Final notice

I moved

Be still, and know that I am God.” (Psalm 46:10). …In our LOVE TRIANGLE, I confess that I did much of the “moving.” 😳

Last day na ng “wedding month.” Half-the-year (mid-year) ender post na rin siguro ito, para sa inyo at inyong bitter – eheste, better half. Sandosenang dyok- dyoks lang naman na hiniram ko lang. Mga mister at misis: DON’T DO THESE AT HOME!!! 😉 Pero bago ang lahat…

Sa mga counseling sessions, malimit mong maririnig ang walang katapusang

Why don’t you ____ ? (eka ng marriage counselor, pari man o pastor)

Yes, BUT ____ ! (olweys-redi nang sagot ng unwilling to reconcile na married couple)

Gusto lang yatang pasukuin at maubusan ng maia-advise sa kanila si pastor o si father, ayaw pang amining wala na silang kaplano-planong isalba ang kanilang marriage? Paano may kanya-kanya nang prospect na iba.

Pssst… kayong nagkakasawaan nang magdyowa… bistado na kayo: Yun naman talaga ang ulterior motive nyo, mailipat sa counselor ang ‘bigat’ sa konsensya nyo – para ma-relieve kayo sa GUILT at masabi sa mga sari-sarili nyo na:

Hindi na daw kaya ni pastor at ni father e… kita nyo na? Talagang hindi kami para sa isa’t-isa!😀 😀

Ahehe… mister… misis… KAYO naman ang “kakaya” nyan e… hindi si pastor o si father. 😆 As long as you see your spouse as an opponent or competitor rather than a partner, hindi kayo magkakaigi nyan.

(Mister at misis: 😳 😳 )

Bahala kayo… yamang paikot-ikot lang tayo sa inyong mga alibis at excuses, sige… humayo kayo at magparami pa (ng anak sa mga susunod pang asawa). Maski ano pang sabihin sa inyo, parating may nakahandang ‘depensa’ na kayo. Hindi nga barado ang tenga nyo, BINGI naman na ang utak nyo.

Oo na, masama akong nilalang… hopeless na ang situation ko! Kawawa naman ako 😥

Whooops! Don’t start it… bakit bigla tayong kumambyo ng usapan? 😦 Wala namang ganyanan… Hindi ka naman siguro nandito para magpa-awa lang?

Siya naman talaga ang may kasalanan!😕 😕 – sabay pang hirit nyo.

Huwag na kayong magturuan (Sarap nyong pag-untugin).😡 Malinaw namang ayaw nyo nang i-save ang marriage nyo, e di “good luck” na lang uli sa inyo ng mga bagong replacement nyo. Sana naman magdiri-diritso na kayo.

O e di paano? Iskraaaaaaaam!!! Alis dyan! Andami pang nakapilang mga couples na eager at sincere na naghihintay ng maipapayo nina pastor/father. Huwag nyong sayangin ang panahon nila dahil hindi naman nila ipinanghahanap-buhay ang pagka-counsel. 😕 Ahehe… may ihahanda pang sermon o misa ang mga iyan!

Huwag lang kayong mahiyang bumalik pag ready na kayong makipag-cooperate …baka pasingitin pa nila kayo sa pila!

Baydawey… para lang sa mag-asawa itong sinasabi ko ha? Kung ikaw yung “other man” o “other woman” (in other words, “kalaguyo” o “kabit”), huwag kang defensive – pang-gulo ka lang eh. HINDI ko ipinagpipilitang ‘bumalik’ ka sa pinagkatisuran mo. Just wake up… You are a “single” – FREE to marry other free.”

Sa paggawa ng bahay (kubo man ng tao o mansyon ng daga), o maski pa sa anumang carpentry projects, isang basic rule ang:

Measure twice, cut once.

Sa pagtatayo ng tahanan, parang ganyan din. Kaya ang masasabi ko lang duon sa mga nagpaplano pa lang na magpa-“sakal” (daw):

THINK TWICE… or else you’ll end up marrying more than once.

Nakakatawang jokes, pero nakakabigat sa loob ang makarinig ng buntong-hiningang paris ng mga ito:

  1. You have two choices in life: You can stay single and be miserable, or get married and wish you were dead.
  2. At a cocktail party, one woman said to another, “Aren’t you wearing your wedding ring on the wrong finger?” “Yes, I am. I married the wrong man.”
  3. A lady inserted an ad in the classifieds: “Husband Wanted.” Next day she received a hundred letters. They all said the same thing: “You can have mine.”
  4. When a woman steals your husband, there is no better revenge than to let her keep him.
  5. A woman is incomplete until she is married. Then she is finished.
  6. A little boy asked his father, “Daddy, how much does it cost to get married?” Father replied, “I don’t know son, I’m still paying.”
  7. A young son asked, “Is it true Dad, that in some parts of Africa a man doesn’t know his wife until he marries her?” Dad replied, “That happens in every country, son.”
  8. Then there was a woman who said, “I never knew what real happiness was until I got married, and by then, it was too late.”
  9. Marriage is the triumph of imagination over intelligence.
  10. If you want your spouse to listen and pay strict attention to every word you say – talk in your sleep.
  11. Just think, if it weren’t for marriage, men would go through life thinking they had no faults at all.
  12. First guy says, “My wife’s an angel!” Second guy remarks, “You’re lucky, mine’s still alive.”

What so nice a testimony to dishonor one’s MARRIAGE. 😐

Eto pa ang 13th month bonus:

  • “Woman’s Prayer: Dear Lord, I pray for WISDOM, to understand a man, to love and to forgive him; and for PATIENCE for his moods. Because Lord, if I pray for STRENGTH I’ll just beat him to death!”

Most likely, NOT a love triangle (CLICK the red words). The closer each of you two come to God, the closer you are to each other.

Masyado namang siryus? How about an extra bonus (kinda green😳 ekskyusmi po sa mga old-fashioned daw na katulad ko😆 ). Para sa ladies na sobrang pihikan – eto ang isang “ideal husband”:

A rich widow was looking for a husband who won’t beat her up, won’t run away, and has to be GREAT in bed. Hundreds applied but not one qualified.

One day, her doorbell rang and she saw a man with no arms and no legs lying on her door mat.

Woman: “Who do you want?”

Man: “I am the man you are looking for… I won’t beat you up because I have no arms, and I won’t run away because I have no legs.”

Woman: “And what makes you think you are great in bed?”

Man: “Hulaan mo kung anong pinang-doorbel ko?”

You’ve got it right, folks… the lucky man was hired! 😉

Hindi boxing ang pag-aasawa, kaya maski may kamay ka pa, walang buntalan. Hindi rin ito sprint race, kaya maski may paa ka pa, walang iwanan.

Bedroom marathon daw o? Hmm…🙄 … oo din.😆 Pero hindi lang “dun” yun! (Hindi lang sa bedroom😳 )

Yan lang po muna. 😛 Before I close these not-so-serious talks about MARRIAGE (yehey!), let me reiterate once more: Sori po dun sa iba, but I did not write these things on the basis of what I read from other blogs. If you are familiar with my background (most are revealed in this blog), you will realize why I am so ‘obsessed’ on writing about marriage relationships – even BEFORE you came in. Maaaring ang inyong pinanggalingan ay walang ipinag-iba ng duon sa akin, posible rin namang mas grabe pa – but who cares?

Let us just face the truth: most dysfunctional families (and ‘wayward’ youths) are products of a FAULTY marriage. Naipagwawalang-bahala na lang.

RELATED POSTS:

Who needs an “ideal” spouse? All I can say is always remember the “LOVE TRIANGLE.”

Published in: on 30 June 2008 at 10:00 am  Comments (7)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/06/30/final-notice/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. Haw sweet naman!? Baka langgamin tayo nyan?
    luv u!😛

    ————————————————

    HBH: 😳 Kinabahan naman ako… 😛

    Hindi bale nang langgamin, huwag lang aanayin.😀

    Alin ba ang sweet? Yung piktyur ba? “Anlabo” ko nga eh,
    dahil gumalaw ako – nag-blur tuloy. 😦 Talaga namang dapat walang-tinag (steadfast) sa faith hindi ba? 😉

    Batet nayun ta lang? Just when I decided to stop talking about marriage, there you came in. 😕 😛

  2. ganda ng piktyur!
    galing!!!!
    klap klap klap!

    ————————————————

    Ninong: Naka-self-timer yan, at time-exposure din, 10 secs yata? Kaya naka-tripod din, at dapat “walang hihinga”😆 kaso, gumalaw ako!

  3. pasalm 46: 10—– favorite verse ko yan

    missyooooo klasmeyt🙂

    ————————————————

    Klasmeyt: Ako din klasmeyt, peborit ko yan.
    Saka missyooooo din. God bless! 🙂

  4. kapag gusto maging successful ang married life, you need to work for it – kahit saang sulok ng bahay at ng buhay — kasama na pati sa kama🙂

    ————————————————

    HBH: I agree to that tita… “Faith without work is dead.”
    Dapat balanse. 😉
    At, ahehe… miski sa marriage bed. 😳 Pag hindi ‘pinag- trabahuhan’, walaaaang kabuhay-buhay! 😆

  5. nagulat din ako dun sa comment ng querida ska q p lng na gets hehehe

    ***sabi nga daw, ang marriage ay parang tirintas. SIYA ang nasa gitna ng buhol na xang nagpapatibay d2..

    mga marriage jokes.. sad but often true.. d realities of most of most of r lives…

    and as i often said, ur very blessed… enjoy ur blessing!

    ————————————————

    HBH-3X: Oo nga… kinabahan ako, ‘kala ko nakita na ng
    dating kabit ko ‘tong blog ko! 😆 (jokes lang)

    Sabagay, “querida” is a Spanish word which means…🙄
    dear ba o beloved? Parang sa “Ultimo Adios” ni Rizal:

    “Adios Patria adorada… hijo del sol querida”🙄

    Ni-kabit na lang later sa isang mistress, kasi mas malimit si mister sa kandungan ng #2 kaysa duon kay misis. 😛

    By the way, hindi ko hinahamak ang mga kabit ha?
    Because most of them are the victims rather than villains. But victims or villains, concerned ako sa kanila. 😦 (my poor lola)

    Ngayon ko lang narinig yang analogy ng “tirintas”… samantalang antagal ko nang nagpapatirintas ng buhok ko
    kay “querida”! 😆 Salamat… 😛

    Marriage jokes that are ‘true’… reversible, though!
    (yung ‘jokes’, hindi yung truth) 😉

  6. […] ♥ Final notice […]

  7. […] ◙ More about marriage ↑ in this link […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: