TAPSIngkobLOG post

Hiram ko lang ang magandang picture sa Website na ito.

Hindi po ito tag, but I decided to place it under my “TAGo sa lungga” category.

In-encourage kasi ni bluedreamer ang mga co-bloggers nya na mag-post ng kani-kanilang Top 5.” Nabanggit nya din ito sa akin sa comment nya dito minsan.

Am sure hindi ito papasa sa criteria to be posted by him on his blog in celebration of his blog’s anniversary next month. Firstly, I broke the rules: pumili ako ng sariling topics ko 😳 ; and secondly, puro personal choices ko lang ito (The titles should run like “My top 5 ALMUSAL” or “My top 5 [teddy] BEARS”) — walang dudang hindi ito ang top five choices ng marami.

Kaya, bluedreamer… okey lang na hindi mai-repost ito — hindi ako magtatampo, pramis. 😉 Ang tutuo, natuwa lang din akong sagutan ang ‘top 5 challenge’ mo at gumawa ng sariling version ko. 🙂

Olrayt… ang aking limang “Top Singko.”

————————————————————————————————

Nabanggit ko na rin lang yang “tapsilog” ay umpisahan muna natin sa agahan. Breakfast naman talaga ang unang ginagawa natin pagkagising — kapag nalilimutan ang pagku-“quiet time!” 😳 (Quiet time is a daily personal devotion to God by praying and reading the Bible)

(My) Top 5 ALMUSAL

Balita ko magiging 30 grams na lang ang dalawang pisong pandesal, kaya eto na lang.  Unang nauso ang mga ‘express breakfast’ na ito nung kagagradweyt ko yata ng college? Ang pagkakatanda ko, sa mga rolling shed stores pa nga nag-umpisa, later ginaya ng mga fastfood chains like Jolibee. Pero mas type ko pa ring bumili nuon sa mga nauna, kasi maski pasado alas-diyes na ng umaga, nagse-serve pa rin sila.

Hindi na ako naghagilap ng pikyurs, kaya imaginin nyo na lang, hanggang kayo’y magkatakam-takam.

1. Tapsilog = Tapa + sinangag + itlog (Nakatikim na ba kayo ng tapang-baboy ramo?

E tapang-usa? Dito sa amin may matandang malimit mag-alok, galing sa Nueva Vizcaya.)

2. Longsilog = Longganisa + sinangag + itlog (“Shortsilog” pag tinipid yung longganisa)

3. Tosilog = Tocino + sinangag + itlog (Mekeni! Pampanga’s best, hindi pahuhuli)

4. Bacsilog = Bacon + sinangag + itlog (Bacon? Ang sosyal!)

5. Dasilog = Daeng na bangus + sinangag + itlog (No trobol with kolesterol!)

CLICK HERE for the other 4 of my Top Five choices.

Published in: on 28 August 2008 at 5:25 pm  Comments (9)  
Tags: , , , , ,