Biyenan

Can you spot the “FLAW” in Adam?

BIBLE TRIVIA: Mahilig ba kayo sa Renaissance art? Yang painting po sa itaas ay isa sa mga kilalang likha ni Michelangelo na makikita hanggang ngayon sa kisame ng Sistine Chapel sa Italy. Huwag nyo nang pagdiskitahan yung etits kung maliit ha? Art nga yan eh – hindi naman PORNO.😆 (Basta indi danyan itsura ng akin.)

Technically speaking, tama lang naman yung Adam as being uncircumcised di ba? The covenant of circumcision was made during the time of Abraham when he was 99 years old (Genesis 17) – a Jewish practice that became their tradition, which later, namana ng ilang Christian, at ng halos lahat ng mga Muslim at mga Pinoy.

Pero merong isang bagay dyan sa painting na ayon sa mga pintaserong kritiko ay “dapat na wala” daw diyan. Mahulaan nyo kaya kung ano yun?🙄

Okey, tama na yang puzzle. Tara na sa topic ko:

Manugang # 1: “Naiinggit ako kay Adan…”😦

Manugang # 2: “Bakit? Ano ba ang kainggit-inggit kay Adan?”🙄

Manugang # 1: “Wala siyang byenan! Huwaaaah!”😥

May attitude ba kayong paris ng kay Adan – eheste, Manugang # 1?

Bakit nga ba parati na lang tampulan ng mga jokes ang mga byenang babae? Kung hindi “mother-outlaw”, ang tawag sa kanila “monster-in-law.”

Bakit di nyo tularan itong ‘sang kakilala ko? Pinuri nya ang byenan niya! ‘eka nya:

Pinaka-favorite kong mother-in-law!

Astig ano?😎 IDOL! …………..🙄

Teka muna🙄 … ilan ba ang asawa ng son-in law na ito?

Harummmp!!!😡 Erase, erase!

Bakit di nyo tularan itong ‘sang kakilala ko? Pinuri nya ang byenan niya! ‘eka nya:

Pinaka-favorite kong mother-in-law!

Astig ano?😯 IDOL!

Ummm!!! sige! …yan ang bagay sa’yo, salbahe.😕😆

Kung sa ganang akin lang, thankful ako sa pagkakaroon ng isang byenang babae! Bakit eka n’yo?

Kasi, kung hindi dahil sa byenan ko, hindi sana siguro ganire kabait ang misis ko. Kita nyo nga si Eba… wala syang nanay, walang nakitang modelo – kaya siguro… PASAWAY?

Nanay” kung tawagin sya ng kanyang pitong anak (isa ang misis ko dito) ; “Nanay” din kung sya ay tawagin ng kanyang tatlong manugang (isa naman ako dito😉 ).

Pang-anim ang aking byenan sa pitong magkakapatid – walo pa nga daw sana kung hindi lang namatay ang kapatid nyang bunso nuong ito’y sanggol pa (makikita dyan sa pikyur sa kanan, CLICK nyo lang for a larger view). My mother-in-law, then age 14, was the lady in white, seated at right.

Andami nila ano? Maski sina misis ko man, walo din sana silang magkakapatid kung hindi lang namatay din agad (nung bata pa) yung sumunod sa kanya.

Sa side ko man, anim na magkakapatid ang mga Mommy ko (Pito sana sila kung hindi rin namatay yung panlima nung beybi pa); at kami man, may kasunod pa sana yung bunso kong kapatid kung hindi lang kinakailangang tanggalan na ng matres ang nanay ko bago pa mabuo yung posibleng pangpito! (neks month na lang ang kwento tungkol sa mommy ko)

Bakit nga ba ganun? Nuon ang mga nanay, parang napakadaling magbuntis at tila mga pusang kaaanak lang, maya-maya lang naglalaba na… Yun nga lang, higher ang infant mortality rate. Hindi pa kasi uso ang family planning nuon. Ahehe, hindi na ubrang wala nyan, lalo na ngayon, kawawa naman ang mga nanay.

Sa case namin ni misis, balistad ang ‘problema’ (?) namin nuon… hindi ba nga’t kami ni misis ay nagsawa nang gumastos sa kung anu-anong gamutan at work-out para magkaanak lang – dahil ayon sa mga duktor wala naman daw may “diperensya” sa amin. Wawa naman si misis ko nuon… kung anu-ano na ang nararamdaman nya sa mga inerereseta. Ahehe, high-risk pregnancy na rin lang kung itutuloy pa, ay di bale na lang. Kumpleto naman kami ni misis kahit kami’y da-dalawa lang.😎

Ibida ko lang nang konti ang lab istori ng mga byenan ko:

Estudyante sya nuon sa Quezon Memorial College sa QC. Ang byenang lalaki ko naman ay nagtratrabaho bilang janitor sa Philippine Normal College sa Ermita. Hindi ko na matandaan kung saan sila unang nagkita, pero itong si binata ay na-lab-at-pers-sayt yata kay dalaga.

Nagkataong bakasyon nuon nang maisipang “hingin ni lalaki ang kamay ni babae” sa mga magulang nito. Nakauwi na nuon ang dalaga sa probinsya nila. Maski walang kilala ang binata na taga-Gubat, Sorsogon, naglakas-loob syang paghanapin ang nililiyag sa tinitirhan nito sa Atimonan, Quezon.

Gabi nuong dumating sya sa kabayanan, kaya ipinagpabukas na lang ang punta sa baryo ng Malusak. Alam nyo kung saan nakitulog? Sa presinto ng mga pulis… pero hindi sa loob ng rehas ha?😆 Ma-PR palibhasa itong tatay ni misis (nagmana si misis ko ng PR sa kanya), kaya kinaumagahan, kakilala na nya ang lahat ng kaPULISan duon. Eyun, may escort pa yatang pulis nung namanhikan sa byenang babae ko.

Nung una, dinidiscourage ng mga kapatid itong si babae. Palibhasa, halos ang buong angkan nila ay katiwala ng mga Morato. Yung panganay ngang kapatid nya, mayordoma nila (Katulong lang? …‘weno? mayordoma naman!😛 ). Ayan sa kanan ang pruweba (Eldest SISTER ni mother-in-law with Tomas Morato and family; Ang Tia Andeng yung pangalawa mula sa kanan – sya lang naman ang hindi mistisahin dyan).

Hindi ko ipinagrarangya yan ha? Gusto ko lang sabihin na ang pagiging katulong ay HINDI dapat ikinahihiya. On the other hand, HINDI rin magandang ipinagyayabang kung napadikit tayo sa mga taong sa tingin natin ay tinitingala ng lipunan; dahil pag nagkagayon, wala itong ipinag-iba sa “langaw na mas mataas pa dahil nakatuntong sa kalabaw.”

Sa case ng tyahing ito ng misis ko, HINDI naman nawala ang kanyang kababaang-loob. Napakalumanay nga kung mangusap; hindi naman dungo, pero parang hindi marunong magalit… Dito sya masaya. Ginugol nya ang buong buhay nya sa paglilingkod sa pamilyang ito, na itinuring na rin nyang kanya. At palagay ko, ito ang nakita nyang misyon nya. Eto, kabibida lang ni misis na pinsanin pala sya nung asawang kauli ng elder Morato nung nabyudo ito.

Sa madaling kwento, nagkatuluyan din ang mga parents-in-law ko. Pinili ng biyenan kong babae na patali habambuhay sa byenan kong lalaki. CLICK nyo na lang ito para sa konting detalye tungkol sa father-in-law ko:

Two Fathers

Sa edad na 75, ang mother-in-law ko na lang ang nabubuhay sa kanilang magkakapatid. Birthday nya ngayon! Parati naming dalangin ng asawa ko ang patuloy na pagpapala ng Diyos sa mahaba pang panahon ng kanyang matiwasay at masayang pamumuhay.

Nanay,

Maligayang Kaarawan!😀 Mahal namin kayo!

Robert&Choi

Published in: on 12 August 2008 at 2:36 am  Comments (5)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/12/byenan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. makiki-happy birthday na rin ako kay ‘nanay’ — masarap talaga kapag kasundo ang biyenan. swerte ko nga dito na labs na labs nila akong pareho.

    ————————————————

    HBH: Hmmm…🙄 may ilan din na hindi pinagkakasunduan, pero nagkakaunawaan din naman.
    Tulad halimbawa nung “usog-usog” at “laway-laway’ nila nuon (papaglawayin kaya ako sa bayaw kong mas matanda pa sa akin, dahil nausog ko raw ito?😆 ) . Pero nung nagsimula silang mag-attend-attend sa Bread of Life, unti-unti namang nawala.

    Salamat sa “happy birthday”, kengkay. 🙂

  2. mmmm..:( nakakaiyak naman ung article…

    ————————————————

    HBH: Yung mga amo ng tiyahin ni misis ko, nakita ko ring umiyak… ‘mas’ pa nga yata sila kaysa sa amin. Kasi ako naman bihira lang kung makadalaw sa Tomas Morato sa Kamuning nung wala pang sakit ang Tia Andeng.

    Salamat sa pagdalaw sa blog ko, rhapsody. 🙂

  3. ————————
    Wigwam Wigglerson
    Isang linggo na rin pala yang puzzle sa itaas. Painting uli? Sagutan ko na rin!😳

    “Pusod” ang sagot!😀 Dapat “daw” walang umbilicus si Adan… Wala syang nanay dahil hindi sya ipinagbuntis – kaya wala syang inunan, derpor wala rin syang umbilical cord. 😆

  4. hangkulett.. talagang me erase pa hahaha… ang ganda naman nung mga pictures.. waa…

    makikibati din po ako ng happy birthday kahit medyo late na.. ahehe

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ahehe… erase, erase, erase! — parang again, again, again!😆

    Yang shot sa sementeryo ang pinakagusto ko, parang yung mga pelikulang tagalog nuon na black and white pa?

    Salamat sa pagbati! 😀
    75 na ang Nanay… biro nga ng mga pamangkin ni misis,
    malapit nang maging “piso” (100) ang Lola nila.😛 … kabargas na mga bata!😆

  5. […] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: