Two fathers

Daddy” – when I was 1 year and 8 months old; “Tatay” (in plain white T-shirt) – almost 10 years before his wife gave birth to my future girlfriend.

Naibida ko na ang Dad ko DITO nuon, di ba?

Ang Tatay naman, hindi ko na rin nakita nang personal dahil magsasampung taon na syang namayapa nuon pa mang bago ko maging girffriend si misis.

Tubong Gubat, Sorsogon; independent – ‘sinundo’ ang kabiyak (Tubong Atimonan, Quezon) mula sa pagiging katulong ng mga Morato sa Quezon City nuon. May ala-Cinderella story sila ng byenan kong babae😛 …pero para hindi na masyadong humaba ang post na ito, sa August sa birthday ng mother-in-law ko na lang ikukwento.

Medyo underheight ang tatay ni misis, at dito sya nagmana, hindi sa nanay nyang pulos overheight naman ang lahing pinanggalingan.😛 Pero ma-PR, at isa rin ito sa mga ‘naipasa’ ng tatay nya sa kanya.

Ayon sa mga kwento ng waswit ko, isang masipag na ama ang Tatay, nagsikap buhayin at papag-aralin ang mga anak sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baboy – katulong ang kabiyak at ang ilan sa kanilang mga panganay. Nung gawin ang kulungan ng baboy, si misis na elementary pa lang nuon ang nagbubuhat ng hollow block (buti hindi nabagsakan ang paa) at nagpiprisintang taga-halo ng semento. Nung highschool, katu-katulong naman sa pagbubuhat ng dram-dram na kaning-baboy na kinukulekta nila mula sa Quiapo. Naging “Tatay’s girl” tuloy si misis.

Isang pagkakataon, nung nasa college na si misis, medyo kinabahan ang mga kaklase niya dahil may napansin silang isang lalaking nakasakay sa taksi ang nakatingin sa kanya. Nung lingunin ni misis ang tinutukoy, napangiti na lang sya.

“Tatay ko yun. Sinusundo na ako.”

Sa gabi, nagta-taxi driver ang Tatay; mahigit tatlong ulit na rin itong naholdap.

Isang kaso, kinuha ang kanyang relo at kinita sa pagpapasada. Matapos syang masugatan sa itinutok na balisong, palihim na sinundan ang holdaper sa inuuwian nito. Nung matiyak ang lugar, iniwan saglit… pagbalik may kasama nang dalawang parak. Nakaharap ang salarin. E di paano? Nakatikim sya ng mala-FPJ na de rapido mula sa ‘byenan ko’!😆

October 1979, napansin ng 11-year-old pa lang nuon na kanyang bunsong daughter ang kakaibang itsura niya sa walang-tinag na pagkakasandal sa sofa. Cardiac arrest… Hindi nila alam kung gaano katagal na sya sa ganuong estado, but my wife and a neighbor tried to revive him. Si misis lang ang kapamilyang nagbuhat kasama ang kapitbahay na iyon para dalhin sya sa ospital. Declared dead on arrival.

Mula sa aking pagkabata, ‘solved’ naman ako sa pagkakaroon ng isang ama, kahit pa medyo ‘bitin’ nga lang dahil maagang namayapa ang dad ko.

Sa aking buhay-may asawa, yung pagkakaroon ng ‘pangalawang tatay’ sa katauhan ng isang hindi ko kaanu-ano ang talagang hindi ko na naranasan… Sa isang mister, gaano ba ‘ka-exciting’ o kakaba-kaba ang magkaruon ka ng isang father-in-law? Yung tutuo ha? – hindi yung father-out-law o byenang hilaw lang.😛

Published in: on 15 June 2008 at 8:00 am  Comments (6)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/15/two-fathers/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. mabuti pa pala ako at pareho pang buhay ang aking dalawang tatay. at alam mo, mas mukha pa ngang ako ang anak ng biyenan ko dito kasi mas nakikinig pa sya sa mga sinasabi ko, sa mga payo ko kesa sa mga sinasabi ni kengkoy. at eto pa, super spoiled din nya ako, kapag alam nyang paborito ko yung pagkain, may pasalubong sya para sa akin. hay ang swerte ko talaga pero sempre, 100 percent din ang balik ko sa kanyang kabaitan!

    ————————————————

    HBH: Waw, hindi ka lang pala “Tatay’s girl” —
    “Tatay-in-law’s girl” pa rin. 😉

  2. ako din, di ko na naabutan ang byenan ko sa tatay ni bentong. taz yung byenang babae nmn nasa states nga kya di q naranasan na makipamyenan talaga pero pag umuuwi d2 sa pinas, ok nmn.

    ako talagang daddy’s girl ako.. kc dad ko kasama ko sa haus kc ang mami ko nagtitinda. kaya xa nag gagawa ng HW ko at nag iipit ng buhok ko😀 isa kc xang dakilang houseband na ng nag aaral na ko.

    kaya nmn ganto din ako ka lukaret kc palaki ako ng tatay.. madalas masabihan tomboy kahit makire nmn. hehe

    ————————————————

    HBH-3X: Hanggang ngayon, ‘mine’ sa edad kong ito, naghahanap pa rin ako ng mas nakatatandang lalaki na nakakausap – (maski hindi byenan ha? Alangan naman kasing maghanap pa ako ng bagong byenan.😆 ) Iba rin kasi syempre yung may nakakausap kang mas matanda pa sayo.

    Pareho pala kami ni papsy mo… houseband!🙂
    Kung nagkaanak ako, paris mo din siguro?😛

    Alam mo si RMQ ng Babolgang? Ewan ko yung iba kung natsi-cheap-an sa kanya. Di ba parang “ma-kire” din ang mga screen portrayal nya? Ang impresyon ko sa kanya “makireng inosente” (natutuwa kami ni misis sa kanya). 😉 Oportunista na lang siguro ang magsasamantala sa mga babaeng pares nya.

  3. ‘steg ng mga porma nila! ahehehe.. ang tapang ng asawa ah.. naalala ko lang, yung mga lolo ko nun under talaga kila lola, ahehehe.. reynang reyna tuloy ang mga lola ko..😀 Kaya magkasundo eh..😆

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Astig talaga… sayang nga lang at napaiksi ang mga buhay. 😦

    Na-outlived ko na ang father ko — 46 sya nung namayapa,
    ako magpo-47 na sa September, buhay pa! 😛

  4. […] Two Fathers […]

  5. […] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉 […]

  6. […] ◙ Father’s Day 2008 posts […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: