Sumalangit–nanay?

The statue of Diana of Ephesus in the garden of Villa d’Este in Tivoli, Italy.

BIBLE TRIVIA: Only two person went to be with God, body and soul, without experiencing death: Enoch and Elijah.

Enoch walked with God; then he was no more, because God took him away.”

– Genesis 5:24

“As they (Elijah and Elisha) were walking along and talking together, suddenly a chariot of fire and horses of fire appeared and separated the two of them, and Elijah went up to heaven in a whirlwind. Elisha saw this and cried out, ‘My father! My father! The chariots and horsemen of Israel.’ And Elisha saw him no more…”

– 2 Kings 2:11

Of course, JESUS also did – after His resurrection, and after staying with His disciples for over 40 days (Acts 1:1-10). After that, as far as what the Bible says, NOBODY else ever did the same.

Wala pong kaugnayan ang post na ito duon sa sinundan… Nagkasunod lang na tungkol sa ibang klaseng “nanay” din ito. May naalala kasi ako… TRABAHO’ na naman, tawag ‘LANG’ ng pangangailangan.😉

Nung nagtatrabaho pa si 1st brother sa Splash (Laguna), pumunta sya sa bansang Turkey para i-train ang mga estudyanteng lifeguards sa isang resort duon. Palibhasa naging interesante din sa kanya ang pag-aaral ng Bible, isiningit nya sa itinerary ang pagpunta sa Ephesus, isang sinaunang syudad na binabanggit sa New Testament kung saan nangaral nuon si St Paul.

Alam nya ang hilig ko sa pangungulekta ng mga anik-anik, kaya pinasalubungan nya ako ng mga ancient coins na itinitindang parang kendi lang duon. Wala daw gaanong value ang mga ito, kahit pa ang mga ito ay kasingtagal na ng emperyong Romano (around 1st century A.D., or possibly even before Christ). Kasi hindi naman daw ito “rare” – nasisisid lang sa mga ilog at sapa duon.

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang “dyosang” nirerepresenta ng rebultong nakikita nyo sa itaas. Kilala sya bilang si Artemis (ng Greeks) o Diana (ng Romans). Siya ang kakambal na babae ni Apollo, anak ni Zeus (Jupiter) kay Leto (Latona). Ulanghiyang “diyos” ito – andaming asawa!😆

Tulad ng alam nating lahat (?), mga diyos-diyosan lang sila – hindi tunay kundi mga bungang-imahinasyon na matutunghayan lang sa Greek and Roman mythologies. Pero in the ancient times, buong-buo ang paniwala ng mga paganong Griyego at Romano sa mga false gods at goddesses na ito.

Kilala ang ancient city of Ephesus bilang hometown o lugar ng pinagsimulan ng sinaunang kulto ng pagsamba kay Diana. Sa katunayan, ang templo nya duon ay isa sa hanggang ngayon ay itinuturing na “Seven Wonders of the Ancient World.”

Sa chapter 19 ng Acts sa Bible, makikita nating pinagmulan ng isang riot sa Ephesus ang ginawang pagtuligsa ni St Paul sa pagsamba kay Diana duon. Himayin natin ng konti ang Act 19:23-26, hane?

“About that time there arose a great disturbance about the Way.” (verse 23)

Ang Way na tinutukoy dito ay ang tutuong pananampalataya kay Kristo na isinusulong nuon nina St Paul at ng iba pang apostles. Pero huwag kayong basta maniniwala sa mga kultong naglalabasan ngayon na nagdudugtong lang ng salitang Way (in English or Tagalog) sa pangalan ng grupo nila (kahit pa nga ba ikabit nila ang pangalan ni Kristo dyan). Siyasatin nyo muna ang mga turo nila kung naaayon sa Bible. Pag sinabi nilang “Hindi mo maiintindihan ang Bible kung hindi mo babasahin ang mga pamphlets o magazines namin!” o kaya’y “… kung hindi ipapaliwanag ng ministro o governing body namin!” – ahehe, kwidaw kayo.😆 Pag wala kayong alam sa Bible, madali kayong malilinlang, kaya nga malimit ko kayong hinahamon na magbasa din kayo. Para sa atin ang Bible. Maski itong mga sinasabi ko dito, i-check nyo kung tutuo.

Okey, ituloy natin ang paghimay sa Acts chapter 19…

“A silversmith named Demetrius, who made silver shrines of Artemis (Diana), brought in no little business for the craftsmen. He called them together, along with the workmen in related trades, and said: ‘Men, you know we received a good income from this business. ” (verse 24 and 25)

Malaking negosyo kasi ng syudad nila ang paggawa ng iba’t-ibang sukat ng “Barbie dolls” o rebulto ni Diana (Does that ring a bell? Hindi ako against sa tutuong Barbie dolls ha? Ibang BARBIDALS ang tinutukoy ko rine). Syempre kumikita rin dito hindi lang ang mga lumililok o iskultor ng rebulto. Pati na rin ang mga minero ng pilak, at maski yung mga taga-deliber o taga-lako’t taga-tinda lang. Malamang, may mga “borlo-borloloy” pang kasama ang mga rebultong iyan.

Sabi ni 1st brother ko, hanggang ngayon negosyo ang paggawa ng mga figurines ni Diana of Ephesus duon. Sayang hindi sya bumili (naalala daw nya kasi yung sa pelikulang ‘Exorcist’ nyay!😯 …of course biro lang ni brother yun 😆 ), kaya etong galing na lang sa internet ang ipapakita kong sampol sa inyo

Hindi ko sinasabing bumili kayo ng mga anting-anting o iba pang products nila ha? Sinampol ko lang para makita nyo… Okey, eto pa yung mga sinabi ni Demetrius:

And you see and hear how this fellow Paul has convinced and led astray large numbers of people here in Ephesus and in practically the whole province of Asia. He says that man-made gods are no gods at all. ” (verse 26)

Ahehe… kelan pa kaya nangyaring ang isang diyos ay ginawa lamang ng isang tao? Diyos-diyosan, pwede pa! At sino kaya ang totoong nagli-“lead astray” aber nga? Again, does that ring a bell?

Nuon, magpasa-hanggang ngayon, mangaral ka lang ng tungkol sa Bible, babansagan ka nang “ipokrito” at tagapag-ligaw ng mga kawan nila. Sino kaya ang nanliligaw ng landas? Paano aakayin ng isang bulag ang isa pang bulag?

Alam nyo bang si St Paul man ay galing sa kinagisnang relihiyon niya (Judaismo) at isa sya sa mga tumutuligsa sa mga mangangaral ng Bible nuon? Pero nung nakakilala sya sa Panginoong Hesukristo, kaisa na sya sa mga taong tinutuligsa nya nuon. Harangan mo man sya ng sibat, hindi mo sya kayang pigilan. See a short account about him here Mulat na bulag, bulag na namulat.

Okey… ituloy natin yung litanya ng panggagatong nitong si Demetrius:

There is danger not only that our trade will lose its good name, but also that the temple of the great goddess Artemis will be discredited, and the goddess herself, who is worshipped throughout the province of Asia and the world, will be robbed of her divine majesty.’ ” (verse 27)

Ano ba talaga, koya? Yang pananampalataya mo, o yang raket mo? Walang “divine majesty” na mawawala dyan dahil in the first place, wala naman talagang “divine majesty” iyan – inimbento mo lang! Demet… may debayn-debayn madyesti ka pang nalalaman…

Kung itutuloy nyo ang pagbasa mula sa verse 28, pasulong, makikita nyong posibleng napatay na sana si St Paul sa bugbog. Buti na lang napapigil syang lumabas sa amphitheater, kung saan naruon ang nanggagalaiting masa na ginatungan nitong si Demetrius.

Eto pa ang ibang paniwala nila kay Diana:

  • She was always a virgin, an eternally young, untamed girl, nourishing all life.
  • Diana has many breasts because she has many children to feed.
  • Her hands form the gesture of bestowing worldly and spiritual blessings.
  • She is crowned with the Goddess’s sacred vessel, and the lunar disk makes a halo around her head.
  • Diana is the Earth herself, whose mountains are breasts and whose body is a dwelling place for all living creatures. Even in the patriarchal era, her worship was so strong that her temple at Ephesus was considered one of the seven wonders of the ancient world.

Hindi ko inimbento ang listahang iyan – nabasa naman na siguro nyo yan sa pagan website link nung pikyur ng kyut na manika natin kanina dyan sa itaas.

Ingat po sa mga turong inimbento lang ng tao – sa mga tradisyong idinagdag at kung anu-anong “vision” na isina-pamphlet o isinalibro na kapantay DAW ng Bibliya. Ambabait kasi at mukhang napakabanal yung mga nagsasabi, kaya nadadala tayo sa idinideklara nila… Uulitin ko: Hindi sila ang ina-abhor ko, kundi ang maling turo nila. Harinawang bumalik na sila sa sinasabi ng Bibliya, manumbalik na kay Jesus – and I really mean kilalanin ang buhay na Kristo… Otherwise, huwag na nilang sabihing Kristyano sila.

Sa Kristianismo man, hindi ubra yang dagdag-bawas.”

I warn everyone who hears the words of the prophecy of this book:

If anyone adds anything to them, God will add to him the plagues described in this book. And if anyone takes words away from this book of prophecy, God will take away from him his share in the tree of life and in the holy city, which are described in this book.

– Revelation 22:18-19

Tradisyon?🙄

There’s nothing wrong with following our traditionsIF they do not contradict God’s Word (Bible).

“Jesus replied, ‘And why do you break the command of God for the sake of your tradition? … you nullify the word of God for the sake of your tradition. You hypocrites!
Isaiah was right when he prophesied about you:

‘These people honor me with their lips,
but their hearts are far from me.
They worship me in vain;
their teachings are but rules taught by men.’”
(Matthew 15:3, 6-9)

(Jesus said) “You have let go of the commands of God and are holding on to the traditions of men… You have a fine way of setting aside the commands of God in order to observe your own traditions! … you nullify the word of God by your tradition that you have handed down.”
(Mark 7:8-9, 13)

Si Christ na ang mismong may sabi nyan, hindi pa ba tayo maniwala dyan?

Eto pa, si St. Paul naman ang may sabi:

“See to it that no one takes you captive though hollow and deceptive philosophy, which depends on human tradition and the basic principles of this world rather than on Christ.”
(Colossians 2:8 )

Eto pa, si St. Peter naman ang may sabi:

“For you know that it was not with perishable things such as silver or gold that you were redeemed from the empty way of life handed down to you from your forefathers, but with the precious blood of Christ, a lamb without blemish or defect.”
(1 Peter 1:18-19)

Kung may maririnig kayo ngayong araw na ito (o maski kelan) na magsasabing kaming mga nangangaral ng Bibliya ang nanli-ligaw sa inyo ng landas, alalahanin nyo na lang ang paratang ni Demetrius kay San Pablo na nabanggit kanina sa itaas.

I’m just sharing my conviction – please do not take ‘this’ personally… If there’s anything – or Anybody – I want you to take personally, it’s your relationship with Jesus, the living Christ.😉

God bless you.

————————————————

Related posts about the myths of organized religion:

Or see ALL the posts under this category:

Check this out (may pagkakahawig duon sa dalawang verses sa pinaka-umpisa ng post, duon sa BIBLE TRIVIA). I hope isa ka sa mga nae-encourage dito sa sinabi ni St Paul ( 1 Thess 4:18 ) :

“For the Lord himself will come down from heaven, with a loud command, with the voice of the archangel and the trumpet call of God, and the dead in Christ will rise first. After that, we who are still alive and are left will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord forever.”

– 1 Thessalonians 4:16-17

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/15/sumalangit%e2%80%93nanay/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. Just reiterating (angkulit ano?)😳 :

    There’s nothing wrong with following our traditions
    IF they do not contradict God’s Word (Bible).

    “Jesus replied, ‘And why do you break the command of God
    for the sake of your tradition? … you nullify the word of God for the sake of your tradition. You hypocrites!
    Isaiah was right when he prophesied about you:

    ‘These people honor me with their lips,
    but their hearts are far from me.
    They worship me in vain;
    their teachings are but rules taught by men.’”
    (Matthew 15:3, 6-9)

    (Jesus said) “You have let go of the commands of God and
    are holding on to the traditions of men… You have a fine way of setting aside the commands of God in order to observe your own traditions! … you nullify the word of God by your tradition that you have handed down.”
    (Mark 7:8-9, 13)

    Si Christ na ang mismong may sabi nyan, hindi pa ba tayo maniwala dyan?

    Eto pa, si St. Paul naman ang may sabi:

    “See to it that no one takes you captive though hollow and deceptive philosophy, which depends on human tradition and the basic principles of this world rather than on Christ.” (Colossians 2:8 )

    Eto pa, si St. Peter naman ang may sabi:

    “For you know that it was not with perishable things such as silver or gold that you were redeemed from the empty way
    of life handed down to you from your forefathers
    ,
    but with the precious blood of Christ, a lamb without blemish
    or defect.” (1 Peter 1:18-19)

    Kung may maririnig kayo ngayong araw na ito (o maski kelan) na magsasabing kaming mga nangangaral ng Bibliya ang nanli- ligaw sa inyo ng landas, alalahanin nyo na lang ang paratang ni Demetrius kay San Pablo na nabanggit sa post na ito sa itaas.

    I’m just sharing my conviction – please do not take ‘this’ personally… If there’s anything – or Anybody – I want you to take personally, it’s your relationship with Jesus, the living Christ. 😉

    God bless you.

  2. i agree, bok… after all, even our own Pinoy style of christianity borrows a lot from older traditions — mga pista, halimbawa — and “adjusted” these to gain an imprimatur, so to speak, from church authorities through the centuries🙂

    ————————————————

    Bok: Iba rin talaga ang ‘powers’ ng religious leaders,
    nuon at ngayon – hindi na nila kelangang kumandidato ng pagka-gobernador-heneral o pagka-presidente para makapangyari.

    Sabagay merong iba hehe… at turn-off kung ang ‘qualification’ ng pagkandidato eh “may takot sa Diyos” LANG.
    Sina Samuel at Nathan man sa old testament, kahit ‘mas’ kina- kausap ng Diyos ay hindi naman nag-ambisyong maging hari. Mas naging effective silang propeta kaysa maging haring paris ni David, kasi yun ang kanya-kanyang ‘tawag’ at ‘equipment’ nila.

    Sa ngayon? 🙄 …spiritual adviser na nga lang siguro ng presidente, oks pa… nasa kanila na yun kung magtitino sila
    (the adviser and the advisee) hehe.

  3. tao lang din po c hesus di ba ehheh.. link nio naman ako lols

    ————————————————

    HBH: Well, “tao” oo… pero hindi “tao lang.”
    I hope hindi ka kapanalig nung ilang grupo na “tao lang” ang tingin kay Kristo. (I am using the names ‘Hesus’ and ‘Kristo’ interchangeably here – isa lang naman ang ibig tukuyin nito, maliwanag yun.)

    Pag kausap mo kasi ang mga grupong iyan, walang ginawa kundi ilihis ang usapan sa pagpapakita ng mga talata sa Bibliya na nagsasabing tao si Hesus. Walang namang kaso o problema duon dahil kami man, naniniwalang fully man din si Kristo. Pero iniiiwas nila ang usapan sa mga talatang maliwanag na nagpapakita na si HesuKristo ay ang Diyos din (“ang” Diyos – hindi “isang” Diyos). Eto ang isa lang sa maraming mga verses na iyon:

    “For in Christ all the fullness of the Deity lives in bodily form…” (Colossians 1:9)

    Pansinin mo kung papaano nilang pilit na “ipinapaliwanag”(?) ang ibig sabihin niyan para igiit na talagang tao lang si Kristo. May ibang kulto nga, talagang binago pa ang pagkakasabi ng ilang verses sa Bible sa mga SARILING Bible translation nila para umangkop sa doktrina nila.

    Sori na lang kung hanggang “doon” lang “ang dating”
    ni Hesus sa kanila. May diskusyon ako dyan nung pasko,
    baka type mo puntahan, click mo lang ito:

    December 25 post

    Mas madali kasi sa ilang grupo na ipagpalagay na isang anghel
    si Kulafoo, kaysa tanggaping Diyos si Kristo… Ang alam ko lang na “pasugo” ay yung si Man— (ubo! ubooo! ekskyusmi po!)
    Ang alam ko lang na “pasugo” ay yung Maning kalbo –
    eto o (CLICK mo) :😛

    Sugo

    Hmm… ay paano kita ia-ADD sa blogroll ko😆 – ni hindi nga kita mabisita dahil nalimutan mo yatang iwan dito ang website URL mo?

    “Tinta” … hehe, ikaw talaga. Talagang tinagalog mo pa,
    nahuli din naman kita. 😆 ← lols din.

    By da wey, tungkol sa English-Tagalog ang susunod na post ko.

    Eto pala isang link (hindi ko website) – type mo tinginin?😉

    Is Jesus God?

  4. although naniniwala at nagdadasal naman po ako.. ndi ako masyadong familiar sa bible… un unang part lang ng Bible ang alam ko… dito cguro ako matututo…

    ————————————————

    HBH: Salamat sa pagtitiwala mo sa mga ipino-post ko tungkol sa Bible, Mylene.🙂

    Yes, welcome ka anytime dito… may mga nauna na akong posts under the Bible category. Kung meron kang gustong itanong, feel free to ask – baka sakaling masagot ko.

    But I also encourage you to learn from other sources –
    “Open city” ang Dubai, hindi naman siguro mawawalan ng fellowships ng mga born-again Christians dyan.
    Ayan sinabi ko na,😳 baka kasi kung saan ka mapunta.
    (Check mo ito → “Christians?”)
    Ikaw… suggestion lang naman ito.

    Ang Bible, “open” din parang Dubai… OPEN BOOK para sa lahat, kaya sayang kung ididikta lang ng mga pari, ministro o pastor ang nilalaman nito. Kung wala ka pang personal Bible, may mga mabibili ngayong translations na madaling intindihin. Ang Bible naman ay hindi lang puro doktrina ang laman – marami ding guidelines for practical living… subukan mong suriin ang book of Proverbs.

    Pero bago ang lahat, ito ang gusto kong malaman ng lahat
    (hindi ko website ito, pero nandyan lang as “??” link sa sidebar). CLICK mo ito:

    Is Jesus relevant today?

    Christ is the center message of the Bible.🙂

  5. alam mo, i don’t want to be a hypocrite pero nafufustrate ako sa mga tao ngayon who choose to believe other things, other ways, other means apart from their sole faith to Jesus Christ. mas pinipili pa nilang maniwala sa mga anik anik na gumagamit pa ng salita ng Diyos to vindicate their “ways” without even giving the rightful salutation to our God.

    isa din yan ang tradition. a lot of my relatives always make “tradition” as a reason for what they have now in terms of their relationship with God. ewan ko ba. the Bible is the most best selling book but it is rarely read and used properly.

    ————————————————

    HBH: I see nothing hypocritical about telling the truth. Realizing the truth (after what has been read or heard) but still choosing to believe otherwise or continuing to practice the contrary is, I think, more self-righteous or self-seeking.

    Ang unang rason ay maaaring hindi nila alam ang pagkakaiba.
    “Bakit pa kasi lilipat pa?” eka. “Pare-pareho lang naman yan. Iisa lang ang diyos na sinasamba… Okey na ako dito sa dati!” (yan ang malimit na reaksyon)

    (Kung tutuusin, mas marami nga silang “trabaho” sa “dati” eh [all useless], dahil by WORKS ang salvation nila – tulad nung mga “anik-anik” na sinasabi mo.)

    That’s it – “this Bible thingy” is taken for granted; they just don’t take the matter seriously.😐

    “Masyado kang EMO” eka pa nila. Para bang you are too weak and you choose to believe God this way as a sort of escape mechanism. So what they do is to try to solve their “problems” by their own might – which in all cases, lead to their frustration and hollow lives. If they only know that those who truly trust in Christ have this inner joy – hindi “happy lang.”

    While the Bible is no doubt the most translated and printed book, most people think of it as irrelevant today. The fact is they just don’t know it because they don’t even bother ‘to waste their time’ to explore it… Nagiging “conscious” lang “kay Lord” pag may mabigat na problema, o kaya’y nasa banig ng karamdaman (baka nga hindi pa rin mapansin ang buhay na Kristong talagang inilalarawan sa Bible – sa halip magresort na lang sa pana-panatang pagtitirik ng kandila at pagnonovena).

    Ilang ulit ko nang sinagot ito sa mga nakaraang posts.

    Pinakamabigat na rason ang PRIDE.
    Aywan ko lang sayo – pero ako naman e galing din dyan.😳 Palibhasa panganay din ako kaya saksakan ng tigas ulo ko😆 ayaw kong mag-“yield” nuon sa mas nakababata kong mga kapatid na naunang naging kristiano kaysa sa akin.

    With these negative attitudes, mahirap talagang magsalita
    ng tungkol sa Bible… Anyway, witnessing is not just talking or writing. Equally important is the Christian’s testimony – even his lifestyle… Yung aprubado ng lahat na gawin ng iba, hindi ubrang makita sa isang nangangaral. Kahit pa nga gaano kaliit ang pagkakamaling iyon, malimit nahahanap na butas para i-reject ang mensahe niya.😦

    The most important is PRAYER.
    The one who has to share the message of the Bible (God’s word) must pray for His guidance, that He may give him wisdom…
    He must also pray for his listeners or readers that God may open their hearts so that He can speak to them.
    Nung nagdo-door-to-door nga kami sa Evangelism Explosion, may kasama akong isa o dalawa na hindi nagsasalita kundi tahimik na nagpe-pray lang. Iba pa yung mga “prayer warriors” na naiwan sa base church.

    In the end, ang pagtanggap naman ng mga nakikinig ay hindi dahil sa galing mangaral ng isang preacher – kundi sa pagkilos ng Banal na Espiritu (Holy Spirit) sa buhay ng mga nakikinig.😉

    Ang haba, ‘no? 😳

  6. […] Tiyakin lang na DIYOS ang tatawagan — HINDI tao o anumang nilikha na itinaas lang… Dahil KUNG HINDI,
    ay paano nga ba Nya tayo pakikinggan? […]

  7. […] • Sumalangit-nanay — […]

  8. […] Ancient coins from Ephesus […]

  9. […] Anyway, naisip ko i-append na lang yung graphics at quotes sa father’s day 2008 post ko — nung mismong araw ring iyon nang nakita ko… Pero teka ekako, August 15 yung Sabado ah? → Araw ng mga INA(?) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: