapagtagu-tago siguro ang mga ninuno nila sa mga lungga nung halos pulbusin ng bomba ang isla.


  4. ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE WEBSITE “Leoxa.com”
    (The Themes Is Very-very Beautiful & Also Able To Place Adsense)

    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

  5. nanghihinayang ako, bok, kasi sa kabila ng pagka-hilig ko sa pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, lalu yung may kinalaman sa mga nakaraang gyera, ay di ko rin nadadalaw ang Corregidor.

    Buti pa yung mga naging bisita naming Hapon, naisipang mag day tour sa isla😦
    ————————————————
    Bok: Day tour lang din yung punta namin ni misis.
    Gusto namin bumalik — yung medyo matagal-tagal na may overnight sana.

    Buti pa nga ikaw, bok, hanggang ngayon fully aware pa rin sa mga nangyayari sa Pinas. Ako, simula nung grumadweyt at napasubsob sa trabaho, wala na. Naa-update na lang pag nanunuod ng balita sa TV… o kaya pag nagagawi sa blog mo. 🙂

    Iba rin yung naglalalabas ng bahay. ‘Eka nga:

    Wisdom calls aloud in the street,
    She raises her voice in the public squares…

    (Proverbs 1:20)

  6. ay ang sarap nmn, buti ka p dami mo na napasyalan!

    bat ganun , pag kaw nag wewento, naginginteresado p ko bigla, eh naaalala ko yung teacher ko nnung HS sa history, bumubuka pa lang bibig eh ina antok na ko! hehe😆

    may bad na nangyari jan sa corregidor sa fieldtrip ng iskul ni bentong eh😦 namatay yung isang kid kc nahulog sa bus😦
    ————————————————
    HBH-3X: Ang tragic naman nuon… kawawa naman.
    Laking hinagpis malamang ng mga magulang nya. 😦

    Yung isang pamangkin ni misis, nag-field trip din dun, at ako sana ang gusto nyang ‘chaperon’ — kaso ang layo ko naman sa kanila sa Angono, hindi ko pa maiwan ang mga daga ko.
    Marami na ako napasyalan kasi medyo kyonders na ako.😛

  7. klasmeyt!!

    naalala ko tuloy ung kantang rock of ages gawa ng post mo na yan hehehe

    “rock of ages…Jesus is our rock”

    hehehe la lang,
    hmmmmm
    hindi pa ako nakakapunta ng corregidor. hanggang dambana ng kagitingan lang. dun sa krus sa mt.samat hehehe
    ————————————————
    Klasmeyt: Nakadalawa ka na nga sa samat eh.
    Ako rin magdadalawa siguro sa Corregidor — I shall return! 😛

    Napahanap naman ako sa lumang casette tape ko
    (hindi pa masyado uso audio CD nun) ng “metal praise.”
    Eto lyrics o:

    Rock of Ages, cleft for me
    Let me hide myself in Thee
    Let the water and the blood
    From Thy wounded side which flowed
    Be of sin the double cure
    Cleanse me from its guilt and power.

    Nothing in my hand I bring
    Simply to Thy cross I cling
    Naked, come to Thee for dress
    Helpless, look to Thee for grace
    Foul, I go to the fountain fly
    Wash me Savior, or I die.

    Rock of Ages, cleft for me
    Let me hide myself in Thee
    While I draw this fleeting breath
    When my eyelids close in death
    When I soar to worlds unknown
    See Thee on Thy Judgement Throne.

    Yung Christian rock group na PETRA, gusto ko rin — lalo na yung album nila na unang nabili ko: “The Rock Cries Out.”
    Kaso binigay ko sa bestfriend ko nung kunin nya akong ninong ng panganay at solong anak nya. Hindi pa ako nakakabili ng kapalit, CD naman ang hanap ko.

  8. […] Ang “Araw ng Kagitingan” (April 9) at “Pagbagsak ng Corregidor” (May 5) ay mga kasaysayang sangkot ang mga Amerikano at Hapones; ang “Araw ng Kalayaan” ay mas may kinalaman ang mga Kastila. […]

  9. […] Umatras ka lang ng pitong buwan pabalik (May 5)
    ay mapupunta ka sa post na may taytol na “Bato” …
    Buti na lang hindi naging magkasunod ang post na iyon at ito!😯
    Ganito sana ang nandyan sa sidebar ko:

    RECENT POSTS
    Tulak
    Bato […]

  10. ask ko lang kung ilan ang nagpakamatay na sundalo sa loob ng tunnel ng coregidor? tnx
    ————————————————

    (10 Oct 2011) HBH:

    Sori, iha, hindi me alam.😳 Nabanggit niyang guide namin ang figures kaya lang, hindi ko na matandaan.🙂
    Check mo dito:
    http://www.technologyparagon.com/corregidor/

  11. […] Naispatan ko sa Hidalgo (1994 Apr 16) second-hand pero mahusay pa ang hitsura at kundisyon…
    SLR na 110, mura? Types! Isinabak ko ito nung mamasyal kami ni misis sa Corregidor. […]

  12. HBH: Ageyn, inilagay ko lang yung latest pikyur ko.

    […] 70 years na rin. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: