Larawan ng dalawang ina (Part 2)

Mommy” – about 6 years and 9 months before I was conceived, or 7 years 5 months and 30 days before I caused her her longest labor of childbirth; “Nanay” – 39 years before I was sealed for a lifetime commitment with her daughter.

Kung babalikan nyo yung mga larawan sa nakaraang post ko kanina (“Larawan ng dalawang ina, Part 1”), yung bata pong kilik duon ng isa kong lola ay siya pong aking ina nung isang taong gulang pa lang siya.

Mame” ang nakagawian naming tawag sa aming ina.

Mas “Mother’s day” kong maituturing ang birthday ko, dahil sa kaunaunahang araw ng petsang iyon, 11:30 ng gabi (“0-year-old” pa lang ako) mas naging ganap na ina sa akin ang nanay ko (lalo’t breech birth ako). Anim kaming magkakapatid (pero sa awa ng Diyos ako lang naman ang ipinanganak na naunang lumabas ang paa). Samakatuwid, bukod sa araw na ito ngayon, masasabi kong may anim pang espesyal na mother’s day ang nanay ko.

Pareho kami ng mom ko na ipinanganak ng September. Pareho din kaming suwi, kaya parehong takbuhan ng mga natitinik ng isda sa lalamunan. Nung dalaga pa ang mom ko, maraming binata daw ang nagkukunwari lang na natinik.😆 Sa September na lang ang mahabang kwento?

Isa pang mother?

Syempre hindi natin pwedeng iisantabi ang isa pang nanay – ang “nanay-sa-batas.” Mother-in-law, o biyenang babae ang ibig kong sabihin.

Nanay” ang tawag sa kanya ng kanyang pitong anak, at maging ng kanyang (mga?) manugang na paris ko. Maaaring hindi ako ang peborit nyang son-in-law o manugang; basta para sa akin, siya lang ang peborit kong byenan. Dapat ko ring pasalamatan sya, kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ang misis ko. Malaki rin ang nagawa niya sa paghubog ng magandang ugali at pagkatao ng misis ko.

Sa dalawang mothers ko… Sa lahat ng mga nanay… Sa lahat ng mga ‘Tita’ o tiyahin na ngayo’y tumatayong ‘nanay’ sa mga pamangkin nila… Binabati ko kayo:

Maligayang Araw ng mga Ina!

Eto pa ang ibang istorya ng mga dakilang ka-NANAYan (motherhood) I-click nyo na lang ang mga sususunod – mga kuwentong DAGA nga lang?

Seven stories of madAGArhud:

  1. The menopause litter
  2. Daughters became mothers
  3. The 17-day mother
  4. Dying young
  5. Teenage dad and mom
  6. Byudang ina ka
  7. Kulang sa pansin (Part 1)

Published in: on 11 May 2008 at 2:00 pm  Comments (7)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/05/11/larawan-ng-dalawang-ina-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. happy mother’s day kay momi mo, at kay ninang!!!
    wahihihi!!!

    buti at nahanp mo pa po ang mga piktyurs nila.

    kami may scnner dito kaso ay ewan, hnd ko mahanp at maintindhan kung saan banda ko isasaksak!!!

    argh!!!

    naaasar na akO!!!

    hahaha!!!

    miss u ninong!!!

    ————————————————

    Ninong: Tengkyu uli!🙂

    Yang scanner mo, baka naman parallel connection pa yan — wala na parallel port sa mga PC ngayon. 😛
    Ang flatbed scanner ko, parallel pa rin — pero nagagamit ko pa kasi buhay pa yung lumang Pentium II ko. 😳

  2. mapalad ka at biniyayaan ka ng mabubuting nanay… o di b, di lang isa, dalawa pa🙂

    ————————————————

    HBH-3X: Pasasaan ba’t makakatagpo ka rin ng mabait na byenan.
    Si Bentong, ‘mine’ — I believe may mabuting mommy rin. 😉

  3. aba at talagang pinahirapan mo si nanay mo ha😀 yung panganay ko, sabi nung doktor suhi daw; nako nagdasal talaga ako at kinausap ko ng masinsinan ang bebi ko habang haplos haplos ko, sabi ko pwede bang mag ayos sya kapag oras na ng labas nya. mabuti naman naging normal sya, kundi takot ko lang…. hirap manganak ng malayo sa pamilya kahit pa kasama ko si kengkoy. pero wala namang epek ang pagiging suhi, di ba🙂

    ————————————————

    HBH: Buti imikot sya ano? Yung ibang doktor kasi, caesarian agad ang option pag suhi ang bata — malaking gastos yun, ahehe.
    Ang epekto? May isang buwan daw na halos hindi makalakad ang nanay ko matapos akong mailabas. Nauna raw kasi lumabas ang isang paa ko lang. 🙄 Ipinasok uli para pagsabayin dun sa isa pa. 😆 Nangingitim raw ako nung mailabas at hindi humihinga. Pinalo ako ng komadrona sa pwet habang patiwarik nyang tangan ako sa mga paa — duon lang ako umiyak.
    Kaya sa aming magkakapatid, ako ang pinakabatang napalo. 😆

  4. […] “Nanay” kung tawagin sya ng kanyang pitong anak (isa ang misis ko dito) ; “Nanay” din kung sya ay tawagin ng kanyang tatlong manugang (isa naman ako dito). […]

  5. […] “Mame” rin sya para sa mga manugang niya; “Lola” o “Lola Aida” naman para sa labing-tatlong (13) apo nya (Ahehe… parang yung bilang ng hamsters ko nung simula pa lang ako magblog dito). […]

  6. […] Naibida ko na nang pahapyaw kung papano akong sumulpot sa mundong ibabaw. Idagdag ko na lang na hindi lang ako basta iniluwa nang “suhi” – isang paa ko lang ang naunang lumabas. Alangan namang hilahin yun, diba? – magkakandampisak ang😳 … Kaya ipinasok daw uli ang aking paa para pagsabayin dun sa isa pa. […]

  7. […] ◙ Nanay posts […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: