Bad, bat girl

Naligaw sa building. Kanino kayang alaga (pa-‘sugo’) ito? 😆

Naihian na ba kayo sa ulo ng paniki?

Hanep sa opening kwestyun ano? ampanghe! 😆

Naalala ko kasi nung highschool pa lang ako… sa Calamba, takip-silim. Overhead, andaming nagliliparang mga kabag o yung maliliit na paniki (awoooooooooooo!!! 😯 ). Nakatuwaan kong pagbabatuhin. May isang bigla na lang na nag-shift ng direksyon pa-head-on sa kinaroroonan ko. Hindi naman nag-landing sa mukha ko, pero parang eroplanong stealth fighter na may inilagpak sa bumbunan ko.

Nung kapain ko, basa… 🙄 nung amuyin ko ang kamay ko, ay powtah… ambahooooooO!!! 😡

“Sutil ka kasi eh… hindi ka naman inaano! E di iyan ang napala mo!” 😆 (eka siguro nung bastos na flying daga).

Ahehe… paano pa kaya kung etsas yun? (Kahit pa ba epektib na pertilayser ang guano!) At, mga mister at misis, paano din kaya kung asawa mo ang “paniki”?

Sowee, mga kapatid… medyo kambyo ang tono ng post ko ngayon – hindi “wholesome” (Kids, close your eyes). 😆 Hindi seryus, at walang sermon. In other words, “makapagpatawa lang.” 😀 😆 😀 maliliit ang bunganga ng mga emotikongs na ito. Para maski sa blog man lang ay “maipagmalaki” kong minsan ay “nagluko” din ako. 😈

taong-paniki

Here are five cases of a wife (and her husband) screwing around. Hindi ko na tinagalog, para obyus na imported from da istets. Huwag nyong “kokopya-hin”:

Hey, Mister, DONUT click that dough NOT.

Published in: on 5 July 2008 at 10:00 am  Comments (9)  
Tags: ,