10:1

Isnohontas (♀)Teepee (♀)
Models, not photographers.

Hindi related ang pictures sa write-up, nagkasabay lang na pareho silang bukas (May 11) ko pa sana ipapakita. Kaso, tatlo na ang posts ko bukas, kaya yang piktyur ng mader-n-dawter, at itong 11 TAG sa akin, napaaga ang posting.

“12—11” ang talagang tag. Meron na ako nung “12” ( Ang muling paglabas ), kaya itong “11” na lang ang naiwan para sagutan. Kaya lang uli, nakatatlong posts na ako na may “11.” Hindi ko na ili-link, click nyo na lang ang dates sa calendar sa saydbar kung trip nyong puntahan:

  1. Once young, onse-young – Jan 30
  2. Ang brother kong 11 years old – Feb 29
  3. How’re the hammies? (My 11 hammies, a rundown) – April 21

Para maiba naman, SAMPUng tao na lang… para sakto rin, di ba? “Salimpusa” na lang yung ISAng “botal” – nilagay ko sa peborit namber ko. Kaya ang taytol ng post ko Tenistuwan😆

The rule: Name 11 people (or otherwise) you can think of right off the top of your head. Don’t read the questions underneath until you write the names of all the 11 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. No cheating.

  1. Mine
  2. Tonyo
  3. Renren
  4. Riza
  5. Carlo
  6. Camille
  7. Johny
  8. Ispidbol (sowee)
  9. Fayfay
  10. Lito
  11. Roldan

How did you meet # 4? Dalaga pa sya, suki na siya ng misis ko sa tindahan ng cross stitch nung 1997, pero may asawa at isang anak na sya nung makilala ko nuong 2002. Dalawa na ang anak nya ngayon. Pa-minsan-minsan sa kanila ako nakikigamit ng computer simula nang nasira ang modem ng laptop namin.

What would you do without #5? Kasamahan ko sya sa opisina nuon, magaling sa desktop layout, webpaging at iba bang techies sa computer. Barkada ko na rin, very friendly (medyo hawig ni Bok). Pag wala sya, mahihirapan siguro akong makapaghanap ng ibang mapagtatanungan tungkol sa mga hindi ko pa alam sa latest trends re computers.

What would you do if #2 and # 6 were going out? Si #2 ay ang two-year old son ni Riza; si #6 naman ay ka-churchmate ni misis na nagbigay sa akin ng hamster calendar (mentioned in January 12 post) – isang dalaga na malapit nang ikasal. Anong gagawin ko? Sasabihin ko siguro kay #6: “Sige Camille… ngayon pa lang, pagpraktisan mo nang maging yaya dyan kay Tonyo!”

Who’s #10’s best friend? Barkada ko din ito at dating kaopisina, mas kalbo sa akin maski nuon pa. Si #7 yata (barkada at dating kaopisina din) ang ‘bespren Johny’ nya duon.

Have you ever eaten around #1? Ay, anlabo ng tanong? Anoko, hanibalekter? At maski pa… considered ‘friend’ ko na rin, kahit na ba sa 11, sya lang ang hindi ko pa personal na nakikita. Ni-first ko sya sa list, kasi siya ang nag-TAG sa akin.

Do you miss #2? Oo… parati ko sya gusto kalaro, kung puwede nga lang duon na ako sa kanila matira.

Who is #11 dating? Bestfriend ko yan, kumpare ko pa. Syempre ang ‘date’ nya parati ang misis nya!

What do you think of #3? Kyut at mabait na ate ni Tonyo! Matalino pa – nag-first honor nuong grumadweyt ng nursery, nag-accelerate kaya diretso na ng kinder, hindi na dumaan ng prep. (Tama ba to? Alin ba ang mauuna? Basta nilaktawan yung gitna.)

What do you think of #9? Parati naming ‘bisita.’ Makulit at pasaway na girl, pero ‘wa sya sey’ sa younger sister nya na parating bisita rin namin.

Who does #2 like? Kumbinasyon ng papa at mama nya. Andami tanong tungkol kay Tonyo ah, click nyo ito para makita nyo piktyur nya (may napulot kaming salaginto dyan).

Would you marry #8? Hindi a! Pareho kaming lalaki at parehong may kanya-kanyang gerpren na. Pareho din kaming apparently ____ ‘daw’ (haruuummmph! naungkat pa tuloy). Saka daga si Ispidbol – boypren sya ni Teepee, kaya bale byenan nya si Isnohontas (yung dalawang tisay na hamsters sa itaas)! Ahehe… eto napala ko sa pag-break ng rule!

O ‘minyang’ tapos na homwork ko ha?

Yan lang… bukas na lang uli.

Published in: on 10 May 2008 at 6:00 pm  Comments (3)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/05/10/101-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. tenkyu tenkyu sa pag gawa😀
    beet talaga.. gaganda ng models mo talaga! mga tisay! amfufute! Lols😆

    at may bonus pix pa ng mga lalaking lumad! Lols😆

    ————————————————

    HBH-3X: Ahehe… mga dagang anak-araw!

    Yang barkadahang syokoy, magulo at masayang grupo yan. Nipalublob ko kami sa dagat, tapos nipagulong sa buhangin, kaya nagmukha espasol. 😆

  2. haha, na tagtag ka rin ha. ako din pero tago pa ako e🙂

    ————————————————

    HBH: Ahehe… hirap magtago sa wordpress, maski may lungga pa ako.😛

  3. sayang ninong! kaw po sana itatag ko noon eh.
    hnd ko nga lang tinuloy kasi nga po parang hnd kayo ganoon kaaktib dito sa blog.
    baka wala po kau enuf na tym.

    wahihihi!!!

    ang cute ng hamster!!! mestisa! takte!!!

    ung cam mo po? ano model nun???

    wahihihi!!!

    miss u ninong!!!

    nga po pala api mothers day kay ninang at pati na rin po kay mommy mu!

    ————————————————

    Ninong: Ahehe, huwag ka mahiya anak. Okey lang ang tag.

    Galing pomows ng mga hamsters ko ‘no?
    Yang camera FUJIFILM Cardia Mini Tiara. Pero film camera yan, hindi digital — nabili ko nuon pang 1996 sa Japan, hindi pa kasi uso ang digicam nuon. 😳 Maliit at maganda yan, pero collector’s item na lang.

    Tenkyu sa greetings! 😀 haw swit marinig, lalo na yung
    para kay misis ko!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: