Bestfriend

Out of many, one.

Birthday ngayon ng kaibigan ko, pero hindi na ako masyadong magbibida tungkol sa kanya.

Napaka-humble kasi ng college friend kong ito… Consistent na nasa dean’s or chancellor’s list yan, pero naaasiwa kapag pinag-uusapan ng barkada kung gaano sya kagaling. Sa mga kodakan, hangga’t pupwede umeeskapo; pag hindi makalusot, umiiwas na lang na tumingin sa camera. Ahehe… hindi paris kong artistahin na always ‘conscious’ kapag nakaharap sa camera.😆

Our friendship just came in, naturally. Pareho kaming Development Communication majors, journalism sya, audiovisual ako. Naging magkaklase kami nung 1983 sa Basic Photography. Sa first shooting exercise, tatlo kaming nagkayayaang magsama (Pol, ako, at siya), hanggang sa maging groupmates na nga sa mga sumunod na projects.

Peborit subjects namin ang mga rebultong anghel at santo sa loob ng sementeryo. Puti kasi ang pinta, olrayt na subjects to show form and contrast sa gamit naming black & white films na kami rin ang nagdedebelop. (Enjoy mag-experiment sa darkroom — lalo na pag girl yung kasama ko!😳 )

Minsan naisipan naming tatlo na ‘ma-nyut’ nang gabi sa sentemeryo (awoooooooooooo!!!😯 )… Ang dilim pala pag walang buwan? Naka-adapt naman agad ang mga mata namin. Sa tahimik na karimlan, aninag ang mga puting estatwa sa ibabaw ng mga nitso. E di lakad, lakad kami papasok… Kumbakit itong si bestfriend, nagbirong may “nakita” daw. (brrrrrrrr!!! kinikilabutan ka na nga eh, nananakot pa?)

“Anuyun!?😯 eka, sabay turo sa may likuran namin!

Ano pa nga ba? E di karipas kami ng takbo palabas! Sunod lang kami ng habol kay bestfriend na nauuna sa amin ng ilang dipa… Biglang napabalik! Syeeeet! — dead end!? Lalo pala kaming napapasok sa loob!😆

Nakalabas din naman kami, hindi na halos makatawa dahil abut-abot ang hagok at hingal. Etong problema: yung susi ni Pol sa boarding house, nahulog sa loob ng sentemeryo!

“Balikan natin?”🙄

“Huwag na, oy!😕 Tara, uwi na tayo… distrungkahin na lang natin yung pinto ng kwarto mo!”

The following semester, naging magkaklase kami uli sa isang subject. Hindi nya natapos yun… nagkasakit sya na muntik na nyang ikamatay. Hindi ko pa sya ganun “ka-bestfriend”, pero nanlumo ako nung ibinalita yun sa klase ng instructor namin. Bago pa man, kinutuban na ako dahil ilang araw na syang hindi pumapasok, and I saw the early signs of his malady even before he got sick. Nangilid sa luha ang mga mata ko habang sakay ako ng dyip papauwi sa amin sa Calamba. Iniuwi sya sa probinsya nila at duon na hanggang gumaling. That illness was to him a trial that made him a more enlightened person. After his recovery, we became much closer than ever.

Naalala ko nuon ang malimit na sinasabi ng nanay ko pag umuuwi akong kasama ang bestfriend ko:

“Magkasama na naman kayo? Hindi ba kayo nauubusan ng pag-uusapan?”

Sa tutuo lang, pareho kaming may pagka-tahimik nuon ng bestfriend ko. Parehong metikuluso, weirdo eka ng iba. Yung mabababaw nga mag-isip, naghihinala na baka isa sa amin ang bakla. Potangina… sa tutuo lang, diring-diri kami sa kabaklaan. Pareho kaming may takot sa Diyos, matino at mataas ang pinag-aralan. Pag pumatol ka sa bakla, BAKLA ka na rin! Guwaaaarkkk!!!

Tama ang nanay ko, hindi kami nauubusan ng pwedeng pag-usapan. Pero hindi naman sa buong maghapon at araw-araw na magkasama kami ay parati kaming nag-uusap. Ganun naman ang mga malapit na magkakaibigan, hindi ba? Hindi naiilang sa isa’t-isa maski pa walang conversation na namamagitan. Parang yung nabasa ko nuon, sort of like this:

“Friendship is when silence between two persons is comfortable.”

Pag nasa amin, yung burol ng Lecheria na namumutiktik sa mga nitso ang malimit naming puntahan (sentemeryo na naman? Mahilig kasi akong magtitingin sa mga LAPIDA — baka may kapangalan ako😆 ). Minsang wala kaming magawa, binaybay naman namin yung riles ng tren mula Calamba hanggang Los Baños (more or less 12 kiliometers). Napagtripan lang… iba kasi ang makikita kaysa duon sa usual na dinadaanan pag sakay ng dyip.

Sa Los Baños, tambayan namin ang PCARRD (malapit dun sa tinatawag na “Magnetic hill”) … O kaya dun sa itaas ng isang pader sa maburak at ma-water-lilyng baybay ng Aplaya sa Lawa ng Laguna. Pag nasa UPLB campus naman, library ang malimit naming hangout.

Yung ‘comment’ naman ng mother ko ay more of a brag than a complain. Ahehe. Huwag ka… wala akong kamalay-malay na dito pala kay bestfriend nya ako “ipinagbibilin” nuong mga panahong aburidong-aburido na ako sa pag-aaral (1985 to early 1986). Alam nyo bang nito ko lang nalaman ang kanilang conspiracy?😆 Natatawang “inamin” lang sa akin ito ng kaibigan ko nuong dinalaw ko sya sa probinsya nila last September 2006. ( Bespren… How could you do that? You kept that secret from me for more than 20 years?😛 )

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. An all-weather friend. Maski naman sa iba, likas ang kanyang pagiging matulungin.

Nuong umagang namatay ang father ko, magkasama kaming nakitulog ng nagdaang gabi sa bahay ng uncle niya sa Los Baños. Hindi ko na inabot ang tatay ko nung umagang iyon; wala syang kaalam-alam sa nangyari pero pumunta sya sa amin. Oras lang ang pagitan nung malaman ko at malaman din nya na pumanaw na pala ang dad ko. Maliban sa kanya, walang ibang iskulmeyt ko ang nakabalita sa nangyari (Sembreak kasi nuon — kami nama’y hindi dahil lang sa pag-aaral sa unibersidad kaya nagkikita at nagkakasama). Nandun sya sa burol ng dad ko hanggang sa ilibing.

Kung hindi dahil sa kanya, hindi rin siguro ako nakapagtapos ng pag-aaral (matagal na siguro akong “namundok”😆 ). Grumadweyt sya, mga two years ahead sa amin ng isa pang kabarkada, cum laude (wala pang nakaka-magna o summa nuon sa DevCom — mahirap kasi ang kurso namin.😆 ). Pero hindi nakalimot na alalayan kaming mga babagsaking kabarkada nya hanggang sa kahulihulihang sandali ng aming pagka-cram. Sya pa itong nangungulit sa amin, tinitiyak na kami’y makakapagmartsa.

Syempre pa, unang grumadweyt, unang nagkatrabaho, unang sumuweldo. Halos gabi-gabi kung kami ay i-treat ng hamburger at dalawang bote ng San Miguel beer sa hangout namin sa Agrix sa Grove malapit sa bungad ng campus. Iba pa pag may okasyon.

Hindi rin miminsan na inabutan ako nyan ng pera pag walang-wala na ako. Itinataon pa nya pag magkasabay kaming umuuwing sakay ng dyip. Nauuna syang bumaba, kaya magugulat na lang ako pag may bigla syang iaabot na nakabalot sa papel matapos pumara. Ayaw namang pabayaran pag nagkita kami kinabukasan.bWala daw akong utang — sya daw ang may utang sa akin.

Nuong ginagawa ko ang case study ko sa Batibot, sya ang pinag-e-edit ko. Grabe ‘manlait’ ng mga maling English at wrong grammars😆 pero syempre, hindi ako napipikon — “forte” nya ang writing, and am always willing to be corrected. Kasama ko sa University of Life nuong nag-interview ako sa daigdig nina Pong Pagong at Kiko Matsing. Moral support na nga, sya pa ang nagbayad ng pamasahe namin papunta ng Pasig.

Ahehe… medyo ‘kabado’ akong humarap sa interviewee ko nun…😆 Ganto yung usapan namin ni bestfriend matapos ang interview:

Homebodybestfriend: “Ang ganda niya ano?”🙄
(I was referring to Batibot’s line producer, yung sosyal na maganda at seksing babae na interviewee ko)

Bestfriend:“Oo nga pards… braless a… napansin mo?”😉

Homebodybestfriend: “Ha!? Hindi ko napansin… sayang!
Bakit hindi mo ako kinalabit?”😕

Nangiti na lang si bestfriend. Sa isip-isip nya siguro “Sa mukha pa nga lang namesmerize ka na… eh di lalo pa siguro kung…!”😆

Hindi naman kami manyakis ni bestfriend. Yun nama’y Boys’ talk lang😳 — at mga binata pa naman kami nuon. Saka sinabi nya rin yun to ease me from tension.

Napagdiskitahan na rin kami ng isang girl na napaka-“sweet” sapat para ang isang lalaki ay mapaibig. Ego-tripper… yun tipo bang gustong ipakita sa buong campus na maya’t-maya ay iba ang guy na kasama nya, para mag-isip ang buong madla na nanliligaw ito sa kanya. En teyk nowt, mga “henyo” o “wafu” sa campus ang mga ‘biktima’ nya. Parang nangdedeyr pa iyan, kasi kung sino yung alam nyang nang-aatat sayo, hindi magtatagal ay ka-strolling na nya ito.😆 Mas lugi nga sya dahil natsitsismis syang “syota ng bayan.” (In fairness, hindi naman sya napaka-notorius para matsismis na “sawsawan ng bayan.”) Flattered na flattered pag tinatanong sya ng mga barkada nya (referring to me and my bestfriend) ng “Sino ba talaga sa kanila (ang boypren mo)?” Ahehe… syempre pa, hundi umubra sa amin ang padale nitong si kurdapya.😆

Pero minsan, maski ang pinakamatalik na pagkakaibigan ay naisasakripisyo rin…

The first ‘abeyance’ of our friendship was when I entered into a relationship with my first girlfriend. Maski unconventional ang bestfriend ko, when it comes to morality, medyo ‘conservative’ sya. Malawak ang pang-unawa at hindi mapagtanim palibhasa, tanggap nya naman agad ang sitwasyon ko — lalo pa’t kilala naman nya akong matino pagdating sa mga bagay na tulad nito.

So there you are… seven months din akong medyo bumitiw muna sa barkada at hindi masyadong nakakasama ni bestfriend. Hanggang dumating ang inaasam-asam ng mga kick-out candidates na tulad ko:

HBfriend and Ron (Ako na-singko sa Calculus; itong kasama ko, 2X na na-singko sa Math 2).😆
Bestfriend was very happy for us when we graduated.

Bago pa man ako grumadweyt (cool-off na kami ni 1st GF😦 ), I made a deal with my bestfriend na iha-hire ako ng boss nya sa Azolla project sa DevCom. Pero eto na naman ako…

Panganay akong lalaki, unang anak na grumadweyt, unang nakapag-abot nang regular sa nanay ko ng perang galing sa sweldo ng isang totoong trabaho. Gusto ko na nuong makapagbayad ng utang sa inuupahan naming bahay at makaahon sa kahihiyan, derpor pinili ko ang trabahong mas malaki ang sweldo at may ipinapangakong tiyak na permanenteng position. Hangad ko ring makatapos agad ang bunso kong kapatid na babae na nuo’y nakapagtransfer sa UPLB. Naging mas praktikal ako. As usual, naunawaan ako ni bestfriend.

E di eyun… nagpa-payreyt ako sa adviser ko (in part dahil din sa utang na loob ko dito) at napasok sa PhilRice. Hanggang sa makilala ko nga ang 3rd (and final😀 ) girlfriend ko, mapalipat dito sa Nueva Ecija, at makapag-asawa.

Hindi naman ito naging dahilan para hindi kami magkita ng kaibigan ko kahit minsan. Hindi sya ang kinuha kong bestman (ayaw ng nasa ‘limelight’ nitong bestfriend ko), pero naruon sya nung ikasal ako. In fact, sya ang pinag-edit ko ng wedding invitation namin ni misis.

Marami nang nangyari nang wala kaming gaanong balitaan. Nakapag-master’s study sya sa DevCom. Nakapagturo na rin sa National Arts Center sa Makiling. Nakapag-girlfriend na rin at nakapag-asawa nang hindi ko namalayan (napakasimple at madalian lang kasi ang kasal nila), pero nuong bininyagan ang una at tanging anak nila, naruon kami ni misis — kinuha nya kaming mga ninong at ninang (ahehe, dami na naming utang).

Nakakasagap ako nuon ng balita tungkol sa kanya sa pamamagitan ng mga pamangkin kong nag-aral din sa UPLB — kinuha kasi syang guarantor sa scholarship nung isa, naging estudyante naman ni Pol sa Comm Arts yung isa pa. Pinakahuling naibalita sa akin ay yung isinabit daw na banner sa DevCom na binabati itong si bestfriend ko sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng PhD sa Flinders University (Napa-“😳 ” si bestfriend nung sinabi kong ibinida sa akin ng pamangkin ko yun!😆 ).

Huling nagkita kami nuong September 14, 2006… ilang araw bago sila tuluyang nag-settle na sa Australia. Wala rin sa plano ni bestfriend na matira sa ibang bansa. Pero syempre, may iba na syang role — a husband and a father. Kailangang maging mas praktikal — alang-alang sa pamilya… sa anak, higit sa lahat.

Nuong birthday ko last year (September 2007), hindi nakalimot na tumawag, pinadalhan pa ako ng libro about a topic of my choice… woodworking! Birthday naman nya ngayon… parati na lang yata ako lang ang tanggap nang tanggap? Ano kaya ang pwede kong iregalo sa kanya?

Ahehe… anghaba na pala!? Sabi ko pa naman kanina, hindi ako magkukuwento. Hindi pa naman talaga buong kwento yan… summary lang!😆

To my bestfriend, who fondly calls me as his “everlasting friend”:

Happy Birthday!

On behalf of my wife, regards to kumare, and our inaanak.
God bless you all, always!

A friend loves at all times, and a brother is born for adversity.

– Proverbs 17:17

Published in: on 10 July 2008 at 12:00 pm  Comments (19)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/07/10/bestfriend/trackback/

RSS feed for comments on this post.

19 CommentsLeave a comment

  1. “Postdated” post na naman ito – naka-set to “private” pero kagabi ko lang ni-“toggle” into “publish.” Bisi kasi ako nitong mga nagdaang araw, may kapitbahay akong magde- debut memyang gabi, nagpatulong magpagawa ng invitation. Napakabait at napakatalinong bata. Masipag sa pag-aaral, parang si “virtual inaanak” ko dito.😉

    Ahehe… baka hindi tuloy nakita ni bespren ko itong post.

    Eniwey, wala naman yata sa mga binabati ko ng “haberdey” dito ang maalam magbasa ng mga blog? 😆 Toink! 😳
    (Ah basta… hindi ko naman sila ibibida dito kung hindi ako saludo sa kanila.)
    Miski nga yata kapwa blogger mo na, naiintimidate magbasa dahil sa habaaaaaaaaaaaa ng mga posts ko? 😆 Toink! ule. 😳 (Peace to you mga kablog ko.😉 )

    Meron din namang birthday celebrator (that’s right,
    NOT ‘birthday celebrant’ according to my bestfriend) na nagbabasa, pag ‘tinitimbrehan’ ko thru e-mails – at sa e-mails din nagre-respond, hindi dito sa blog!
    Kaso, antagal ko na ring hindi nakakapag-yahoo… 😛
    Haynako… kelan kaya ako makakapag-online nang hindi na kelangan uling lumabas pa ng bahay?😦

  2. hehe ako,honestly, di ako nagbabasa ng post mo pag la ako sa mood.. ayoko kc mag comment just 4 d sake na mka comment lang.. or para malaman mong napasyal ako, kya madalas, delayed reak ako sa post mo hehe..

    gus2 ko kc ninanamnam ko, kc nga mahaba at binabasa ko talaga… parang seykred chuva thingy sakin poagbasa ng post mo eh ! (naxx)

    ** yung sa celebrator chuva cnabi na din samen yan nung teacher q ng HS. ang tinatawag daw na celebrant eh eksampol eh yung pari na xang nagdadaos ng misa. ** howel, watever! hehehe

    ** ang sarap sarap ng mga frenship na ganyan, pag nagwewento din saken dadi ko ng mga kaibigan nya, naiiyak ako.. kc ako, aminin ko, madami nmn akong frends pero di p din kami talaga nagkakasubukan at ako mismo, di rin ako sure kung anong klase din akong kaibigan sa kanila…

    ** ay haba ng comment ko, kita mo, pati koment mo nibabasa ko p din. hehe
    may backlogs na nmn nga din ako sa mga post mo, mejo bz kc ang lula mo ngayon eh..

    ** o bsta yun na yun… yngatz😀

    ————————————————

    HBH-3X: Ako man, ay… kahit nga wala ako sa mood, naeenganyo akong magbasa ng post ng ka-blog ko pag ‘dig’ ko ang topic – o maski ma-imagine ko lang yung sigasig (enthusiasm) nya sa kanyang pagkukuwento. 😀

    Hindi rin naman siguro nakaka-encourage yung “nagbabasa” ng posts dahil “obligado” lang. Para bang pagkadami-daming tao sa simbahan? – natulog lang kaya hindi naintindihan yung sermon. 😆 O kaya estudyanteng panay lang ang pakikipagtext habang nasa klase kaya walang na-gets sa lesson.

    Ako, nagbabasa naman ng buong post dahil talagang interesado sa sinulat, pero minsan hindi ‘makapagparamdam’ (specifically sa blogspot).

    Meron din namang obyus na hindi nagbasa, o umAMIN na hindi nagbasa, but that I appreciate dahil nangumusta naman.

    At kahit mahaba ako mag-comment, I won’t say na yung mga maiiksing mag-comment ay hindi nagbabasa ng buong post.
    In peyrnes, may mga ka-blog din naman akong maski apparently hindi related yung comment, alam kong binasa naman yung post.

    Itong huli – parang kaibigan din na pinaghingahan mo ng sama ng loob. Hindi ‘kumibo’ (about the topic) kasi hindi alam kung ano ang kanyang ia-advise sayo, pero matamang nakinig. As if sometimes what we need is not the solution to our problems, but somebody to talk to. 😉

  3. Ang galing ng pagkakasulat. Sobrang “meaningful” ng entry na ito. Happy Birthday nga po pala sa Bestfriend mo ng napaka tagal na panahon na. Ang galing, genuine friendship.🙂

    ————————————————

    HBH: Salamat, Keiyt.🙂 …sa pagbisita, and most of all,
    sa pagbati!

  4. aba at tungkol sa bespren din pala ang topic mo. ang sarap pagkwentuhan ang tungkol sa mga kagagawan natin kasama ng mga besprens natin ano? ako din e, sa aming mga kabarkadahan e ako lang talaga ang may blog pero paminsan minsan e natatalisod din sila sa blog ko kahit na di nagiiwan ng comment dahil sa YM at sa emails sila bumabalik sa akin, hehehe

    pero alam mo eto lang, kahit na asa malayo na ang bespren mo, sigurado ko, labs ka pa rin nun. iba ang memories na pinagdaan ninyong dalawa e.. i can say that is true kasi yan ang nararamdaman ko sa mga kaibigan ko😀 swerte natin sa pagkakaron ng mga tunay na besprens ano

    ————————————————

    HBH: Nang makita kong magkasunod yung post mo at post ni ‘angel’, inisip ko talaga “Friendship month” ngayon… anggaling naman kako, kasi nataon pa sa birthmonth ni bespren ko. 😛
    Meron kasing “Fil-Am Friendship” holiday nuon di ba? (baka ekako galing dun) – hindi ko lang matandaan kung July, at kung papanong nawala na ang holiday na yon.

    Yang si bespren, nagkatabi pa kami minsan na matulog sa isang single bed sa loob ng kulambo – parang magkapatid lang. Syempre miski papaano nakakailang din dahil pareho kaming mga barako (sa inyong mga girls hindi nakakailang yun). 😆

  5. out of many, one.. gusto ko yon!

    Oo nga at tungkol din sa bespren ah.. AHehehe..

    Ang saya naman ng relasyon nyo ng friend mo.. Ilang taon na nagdaan nandyan pa rin, keep in touch.. AHehe yan din naging usapan namin ni Bestfriend eh, kapag may kinasal, dapat made of honor si best friend, mapa korean wedding man yan ahehehe!!

    Ang kulit naman ng adventures nyo.. ahehehe… Kami naman ng bespren ko, magkaibang magkaiba.. Pano, sya, tahimik ang buhay, ako naman, puro adventures.. ahehehe.. Magkaiba kasi kami ng personality kaya nag click siguro kami. Magkaiba rin ng type pagdating sa mga boys.. ahehehe..😀

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Oo… ONE!
    Maraming “good” or “better”😆 pero para sa akin, isa lang ang BEST. Silang mga “good” at “better” ay ganuon din naman – may kanya-kanya ding mga “best.”

    Pero syempre, kami ni bespren, kapwa nakaka-realize na
    may “BESTEST” – more than each of the both of us as being each other’s BEST: walang iba kundi ang kanya-kanya naming mga MISIS. 😉

    Korean wedding? 🙄 … Panuod! Kelan ba? 😛
    Si bespren mo kaya, ano namang type na guy?

    Ahehe… kami ni bespren, parehong “tahimik, pero mapanganib” – nasa loob ang kulo. 😆
    Adventures… miski studious yan, pareho kaming lagalag.
    Isa sya sa mga kasama ko nung unang akyatin namin ang mudspring at tahakin ang landas patungo sa talon ng Dampalit sa Makiling.

    Isang pinagkasunduan namin nuon ay ang hilig sa mga “horrors” at “macabres” – peborit naming pasyalan miski sa probinsya nila ang sementeryo, sinuri pa namin ang mga buto-buto ng kalansay (may damit pa ha?) sa isang gibang nitso. 😯

  6. Hello,

    Blogghopping!

    I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
    Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)

    Ingat,
    pinoy teens org CEO

    ————————————————

    HBH: Salamat, Kevin! (kapangalan mo pa isang pamangkin ko).
    Ok lang ba sayo, maski ‘tang-edyer’ na ako? 😆

    Sige pasyalan kita sometime, pag labas ko ulit. Meantime,
    uwi muna ako sa bahay namin (gabi na kasi — 6:00 pm)…
    baka gising na ang mga hamsters ko! 😛

  7. saya nio naman klasm,eyt hehehehe

    sarap ng may bestfriend nuh? hehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Iba eh! 😉

  8. hehehe.. parang eksena sa pelikula yung sementeryo escapades ninyong tatlo — mala TVJ ang dating!🙂

    ————————————————

    Bok: Ahehe… tatlo din nga pala ano? Sasabihin ko pa naman sana parang yung mga palabas na si Chiquito ang istaring!😆 Yun lang yata ang sineng Pinoy na hindi nawawalan ng horror scene kada penikula.

  9. Awww :’)

    I have a best friend too which I call “bespre” (best pare).. Ngaun, perahas kaming bachelor.. I mean, wala pang pamilya and all.. Mahirap din kung may kanya-kanya na kayong pamilya ng closest friend mo.. Actually, naSad ako nung nalaman kong nasa Australia na ung bespren mo.. Hehe.. Kasi dati parang madali lang siya mahugot from somewhere.. Hehe.. Pero your best-friend-story was a wow, tested through time.. Black and white pa nga ‘yung isang pic eh.. Hehe..

    Nice entry!

    ————————————————

    HBH: Astig! “bespre”! …pwede bang kopyahin?🙂

    Oo ‘pre… iba pag may pamilya na — syempre may kanya-kanya nang ibang role sa buhay.

    ‘Blakenwayt’ pa nuong magsimula kami. Ngayon digital na! 😆

  10. “Good friends are like stars. You don’t often see them,
    but you know they’re always there.”

    — text message from my bestfriend, received just a while ago. 🙂

    ————————————————

    Thanks, bestfriend!

    Here’s another “version.” I know you already know this, pero panuorin mo na rin yung YouTube sa ibaba ng linked post na’to. CLICK mo lang:

    “Masasayang araw”

    — Arleen😎

  11. […] Nandito si bestfriend. […]

  12. […] Pag nasa UPLB campus, walang problema sa models – halos lahat naman ng tutukan ko ng camera nuon duon ay willing models, lalo na silang mga mismong kaklase ko sa subject na ito (pwera lang nga pala si bestfriend). […]

  13. […] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉 […]

  14. […] Pero alam nyo, magaling ang barkada naming ito. Fluent sya mag-english at sensible makipag-usap. Kahit nga si bestfriend, miski papano bilib sa bright ideas nya, compared sa ibang stereotyped ‘genius’ sa campus. […]

  15. […] Sa iba’t ibang lugar at panahon, may mga nakasalamuha ako — naging prating kasama na hindi na-“ilang”
    sa pagiging tahimik ko…
    Syempre isa na sa kanila ay si bestfriend! […]

  16. […] Bestfriend… nothing will change anything. […]

  17. […] Tulad halimbawa ni bespren — mura daw reference books sa S.A. kaya asked nya ako ng subject na interesado ako… […]

  18. Galing LATAKDISPO, nakarating ako rito. Nagustuhan ko ang kwento at pagka-kwento niyo tungkol sa inyong bestfriend. Kahit na mahaba, natapos kong basahin. U

    Huhmn, naalala ko, siya pala itong binanggit niyo minsan na nasa South Australia rin. Nasa iisang state pala kami! Sa Flinder’s pala niya nakuha ang PhD niya, gandang school ‘yon, napasyalan ko na ang campus sa Marion.

    ————————————————

    HBH: As of now, napakalayo ng trabaho nya sa propesyong tinapos nya.🙂

  19. Trabaho at propesyon. Huh! Uso nga ‘yan sa mga tinatawag na Global Filipinos. Kahit nga ako ay nasa manukan nagtatrabaho, pakiramdam ko napakalayo pa rin ng mga pinagagawa ko rito sa aking pinag-aralan.

    ————————————————

    HBH: Ako (domestic Pinoy) devcom natapos, framer lang ngayon hehe.😉
    Si 2nd and 3rd brothers (global Pinoys) CPA graduates,
    nasa field ng accounting at auditing ang job ngayon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: