Usapang tatay

Tatlong magkukumpare — dalawang new fathers at isang father-to-be, nagbibidahan:

Pare 1: “Nuong buntis ang misis ko, ang peborit nyang panuorin ay ang ‘Lord of the Rings, Two Towers’ — Ayun, kambal ang anak namin!”

Pare 2: “Ang misis ko, peborit nya ‘Three Musketeers’ — kaya triplets ang anak namin!”

Biglang nanlumo si kumpare 3.

Pare 1 at Pare 2: “Bakit p’re? Ano bang peborit panuorin ng misis mo?”

Pare 3: “300.”

————————————————————————————————

Pamangking babae (at inaanak) sa pinsan ni misis: first time nya kaming nakita, pero hindi kay misis kundi sa akin agad nagpakarga. 😆 Mas maamo daw kasi sa mga male figures ang bata — sa tatay nya, sa lolo, o maski sa lalaking hindi pa naman niya kilala.

————————————————————————————————

Usapang dawters naman:

May bisitang babae nuon si misis, kasama ang 4-year-old na daughter nito (si Aina) na nuon lang nakapunta sa bahay. Nagkataong nanduon din ang isang 4-year-old ding bata (si Aira) na malimit magpunta sa bahay para maglaro at panoorin ang aking mga hamster… Pareho pa ng tunog ang mga pangalan, ano? 😀 Pero tutuo yan — ganyan ang kanilang mga names, at first time lang sila nuon na nagkita at nagkakilala.

Papasok ako nuon sa banyo (nasa labas ng bahay namin) habang nagpaalam kay misis ng ganito:

“Choi, maliligo muna ako.”

Naulinigan ni Aina ang sinabi ko; Eka nya kay Aira:

“Maliligo daw ang daddy mo.”

Ahehe, wala lang… Gusto ko lang sabihin sa inyo na ‘kinilig’ ako pagpasok sa banyo — hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa narinig ko:
“Daddy mo.” 😳 Kinilabutan ako?

Natawa na lang si misis at yung nanay ni Aina nung ibida ko ito matapos akong maligo at nakalabas na ng banyo. Baling ako kay Aira at tinanong ko ng ganito:

“Daddy mo daw ako? Daddy mo nga ba ako?”

Hindi kumibo, pero halos maalog yata ang utak sa kaiiling. 😆

Malapit naman ang loob sa akin ni Aira. Hindi nga lang siguro nya ma-imagine kung papaano posibleng magkakaroon pa sya ng ‘ibang daddy’ bukod sa papa nya.

Ano nga ba ang pakiramdam ng isang maging ama? Kahit tatay pa sya ng nag-iisang anak — maski hindi twins o triplets… maski hindi isang legion o batalyon!

Malaking bagay sa isang tao ang mga naging pinagdaanan niya bilang isang bata upang maging effective na mas nakauunawa sa ‘thinking’ ng mga kabataan sa ngayon. Added advantage din siguro kung may konting alam sya sa child (o teenage) psychology. Pero maski siguro magpakadalubhasa ka pa, iba pa rin yung aktwal kang nakaranas na maging isang magulang para lubos na maunawaan ang feelings ng iyong anak.

Marami na kaming ‘nahiram’ ni misis na mga bata, pero hindi ko pa rin kayang tumbasan ang ‘kaalamang-tatay’ ng isang talagang naging ama.

Mapalad kayo, mga TATAY. 😉

Happy Father’s Day sa inyo!

————————————————————————————————

Wala na akong tatay o father-in-law na pwedeng mabati, kaya itong dalawa na lang ang babatiin ko: 😆 i-KILIK mo ITO.

Published in: on 15 June 2008 at 10:00 am  Comments (12)  
Tags: , , , , ,

Two fathers

Daddy” – when I was 1 year and 8 months old; “Tatay” (in plain white T-shirt) – almost 10 years before his wife gave birth to my future girlfriend.

Naibida ko na ang Dad ko DITO nuon, di ba?

Ang Tatay naman, hindi ko na rin nakita nang personal dahil magsasampung taon na syang namayapa nuon pa mang bago ko maging girffriend si misis.

Tubong Gubat, Sorsogon; independent – ‘sinundo’ ang kabiyak (Tubong Atimonan, Quezon) mula sa pagiging katulong ng mga Morato sa Quezon City nuon. May ala-Cinderella story sila ng byenan kong babae 😛 …pero para hindi na masyadong humaba ang post na ito, sa August sa birthday ng mother-in-law ko na lang ikukwento.

Medyo underheight ang tatay ni misis, at dito sya nagmana, hindi sa nanay nyang pulos overheight naman ang lahing pinanggalingan. 😛 Pero ma-PR, at isa rin ito sa mga ‘naipasa’ ng tatay nya sa kanya.

Ayon sa mga kwento ng waswit ko, isang masipag na ama ang Tatay, nagsikap buhayin at papag-aralin ang mga anak sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baboy – katulong ang kabiyak at ang ilan sa kanilang mga panganay. Nung gawin ang kulungan ng baboy, si misis na elementary pa lang nuon ang nagbubuhat ng hollow block (buti hindi nabagsakan ang paa) at nagpiprisintang taga-halo ng semento. Nung highschool, katu-katulong naman sa pagbubuhat ng dram-dram na kaning-baboy na kinukulekta nila mula sa Quiapo. Naging “Tatay’s girl” tuloy si misis.

Isang pagkakataon, nung nasa college na si misis, medyo kinabahan ang mga kaklase niya dahil may napansin silang isang lalaking nakasakay sa taksi ang nakatingin sa kanya. Nung lingunin ni misis ang tinutukoy, napangiti na lang sya.

“Tatay ko yun. Sinusundo na ako.”

Sa gabi, nagta-taxi driver ang Tatay; mahigit tatlong ulit na rin itong naholdap.

Isang kaso, kinuha ang kanyang relo at kinita sa pagpapasada. Matapos syang masugatan sa itinutok na balisong, palihim na sinundan ang holdaper sa inuuwian nito. Nung matiyak ang lugar, iniwan saglit… pagbalik may kasama nang dalawang parak. Nakaharap ang salarin. E di paano? Nakatikim sya ng mala-FPJ na de rapido mula sa ‘byenan ko’! 😆

October 1979, napansin ng 11-year-old pa lang nuon na kanyang bunsong daughter ang kakaibang itsura niya sa walang-tinag na pagkakasandal sa sofa. Cardiac arrest… Hindi nila alam kung gaano katagal na sya sa ganuong estado, but my wife and a neighbor tried to revive him. Si misis lang ang kapamilyang nagbuhat kasama ang kapitbahay na iyon para dalhin sya sa ospital. Declared dead on arrival.

Mula sa aking pagkabata, ‘solved’ naman ako sa pagkakaroon ng isang ama, kahit pa medyo ‘bitin’ nga lang dahil maagang namayapa ang dad ko.

Sa aking buhay-may asawa, yung pagkakaroon ng ‘pangalawang tatay’ sa katauhan ng isang hindi ko kaanu-ano ang talagang hindi ko na naranasan… Sa isang mister, gaano ba ‘ka-exciting’ o kakaba-kaba ang magkaruon ka ng isang father-in-law? Yung tutuo ha? – hindi yung father-out-law o byenang hilaw lang. 😛

Published in: on 15 June 2008 at 8:00 am  Comments (6)  
Tags: , , , ,