Blogarolyo

Bloggers who left at least one comment or “like” in this blog.

Clicking the “sun” beside YOU will show you your first comment or “like”. An unhidden sun means I made the ‘first move’ (nakatago pa kasi ang blog na ito sa lungga ng mga hamsters ko nuon).

Some have no links, but their links can easily be found in this blog via your sun. See previous post for more discussion.

————————————————————————————————

BlogROLL (One more click here)

Published in: on 30 August 2008 at 10:20 pm  Comments (1)  
Tags: ,

Blogamundo

Nasa mundo ko ba kayo?

animated gif bestanimations.com

“Blogamundo” … Alam nyo ba ang kahulugan ng salitang iyan? Bago ko sabihin, suriin muna natin ang mga tagalog words na ‘sound-alike’ nyan:

  • Tagamundo. Obyusli, taga-earth – hindi alien o taga-ibang planeta.
  • Dagamundo. Rodent (hamster included) na taga-earth, hindi taga-Mars o “Maursetian”
  • Bagamundo. Lagalag – or “nomadic” siguro in English? Sa word na “vagabond” yata galing ang “bagamundo”? Malinaw na hindi ako ganito, homebody nga ako, di ba? Si misis ko pa siguro – “gala” yun e… 😆 Pero koreksyon… very “worthful” or worthy ang misis ko ha? (miski pa ba hindi kami magkaanak-anak) 😉

“Nonsense!” 😕 Tara na nga sa blogamundo.

Blogamundo daw ang tagalog sa “blogosphere.” Tunog “bilog ang mundo” din… sana walang mag-isip na nagbobolahan lang tayo dito.

Nabanggit ko na minsan na medyo dissatisfied ako sa spacing ng entries sa sidebar ko – anluluwang, tapos anlalaki pa ng fonts. Maski anong gawin ko, hindi ko maliitan ang fonts o mapakitid ang spacing. Kaya kada dagdag ko ng entries, humahaba nang husto ang sidebar. Kung pansin nyo rin, anlaki ng space sa kaliwa at kanan ng working area ko – kaya tuloy lalong nagmumukhang mahaba ang talaga namang pagkahahabang mga posts ko. 😳

Ayaw ko namang magpalit ng WP template dahil sa tingin ko, mas angkop ito sa mga theme ng ibino-blog ko (at sa edad ko na rin siguro). Saka maaapektuhan na ang ‘looks’ ng mga shadowed transparent .gif file images na in-upload ko.

Naisip kong ilagay ang blogroll sa isang post (kasunod nito). Pero ang link nya, clickable pa rin at madaling makita: isang pikyur ng umiinog na daigdig – nandyan pa rin sa sidebar. 😉 Dalawa pa nga yan, okies ba?

Baka mag-pingback automatically ang post na ito sa mga blog nyo; as of now, hindi ko pa talaga alam kung papaano yan pipigilan. Anyway, yan nama’y walang ibang ibig sabihin. Kung hindi nyo type ang pingback ay i-delete nyo na lang. Inilagay ko ang lahat ng pwede kong ilagay na mga links para na rin sa convenience ng lahat – baka ekako ka-blog nyo rin sila. 🙂

Yung links sa URL ng mga dati kong ka-blog na pet-bloggers (foreigners) ay sadyang hindi ko na inilagay.  Hindi ko na rin nagawang lagyan ng links ang mga bloggers na once or twice bumalik, pero hindi nag-iwan ng URL nila. (Well, there are rare cases na nag-iwan nga ng link, pero napilitan lang bumisita dahil isinubo ng papa. Kaya please lang, huwag basta-basta magli-link ng kilala nyo nga, hindi ko naman kilala — baka magalit sa akin.)

Pasensya na po duon sa mga lumalabas na “wavatars” sa comments ng iba (specially sa mga blogspot bloggers).  Automatically generated po kaya iyon… 🙄 Pero, cute naman di ba?  Kasi mukha namang kartuns.

Eyun lang… thank you!

Published in: on 30 August 2008 at 10:00 pm  Comments (30)  
Tags: ,