mAy DSL vs my DSL

Agosto na… may mga naalala ako:

Una, isang taon na akong HINDI umiinom – o, “hindi makainom” siguro ang mas tamang right na tumpak.

August kasi nung una akong sumpungin ng vertigo (pagkahilo-hilo). Akala ko talaga nuon, mamamatay na ako (sa hindi pag-inom, hindi dahil sa vertigo). 😆 Sannababeer! Dalawang case na nga lang ng Red Horse ang kaya kong inumin, na-abstain pa?

Sa loob ng isang taon yun mga ‘pre – hindi isang upuan lang (ano ako hilo?) 🙄 … Ibig sabihin two bottles per month, tuwing kinsenas at katapusan.

Pangalawa, mag-iisang taon na rin akong nagne-net!

Ano? Isang taon pa lang? Saang kuweba at bundok ka ba galing?

(eka nyo siguro)

Meron pa, pero kapiranggot na lang… kaya KLIK mo na todits.

Published in: on 1 August 2008 at 1:08 am  Comments (15)  
Tags: , , , ,