TAPSIngkobLOG post

Hiram ko lang ang magandang picture sa Website na ito.

Hindi po ito tag, but I decided to place it under my “TAGo sa lungga” category.

In-encourage kasi ni bluedreamer ang mga co-bloggers nya na mag-post ng kani-kanilang Top 5.” Nabanggit nya din ito sa akin sa comment nya dito minsan.

Am sure hindi ito papasa sa criteria to be posted by him on his blog in celebration of his blog’s anniversary next month. Firstly, I broke the rules: pumili ako ng sariling topics ko😳 ; and secondly, puro personal choices ko lang ito (The titles should run like “My top 5 ALMUSAL” or “My top 5 [teddy] BEARS”) — walang dudang hindi ito ang top five choices ng marami.

Kaya, bluedreamer… okey lang na hindi mai-repost ito — hindi ako magtatampo, pramis.😉 Ang tutuo, natuwa lang din akong sagutan ang ‘top 5 challenge’ mo at gumawa ng sariling version ko.🙂

Olrayt… ang aking limang “Top Singko.”

————————————————————————————————

Nabanggit ko na rin lang yang “tapsilog” ay umpisahan muna natin sa agahan. Breakfast naman talaga ang unang ginagawa natin pagkagising — kapag nalilimutan ang pagku-“quiet time!”😳 (Quiet time is a daily personal devotion to God by praying and reading the Bible)

(My) Top 5 ALMUSAL

Balita ko magiging 30 grams na lang ang dalawang pisong pandesal, kaya eto na lang.  Unang nauso ang mga ‘express breakfast’ na ito nung kagagradweyt ko yata ng college? Ang pagkakatanda ko, sa mga rolling shed stores pa nga nag-umpisa, later ginaya ng mga fastfood chains like Jolibee. Pero mas type ko pa ring bumili nuon sa mga nauna, kasi maski pasado alas-diyes na ng umaga, nagse-serve pa rin sila.

Hindi na ako naghagilap ng pikyurs, kaya imaginin nyo na lang, hanggang kayo’y magkatakam-takam.

1. Tapsilog = Tapa + sinangag + itlog (Nakatikim na ba kayo ng tapang-baboy ramo?

E tapang-usa? Dito sa amin may matandang malimit mag-alok, galing sa Nueva Vizcaya.)

2. Longsilog = Longganisa + sinangag + itlog (“Shortsilog” pag tinipid yung longganisa)

3. Tosilog = Tocino + sinangag + itlog (Mekeni! Pampanga’s best, hindi pahuhuli)

4. Bacsilog = Bacon + sinangag + itlog (Bacon? Ang sosyal!)

5. Dasilog = Daeng na bangus + sinangag + itlog (No trobol with kolesterol!)

Top 5 (Teddy) BEARS

This portion was posted by

Bluedreamer in his

MY GUEST TOP 5 LISTER

under the title

TOP FIVE COMMONLY KNOWN BEARS

(11 September 2008)

CLICK THE AWARD FOR THE LINK ►

Top choices kong “giant hamsters”😆 Golden/Syrian hamsters (like mine) are also called “Teddy bear hamsters.”

Grizzly (Brown) bear. Meron akong hamster na mukhang ganito😆 → si Warwik

Syrian (Brown) bear. Hmm.🙄 more or less → si Mocha

Polar bear. Walang duda😛 → si Gandalf

Giant Panda. Pwede na ‘to😆 → the Lupindilayk twins

(American) Black bear. Wala pa ako nito.

Hindi ako papayag na hindi isali itong susunod. Sa mga “oso”, sya lang ang pede i-HUG nang hindi magkakalasug-lasog ang iyong mga butu-buto.😆 Ibili ko kaya ng ganitong pet si Amboy ko? (Hindi ko na nakikita yung DSL e):

KOALA bear

Sa Wikipedia pa lang ang alam kong pinakamabilis maghanap.😆 Sori nalang duon sa mga self-proclaimed ‘super-henyos’ na nababaduyan dito. Magaling naman kayo, ay bakit hindi kayo gumawa ng sariling web-psychopedia — eheste, web-cyclopedia nyo? Mga itoy at mga ineng: Mainam yang magaling at matalino… Kaya lang, huwag masyadong reklamador at pintasero, hane? — para hindi kayo nabibisto.😉

Top 5 Puttitat (Pussy CAT) CARTOONS

😀 Again, again, again!

This time under the title

TOP FIVE MOST POPULAR PUSSYCAT CARTOON CHARACTERS

(17 September 2008)

CLICK THE AWARD FOR THE LINK ►

Pusang makukulit.😆 Dahil sa above ↑ “teddy bears” na bantay-higpit, sa hamsters ko’y hindi makahirit!

In fairness, mahilig din ako sa pusa. Cats can be trained to “forget” their small-animal pet-poaching habits.  Kita nyo nga… Hindi ba ang sweet nyang pusa at daga sa huling kartuns?  Eto mga pusa ko nuon (CLICK it) → Mga salimpusa

Top 5 places (PHILIPPINES)

Eto ang talagang personal na “Top singko” ko, kaya sasabayan ko ng kwento. Kung hindi nyo type ay yung pikyurs na lang. Sampol lang naman ng mga provinces or regions na aking napuntahan. Huwag maging dayuhan sa lupang sinilangan. I-explore at tangkilikin ang ating sariling bayan.

CORDILLERA. Hindi ko pa napuntahan itong Mountain Province, kaya pikyurs ni 3rd brother ko ang mga ito. In fact dyan ko gustong matira sa Sagada — pero hindi sa mummy caves nila ha? Takut ako mumu…😯 Nyay!

May limestone cave din dito sa subterranean river sa Palawan. Yung inset sa upper left corner is supposed to be the inside of the cave, kaya lang talagang madilim. Kung sa dagat din lang, number 1 choice ko ang area ng Palawan.

Kung bundok-hiking naman ang pag-uusapan, Laguna ang pinakamadali kong puntahan. Okey pa kasi ang tropical rainforest sa Bundok Makiling. Nangangaunti na kasi ang mga virgin (forest) natin. Buti pa yung nanay daw ng Diyos, forever birhen daw (huwag nyo na kasing ipagpilitan — walang masama o bastos kung hindi, may asawa sya. Off-topic, pero baka gusto nyo lang silipin itong isang Bible trivia na hindi ipinaaalam sa inyo ng mga religious leaders nyo → Isa lang?).

Anong sey ng “Leaning Tower of Pisa” ng mga Italiano? (“Hybrid ng Ita + Ilokano, kunana…”:mrgreen: Tsk,tsk, tsk!😕 Salbahe ka ha? Sabi ko huwag kang pintasero! Kahit hindi pa ako masyado nakakaintindi ng Iloko, Ilocano kaya ang ibang ninuno ko). Magandang pasyalan ang mga lumang bahay at simbahan dito sa Ilocandia.

MINDANAO. Yung tatlong naunang pikyur ay panahon pa ng durian nung kami’y napadaan. Ingat ka raw pag nasa ilalim ng puno nito kasi pag hinog na hinog na ay kusang naglalaglagan. Pag natumbok ka sa ulo, sekondari daw sa binagsakan ka ng bala ng mortar.

Yan yung time na nag-by-land travel kami mula Cagayan de Oro city to RTRomualdez, Agusan. Three days later, from Agusan to Butuan to Lake Mainit to Lipata Surigao to Tagum thru Digos Davao to Midsayap Cotabato walang stop (dyingel lang ang pahinga). Pamatay ang parusa sa kasukasuan. Parang hindi maubos-ubos ang kalsada sa pagkahaba-haba ng byahe.

Yung huling pikyur sa Lanao del Sur ay ibang byahe (long hair na nga o).

May research station kasi sa Midsayap ang dati kong pinagtratrabahuhan.  Sa tinatawag nilang 64” itong pikyur ← 64-hectare na lupang kini-claim din ng mga muslim as their land. CAMERA lang ang kaya naming ipan-shoot, kaya KUNWARI lang yan.😆 Obyus bang hindi marunong humawak ng M16 armalite, at carbine baga iyan? Mas gamay ko pa nga yung ginamit sa ROTC na .30 caliber M1-rifle na “garand😆 — garandtisadong, sasablay ang bala.

Mukhang hindi nga magandang puntahan ngayon ang Mindanao…😦   Tip ko lang: Bakit hindi kayo magbasa-basa about Philippine Islamic history and culture (isama nyo na ang Islam sa world history)? Para at least may idea kayo why a few o them act the way they do today.

Top 5 places (ABROAD)

No to xenophobia. Huwag mag-“sour-grape” kung can’t afford kang pumunta. Sadyang maliliit ang mga pictures na hindi akin, pero clickable yan, matatagpuan sa naka-linked na website.

Ginza, Tokyo

Dito pa lang ako nakapaglakwatsa (feeling diplomat baga?) Syempre nandun na rin lang, pinuntahan ko na ang daigdig ng mga kartuns.

Sa Wiki yang photo, pero sa iba ko ini-link. Isama na rin natin ang buong Middle Eastern countries dito Iraq (the ancient Babylon), Iran (Persia), Jordan, Syria, Lebanon, and Egypt, especially. Mahilig kasi ako sa Biblical archaeology.

Nandito si bestfriend.

May mga dating co-trainees ako sa Japan na taga-Malawi at Tanzania.

Mayroon din akong co-trainees nuon na mga Latino-americano.

Dami ko palang pwedeng kalabitin pag ako’y magpa-flying-flying? Eto ang tanong: May panahon (at datung) pa kaya para muling makapag-GALA?😛 Gising na HBH, nananaginip ka.:mrgreen:

————————————————————————————————

Salamat, bluedreamer… you made my day!😉

Published in: on 28 August 2008 at 5:25 pm  Comments (9)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/28/tapsingkoblog-post/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. ————————
    The Boolaboys
    Napagod si Tatay, bukas na lang sya mag-blog-hop at magreply sa comments!🙄 😆

  2. hey dude i like it im so happy for your participation i will post this and include all of this in my Be my Guest portion this coming September
    slamat ha
    at one thing po mas gusto ko po talaga ang Top five na mula sa sariling opinion
    thank you po

    ————————————————

    HBH: Ay ganun ba?😳 Thank you…

    Yung tatlong naunang Top 5
    (breakfast, bears, cat cartoons) ayush na ayush…

    Pero yung dalawang huli (philippines, places abroad)
    ay huwag mo na kaya isama? Kasi DYAHI yata dahil may mga pagmumukha ko duon?😆 Hiya naman ako sa mga magbabasa ng blog mo, lalo na duon sa mga hindi ako kilala.😳

    Pero kung type mo isama yung Top 5 choices ko sa
    philippine places at Top 5 choices ko sa places abroad,
    I suggest palitan mo na lang ng pictures itong mga
    sumusunod:

    Sa Philippne Places —
    • Palawan
    • Laguna (nandun ang Makiling)
    • Ilocos Norte
    • Mindanao

    Sa Places Abroad —
    • Tokyo, Japan

    Olrayt ba, dude?😉 Suggestion ko lang iyan. Kung wala kang makitang replacement ay pwede na rin (humirit pa e, no?)😛

    Salamat din, bluedreamer…
    Nakakapagod pala gumawa ng Top 5, pero solb na solb ako!😀

  3. P/s
    dun nga pla sa walng nakalagay na Top five from top 1 to top 5 …ako po ba ang magrarank non?

    ————————————————

    HBH: Yung top 1 ang #1 choice or the best, right?🙄

    Yung dalawang naunang Top 5 (breakfast, bears)
    naka-rank na according to my preference —
    #1 (or the first mentioned) is my top 1,
    #2 (or the second mentioned) is my top 2,
    and so forth…

    Sa cat cartoons ito:
    top 1 — Sylvester
    top 2 — Garfield
    top 3 — Tom (and Jerry)
    top 4 — Felix the cat
    top 5 — Aristocats
    Iba ang layout dyan dahil sinunod ko lang sa size at shape
    ng graphics.😛

    Sa Philippines places as is din ang ranking —
    first mention is top 1, last mentioned is top 5.

    Sa places abroad
    top 1 — Jerusalem (Israel)
    top 2 — Tokyo (Japan)
    top 3 — Australia (wilderness)
    top 4 — Africa (safari)
    top 5 — South America (amazon jungle)

  4. ay gusto ko rin nung almusal mo, medyo yung bacsilog alanganin ako kasi dito sa oyropa ang bacon e fresh talaga, hindi katulad nung mga nakakain natin dyan na nakabalot balot na. e sempre mas masarap sa akin yung balot balot, hahahah…

    alam mo ang peborit places ko sa pinas? ang amoy at kulay ng kamaynilaan, ang karagatan ng batangas, ang dating natural na beauty ng boracay, ang pangarap kong puntahan na palawan, at ang gusto ko ring puntahan na batanes

    ————————————————

    HBH: Empre… mas masarap talaga sa pagkaing tulad ng tapa
    o bacon yung ‘seasoned’ na kumbaga.🙂

    Hindi malayong mapuntahan nyo rin sa isang pag-uwi nyo ang mga pangarap mong puntahan… Alam mo, yang si 3rd brother ko (nag-shoot ng Sagada photos) ganyan ang gawain — maglibot sa buong kapuluan kasama ang pamilya nya kada uwi nila dito sa Pilipinas.

    Batangas?😛 …iinggitin kita ha? → Bisa bay, Batangas
    Kengkay, may nagtanong nga pala sakin nuon re this place (ewan ko kung kakilala mo) — dito sa Flickr nya idinaan,
    ay hindi ko naman nakita agad dahil kulang-kulang six months akong hindi gaanong nagsisisilip duon…😳 di ko nasagot agad, kakahiya naman.

    Yang Batanes, baka mapuntahan ko pa (sana) yan.😛 May
    dati kasi akong kaopisina, kabarkada ko na rin, kasa-kasama
    ko sa hiking nuon sa Batad, Banaue (pictures → 1 and 2).
    Matagal na nya akong inirerekomendang photographer dito → “Birdwatch” — sya kasi ang club member na tagarito sa Nueva Ecija… Syempre pag volunteer photo/videographer,
    all expenses paid yata, lalo na pag meron silang scientific expedition… Pag nagustuhan nila ang trabaho ko (na eka ni friend ko’y hindi malayong mangyari) baka sakali daw na maging regular worker na nila ako.

    May newly discovered kasing ibon (Calayan rail) sa Babuyan islands ang isa nating kababayan (yan ang Pinay!) …at sey mo, nabalita internationally yan → BBC News. Nangangailangan pa sila ng mga volunteers para i-document at pag-aralan ang naturang ibon.

    Hindi ko pa lang matugunan dahil hindi pa ako makaalis nang matagal sa bahay.😦 Ahehe… pasasaan ba’t mapupuntahan ko rin yan — malakas pa naman ako e.😛

    Sa ngayon, eto pa lang ang pinakamagandang shot ng ibon na nakukunan ko → “Pipit”😆

    Angkulet ng reply ko na ito, andaming links…😳

  5. kakagutom ehehehe

    nung una top4 ngayon top 5 naman. ahryt!

    saka ko na ipopost ung akin lapit na xa magtime ehehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Bilib na talaga ako sa coincidences ng comments mo klasmeyt.😀 Yung nakaraang huli ay eto e:

    Yur comment sa olrayt na tagaan

    Ngayon another coincidence uli?
    Kasi ekshwali (tama ba ispeling?)🙄 pang-second “5-5” tag
    ko na yan… nandito yung unang “lima-lima” tag — at yung comment mo nuon ay insidentali unang punta mo nung nasa “panay-idlip si yeye” ka na:🙂

    “Yur comment on my first lima-lima”

  6. itay.. tinalo mo nga c blue dyan pasok sa banga ang top five mo… tlgang pgkahaba-haba.. nito

    ————————————————

    Itay: “Pasok sa banga”?🙄 Hanga rin ako sa mga kababayan ni Francisco Balagtas, lalim nyo managalog.🙂

    Tagal kong natira sa Calamba — “Calamba” came from the compound words “Kalan-Banga” — pero hindi yata naipasa ni Rizal sa mga kanunununuan ng mga titsers ko sa Pilipino ang ibig sabihin nun?

    Ano ba ibig sabihin ng talinhagang yun, anak? Ituro mo naman sa “virtual tatay” mo…😉

    Syanga pala anak… salamat sayo… Kasi kung hindi nakita ni bluedreamer ang neym ko sa blog mo, hindi ko rin sana sya masusumpungan → first comment ni blue sa blog ko. Pareho kayo, friendly at hindi puro rantings ang posts.😉

  7. lol ehehe kuya teddy bear😀

    Ang ganda nung Sagada.. gustong gusto ko talaga pumunta dyan tapos sa Batanes.. pero di din dun sa may hanging coffins.. hehehe..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Maski in the wilds, malalaki at napaka-dangerous ng bears, cute sila di ba? Kaya siguro nauso ang cuddling stuffed companions na mga teddy bears.😀
    Harmless ang teddy bears, kaya naman type na type ko’ng petname mo sa akin e.😉

    Si Ed Masfere, sinaunang photographer na tisoy na anak
    ng isang kastila at isang native na taga-Cordillera (igorota) , tumira dyan sa Sagada. Marami syang mga shots ng buhay
    ng mga tribong igorot sa Cordillera.

    Yang Batanes, really baka sakaling mapuntahan ko yan,
    mula Ilocos ay konti na lang ang lalakbayin pataas.

  8. […] Huwag na yan, hindi naman ako basta-basta bibilib sa ‘smart’ lang in their own rights. Ahehe, napanuod ko lang yan sa ► “da eds.” Saka wabbit? Tedi bew? – pareho kong
    pebowits yan.😉 […]

  9. […] 2010: Welkam MALAKING PUSA!
    Pag inaway mo ang aking mga alaga, isusumbong kita sa malalaking DAGA! … eheste Malalaking ASO ↑ pala! […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: