Sigaw!

Grrrr!!! Raaaaaaaawrrrr!!!

Nalilito talaga ako sa mga palipat-lipat ng mga holidays natin. Kung hindi mo gaanong gamay ang Philippine History, hindi mo na malaman kung kailan ba nangyari ang kung ano.

Tulad nitong Araw ng mga Bayani… Sabi ng isang source, every 26th day of August… Eka naman ng iba, every 4th Monday of August, which, in this year falls on August 25.

Nung tignan ko naman sa 2008 calendar namin, August 31 (Linggo) ang pula… NyAy!? – talaga palang pula, Linggo nga eh.

Tignan ko nung nakaraang taon (2007), August 26! Tignan ko din yung 2006, August 27! Teka muna, bakit nga ba ako nag-iipon dito ng kalendaryo?

Psst! … ni-move na sa Lunes a? … August 25 !:mrgreen:

Ha? Nipospon uli? (Ano ba talaga ateng?)”😕

Haiiii! Wafaaaa!!! Yaaaaaaaaiiiikks!!! (Sigaw-karatista yan!)

Ahehe… huwag po kayong mag-alala – hindi ako talaga galit. Ansarap lang kasing mag-ranting minsan, maski hindi ka tutuong galit.😆

Hindi naman importante kung anong araw di ba? Yung diwa ng holiday ang mas mahalaga… Kaya yang palipat-lipat ng dates, ayaw ko nang usisain kong may advantages o wala. Sa ganang akin nama’y walang epekto yang mga ipit na araw o extended vacation, dahil dito lang ako sa bahay nagtatrabaho. Sarili ko ang time ko, sarili ko rin ang boss ko – yehey! (Ahehe… bossing ko nga rin pala si misis!) … Pero syempre, makikihapi na rin ako para dun sa iba!

Ay yung gulok ba?🙄 Huwag kayo matakot, hindi ko yan ginagamit sa tao, maski pa ba galit ako. Panghiwa ko na lang ngayon yan ng kalamansi, o kaya pambalat ng cawwots para sa mga hamsters ko.

Mahilig kasi ako mangulekta ng mga iba’t-ibang knives. Yung dalawa, may pikyur dun sa post na sumunod dito.

Meron akong side knife ng Mandaya (isang tribong Lumad) na nabili ko nuon sa Davao. May nabili din akong punyal sa isang Bisaya sa Alimall sa Cubao. Yung maliit na salimpusa sa pikyur (next post), hanyo na – miniature samurai lang yun na nabili ko nung magpunta akong Japan. Ahehe, nag-alala kasi ako bumili ng tutuong samurai, baka harangin sa Custom dito sa airport natin. Walandyo, anluwag pala pag red pasupoto ang dala mo… tsk tsk tsk, indi ku alam yun ah!? Tsayang!😕

Sa isang pagpunta ko sa Batac, may nabili akong buneng o tabak-Ilocos na yari daw sa RILES ng tren. Yung ibang mga riles kasi natin sa gawing pa-sentro at pa-norte ng Luzon ay matagal nang napabayaan, kaya binaklas at pinagnanakaw na lang duon. Napabayaan nga naman kasing nakatiwangwang at kinakalawang lang. (Ano naman kaya ang ipinag-recycle sa mga tren?)

As a salestalk, itinaga pa ng ilokanong tindero dun sa bakal yung buneng – nagmarka yung bakal na tinaga, pero hindi nabungal yung tabak. Eyan yung pikyur ng buneng o, ginagamit kong pamputol ng puno ng aratiles nuon sa staff housing… Ang talas ano?

Simula nung lumipat kami dito sa 4th floor ng building, wala na akong mapaggamitan kundi pang-biyak ng buko o niyog pag bumibili ang misis ko.

Dyan ako medyo naintriga sa gulok na nasa pikyur sa itaas. Binili ko yan sa isang officemate kong Bikolano nuon sa PhilRice. Panabas ko naman sya ng damo nuon sa staff housing. Ayaw kong gumamit ng karit (scythe) kasi ‘pabalik’ ang talim nya, baka madale ang kuko ko. Saka, palitan mo lang ng mahaba ang handle nun, para na syang karit ni kamatayan nyay!😯

May similarity po daw kasi ito sa mga bolos na ginamit ng mga katipunero. Maliit ba eka nyo?🙄 Hongah no? Indi… baka beybi pa sya (Sige na, pumayag na kayo).

Kung totoo ito, ay meron pala akong itinatagong gulok ng Katipunero! Hindi kaya ito ang mismong tabak ni Andres Bonifacio na ginamit nya kay Magellan?

“Teka, teka… ang gulo yata? Mali ang sabi mo! Balisong kaya ang punatay kay Magellan, hindi bolo.”

Sige na nga. Lalo lang gumulo ang kwento… ignore nyo na lang yang bolo ko.

Eto ang talagang istorya…

Buwan ng Agosto nuon, taong 1896. Isang miyembro ng Katipunan na ang pangalan ay Teodoro Patiño ang nagtiwalang sabihin sa kanyang kapatid na babae ang lihim na kilusan. Nataranta itong si babae, at ang kanyang pagkabalisa ay napansin ng isang kasamahan nyang madre (?) sa isang bahay-ampunan. Nakiusap itong si sister kay Patiño na ibulgar ang lahat ng kanyang nalalaman kay Padre Mariano Gil, ang kura-paroko ng Tundo nuon.

Siguro natakot itong si Patiño na “hindi sya pupunta sa langit” nung nakausap nga nya itong si Padre Gil. Kaya ibinulgar niya lahat: Itinuro yung “lithographic stone” na ginagamit sa paglimbag ng mga resibo ng Katipunan na matatagpuan sa printing shop/press ng Diario de Manila (Manila Daily). Sinabi pang may ginagawa duong mga tabak at punyal mula alas-dose hanggang alas-dose y medya ng tanghali. Empre, nabulgar na rin ang mga mayayaman na sumusuporta sa Katipunan dahil sa mga pangalang nakita sa mga resibo.

Iyang mga kura naman, bumabait lang sa mga non-religious authorities (gobernador-heneral, alperes ng guwardya-sibil) pag kasamang nanganganib ang buhay at ari-arian nila. E di nagsumbong nga sa mga armed-powers ang kabanal-banalang mga Fray-Botod na ito.

Ano pa nga ba? Wala nang atrasan ito. Nung Agosto 23, pinulong ni Andres Bonifacio ang lahat ng miyembro ng kilusan sa Balintawak, isang simpleng lugar lang nuon sa Kalookan. Nagkasundo silang simulan na ang “paghihimagsik” laban sa pang-aapi ng mga kastila. Kung baga sa lengguwahe ng mga bagets ngayon, ay masyado ma-“EMO” ang ambience: lumuluha ang mga rebeldeng magpunit ng kanilang mga sedula at nagsipagsigawan ng:

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!

Inabot na yun ng madaling araw kinabukasan (Agosto 24), hanggang painot-inot silang naitataboy ng mga kastila sa Balara (malapit sa UP Diliman ngayon), hanggang sa Marikina. Alam nyo ba ang mga armas nila? Mga tinulisang buho (kawayan) lang para magsilbing sibat, at mga gulok – paris nung sa akin. At syempre pa, armas din nila ang katapangan at pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Maski hindi sila nagtagumpay agad sa unang sagupaan, nagtagumpay naman sila upang gisingin ang kamalayan maka-Pilipino ng marami nating kababayan.

Tuwing lumuluwas ako at binabaybay na ng sinasakyan kong bus ang Cloverleaf exchange papasok ng EDSA… kapag iniikutan na ng bus ang estatwa ng “supremo” na nakataas ang dalawang kamay – pulang bandila sa kaliwa at gulok sa kanan… Ano pa nga ba ang unang ‘maririnig’ ko kundi ang Unang Sigaw sa Balintawak?

Nuon ubra ang ganyanan. Ngayon…🙄 … ayush pa siguro ang “sigaw” pero… kelangan pa bang “mag-TAGA-an”?

Nyanga pala. Kaya din gulok ang pikyur dyan kasi na-“taga” na naman ako: Ni-TAG ako ni inaanak ko.😀

Salamat eloiski – ganitong klaseng “tagaan” lang ang APRUB ko.

Ang sagot ko? Puntahan nyo na lang sa post na sumunod dito.😉

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/23/sigaw/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. […] Tsak! – Mas “may arrive” ang post na ito kung babasahin nyo muna ang sinundang post. → “Sigaw” […]

  2. weeeeeeeeeeee!!!
    ninong!
    sigaw natin ang tagaan!

    lagi na lang nga nimomove ang mga holidays kaya minsan hindi na natin macelebrate ng maayos ang mga events na ito!
    sa susunod baka pati krismas at new year, imove na rin!
    homaygawwwd!

    ————————————————

    Ninong: Hala… gising ka pa, nagpupuyat ka.😛

    Ahehe, at least dire-diretso naman yata bakasyon nyo.
    Ang mahirap kamo, baka ilagay ang lahat ng holidays
    (undas, krismas, nyu yir, balemtayms, and all) sa summer, kasunod ng holywik — ay luging-luge!😆

    Mas lugi pa siguro kung pagsabay-sabayin ang pyesta ng lahat ng bayan at ang berdey ng lahat ng tao. ahehehehe😆

  3. sa aming mga estudyante, mas masaya talaga ang marami ang holidays.. ahahaha seryoso yun.. nakakapagod kayang mag-aral.. kaya isa kami sa mga nakikinabang kung magkakaroon ng long weekends.. nababawi yung puyat.. hehehe.

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Sempre… kaya ako man, maski hindi gaanong apektado, sa inyo ay nakiki-hapi!😉

    Hindi lang sa mga estudyante… maski sa mga nag-oopisina
    man siguro? (lalo na sa mga nanay at mga tatay)
    Natural, extended bakasyon, dagdag panahon para sa pamilya’t mga mahal sa buhay!😀

  4. aba… eh bigla akong natakot sa ano man ang tawag mo dyan sa bagay na yan… parang feeling ko ako yung sasaksakin. hehehe! pero salamat kasi inexplain mo ulit ang kahalagahan ng mga sinakripisyo ng ating mga bayani nuon. di ko na nga rin inaalam kung anong holiday ang meron. makapagpahinga… ang sama ko! hehehe!

    ————————————————

    HBH: Eeeek! Ako man nuon, kinekerbiyos pag nakakakita
    ng kutsilyo at itak.😯 Saka tinginin mo yung kamay ko, tita — mala-kamay kaya ng babae, parang hindi makabasag-pinggan, hihihi.😳

    Donk wori, itong “tabak” lang na sinasabi sa Hebrews 4:12
    ang can afford akong iwagayway at gamitin:😉

    “For the word of God is living and active. Sharper than any double-edged sword, it penetrates even to dividing soul and spirit, joints and marrows; it judges the thoughts and attitudes of the heart.”

    Daig pa ang samurai o laser sword ni voltes five nyan… Wagi!🙂

  5. oo nga… dapat hindi inililipat yung mga important dates na iyon sa iba… nakakabanas. para san pat sineselebreyt yun sa araw na yun.

    ————————————————

    HBH: Hati talaga ang opinyon ng mga kababayan natin dyan.
    Yung iba, mas preferred sa orihinal na petsa — dahil may sentimental value ito eka; Sa iba naman, mas okey na palipat- lipat — ayon sa praktikal na pangangailangan nila.

    Salamat for voicing out your opinion, makoy.😉

  6. Tito,

    Magde-design po kami ng tarpaulin at invitation cards ni lola. Penge naman po ng pics, 1 pic for every decade, kung meron. Thanks

    Tito Arleen😎: Ian, ni-send ko na sa email mo kanina…
    Kaya lang maliit? Tapos blurred pa yung iba, kasi si Tita Choi mo ang kumuha.😆

  7. By the way, pwede po high-res para malinaw sa tarp. 3′ x 5′ po ang size so mga 2592px X 4320px ang pixel dimensions.

    Tito Arleen😎: Sayang… galing si Lola mo dito nung Sabado’t Linggo — sana pala kinunan ko na lang sya.😛

  8. music sa tenga ko pag nide declare na alang pasok.. hahah!

    dagdagan mo pa ng Yah! pag nagtetraining ka sa karate ahehehe…

    minsan maganda din kapag ni mo move yung hilodays.. yun bang tipong sunod-sunod yung araw na walang pasok.. awww sarap! hahaha

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ako man, iyan ang ina-asam-asam ko nung nag-aaral pa ako, mahabang bakasyon.

    E di lalo na nung nagtratrabaho na ako – para marami akong time sa pagga-gardening… Kaso, tumityempo lang pag Monday o Friday yung holidays, kasi parang wala akong natatandaang nimo-moved na holidays nuon, simula kay Marcos hanggang kay Erap.😆

    Karate? Ahehe, pakita ko lang sayo mga pikyurs na kuha sa amin ng dad ko nuon (click mo yang “Pix”es) :

    Pix #1 – ako yung 2nd from right. Karatistang kursilista ang tatay ko nuon (obyus sa T-shirts naming magkakapatid).

    Pix #2 – ako yung nakapulang pants. Yung mga binatilyo dyan, yung isa tyuhin namin, yung isa nagbo-board sa bahay namin.

    Pix #3 – ampogi ko no?😆 … mukhang girl!

    Hmm…🙄 …tignan ko kung maalala ko pa yung mga self-defense at martial arts na ibinibida ng daddy ha?

    Kung Fu – originated from Chinese or Tibetan monks yata sa Shaolin temple?

    Karate – literally mean “open hand” …Japanese, particularly Okinawa

    Jet-Kune-Do – pinauso ni Bruce Lee.

    Aikido-yawara, Judo, Jujitsu, Kendo – Japanese din, pero pinakaborit ko yata ay ang Sumo.

    Kempo, Taekwondo – Korean… Daig pa ang natadyakan ka ng pulang-kabayo (Redhorse)😆

    Eto, alam mo? 😆 Sabi ng tatay ko ito pinakamabisa kapag hindi na ubra lahat yang mga nasa itaas:

    “Sayona-chi!” – “Sayo na chilelas” ko, kasi tatakbo na ako.😳

  9. […] Taga. May naalala ako… malapit na naman pala.
    Sana wala nang ratratan. Ehe… siguro, kasi sa dyokdyokan
    at volahan tutok-pansin ang lahat ngayon. […]

  10. […] Araw ngayon ng “supremo”, pero sa halip na magbidahan uli tungkol sa kasaysayan, bigyang-pansin natin ang kinabukasan ng bayan. […]

  11. […] Ibang panahon yun pate’ … ibang konteksto. […]

  12. hi🙂
    ————————————————
    (27 March 2013)
    homebodyhubby:🙂 Jello!

  13. 😛
    ————————————————
    (27 March 2013)
    hombundokhabi:😀

  14. Ilan sa mga lataks na naiskabenj ko nuon.

    Tagal na palang meron

    nyang poks-barel?

    Oo naman, iba-iba lang neyms:

    Chitcharon, sisig, liempo…

    Pakiyelaboreyt na lang ang isyu, mga boks.😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: