TAGaan, the olrayt kind

Dalawa lang sa mga koleksyon ko. (For details, see my previous post)

Tsak! – Mas “may arrive” ang post na ito kung babasahin nyo muna ang sinundang post. CLICK this “Sigaw”

Salamat, my virtual inaanak – na-timing sa holiday ang TAG mo sa akin!😛

Here’s the rule

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

Mas malimit ako sa BAHAY dahil nandito lang naman ang trabaho ko, kaya puro sa paligid lang ng bahay itong nasa listahan ko.

  • Banyo. Walang duda… araw-araw yan, tuwing umaga. Ang kaibahan lang, itong banyo namin ay nasa labas. Pero hindi ito batalan ha? Ito kasing unit na inuupahan namin ay dinisenyo para opisina o commercial space. Kaso dahil nga nasa 4th floor, tinatamad umakyat ang mga costumer, lalo na yung mga may hika at rayuma. Kaya eyun… naipaupa samin as residential space – nakamura na kami, feeling nasa condominium pa!
  • Loob ng bahay. Studio-type ito. Nilagyan lang ng dividing wall sa gitna para may sala-kusina at kwarto. Sa sala ako nagne-net, sa kusina kumakain (sempre) at sa kwarto nagpe-frame… Maghapon nasa loob ako, mapuwera na lang pag lunch break. Saan ako pumupunta?
  • Balkonahe. Nasa labas ng bahay, pahilaga o eastward, sa bandang harapan ng building (CLICKable yang mga pulang letra). Mas mainam tumambay dito pag katanghaliang tapat kasi mainit sa loob. Malilim na dito sa balkon – hindi paris pag umaga, grabe sa “silaw.”
  • Loob (uli) ng bahay. Balik-trabaho uli, at pag-i-internet nang pasingit-singit. Sa dapit-hapon, tatanaw sa bintana ng western wall, sa kwarto naman – para manuod ng diurnal paintings ng Panginoon.😉

2. Four people who e-mail me regularly

Ahehe, may slight similarity ng kay eloiski:

  • WordPress. Lahat ng comments at pingbacks sa blog, pumapasok din sa inbox ko sa yahoo mail.
  • Flickr, YouTube, Platial. Tatlo yan. Yung sa Flickr at YouTube, bihira na lang kasi hindi ko na maharap makipagkulitan sa mga prends kong porendyers na hamster-labers.
  • My three brothers. Bihira, but regularly – tuwing birthday ko, o kaya pag uuwi sila ng Pinas.
  • Bestfriend. Hindi rin ganun kadalas, pero regularly. Pag birthday ko, o pag ni-greet ko sya tuwing birthday niya, pag holiday seasons, at tuwing may ipadadalang magagandang libro.

3. Four of my favorite places to eat

Hindi ako masyadong patutyal, kaya dito lang:

  • Sa bahay. Maski anong “sinarobot” na luto ni misis, okey lang. Sinarobot – term ng mga in-laws ko sa mga lutong in-experiment lang.😆
  • Chowking. Pag lumuluwas ng Maynila, walang palya ang pag-chibog dyan. Dito sa amin, mayroon nyan sa Cabanatuan, sa San Jose City, at mayroon na rin sa Talavera. (Mabanggit ko lang, may pumasok na pikyur dyan sa PlatialMap ko sa pinakababa ng sidebar ko – hindi ko mawari kung sino at kung saan galing, hindi ko naman na mabura! Pakilala naman kayo, mga kapit-bayan ng hamster ko!)🙂
  • Bodhi-Bodhi. Sa SM fastfoods, may mga vegetarian dishes sila. Matsatsalap… itsura at medyo lasang karne, pero pag hindi ka sanay, baka manibago ka. May isinama kami minsan na mga pamangkin ni misis dito (saksakan ng sosyal ang ina). Takam na takam nung makita ang mga ulam, nung kumain na eh masuka-suka!
  • Kenny Rogers. Sarap chikin nila dun, saka yung baby-back ribs, saka yung “mamon” (muffin)? Ngayon bihira na kami kumain dun kasi mahal na.

4. Four places I’d rather be

Sa earth lang ha? Sa Pinas for lifetime stay, kaya ito ay pasyal lang, o maski hanggang PANGARAP lang, hane?

  • Jerusalem. Gusto ko makita ang Wailing Wall (Western Wall) at ‘mag-iiyak’ duon. 😛 Hindi nyo naitatanong, ito na lang po ang natitirang bahagi ng “templo ni Solomon” kung saan nagpakita nuon ang Shekhinah glory ng Panginoon.
  • Tokyo. Ahehe, napuntahan ko na nung 1996 (Platial map, wala pa pikyurs). Ansarap mag-shopping-shopping ng mga camera at accessories sa Shinjuku (Sakuraya at Yodobashi camera shops) Sana makabalik ako ngayong uso na digital cameras.😀
  • Australia. Hindi masyado sa inhabited coastal areas, kundi duon sa mga wilderness sa parteng gitna (Sarap sigurong maki-hop-hopping sa mga kangaroo?) Pede kaya mag-uwi ako ng koala para may pet si Amboy da blind hamster ko?🙄
  • African safari or Amazon jungle. Syempre pa, mahilig kasi ako sa wildlife. Saka aanhin ko ang mga bibilhin ko digicam sa Tokyo kung hindi ako manunyut nang feeling-NatGeo sa mga madawag at masukal na bundok-gubat dito? 😆

5. Four TV shows I could watch over and over

Super-babaw ang kaligayahan ko (at ni misis) kaya tek nowt nyo yung una’t-huli.

  • Kartuns. Especially Tom and Jerry, yung pusa at daga na hindi mo mawari kung magka-away o magkakampi.😆
  • NatGeo. Iba’t-ibang feature, natural. Mahirap naman yung paulit-ulit na nood ng replay lang, baka mamemoryado ko na yan.
  • News and Documentary. Local and International channels. Sana magagandang balita naman
  • Funniest videos. Pinoy man o pang-dayuhan. Wis ko lang type praktikal jokes na pwedeng ikaatake ng ‘jokee’ na may altapresyon o sakit sa puso.

Pede pa humirit ng isa? Eto Church Channel, hanapin nyo na lang.

6. Four lucky blessed winners (of this tag)

Maski sinong may gusto! Hinahamon ko kayo ng tagaan!😡 …errr😳 – ng olrayt” na “TAGaan!” … kayo naman…😉

Published in: on 24 August 2008 at 12:15 am  Comments (9)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/24/tagaan-the-olrayt-kind/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. […] Ang sagot ko? Puntahan nyo na lang sa post na sumunod dito. […]

  2. weeeheee!
    ninong!!!!!!!!
    salamat sa pagsagot ng tag!

    ————————————————

    Ninong: Yur welkam!😉

  3. ako din pang cartoons! yey cartoons! nga pala, ang post ko ay tungkol sa aking jin baka gusto mong bumisita!

    ————————————————

    HBH: Talaga, prinsesa? Apir!😀
    Bakit kaya lahat yata ng kakilala kong mahilig sa pets
    ay mahilig din sa cartoons?

    Hindi pa rin clickable name or avatar mo, prinsesa…
    pero hamo malapit na ako mag-revise ng blogroll, i-add kita.

    Ililipat ko na blogroll ko samwer, masyado malaki ang spacing dyan sa sidebar… Baka kasi pag iniiskol down kanilang screen,
    ang mga readers ko ay naduduling. 😛

  4. talagang homebody hehehehe…!

    ————————————————

    HBH: Uu… pero minsan inip din ako, gusto ko na maarawan nang matagal-tagal.

    Di bale, pag nagawa ko na yung mga “transport carriages”
    ng mga hamsters ko, pwede na namin sila isama ni misis sa pagluwas-luwas sa mga mom at byenan ko.😛

  5. haha klasmeyt, nataga ka din pala ni eloiski. hahaha sana olrayt ka lang jan ehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Oo nga, klasmeyt!
    For the sekon taym, magkaklase na naman tayo!😀
    Matandaan mo pa ba ito?

    Nang una kitang naging klasmeyt

    Nung ako’y nagpakilala sa iyo” (tinginin mo comment ko)

    Si eloiski pala uli ang mam natin! (Hello to my inaanak!)😉

    Yes, klasmeyt… am okey sa olrayt!🙂

  6. sa wailing wall dati madalas po dun yung mom ko..

    Ahehe sa Japan po dati yan ang pinakauna kong gustong puntahan tas ngayon Korea na pangalawa na lang ang Japan.. ahehehe.. Aww ke mahal naman daw po dyan sa Tokyo magshopping. wa… Gusto ko sana magpabil;i ng kimono sa cousin ko na nandyan kaya lang worth 20,000 daw yung pinakamura.. wag na.. papatahi na lang ako.. LOL

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Nung nakita ko nga sa isang post mo
    yung pikyur ni mama mo sa Wailing Wall, nahili ako…🙂

    Yang Japan, pangalawa ko dyan, pero ngayon siguro,
    pang-apat o panlima na kasi napuntahan ko na… Pero sa tutuo lang, pag may chance, type kong bumalik kasama si misis.

    Kimono? Yung kimonong damit nila o yung kimonong pang-karate? Ahehe, sabagay maski ano dyan mahal duon… Stocking yata ang nabili kong mura sa Okinawa.

  7. […] May itataga ka pa?
    Arya…😉 basta “olrayt na TAGaan” lang ha! […]

  8. olrayt!

    ————————————————

    HBH: Ahright!😀
    Lagay kita sa blogroll ko…

  9. […] Isn’t it the real thing? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: