Usapang tatay

Tatlong magkukumpare — dalawang new fathers at isang father-to-be, nagbibidahan:

Pare 1: “Nuong buntis ang misis ko, ang peborit nyang panuorin ay ang ‘Lord of the Rings, Two Towers’ — Ayun, kambal ang anak namin!”

Pare 2: “Ang misis ko, peborit nya ‘Three Musketeers’ — kaya triplets ang anak namin!”

Biglang nanlumo si kumpare 3.

Pare 1 at Pare 2: “Bakit p’re? Ano bang peborit panuorin ng misis mo?”

Pare 3: “300.”

————————————————————————————————

Pamangking babae (at inaanak) sa pinsan ni misis: first time nya kaming nakita, pero hindi kay misis kundi sa akin agad nagpakarga.😆 Mas maamo daw kasi sa mga male figures ang bata — sa tatay nya, sa lolo, o maski sa lalaking hindi pa naman niya kilala.

————————————————————————————————

Usapang dawters naman:

May bisitang babae nuon si misis, kasama ang 4-year-old na daughter nito (si Aina) na nuon lang nakapunta sa bahay. Nagkataong nanduon din ang isang 4-year-old ding bata (si Aira) na malimit magpunta sa bahay para maglaro at panoorin ang aking mga hamster… Pareho pa ng tunog ang mga pangalan, ano?😀 Pero tutuo yan — ganyan ang kanilang mga names, at first time lang sila nuon na nagkita at nagkakilala.

Papasok ako nuon sa banyo (nasa labas ng bahay namin) habang nagpaalam kay misis ng ganito:

“Choi, maliligo muna ako.”

Naulinigan ni Aina ang sinabi ko; Eka nya kay Aira:

“Maliligo daw ang daddy mo.”

Ahehe, wala lang… Gusto ko lang sabihin sa inyo na ‘kinilig’ ako pagpasok sa banyo — hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa narinig ko:
“Daddy mo.”😳 Kinilabutan ako?

Natawa na lang si misis at yung nanay ni Aina nung ibida ko ito matapos akong maligo at nakalabas na ng banyo. Baling ako kay Aira at tinanong ko ng ganito:

“Daddy mo daw ako? Daddy mo nga ba ako?”

Hindi kumibo, pero halos maalog yata ang utak sa kaiiling.😆

Malapit naman ang loob sa akin ni Aira. Hindi nga lang siguro nya ma-imagine kung papaano posibleng magkakaroon pa sya ng ‘ibang daddy’ bukod sa papa nya.

Ano nga ba ang pakiramdam ng isang maging ama? Kahit tatay pa sya ng nag-iisang anak — maski hindi twins o triplets… maski hindi isang legion o batalyon!

Malaking bagay sa isang tao ang mga naging pinagdaanan niya bilang isang bata upang maging effective na mas nakauunawa sa ‘thinking’ ng mga kabataan sa ngayon. Added advantage din siguro kung may konting alam sya sa child (o teenage) psychology. Pero maski siguro magpakadalubhasa ka pa, iba pa rin yung aktwal kang nakaranas na maging isang magulang para lubos na maunawaan ang feelings ng iyong anak.

Marami na kaming ‘nahiram’ ni misis na mga bata, pero hindi ko pa rin kayang tumbasan ang ‘kaalamang-tatay’ ng isang talagang naging ama.

Mapalad kayo, mga TATAY.😉

Happy Father’s Day sa inyo!

————————————————————————————————

Wala na akong tatay o father-in-law na pwedeng mabati, kaya itong dalawa na lang ang babatiin ko:😆

Mocha ‘the wiggler’ (tatay ni Wigwam at Teepee);
Isnobol (tatay ni Syma at Amboy).
Yang una, ‘tinedyer’ pa lang nung nag-asawa;
itong pangalawa, panghuling byahe na.

Published in: on 15 June 2008 at 10:00 am  Comments (12)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/15/usapang-tatay/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. uy, at least e narinig mo na kung papano may tumawag sa yo na daddy😀 am sure ninamnam mo yon ng todo ano? happy father’s day, tatay ng mga daga!

    ————————————————

    HBH: Tsalamat, tita…😳 turuan ko kayang magsalita ng “Daddy” ang mga hamsters ko?😆

    Si repah man, tuwing dadalaw dito, kinikilig ako — “Itay” ang tawag nun sa akin eh.😛

  2. weehee!
    happy father’s day po uliT!
    wahihhihi!

    at gusto ko rin igreet sila hamster dyan!

    ————————————————

    Ninong: Uy pangalawang greetings mo na yan…
    thank you, thank you uli! 😳
    Tsalamat din daw sabi ng mga hamsters! 😆

  3. asust!!! 🙂

    ————————————————

    HBH: Ahehe… 😆

  4. aba happy fathers day ky isnobol at mocha..
    itay sau din.. happy fathers day..

    ————————————————

    Itay: Thank you, thank you uli! 😳
    Tenchu din daw sabi ni Isnobol at Mocha. 😆

  5. ay kya pla umiling lng nung c aira nung tinanong mo akala nya kc ikaw si daboy.. heheheh.. joke lng..

    ————————————————

    Itay: Indi Daboy – ako si “Dagoy” ehehe…
    etong pikyur ko nung 21 pa lang ako:

    Dagoy” 😆

  6. happy father’s day sayo bilang ama sa mga hamsters hehehehe..

    http://hiraya.co.nr

    ————————————————

    HBH: Tsalamat, fjordz.
    Dahil dyan, lagay na kita sa blogroll ko. 😆

  7. ahmm pag tinawag naman kitang daddy bk iba maging dating! nyahaha
    ok ang joke mo ah, orig. b yun? hehe peram ako ha! jojoke sa inuman!😆

    ***kung minsan nga, may mga taong nagiging malapit talaga saten khit di nmn naten kadugo, yung parang magulang na din ang turing kc iba ang naging partisipasyon nila sa buhay naten..

    and i know, napakadami ang makakapagsabi nyan sayo …
    di lamang sa mga daga mo kundi sa maraming taong nagabayan mo at itinuring mo na din anak …

    *** pano p kaya c PapaGod no? eh sa kunsumisyon lang saken, puputi chak lahat ng buhok nya, eh andami nating anak nya,tapos madami pa puro pasaway! hehe

    ————————————————

    HBH-3X: Oks lang, ahehe… e di tawagin din kitang mommy? Kuya ako ni Bentong!? 😀

    Yung joke ng Sparta ba? Ni-text lang yun kay misis ng isa ding pasaway na misis. 😆

    Hamo, pag kaya ko nang magpa-aral ng bata hanggang college, mag-aadopt na kami ni misis. 🙂

    Sa lahat ng mga nakikita kong “pikyur ng Dyos Ama”😆 ay talaga namang puti yata ang kulay ng buhok nya. Wala naman kasing taong hindi naging pasaway kahit yung pinakakonting (?) sanlibong beses lang. 😛

    Uy, ‘mine’… may mag-iinang bagong-lipat dito sa katabing kwarto namin sa building, 5 yrs old pa lang yung batang lalaki – anak ng bumbay? Mahiyain…

  8. bok, siguro hindi ka matutuwa kung “papa” ang itawag ko sayo no? hehe… pero totoo ka dun, ansarap talagang marinig na tawagin kang “daddy” ng iyong anak… kaya ganun din naman kasakit yung marinig na sabihin niyang “i don’t love you!” kahit pabiro pa😦

    ————————————————

    Bok: Bakit, bok… dahil ba mga sampung taon lang
    ang tanda ko sayo? Ahehe…

    Ay ganun ba yun bok, maski biro lang… si misis malimit akong biruin ng ganyan .😛 Iba siguro talaga ang “dating” o pakiramdam pag galing sa anak (?)

  9. bago mag father’s day umalis na ang aking papa papuntang abroad.. Hindi lang para magwork, kundi para dun na tumira.. Huli na nung nalaman ko kaya pala pinabalik na ko ng Mom ko sa bahay kasi wala na nga daw dun si Papa.
    Kahit medyo tampo ako sa Papa ko nun, iyak ako ng iyak kasi hindi ko man lang sya nakita kahit huli na lang. Mukhang imposible na ring magkita kami nun pero sana i allow pa ni God na makita ko sya kahit huli na lang.

    Nung 3 araw na syang wala dito, bigla na lang ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Mas nagulat pa ko kasi narinig ko syang umiiyak tapos sinasabi niyang miss na daw niya ako. Hindi na ko nakapagsalita nun, hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong mag sorry tsaka tanungin kung nasan sya pero hindi ko na din nagawa kasi bigla na lang naputol yung usapan namin. Hindi ko alam kung nasan sya ngayon, walang number na nag appear sa phone ko nung tumawag sya. At hindi na rin ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya hanggang ngayon.

    Father’s day, ni hindi ko man lang sya nabati kasi nga hindi ko alam kung saan sya tatawagan at hindi rin alam ng kuya ko.

    Pero siguro ito yung matagal na niyang gustong gawin. Sayang nga lang kahit man lang sa kahuli hulihan, hindi napagbigyan yung wish ko na magkasama-sama man lang kaming pamilya. PERo kahit malayo ngayon ang Papa ko, lagi naman syang nasa puso ko at prayers ko..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Speechless ako nung mabasa ko itong comment mo.😥 Inisip ko ito nang husto kinagabihan, at hindi ko na rin maiwasang banggitin kay misis ko.

    Nakakalungkot, ‘angel’… Sana nga magkita-kita pa kayo. Kung mukhang “imposible” man na magkita pa kayo tulad ng sabi mo, sana maski communication man lang.

    Wala ka bang tito o tita dyan na kapatid nya na posibleng nakakaalam ng kinaruruonan nya? Kung sakaling ayaw nilang ibigay sayo ang address ng papa mo dahil bilin nya ito, siguro ang magagawa mo na lang ay personal kang sumulat o kaya ay mag-record ng lahat ng gusto mong sabihin sa kanya, at ipa-send mo na lang sa kanila.

    Pag naulit yung pagtawag sayo ng papa mo, huwag ka nang mag-alangan – huwag mo nang pigilan ang gusto mong gawing pagso-sorry sa kanya; at sya man kung merong dapat ihingi ng tawad sayo, sabihin mo na agad na pinatatawad mo na sya – unahin mo na ang mga ito bago pa biglang maputol ulit yung conversation nyo. 😛

    Siguro, ‘bunso’, kasing-edad ko na ang father mo. May tiwala sya sa kakayahan nyo ng kuya mo kaya niya nakayanang ‘iwan’ kayo. Magpakatatag kayo, iha…

    That’s right… keep him in your heart and include him in all your prayers. 😉

  10. napakakyot naman non, buti hnd nagmana sau

    hakhak

    jok lng, tu naman oh, d n mabiro

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    ————————————————

    HBH: Oo hindi nagmana. 🙄 Pero kahawig ko naman… o di ba? 😆
    Elyen? Elyens!!!

  11. […] Ang siste ay ito: Hindi ako ubrang tumanggap ng entrecard credit points. Wow, 300 din yun, sayang…
    This reminded me of the “300 just-kidding-skit” na nai-share ko dito. → “Usapang Tatay” […]

  12. […] ◙ Father’s Day 2008 posts […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: