PridaaaaaaaaaammmN!!!

Natatandaan ko yung nabasa ko nuong comment ng isang artist:

“Labels actually reveal more about the labeler than the labelee.”

Pag may nabanggit o nagawa ka na medyo hindi popular o kaya’y taliwas sa nakasanayan at tanggap na ng karamihan, “Ang KJ mo naman!” eka nila. O kaya’y “Ang weirdo mo, you’re trying to be different”“Isa kang henyo!” pambobola pa.

You are apt to be called leftist by rightist, or rightist by leftist; pacifist by militant, or militant by pacifist; idealist by materialist, or materialist by idealist. Religious people accuse those who are not as pious as them as being humanist ‘lang’, or perverts call those who shun ‘alternative lifestyle’ as moralist. Again, it could be the other way around.

Nuong katatalsik pa lang ni Marcos, may dating political prisoner na naimbitahang magsalita sa UPLB auditorium. Isang estudyante ang prangkang nagtanong sa kanya:

“Are you an atheist?”

“I am a dialectical materialist.” – ang simple at prangka nya ring sagot.

Nayanig sa hugong ng palakpakan ang buong auditorium. Isa ako sa mga sinserong pumalakpak nuon.😆

May isang malimit na kainuman din ako nuon sa college. He calls himself a free-thinker because he doesn’t believe in God. “The Bible is relative.” – eka pa nya. Some of “it” cannot be proven by empirical methods and formulas.

O e di sige… yan ang opinyon mo, e di ipaglaban.

Pero teka muna: Baka yang “scientific philisophy” mo ang lampa kaya hindi nito kayang ipaliwanag ang Bibliya? Bakit yung evolution theory nyo, na TEORYA pa lang dahil sa hindi makitang ‘missing link’ nyo, itinuturo nyo na sa mga eskwelahan na parang accepted fact na? Ikaw siguro ang pruweba, galing sa unggoy!😛 Magbasa-basa ka din kasi tungkol sa Biblical archeology, hindi yung puro kalansay lang ng mga ninuno mo ang hinuhukay mo.

Sinuwerte ang barkada kong ito. Ngayon mayaman na dahil sa pagma-monkey-business.😆

Nasasaatin yun… this is a free country anyway. Mas bibilib naman ako sa’yo kung ipaglalaban mo ang ALAM MONG TAMA, kaysa naman yung dudungo-dungo ka at bow na lang nang bow sa kung ano ang sinasabi o ginagawa ng nakararami. Nakiki-“uso” – para lang hindi ka ma-persecute. Pakikisama daw o? Baka trying to please everybody, maski labag sa loob mo? Walang gulugod. Balimbing.

Huwag sayangin ang iyong mga rights. Malay mo naman kung pagsansala (rebuke) ang hinihintay ng kausap mo, hindi puro pagsang-ayon lang? Maganda rin yung may komokontra sa mga sinasabi natin, para makita natin ang kabilang side.

So go ahead, speak up and stand for what you think is right.😉 Itapat mo lang sa tamang lugar at pagkakataon.

Pero ingat ka rin… pakasuriin mong mabuti yung “alam mong tama” – siguradong-sigurado ka ba dito? Baka another sincere but mistaken case na naman yan, paris nung mga handang pumatay ng mga taong walang kamalay-malay dahil sa sinseridad nila sa kanilang mga paniwala? Paano naman ang “rights” ng mga taong ‘isinasakripisyo’ nila?

Posible rin namang nakaunawa ka na, pero kinundisyon mo na lang ang utak mo sa isang adhikain na taliwas dito, just for the sake of convenience… Kung na-realized mo nang PALPAK pala ang ipinamumuhay mo – maski gaano pa “kasarap” ito sa pakiramdam mo, ay bakit ipinaglalaban mo pa? Pride na yan… ano bang pridam-pridam?

It is a real challenge to avoid all the ‘extremes’. Nakalulungkot lang isipin na minsan, sa pagsisikap nating maging MALAYA sa lahat ng bagay, lalo naman nating ikinukulong ang ating mga sarili sa pagiging SARADO.

“They are… always learning but never able to acknowledge the truth.”

(2 Timothy 3:6,7)

The Prayer

Heavenly Father, we come before you today to ask Your forgiveness and to seek your direction and guidance. We know Your Word says, “Woe to those who call evil good,” but that is exactly what we have done. We have lost our spiritual equilibrium and reversed our values.

We confess:

We have ridiculed the absolute truth of Your Word and called it Pluralism.

We have worshipped other gods and called it Multiculturalism.

We have endorsed perversion and called it Alternative Lifestyle.

We have exploited the poor and called it Lottery.

We have rewarded laziness and called it Welfare.

We have killed our unborn and called it Choice.

We have shot abortionists and called it Justifiable.

We have neglected to discipline our children and called it building Self-esteem.

We have abused power and called it Politics.

We have coveted our neighbor’s possessions and called it Ambition.

We have polluted the air with profanity and pornography and called it Freedom of Possession.

We have ridiculed the time-honored values of our forefathers and called it Enlightenment.

Search us O God, and know our hearts today, cleanse us from every sin and set us free. Guide and bless these men and women who have been sent to direct us to the center of Your will. I ask it in the name of Your Son, the Living Savior, JESUS CHRIST. Amen.

(source: 702 DZAS)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/12/pridaaaaaaaaaammmn/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. lam mo, minsan naiisip ko, ang hirap ng salitang “kalayaan” kc pano sasabihing malaya kung pag ginawa mo nmn may parusa di ba.. parang pwede mo nga gawin pero may kapalit..

    meron bang absolute freedom ..as in???

    or ang pansariling nating kalayaan ay nide define din talaga ng kalayaan ng iba … na hindi tayo maaaring maging malaya kung masasagasaan natin ang kalayaan ng iba…

    eka. saka ko na uli isipin yung iba. nagugutom na ko hehe

    ————————————————

    HBH-3X: ‘mine’ !!! 😀

    Gutom na rin ako, kaya pauwi na rin ako. Saka ko na reply-yan itong comment mo ha? (pati yung iba sa mga previous posts)

    Paalala ko lang yung sinundang post nito, baka hindi mo nakita… Kasi “110” ang taytol nuon, katunog ng “1:10” na sinundan nya.😆 May centennial portreyt kasi aku dun. 😆 😆

    I’m back! 😛

    Hmm…🙄 parusa? Yung mga nakalistang confessed deeds of “freedom” dyan sa itaas, sigurado lang na may “parusang” kapalit kapag buong “kalayaan” nating ginagawa. Numbers 32:23 declares:
    “…you may be sure that your sin will find you out.”

    Christ himself said this:
    “‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’ This is the first and greatest commandment. And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’ All the Law and the Prophets hang on these two commandments.” (Matthew 22:37-40)

    Hirit ng iba: “Malaya ba yang ganyang may nag-uutos?” 😆 Well… that is what they feel. If they prefer a different kind of ‘liberty’ let them be… Nagiging “masarap” lang naman yan pag nakasanayan na eh. They have the FREEWILL to choose; and they are accountable for their choice.

    Okey, maski pa huwag na nating isali sa usapan ang Bible: What we sow, we shall reap.
    Kahit ano naman ang ipaglaban natin, tiyak may kaaway tayo – dahil yung makakabuti sa iba ay maaaring makakasagasa naman sa iba. Kung minamalas-malas pa nga ay kinukuyog yung mga nag-iisa, o kaya’y pinabubusalan o pinaliligpit ng mga ‘somebody’ yung mga ‘nobody’ na nakasasagasa sa kanila.
    May “kapalit” o consequences pa rin, anumang klaseng “kalayaan” yung ipinamumuhay o ipinaglalaban natin. It boils down on how much (of ourselves) we are willing to “bet” – and I believe that any hardship is not in vain kung para sa ikabubuti ng kapwa.

    “Absolute freedom” … wala nga siguro. Pwera na lang yung ‘korning’ pag-usapan na promise na malimit kong tinutukoy dito. 😉

    …naglitanya na naman ako. 😳

  2. hi itay….batiin pala kita ng happy father’s day..!!!! hehehehe… para ako una..

    may tanong pla ako.. bat kaya may taong di naniniwala sa diyos???? nbasa ko kc ito dmi ko kcng kilala mga atheist.. di kya sila natatakot sa mga pinagsasabi nila…??

    ————————————————

    Itay: Ahehe… tsalamat! 😳
    Ngayon lang (June 15) ako nasilip at kapo-post ko ng aking apat na “father’s day” special. 😛

    Yung mga atheist? Baka sumobra ang talino at pagiging open-minded? 😆 In fairness, may mga atheist din naman na pag nagkasakit — o kaya ay bibitayin na, ay natututo namang mapa-“Diyos ko po!” din.

  3. i want to be free!

    pero ang komento ko ngayon eh hindi tungkol sa post mo eh,

    gusto po kita igreet ng happy father’s day!
    isa kang napakabait na ninong para sa akin! wahihihi!
    naging tatay-tatayan na rin po kita dito sa blogosphere.
    kaya heto’t mejo naimpluwensyahan ako sa kabaitan mo ninong!

    ————————————————

    Ninong: Ay iha… ako nama’y hindi sobrang bait din. 😳
    Pero salamat din sa pagtitiwala — at sa pag-greet! 😀

    Happy father’s day din sa tutuong Papa mo. 😉

  4. […] Ganun din sa alam mo. Huwag mo kayang solohin… ibahagi mo. Ahehe, baka mag-information-overload ang memory mo pag ipinagdamot mo (Hindi ko sinasabing magpakopya ka sa exams ha? Baka naman pilosopohin mo ako?) Saka maganda rin yung naririnig ng iba ang opinyon at palagay mo, malay mo may mali pala dyan sa alam mo, at least maiko-correct ka. […]

  5. […] Huwag mong gamitin ang magandang konsepto ng demokrasya dito; huwag mong isupalpal sa akin yang freedom-freedom mong nalalaman… or else ito ang isusupalpal ko sa’yo → “PridaaaaaaaaaammmN!!!” […]

  6. […] • PridaaaaaaaaaammmN!!! […]

  7. […] Kasarinlan nga ba o ‘sari-sarili’ muna? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: