110

Kawit, 1998. Kinulit ko lang ang grupong dumaan dito nung mag-overnight kami sa Island Cove sa Dasmariñas. Sarado ang mansyon kaya hindi na kami nakapasok sa loob.

Walang hindi nakaaalam ng significance ng araw na ito. Nakalakip sa kasaysayan ng Pilipinas ang alaala ng mga una – ang unang constitutional government ng Pilipinas, ang unang naging watawat ng republika (wala naman na sigurong susunod pa) na kaunaunahang itinaas sa saliw ng kaunaunahang pag-awit sa madla ng “Marcha Filipina Magdalo” (Lupang Hinirang ang title ngayon – hindi “Bayang Magiliw” ha?) sa bahay ng kaunaunahang pangulo na si Heneral Emilio Aguinaldo. (anhaba, hiningal hako…)

June 12, 1898, idiniklara ang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.

Isang daan at sampung taon (110 years) na ang nakakaraan. Maraming URI ng kalayaan ang kalakip ng hanggang ngayon ay malimit nating tanong:

Malaya na nga ba tayo?

Ang “Araw ng Kagitingan” (April 9) at “Pagbagsak ng Corregidor” (May 5) ay mga kasaysayang sangkot ang mga Amerikano at Hapones; ang “Araw ng Kalayaan” ay mas may kinalaman ang mga Kastila. Mga espasol – eheste, Espanggol ang naitaboy nuon.

Antagaaaaaaaaaal nila dito ay… mahigit sa 300 taon! Andami-dami-dami-dami tuloy nating namana.

Nakalaya na tayo sa pananakop ng mga Kastila. Kumusta naman sa pangunahing turo at kaalamang iniwan nila sa atin, “Malaya na nga ba tayo?” Marami akong kamag-anak nuon sa father side na SARADO sa relihiyong ito (palibhasa may 1% na dugong kastilaloy ang angkan ng tatay ko 😆 ).

Just for info ▼ ▼ ▼ READ!

Hindi sa Espanya nagsimula ang Kristianismo. Kaya hindi komo sila ang unang naghatid ng “Christianity” dito sa Pilipinas ay yung mga itinuro na nila ang ‘orihinal’. Namana lang din nila ang mga turong iyon sa mga Romans na syang super-power nuon. The “faith” that the Spaniards taught us is a deliberate mixture of ancient paganism and the Christian faith, initiated by the Roman emperor Constantine himself, about 300 years after Christ’s birth, death and resurrection.

For years, persecutions had not destroyed the TRUE Christian faith, and Constantine knew this. He “favored Christianity merely from political motives… he made use of religion to advance his policy.” (Excerpts from their church’s encyclopedia). Paganized Christianity, or Christianized paganism, that is what they have been teaching us, get it?

Immediately after our 1898 independence (matapos tayong maipasa sa mga Amerikano) was the flourishing of the Protestant churches. Pero hindi rin mga kano ang masasabi nating originator ng Christian faith. Nanggaling naman ang Protestantism sa Reformation na sinimulan ni Martin Luther sa Europe.

Even before our independence, some natives tried to secularize the priesthood (brought about by racial conflict that began in 1872) and Filipinize ‘Castilian’ Christianity. This resulted to the birth of an indigent Christian religion that is somewhat a native version of Protestantism. Kaunti lang ang ipinagkaiba, pero ang nais lang nating ipaunawa dito ay ang “Pinoy Protestantism” na ito ang naging buhay na simbolo ng 1898 independence day natin. Until now, the Philippine Independent Church (also known as the Aglipayan church) remains the tangible result of the revolution. May mga kamag-anak naman ako nuon sa mother side na ganito – pari pa nga yung asawa ng kapatid ng mamay (lola) ko.😛 Pero HINDI ako Aglipayan ha?

Christianity is NOT a western religion; it was once a Middle-Eastern faith that came out of the Jewish nation, home to God’s chosen people. Being chosen does not mean that Jews are more superior that any other race or group of people. God picked that nation as the starting (radiating) point, used by Him as a vessel through which ALL the human race can be blessed. This faith is “designed” to be universal – for all races, for all mankind.

PridaaaaaaaaaammmN!!! Malaya na nga ba tayo?

Siyanga pala…

Next week (June 19), may happening uli sa amin sa bayan ng Calamba. Kaarawan ni Rizal, pero hindi na ako magpo-post, hane? ‘Birthday lang’ naman… pero sa mga taga-Calamba, DAPAT lang na ginugunita ang araw na iyon.

Syempre naman, mas significant pa rin yung talagang Rizal Day na mas popular sa atin. Dahil kung hindi nangyari yung pag-firing squad sa Luneta, magiging meaningless lang yung birhday sa Calamba, di ba? Kaya nga siguro yung December 30 ang pula sa kalendaryo, hindi yung June 19 – mas may impact sa mga Pinoy nuon ang pagpapakamartir ni Rizal, kaysa sa kanyang pagkakapanganak.

Eh bakit yung kay Bonifacio, birthday niya ang pula sa kalendaryo?

‘Yaan na yun… baka may ayaw silang maungkat tungkol kay Bonifacio nung mga panahong niPULAhan ang petsang iyon. Saka huwag na tayong maging ‘KJ’… araw ni Aguinaldo ngayon…

(Trivia: Alam nyo bang nung 1964 lang namatay si Heneral Emilio Aguinaldo? Ahehe, inabot ko pa – magtatlong taon pa lang ako nuon.)

From our 1998 photo album. Paki-CLICK na lang para sa mas nababasang view.

Pasensya na kayo sa mga ‘sinaunang’ piktyur ko dito. Hindi pa ako makapa-nyut ng bago, kasi hindi naman ako naglalalabas ng bahay hangga’t ‘homebound’ pa ako… Yung hindi nyo makilalang pagmumukha dyan sa pinakahuling pikyur? Eyun po ang aking pinakasinauna:😆

Paglilinaw lang po: Wala akong ambisyong maging artista – maski kamamatay lang nitong nakaraang linggo😦 nung kahawig ko daw (joke lang, huwag patulan. Ang maniwala uto, ang mainis pikon😆 ). Hindi ko rin pangarap na maging isang bayani. Sariling pagmumukha ko naman yan, TRIP KO LANG na pinaglalaruan.😆

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/12/110-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. […] Related posts about the myths of organized religion:
    * A Mother’s portrait
    * 110
    […]

  2. […] Kasarinlan nga ba o ‘sari-sarili’ muna? […]

  3. […] Huwag na tayong magtukoy at manggatong ng ibang major world religions (i-limit na lang natin ang diskurso sa atin na mga ‘kristiano’). Maigi pa nga ang ilan sa non-Christians, ‘puro’ sa kanilang mga ‘turo’, samantalang yang sayo,
    napaka-obvious naman na pinag-halu-halo. […]

    Pingback from → Huli man” (page 3) .


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: