Pader

Araw ngayon ng San Juan. Sa ilang lugar sa ka-Maynilaan, uso na naman ang sabuyan ng tubig at basaan. (Taon-taon yan nuon, meron pa ba nito ngayon?)

Kabi-kabila na naman ang baha, magbabasaan pa ba tayo?😆 Ahehe, yung mga supot na plastik… yung paris ng pinaglalagyan natin ng tubig, atsaka natin ibinabato sa mga walang kamalay-malay na nagdadaang tao — hindi kaya naiipon yan sa mga imburnal kaya andaling magbaha ngayon?

Ayon sa “PAG-ASA”, pami-pamilyang bagyo pa daw ang magto-tour sa ‘Pinas, tyak magsasawa na naman tayo sa baha… at sa mga disease outbreak — lalo na yung…🙄 ano nga ba yung sakit na nakukuha sa tubig-baha na ang itinuturong culprit ay ang DYINGGOL ng mga daga?

Nanood ako ng balita nitong mga nakaraang araw.😦 Hindi na yata mababawasan ang bilang ng mga napipinsala ng bagyo… at yung taun-taon na lang ay istranded na mga pasahero ng ewpweyn at bawko (baka puwedeng huwag munang magbyahe?) Nakakainis na nakalulungkot… may mga namatay at nawawala na naman.😕 Hay buhay…

June 24. Ayon sa tradisyon, birthday ngayon ni San Juan Bautista. Ibinatay ito sa birthday ng kanyang pinsang si Hesus (December 24/25), dahil sa kwento sa Luke chapter 1, anim na buwan nang ipinagbubuntis si Juan ng kanyang inang si Elizabeth nuong si Hesus ay ipinaglihi naman ng kanyang inang si Maria. So, simpol aritmetik: December 24 minus 6 months equals June 24.

Sabihin ko lang pero hindi ko na masyadong palalawigin pa: Hindi December 24 o 25 ang talagang birthday ni Jesus; samakatuwid, hindi rin June 24 ang birthday ni Juan Bautista.

Uli, sa mga paniniwalang mas sinauna pa sa panahon ni Kristo ibinase ang mga petsang iyan: December 25 was the day of the ancient Roman feast called “Saturnalia” and of the birth of Sol, one of the names of the sun-god. June 24 was the day of the ancient fish god Oannes, a name by which Nimrod was known; Before the entrance of Christianity in Britain, the day was also celebrated by the Druids with blazing fires in honor of Baal.

Palibhasa wala silang “makitang” Diyos nuon kaya ARAW ang napagdiskitahan. Araw (sun) nga naman ang nagbibigay-liwanag at buhay sa lahat ng bagay sa lupa. About the dates? December 21 kasi ang winter solstice (pinakamaiksing daytime), then after that day (starting Dec 22) papahaba o “isinisilang” na uli ang araw. June 21 is the opposite point, or the summer solstice (pinakamahabang daytime).

Huwag you kakabahan ha? For your information lang kaya ko nabanggit yan. Hindi naman tayo magpapauso dito ng bagong holidays para sirain ang mga dating nakasanayan na (Ako man namamasko rin naman pag Disyembre 25😛 ). Syempre, higit na mahalaga ang diwa at inspirasyong inilakip at iniugnay natin sa mga dates na iyan — yung angkop sa kasalukuyang panahon. Tutuo yan maging sa ibang holidays — basta ba malinaw lang sa atin kung ano ang umaayon o taliwas sa talagang itinuturo ng Kristyanismo — ang ultimong rason sa likod ng mga pagdiriwang na ito.

Hmm… So, sige lang, December 25 ang pasko… June 24 ang araw ng sabuyan ng tubig at basaan.😉 Ilalagay lang natin sa lugar ang pambabasâ ha? Walang sabuyan ng IHI at tubig-pusali. At huwag nyo naman idamay ang ayaw pa-basâ!

Madali ko ring matandaan yang June 24. Piyesta kasi sa amin ngayon sa Calamba, na isang “parokya” ni San Juan Bautista. Hindi ko lang alam kung nag-iba na ang pyesta duon simula nung naging Calamba City na iyon. Naalala ko yung slogan ng mga kaklase ko sa highschool nuon pag ganitong araw ng pyesta:

Pyesta sa amin, tara senyo!😆

(Bigla ko tuloy na-miss yung kababayan kong blogger dito… kamusta ka na, ‘bunso’?)

Isa pang historical value ng araw na ito? Makita mo pa lang ang isang tore na tila nakasaklang sa isang pader (paris nung graphics sa itaas), isang lugar ang maiisip mo agad: Intramuros. Yes yes yo… Ngayon ay Araw ng Maynila.”

June 24, 1571: Legazpi “founded” the City of Manila. Para sa detalye, may article (kinopya ko lang) dito sa mga sumusunod na images. Paki-CLICK na lang.

Isang global issue na ang pagbaha; may ilang bansa nga ngayon na gumagawa ng malalaking “pader” para ‘harangin’ ang baha.

Published in: on 24 June 2008 at 12:00 pm  Comments (4)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/24/pader/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. ah baha ba. eh nakow, d2 samen eh way of lyf na ang baha😀 cguro ang makakatinag na lang samen eh 2lad ng baha ni noah😀 hehe

    ** nakapulot kmi ng birdie nitong bagyo sa baha, basang basa, kaka awa pero nakakatuwa. kinulong namen sa dating kulungan ni tommy kaso kinabukasan, na chugi din..

    ** at c chiken, dahil di na kasya sa kulungan nya, kahit ang lake lake eh mukang basang sisiw sa ulanan😦

    ————————————————

    HBH-3X: Tuwing tag-ulan, parati ngang laman ng balita sa TV ang mga lugar dyan dahil sa baha. 😛

    Wawa naman ibon…😦 Baka napulmonya.

    Ahehe… chiken? Si Petnok ba tita? 😆

  2. hopped from another site, care to xlinks?

    ————————————————

    HBH: Thanks. 🙂

  3. yang pista na ganyan, yan ang gusto kong maranasan ng mga little kengkays. kainan-hopping at sempre yung basaan at yung mga musikero at parada!

    ————————————————

    HBH: Ang mga little kengkays pa! Hindi ba nga’t gustong-gusto din kamong maligo sa ulan? 🙂

  4. me kamag anak akong namatay sa leptospirosis (kung tama ang ispeling) kawawa lang kasi naiwang ulila yung 5 niyang anak..

    At nung tag-ulan din ako na confine nun sa dengue..

    huwaw! Eto nagbabasa-basa po ng mga na miss kong entries ninyo,😉 ehehe… Pero di po ako dun mismo sa may pyestahan nakatira eh.. hekhek, pero nakipiyesta ko sa classmate ko na taga dun😉 Wala munang diet!😆

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Yan nga ang tawag dyan — “leptospirosis” (tama sipeling mo, ni-surf ko sa internet… thanks, ‘angel’ for the info). Talaga palang grabe yun ano? Kawawa naman yung kamag-anak mo, at ang mga naulila nya…😦

    Na-dengue ka rin pala? Pero ang pagkakaalam ko (not sure), hindi na sya nagre-recur pag nagkaruon ka na?
    Si 3rd brother ko, na-dengue rin nung nasa Pilipinas pa.
    Buti na lang may nakuhang dugo (type “O” ) maski hindi ako nakaluwas nuon. Sa aming 4 brothers, kaming dalawa ang magka-blood-type.

    Ahehe… ang mom at dalawang sisters ko, hindi na rin sa town proper nakatira kaya lusot sa pyesta. 😆


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: