Pinakamahabang… araw!

Today is June 21, a ‘moment’ in a year known to astronomers and meteorologists as summer solstice. Summer season “officially” begins today in the Northern hemisphere, where the daytime is at its longest and the nighttime at its shortest. The sun rises and sets at its farthest northward reach in the eastern and western horizon. Those at the Arctic circle (near the North Pole) are experiencing 24 hours of daytime each day.

(In the Southern hemisphere, the reverse is true – shortest day and longest night; people who live there are now enjoying a cool “winter”! Antarctica in the South Pole has 24 hours of ‘sunless’ nighttime.)

summer solstice sunset

Clouds above the western horizon have been hiding the sun this past few days keeping me from shooting a more recent sunset photo; Fortunately, the sun showed up just before sundown on June 21. These days, the sun sets behind the faint mountain at right (compare this with my SUNSET photos of December 21 and March 20 ).

Ito po ay “global” point of view lang naman. Medyo iba po yan sa nakasanayan na nating mga Pinoy. Maski may tinatawag tayong “Tagsibol” at “Taglagas”, a country like ours has only two distinct seasons: dry and wet – tag-araw at tag-ulan. Or as the global warming is making it more distinct, tag-tigang at tag-baha. 😆 (El niño at la niña sa español. … anhirap magtype ng “enye!”)

Tapos na ang Father’s day – lusot na naman ako sa mga “kantyaw” 😛

Ahehe, aktwali hindi naman ako napipikon diyan. Ang paminsan-minsang pagbanggit ko ng salitang “baog” dito ay hindi naman para umani ng panlalait o kaya’y simpatiya… Hindi rin naman para ibaba ang aking pagkatao – unang-una’y kumpirmado ng mga duktor na talagang hindi (defensive pa e ‘no?😆 ); Pangalawa’y sa tingin ko nama’y bagama’t ang pagkakaroon ng anak ay sya na yatang pinakamagandang biyaya ng Diyos para sa mag-asawa,😉 ang kawalan nito ay hindi naman talaga napakalaking kabawasan o kakulangan. Gusto ko lang i-cheer-up yung ilang mga baog ding (tsk tsk tsk… inulit pa) “walk-in” na napapasilip dito sa blog ko, lalo na duon sa mga dumadaan sa ganitong mga pagsubok. Paris ng anonymous commentor na ITO.

Mahirap kasing patulan pa yang mga kantyaw, p’re. Baka “kung saan pa tayo makarating” para lang patunayang hindi…😆

Pero hindi pa tapos ang buwan ng Hunyo. Siguro naman may mga girlfriends pang naghahabol na maging June bride. Derpor, kasalan (uli) ang ating pag-usapan.

Jesus HIMSELF declared this in Mark 10:9:

“… at the beginning of creation God ‘made them male and female.’ For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and the two will become one flesh. So they are no longer two, but one. Therefore what God has joined together, let man not separate.”

Let me list down at least five basic truths (clear or implied) from His statement:

  1. God is the author of marriage. Kahit saang simbahan pa kayo ikinasal (maski sa huwes nga lang), Diyos pa rin ang promotor ng marriage. Natural lang na mas ina-acknowledge nyo Sya, mas magiging maayos ang pagsasama nyong mag-asawa.
  2. There are only two opposite sexes. Paano bang nauso yang same-sex marriages? Maski na magpa-convert pa kayo “to make IT fit” – it doesn’t make sense. Again, I am condemning the deeds here, not the doer. This topic merits a separate post, pero huwag na lang – baka isipin naman ng iba masyado na akong brutal. SEE FIRST COMMENT BELOW FOR MORE.
  3. There is a “breaking-away” from the family of origin. Bakit ba may mga “lalaking” pinagkatandaan na ang pagiging mama’s boy? Hindi makaalis-alis sa ilalim ng palda ng kanyang ina, at nag-asawa lang yata para ma-‘legalized’ ang panghihindot at maghanap ng dagdag na magpapalamon sa kanya. Excuse me for the bad word – appropriate lang sa mga ganyang “barako” ang ganyang bulgar na pananalita.
  4. Marriage is an exclusive relationship (especially when it comes to sex) – just for the man and his wife. Hindi dinisenyo ng Diyos ang polygamous relationship. Maaaring ipinahintulot lang Nya ito nung mga panahon nina Abraham hanggang kay Solomon, pero hindi ito ang Kanyang kalooban. Kung nabasa nyo na ang buong kwento at nasuri ito nang husto, maiintindihan nyong hindi naging maganda ang naging bunga ng mga ‘desisyon’ nilang ito. Yang hindi matapos-tapos na conflict sa Middle East? Si Abraham at Sarai ang itinuturong pinakapromotor niyan (Genesis 16:1-4). 😆
  5. Marriage is permanent – a lifetime commitment. For better or for worse, for richer or for poorer, in sickness or in health: Till death do us part! (Hindi ubra yung “Sayo ang hirap, akin ang ginhawa!”😆 )

(Yung mga gustong umepal, bahala kayo… you are FREE to choose what “ideology” or “philosophy” you want to follow. Maski naman magtawa ka nang magtawa dyan, nakakaawa ka lang.😦 )

Ambigat. (Puro utos, puro utos, lib-in na lang kaya uli? 😆 ) Kaya kung hindi kayo ‘sigurado’ sa isa’t-isa, may tsansa pa kayong umatras; pag nandun na, wala nang bawian (para laang bang pagpo-post sa blog?).

“To the married I give this command (not I, but the Lord): A wife must not separate from her husband. But if she does, she must remain unmarried or else be reconciled to her husband. And a husband must not divorce his wife.” (1 Corinthians 7:10, 11)

May kasabihan: Life is full of second chances.

Ang saya-saya – “E di pwede palang hiwalayan mo ang asawa mo at maghanap ka ulit ng iba?” pamimilosopo ng iba.

Bakit lalayo ka pa? Pwede ka namang mag-second chance sa talagang asawa mo?

Do not dream about greener pastures… bloom where you are planted!

Eto ang testimony ng isang commentor ko nuon walang greener pastures (paki-CLICK na lang).

Karamihan naman ng mga kilala kong nagsasabing “mas better” sila sa mga second spouse nila ngayon ay nag-mature na lang. They may deny it, pero sa tutuo lang, nagsipagtandaan na lang sila – kaya humaba-haba ang pasensya. 😆 Kung naghintay-hintay lang siguro sila nang konti, imbes na hiniwalayan nila yung “original” na asawa nila, malamang ay ganyan din – “mas better” na rin silang dalawa, dahil napag-aralan na nilang mag-adjust at tanggapin ang isa’t-isa.

Hindi kita pinipilit na makipaghiwalay (ulit) dyan sa pang-“nth” na kinakasama mo ngayon at bumalik sa iyong original… malalim na ang ugat! Nariyan na yan e… (a popular excuse). Ngayon pang marami nang masasaktan? Lalo na kung pareho kayo ng first spouse mo na may mga bagong anak-anak na sa sinasabi nyong “mas better” nyo.

Langhya… nakahinga ka nang maluwag ano? 😆 Pero aminin mo, nagkamali ka rin. Sige, patatawarin… charge it to experience na lang, tutal natuto ka naman na. Huwag ka na lang magkulang ng payo, para iyan man lang pagpapalit-palit ng asawa ay hindi na mamana ng mga anak mo. Alam ko namang ayaw mo nang maranasan pa nila ito, lalo na kung babae ang sa iyo.

Di baleng maski sa iba ay bumibyahe, basta kay misis lang gagarahe.”

– isa pang usong chauvinist pig male-ego philosophy (na pag hindi mo raw inayunan at ni-subukan ay “HINDI KA LALAKI!” 😆 )

Suggestion sa mga misis:

Huwag nyong kinukunsinti sa pambababae yang si mister! Anong klase ka bang misis na very proud pa sa “ganyang kamachohan” ng mister mo? Baka memya pag nainlab naman yang si lakay mo sa kulasisi nya – o kaya nabuntis nya itong si Kulasa, iiyak-iyak ka dyan?

May mga misis ding kinukunsinti si mister sa habitual na pagbabasa ng napakagarapal na pornography. Obsessed na baga? Pampagana daw! 😆 Aheste… misis… pinabababa mo lang ang pagkatao – hindi lang ng mister mo – kundi pati ang sayo. Nasasatisfy ka bang habang nagse-sex kayo ni mister ay mukha at katawan ng IBANG BABAE ang nasasautak nito?

Huwag kang padadala sa sinasabi ng iba na kung hindi mo kinukunsinti si mister ay napaka-immature mo na. Tignan mo muna ang testimonya ng buhay nila, baka naghahanap lang yan ng damay. Sige, pagbigyan mo yang mga kaibigan mo – lalo mo lamang silang hindi natutulungan, namumuro pang masira ang tahanan mo.

Sayo naman mister:

Huwag kang kasiguro sa pangungunsinti ni misis. Hindi kaya pinapayagan ka lang ni misis na ma-“nyiks” ay para ma-justify naman ang kanyang pangka-“cats”? 😆 Wala kang kamalay-malay baka nagrerebelde na yan: “Ano, ikaw lang? Kung kaya mo, kaya ko rin!” Magtaka ka na lang kumbakit napakalayo ng itsura ni bunso “mo” dyan sa karakas mo…

Tandaan mo mister… pwera na lang kung hindi kayo magkasama, mas mahirap mabistong nabuntis ng iba si misis kaysa duon sa ikaw ang nakabuntis ng iba.

Hmmm… balistad yata 🙄 Tama ba yun?

Oo naman…

Halimbawa may bago “kayong” anak dahil kasisilang ng isang baby ni misis… expected mo yun kasi isang buwan pa lang syang delayed, ay puwede na nyang sinabi sayo nuon:

Surpriiiiiiiise!!! Pa, buntis ako, magkaka-baby uli tayo! 😳

Tapos siyam na buwan mo rin syang nakitang lumobo ang tiyan. Kung unfaithful si misis, maski hindi sayo yun, nagoyo ka! Pero…

Puwede kayang basta KA na lang magdala ng isang sanggol (anak mo sa iba) sa bahay nyo at sabihin sa misis mo:

Surpriiiiiiiise!!! Ma, may bago tayong baby o? 😆

Suwerte mo na lang kung sabihin lang sayo ni misis na:

I donk belib yu! Ipa-DNA testing ko muna kung talagang anak ko nga iyan! 😆

Ahehe. Jokes lang… pero bad yun, ha?

Duon naman sa mga “abeylabel” o MALAYA pa – sa mga singgol pero duon lang naman sa mga walang ibang magawa:

KUNG naghahanap kayo, ay kayu-kayo na lang ang maglokohan. Naman… huwag nyo nang patusin o patulan ang eka nyo’y hindi na MALAYA (akala nyo lang yun😛 ), maski pilitin pa nila kayo. Sumisige lang naman sa pambobola ang mga iyan habang ine-entertain nyo. Matuto na kayo. Aagawin nyo pa ba sa mga bata ang Tatay o Nanay nila? 😕

Let me end this post with two more commands (na naman!):

Para kay misis:

“Wives, submit to your husbands as to the Lord. For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior. Now as the church submits to Christ, so also wives should submit to their husbands in everything.” (Ephesians 5:22-24)

O misis… huwag ka nang humirit ng reklamo, mas mabigat itong para kay mister:

“Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her.” (Ephesians 5:25)

For both of you, bear in mind that marriage is a love triangle (CLICK nyo yang nasa kanan) – God, husband, and wife. The closer each of you two come to God, the closer you are to each other. 😉

Sa mga talagang sure na:

Congrats and best wishes!

Sa pag-aasawa man, kung may tag-araw, ay mayroon ding tag-ulan. Hangad ko ang isang napakahabang panahon ng mainit na pagmamahalan sa pagsasama nyo. 😀

By the way…🙄 Aquarius si misis (kaya daw hindi nagiging “dry” ang aming pagsasama) + Virgo naman ako (ingenious kuno, kaya daw parating may bagong diskarte o istilo) = Hindi nakakabato ang aming pagsasama? Well… sa akin laru-laro lang yan, pero siryusli, hindi ako nagre-rely sa compatibility ayon sa Zodiac signs. Eto na lang, mas madali pang tandaan:

(18 years 3 months and 18 days ago, ~ 30 years old na kami nung ikasal). Can you read the verse at the background? That is from Psalm 127… Hold on to that. 😉

For more about marriage, CLICK this:

21 devotionals for married couples

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/21/pinakamahabang%e2%80%a6-araw/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. Some Bible accounts on homosexuality and lesbianism:

    “Before they (Lot’s visitors) had gone to bed, all the men
    from every part of the city of Sodom – both young and old – surrounded the house. They called to Lot, ‘Where are the men who came to you tonight? Bring them out to us so that we can have sex with them.’”
    (Genesis 19:4-5) Read the rest of the story to see what happened.

    “Even their women exchange natural relations for unnatural ones. In the same way the men also abandoned natural relations with women and were inflamed with lust for one another. Men committed indecent acts with other men, and received in themselves the due penalty for their perversion.” (Romans 1:26-27)

    Maski naman hindi natin tignan ang Bible – maski common sense na lang: talaga namang it is NOT natural… hindi ba? 😦
    (I don’t want to use the “word” which means “NOT NORMAL” – masakit eh… ayaw kong manghamak at manlait.)

    “I don’t hate homosexuals, I just abhor homosexuality.”

    If you don’t believe in this statement, you are refusing to differentiate a person and his deeds, making them inseparable. You fail to acknowledge the power of God to change a person.
    If you make these friends of yours think the way you do re this matter, you are not helping them. May mga kakilala akong DATIng paris din nila, ngayon may asawa (opposite sex) at mga anak na (yung isa nagpapastor pa nga).

    A common excuse: “I am a woman trapped in a man’s body.” (or vice versa)

    Ano ka ba? Buddhist o Hindu na naniniwala sa reincarnation?
    I don’t believe it. “Puso” is a blood-pumping organ (a part of the body) and is used symbolically to mean “will” or “emotion” which are a part of one’s soul.
    A soul’s gender (kung meron man) is determined by the gender of the body it inhabits. Soul belongs to the spiritual realm, and spirits (like angels and devils) have no gender. I think that is one reason why marriage is NOT applicable in heaven – only here on earth (where physical bodies are present). Jesus said in Matthew 22:30:

    “At the resurrection people will neither marry nor be given in marriage; they will be like the angels in heaven.”

    Sobra ka kamo sa female hormones, e bakit pinadadagdagan mo pa? Bakit hindi male hormone ang ipaturok mo? Why strive harder to turn 180 degrees to go to the opposite direction while it is much easier (if you acknowledge your Creator) to continue in your real direction?

    Pinili mo lang din kaya ka lalong nagkaganyan. Kung babarkada ka nga sa mga taong gusto ding magkaganyan sila, o kaya dun sa mga sinasabi mong mga “kaibigang nakaiintindi” sayo, matutuluyan ka nga. Marami namang taong tatanggap sayo na mas matutulungan ka nang hindi ka kukunsintihin.

    Sa inyong mga hindi kaparis nila pero tulad ko rin namang nagmamahal at nagmamalasakit din sa kanila:
    Hanggang saan ba ang kaya nating pagbigyan sa kanila? Malalamyos na pananalita at tumatalsik na mga daliri,
    okey lang siguro…
    Pero pakikipagtalik sa kapwa lalaki? Same-sex marriage?
    Ow, com’on!!! 😐

  2. […] Yung mabababaw nga mag-isip, naghihinala na baka isa sa amin ang bakla. Potangina… sa tutuo lang, diring-diri kami sa kabaklaan. Pareho kaming may takot sa Diyos, matino at mataas ang pinag-aralan. Pag pumatol ka sa bakla, BAKLA ka na rin! Guwaaaarkkk!!! […]

  3. […] Homosexuality and Lesbianism, the exclusive or predominant preference for same-sex partners, was eliminated as a mental diagnosis by some “authorities”, others maintained it as such. […]

  4. […] This photo was taken yesterday (Sep 20), the last day of summer. The sun set at a point in the western horizon (at the middle of the photo) somewhere behind the trees (compare this with my SUNSET photos of December, March and June). […]

  5. […] ♥ Sakal? […]

  6. […] ◙ More about marriage ↑ in this link […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: