“Bente-singko”

May halaga pa ba ITO sa’yo ngayon? (CLICK mo sya)

Hindi mo naisplukan? Ay teka… ilang taon ka na ba?

Oo nga pala ‘no !? – beybi ka pa nun…

Sige… eto na lang!

Kelangan mo pa ba i-CLICK yan?

🙄 … May saysay pa kaya ang kasaysayan?

Published in: on 21 August 2008 at 12:00 am  Comments (11)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/21/%e2%80%9cbente-singko%e2%80%9d/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. Nung isang linggo pa itong posted – naka-“private” lang. Parang gusto ko nang i-publish kanina (Lunes, 18 August)
    nung nalaman kong iniurong pala ngayong araw na ito.

    Ahehe, pero hindi ‘ekako… maski mawala na ang suspense,
    basta sa Huwebes (August 21) ko sya ipa-publish, tapos.

  2. nakakaiyak naman ‘yun… dapat martial law na lang tayo hanggang ngayon, namatay pa tuloy si Ninoy..

    ————————————————

    HBH: Ay, diyaskeng bata ire!😯
    Ikaw ang una kong commentor — ay loyalista ka pa yata?

    Ilang taon ka na ba, ateng… parang hindi mo naranasan ang buhay under martial law? Alam mo bang yang “martial law” na yan ang pumapatay sa mga kababayan nating paris ni Ninoy?

    I must say na “Martial Law ang kumitil sa buhay ni Ninoy” — pero hanggang duon lang yun. Ang diwa ng pakikibaka niya ay nananatiling buhay sa puso ng maraming(?) Pinoy …SANA .

    Nagbibiro ka lang, batopik… hindi ba?😉

  3. may halaga pa ang 25 cents sa ngaun lalo na ang pamasahe sa jeep at tryk eh may excess .50 or 5o cents hehehehe

    happy ninoy aquino day🙂

    klasmeyt pwede na ulet magcomment sa blog ko🙂

    ————————————————

    Klasmeyt: Ay ganun ba?
    Yung mga mamera (1 centavo) o “butones” — nung grade 1 pa lang ako sa Sta Mesa, limang ganun makakabili ka na ng isang basong “palamig” o “sa malamig.”😆

    Tengkyu, klasmeyt. 🙂

  4. npanod ko sa news c galman daw po 22o bumaril kay ninoy🙂

    ————————————————

    HBH: Uy, nagbalik sya… nagkulang lang ng isang letra.
    — tsalamat🙂

    Salamat, binuksan mo ang tanong na yan.
    Matagal nang isyu yan, maski nung kauumpisa pa lang ng “fact-finding” board nuong kababaril kay Ninoy, bago pa yang napanuod mong balita sa tv kagabi (kung iyan nga ang tinu- tukoy mo) — in fact halos taun-taon yata kung maalala ang isyung yan.

    Well, I’ll tell you frankly: I don’t know. … Do you?

    Kung yung “Galman, patay; gunman, buhay” na label sa limandaan dyan sa itaas ang pinagbasihan mo, ganito yun:

    Nung kababaril pa lang kay Ninoy, paulit-ulit na inuusal ng
    mga demonstrators ang mga katagang “Patay na si Galman, buhay pa ang gunman!” … may rhyming nga naman di ba?

    Yung dyaryong naka-link dyan sa limandaan ay ang unang balitang lumabas; gusto ko sanang ipakita yung isa ring dyaryo na nagsasabing “Soldiers shot Ninoy” kaya lang wala akong makita hanggang tinamad na nga ako sa paghahanap.
    Kung ano ang tutuo, “sila” lang ang nakakaalam.

    If identfying the gunman is important, mas importanteng malaman kung sino ang mastermind.😕 Maraming pinag- suspetsahan nuon — CPP, si Imelda, General Ver, at maski si Danding Cojuangco. Yan naman kasing si Galman, o maski pa yung sarhentong nagpasok sa kanya sa tarmac para barilin si Ninoy ay mga ‘isang sawimpalad na tao lang’ (sa context ng sinabi ni Rizal sa isang kabanata sa ‘Noli’ nya) — hindi nag-iisip, basta sunud-sunod lang sa sinasabi ng mga “amo” nila.

    Kaya ako, minsan hindi gaanong bilib dyan sa “Obey first, before you complain” ng mga military… You cannot just put your unconditional faith in human, paano kung ginagamit ka lang? Tamo nga yan — nasaan na si Galman? Patay!
    At yang sarhento na nagpalusot daw sa kanya sa tarmac?
    Nakulong sa bilibid, nadamay pa ang iba … samantalang yung mga mastermind na nag-utos sa kanila, lusot sa sintensya!😡 (Eniwey, may darating na “Judgment” pa naman)

    Kaya ikaw — hindi ko alam kung nasa voting age ka na —
    Pag boboto ka, pakinggan mo kung sino ang ibinubulong ng
    puso mo😉 (pag-aralan mo din) … Sa simbahan nyo kasi
    “one for all, all for one” tuwing botohan, kaya tuloy todo-bola
    at pang-uUTO ang ginagawa ng mga presidentiables sa mga punong pari, pastor o ministro nyo tuwing malapit na ang halalan.

    Huwag mong hayaang sagkaan ng mga iyan ang karapatan mo. At least mapalad ka pa nga nang konti (konti lang) kaysa dun sa mga iglesyang “bawal” daw bumoto.

  5. Siguro para sa iba meron pa, lalo na ang mga maka-ninoy.

    Well not in my case, maka-makoy kasi ako.

    ————————————————

    HBH: Olrayt! Yan ang astig, ipinaglalaban ang prinsipyo!
    May diskusyon ako dyan dito:😉

    PridaaaaaaaaaammmN!!!

    Maka-makoy ka eka mo? 🙄
    Kung gayon, I assume inabot mo pa nung presidente pa sya (mahigit-kumulang 30 anyos ka na siguro?)

    Magli-limang taon pa lang ako nung maupo bilang presidente si Makoy. Samakatuwid, sya na ang presidenteng “kinagisnan” ko. Sa murang isip ko nuon, naging ‘idol’ ko sya, lalu na nung mga panahong hindi pa tayo umaangkat ng bigas; at dalawang piso lang ang katumbas ng isang dolyar. Dumadayo sa Pilipinas ang mga Koryano at iba pang taga-kalapit-bansa natin sa Asya,
    para magtraining dito.

    Pero kalaunan, nagkaisip na ako, lalo na nung nag-martial law? Taga-Laguna ako, at aware ako sa militarismo lalo na sa mga “bar-baryo” sa Timog-katagalugan. Lumaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap. Mas lalong nagdulot ng pangamba nang umabot pa ang rehimen nya ng dalawang dekada.

    Hindi ko kelan man ipagpapalagay na “maka-Ninoy” ako
    (o maski na sino pa syang magaling na hari o poncio pilato) .
    Hindi mo siguro ugaling magbasa ng reply ko sa comments
    ng iba, pero kung iiiskrol mo lang ng kapiraso ang screen mo paitaas, mababasa mo dyan sa kumentong sinundan ng sayo ang “You cannot just put your unconditional faith in human…”😛 Nandyan na iyan, bago ka pa magkumento.

    Nagkataon lang na si Ninoy ang nandyan na naglakas-loob
    na “banggain” si Marcos (dito ako bumilib kay Ninoy) …
    Hindi naman tamang maging loyalista ako ke Marcos dahil lang “maka-makoy” ako o dahil lang “si Marcos sya.” Kung nangyari sigurong hindi namatay si Ninoy at sya ang naging presidente, hindi din uubrang tatango na lang ako kung aabuso din sya.

    Hindi kabalingbingan yan — ano ba ang mas mahalaga: ang pagiging “loyal” natin sa iisang tao, o ang interes o kapakanan
    ng mas nakararami nating kababayan? Yan ang kaibahan ng diktaturya sa demokrasya.

    At palagay ko naman, ang ipinaglalaban ng matitinong Pinoy nuon ay ang ipinaglalaban ni Ninoy, hindi “si Ninoy lang.”

    Siguro nga magaling si Marcos…🙂

    ————————————————
    ————————————————

    [Appended later]

    “…sinful men could not be trusted with power.”
    See “III. The Dispensation of Human Government”
    (click for recent post) → Torah

  6. May joke ako, pero nilipat ko sa iba post (hindi ko binura).
    Baka me mag-squeal, ma-technical ako ng slander.😳

  7. nakakalungkot kasi ganito na yung nangyayari sa bansa natin..😦
    Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa hangga’t merong mga taong pinaglalaban yung tama!

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Yung dad ko nuon, minsan umuwi nang sugat-sugat at gula-gulanit ang damit… Napadaan pala dun sa area ng Plaza Miranda ba o Centro Escolar University? (basta sa Manila) — naipit sa banggaan ng mga metrocom at rallyista. Si 1st brother ko ang mas nakatanda sa itsura nya, dekada sitenta nuon.

  8. mahalaga ang history, basta wag lang iurong at wag lang ibahin… hanu ba yun, sa pinas kanya kanyang gawa na lang talaga ng istorya ano? pero turning point talaga yang istorya na yan ni ninoy, di ba?

    ————————————————

    HBH: Minsan ini-imagine ko rin: kung hindi kaya nabaril si Ninoy, may People’s Power kayang nangyari. Kung napatalsik din kaya si Marcos nang hindi namamatay si Ninoy at sya ang humaliling presidente, mas okey kaya o hindi ang Pilipinas ngayon?

    Napaka-uncertain. Kaya malaking bagay talaga ang magagawa ng mas marami — kaya nga daw democracy.
    Hay buhe, anu ba talaga? Theocracy na nga nuon sa Israel, sumablay pa… napaka- “anprediktabol” at pasaway ng tao.😆

  9. may halaga pa rin ang 25 centavos. hindi magiging isang milyon ang isang milyon kung kulang ito ng 25 centavos.

    ————————————————

    HBH: Oo nga no… 999,999.75 pesos lang.🙄
    Biro mo nga yun, milyonaryo na sana ang isang tao, hindi natuloy dahil nawala lang yung 25 sentimo nya.

    Ahehe… ikaw talaga. Pero okey yun a.😛

  10. […] Parang kailan lang… may isang mamang sa pag-uwi ay nagbuwis ng buhay. Parang kahapon lang, buong Bayan ay nagkamalay; Sa sinimulan ni Ninoy, si Cory ang nagpatuloy. […]

  11. […] Sabihin na lang nating inabot kasi ako ng hanggang
    May 10 na (malibang anak ng isa kong dating ‘idol’)
    hindi ko pa sya lubusang kilala.🙂 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: