Tampu-tampo lang!

Daga ba ang mga ito? 🙄 Aywan ko basta ‘lam ko “kyut” sila maski pa sila binansagang dimunyu ng mga pintaserong tao. 😆

I can’t just end our relationship… er, I mean my posting on marriage that way – with an ‘unpalatable’ impression about the topic, however “funny” the “ funny-ki ” (bat)girl jokes might be. 😦 Huhuhu, wala lang… hindi ko lang talaga maatim. 😛

Kaya eto, lima na namang jokes – magaang-gaang na pagsasara sa usapan, dahil less ‘unwholesome’ itong ngayon kaysa dun sa limang nakaraan. (You may open your eyes now, kids! 😆 )

Palusot pa si HBH ano? Ayaw pang amining wala na syang maisip na isulat – kasi walang “holy-deys.”

O sya, sya… sige na nga. 😛 Saka nakakatamad yatang bumaba para mag-internet sa labas (hindi pa rin ako maka-online sa bahay). Pag kinopya lang na dyoks, mas madali, kasi hindi na kelangan mag-isip. 😆 Hindi naman siguro tayo mamalasin maski pa sounds like doble etsas (shit-e–shit-e) ang petsa ngayon (07-07-2008). 😆

Spokening dalars uli ang ‘humors’ na ito… Eniwey, pang-merkanong month naman yata ireng Hulyo (Last Friday, the 4th of July, is their Independence Day).

Pag ni-CLICK mo ito… bati na tayo?

Published in: on 7 July 2008 at 12:24 pm  Comments (8)  
Tags: ,