mAy DSL vs my DSL

Agosto na… may mga naalala ako:

Una, isang taon na akong HINDI umiinom – o, “hindi makainom” siguro ang mas tamang right na tumpak.

August kasi nung una akong sumpungin ng vertigo (pagkahilo-hilo). Akala ko talaga nuon, mamamatay na ako (sa hindi pag-inom, hindi dahil sa vertigo).😆 Sannababeer! Dalawang case na nga lang ng Red Horse ang kaya kong inumin, na-abstain pa?

Sa loob ng isang taon yun mga ‘pre – hindi isang upuan lang (ano ako hilo?)🙄 … Ibig sabihin two bottles per month, tuwing kinsenas at katapusan.

Pangalawa, mag-iisang taon na rin akong nagne-net!

Ano? Isang taon pa lang? Saang kuweba at bundok ka ba galing?

(eka nyo siguro)

Matagal ko nang alam ang konsepto ng internet. Katunayan, nakapag-hands-on na ako nyan simula pa nung training ko sa aking pagdya-japayuki nung 1996. Kaya lang pag-uwi, nasubsob na uli sa trabaho at hindi ko ito isinama sa top priorities ko. Kung sa pagko-computer lang, ay matagal na (1987 pa)… Bukod po kasi sa pagpu-putokraper, isa sa mga trabaho ko ang pag-desktop layout at pag-edit ng litrato para sa publication at exhibits ng research agency na dating employer ko.

Nung nag-resign ako at nag-framing-framing na lang, hindi pa gaanong uso ang magkaroon ng internet connection sa bahay. Maski pa ba may computer sa aming haybol. Ano, lalabas pa para mag-surf? Huwag na lang. Pero wag ka… kating-kati ako.

Kaya nung makabitan kami ng DIAL-UP (last year) sa bahay, halos umusok ang laptop namin. Ahehe… kaya siguro nasira ang modem. Alam nyo ba kung ano yung mga pinagsa-surfed ko nuon? Ahehe… yun ang pangatlo, pero saka ko na ikuwento – after three days na lang.

Tama na muna iyan… winelkam ko lang ang pagpasok ng buwan.😉

Ay, yung taytol ba? …nga pala! Ano nga ba ang “konek” sa post ko niyan? Kasi…

Ang one-eye-bulag hamster kong si Amboy ay tagal na palang may ka-blind-date? Eto po ang ibig kong sabihin (CLICK nyo na lang):

Yes! – may DSL (Dagang Scavenger-Looter) sa bahay.😆 Dagang Smol Lang naman.

More than eight years na kaming umuupa rito, ngayon lang nangyari ito. Hindi ko alam kung papaanong nakaakyat dito sa 4th floor ng building. Pwedeng lumabas sa mga inakyat na kahon, may mga bagong-lipat kasi dito. Sabagay, what’s new? … Noon nga may bibeng umakyat nang mag-isa dito. (Click THIS if you want details about the “Robby-ducky”)

Yung daga… mukhang hindi naman maninira. Naghahanap-buhay lang, umaamot ng konting chichibugin mula sa aking mga DSL (Dagang Salin-Lahi). 😆 Hayaan lang, su-supply-an ko pa sya. Huwag lang sanang magtawag pa ng maraming kasama dito. Hindi bale sana kung magpa-pramis silang hindi magiging peste sa mga alaga ko.

Hindi ko pa naman maatim na basta na lang papatay ng maski pa sya isang ordinaryong daga laang.

Published in: on 1 August 2008 at 1:08 am  Comments (15)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/01/may-dsl-vs-my-dsl/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. ay ninong sa tingin ko mangunguha yan ng kasama!
    yang pesteng daga na yan!
    datirati takot ako sa daga pero nung napunta ako dito sa baguio, naimmune na ako.
    ekshelli, minsan katabi ko an raw sila!
    homaygaad!!

    ————————————————

    Ninong: Katabi mo? Baket? 🙄
    A, alam ko na… maginaw kaya dyan sa baguio! Yan ang delikado magtawag ng dami pa dagang kasama…😛

  2. bakeeeet may DSL??? ampf! puksain na yan

    naku klasmeyt buti hindi ka na umiinom o rather, makainom. hehehe. wag na. mag mamam ka na lang ehehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Hehe… hamo na sya, klasmeyt.
    Hindi rin naman tatagal yan dahil maksi din ang buhay nila.
    Para din may “pet” si Amboy ko, o di ba? 😆

    Yung hilo, sabagay hindi na masyado ngayon. 😛 Pero tama ka, baka maka-aggravate lang sa vertigo ko ang pag-inom ng beer.

    Yung tag mo, sa Byernes (08 Aug) na ang sagot ko. 🙂

  3. ehehehe, ipa ampon ko kaya sayo lahat ng mga mabebeet d2 samen😀

    ————————————————

    Robbyrat: Yun din pala ang tawag sa inyo?
    Kina misis din, “bait” ang tawag nila sa mga maliliit na daga. 😆

    Ano nga pala yung hindi mo ma-gets sa previous post?
    Maiksi lang post, so I assume yung last two paragraphs.

    Star-hamster yang alaga ng kaklase ko dun, kaya maraming nagmamahal dyan (puntahan mo yung account niya sa Flickr
    at YouTube). 😉

  4. hay dito minsan rin may plague — daming ratte=rats at talagang binibigyan ng pansin kapag may ganyan. number one news, hehehe. pati fire brigade kasali para mawala ang mga daga. pero sa totoo lang, sa tagal ko dito sa oyropa, hindi pa ako nakakakita ng daga.

    ————————————————

    HBH: Oo nga, tita kengkay.
    Tao ang may dominion sa hayop… yung mga endangered species, kelangang protektahan at pangalagaan; yung sobra- sobra naman sa bilang, kelangang kontrolin ang pagdami — puksain at patayin kung kinakailangan — kasi nagiging peste na. Tulad nga nyang plague na nabanggit mo.

    Pagkakaalam ko nga sa world history, yang Europe ang talagang naapektuhan ng tinatawag na “Black death” o “Bubonic plague” nung Middle Ages (14th century), na nag-recur nung 1700s. Milyones ang mga taong namatay. Purgas ng daga ang culprit o vector ng bacteria na sanhi ng sakit.

    Talaga lang sigurong effective ang rat control nila dyan ngayon kaya wala kang makitang daga. 🙂

  5. sayang at di ko masyadong matandaan kung anong araw ako eksakli nagcut-down (hindi totally umayaw) sa pag-inom… sana alam ko din ang anibersaryo niya🙂 pero hindi pa rin talaga ako umiinom ng redhorse (ni isang bote!)

    ————————————————

    Bok: Sa totoo lang, bok, ako man hindi pa din umaayaw sa pag-inom. 🙂 Sarap yatang uminom ng maski isa o dalawang bote lang pagtapos maghapunan pag pagod ako sa maghapong pagpe-frame. Wala namang masamang epekto sa bituka ko ang ganuon — mas nalulusaw pa nga yata ang tiyan ko sa sang lagok ng carbonated drink (ang softdrinks, kelangan pasingawin muna para hindi mahapdi sa bodega).

    Taka nga ako e — hindi naman ang pag-inom ko ang cause ng vertigo. Bakit ba yung pastor namin na talaga namang HINDI umiinom ay nagka-vertigo rin, nauna lang nang mga dalawang taon sa akin… Sa pag-edad din siguro, kasi mas matanda nang kaunti si pastor sa akin.

    Kaya nga laang, by “unanimous decision” kelangan itigil ko (cut-out, indi lang cut-down!😥 huwaaaah!) . Hehehe, baka maka-aggravate. Permanente na raw kasi ang vertigo, maski pwedeng maalis ng gamot yung pagkahilo. Basta na lang magre- recur maski apparently yung sa akin “wala” na ulit ngayon.

  6. hehehe. napangiti talaga ako ng post mo pare. “dagang smol lang” pala ha. hahaha!

    miss ko na red horse! mahal dito sa tokyo e. nga pala, dati kang japayuki? ako rin! hahaha! andito pa nga rin ako e.

    ————————————————

    Ex-japayuking homebody: Salamat sa pagsilip, caryn.🙂

    Pa-training lang ng former employer ko, mare — project
    ng PhilRice-JICA (Japan International Cooperation Agency) .
    OIC sa Okinawa, at sa Sapporo at Tokyo. Maiksing panahon lang, kasi ayaw ko ring maglalabas ng matagal sa ‘Pinas. 😛

    May ipina-plot akong mga places sa mapa ng Japan sa Platial map, kaya lang hindi pa tapos, wala pang mga pictures. Kung gusto mo bisitahin, click mo lang ito:

    “JICA training travels”

    Ewan ko kung may time ka pa, pero ‘gandaryn’😉 kung gawa
    ka ng sa’yo… even yung sa ibang lugar like Mexico (or, meron ka na?)

    Bilib ako sa’yo, mare… bihira ang nakakapasok ng Japan para magkaroon ng trabahong paris ng sa’yo — architecture. Napakametikuloso at nationalistic ng mga Hapon.

    Yung Redhorse ba ikamo? Hahaha, oo a! …maski nga yung
    San Miguel natin ang mahal dyan eh. Pero ang nagustuhan kong beer nila dyan ay ‘Orion beer’ ng Okinawa, at ‘Sapporo beer’ ng Hokkaido. Yung ‘Kirin’, hindi masyado.

    Domo arigato (ne)!🙂

  7. ay medyo kinilabutan ako, nakakatakot nga ang mga daga…

    matalino sila diba? kaya nga di sila pwedeng pinaguusapan at tinatawag na peste and all sort.

    hmmmmmmm, e ipis po, pumapatay kayo? may friend kasi ako, nisho-shoo lan nya para umalis sa visible area.ahaha!

    flyfly!

    Gb po!

    ————————————————

    HBH: Talaga namang kikilabutan ka sa hitsura nila, lalo na sa kulay at sa buntot. At least itong mga hamsters, maski sila mga daga pa, magaganda naman ang kulay at walang buntot.

    In truth, harmless naman yang mga maliliit na dagang bahay (mouse, hindi rat) — kaya nga “bait” ang tawag sa kanila ng iba. Huwag nga lang dadami nang husto at baka manira o magdala ng sakit… sa madaling salita, maging peste na.

    Personally, hindi ko makita ang “logic” nung gumaganti sila pag ‘pinag-uusapan’ (miski ang mga in-laws ko ganun ang sinasabi, kaya pabulong kung pag-usapan sila). Ang obserbasyon ko, naninira lang naman ang mga iyan pag namatay ang mga anak nila o kaya nadistorbo ang pinagbabahayan nila.

    Ahehe, may kwento ako dyan sa IPIS eh…
    Pag kumakain ka daw ng lugaw at may nakita ka sa lugaw na:

    1. Langgam. Inaalis mo lang ng kutsara yung langgam, tapos diretso lang ang kain ng lugaw.
    2. Langaw. Mawawalan ka ng gana sa pagkain, hindi mo na aalisin yung langaw, kasi hindi mo na kakainin yung lugaw.
    3. Ipis. Ahehe. Talaga daw itatapon mo yung lugaw at aapakan mo nang husto yung ipis — para siguradong patay!

    Ipis pa? Ahehe. Rebyuhin mo yung letter “P” (phobias) dito:

    “Pers-eber tag”

    Talagang hinahabol ko yan maski magsuot pa sya sa kailalim- laliman para chugiin. Di bale sana kung Hare Krisna ako na naniniwala sa reincarnation — hindi naman… Atsaka tutal, parang napanuod ko nuon sa NatGeo na of all pests, sila ang pinakamaraming populasyon at greatest ang chances ng survival maski pa magkaroon ng nuclear holocaust.

    Sige, anak… ingat ka sa pag-fly-fly at baka may mga batang pasaway na manaltik (manirador) sa’yo. … On sekon thought, mataas ka nga pala lumipad😉 — wala naman sigurong paniki na marunong manirador?
    God bless… my colorful a-ding nikoolai.

  8. hmm masrap po uminom.. aheheh ako din eh minsan kasi may ganan akong sidelin yung pag inom.. kaya lang hininto ko na kasi una, mahirap ang lasi tapos nagpapapayat pa ko so sagabal.. pero yun ay minsan lang naman po.. hehehe

    nako.. ako po pagdating sa computer mahina ako. ahehe.. itong wordpress nga tagal pa bago ko po napag aralan yung alam ko na pasikot sikot. hanggang ngayon nga eh naliligaw pa rin ako minsan. hehehe… cute

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ahehe… ang cute nga. 😛
    Mukhang gising na gising ka, ‘angel’ a?

    Nung binata ako, purong lambanog ang kinakana namin —
    yung pag pinosporohan eh sumisindi? 😆
    Nung nagtratrabaho na ako, hanggang beer na lang. 😐
    Nung nagkavertigo ako, talagang juice na lang.😥 …😆

    Sa wordpress, pag nalilito ako, sa FAQ ang takbuhan ko.
    Minsan nasasagot ang hinahanap ko; minsan naman, ako’y lalo lang naliliyo. 😆 Ay daig pa ang ako’y nabe-vertigo!

  9. […] Hindi ako papayag na hindi isali itong susunod. Sa mga “oso”, sya lang ang pede i-HUG nang hindi magkakalasug-lasog ang iyong mga butu-buto.😆 Ibili ko kaya ng koala pet si Amboy ko? (Hindi ko na nakikita yung DSL e) : […]

  10. […] Amboy’s “DSL” pet ▲ […]

  11. […] Kung paano ako nag-start magblog ay nabanggit ko na
    sa page na ito. →
    Naidetalye ko na rin iyan sa dalawang mag-iksing posts na ito:
    mAy DSL vs my DSL
    ◙ Seven in 5 […]

  12. […] Itong si Amboy lang ang lalaking hamster ko na hindi nagpakita ng interes sa female counterpart ng kanyang kauri, samantalang minsan na syang nakipag-EB sa isang munting daga. […]

  13. […] Petmaus friend: DSL […]

  14. ako habang nanu2od ng tv pabalik balik ang mga mabait sa wire ng athena ng tv wlang lang para lang namamadyal ang daga wa pake sa paligid nya…….hahaha

    ————————————————

    HBH: Ganun naman sila pag nasanay nang di nipapansin di ba? Umaamo, kaya nga daw “bait” ang tawag nyahaha.

  15. […] ( dsl, part 2 ) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: