Blogamundo

Nasa mundo ko ba kayo?

animated gif bestanimations.com

“Blogamundo” … Alam nyo ba ang kahulugan ng salitang iyan? Bago ko sabihin, suriin muna natin ang mga tagalog words na ‘sound-alike’ nyan:

  • Tagamundo. Obyusli, taga-earth – hindi alien o taga-ibang planeta.
  • Dagamundo. Rodent (hamster included) na taga-earth, hindi taga-Mars o “Maursetian”
  • Bagamundo. Lagalag – or “nomadic” siguro in English? Sa word na “vagabond” yata galing ang “bagamundo”? Malinaw na hindi ako ganito, homebody nga ako, di ba? Si misis ko pa siguro – “gala” yun e…😆 Pero koreksyon… very “worthful” or worthy ang misis ko ha? (miski pa ba hindi kami magkaanak-anak)😉

“Nonsense!”😕 Tara na nga sa blogamundo.

Blogamundo daw ang tagalog sa “blogosphere.” Tunog “bilog ang mundo” din… sana walang mag-isip na nagbobolahan lang tayo dito.

Nabanggit ko na minsan na medyo dissatisfied ako sa spacing ng entries sa sidebar ko – anluluwang, tapos anlalaki pa ng fonts. Maski anong gawin ko, hindi ko maliitan ang fonts o mapakitid ang spacing. Kaya kada dagdag ko ng entries, humahaba nang husto ang sidebar. Kung pansin nyo rin, anlaki ng space sa kaliwa at kanan ng working area ko – kaya tuloy lalong nagmumukhang mahaba ang talaga namang pagkahahabang mga posts ko.😳

Ayaw ko namang magpalit ng WP template dahil sa tingin ko, mas angkop ito sa mga theme ng ibino-blog ko (at sa edad ko na rin siguro). Saka maaapektuhan na ang ‘looks’ ng mga shadowed transparent .gif file images na in-upload ko.

Naisip kong ilagay ang blogroll sa isang post (kasunod nito). Pero ang link nya, clickable pa rin at madaling makita: isang pikyur ng umiinog na daigdig – nandyan pa rin sa sidebar.😉 Dalawa pa nga yan, okies ba?

Baka mag-pingback automatically ang post na ito sa mga blog nyo; as of now, hindi ko pa talaga alam kung papaano yan pipigilan. Anyway, yan nama’y walang ibang ibig sabihin. Kung hindi nyo type ang pingback ay i-delete nyo na lang. Inilagay ko ang lahat ng pwede kong ilagay na mga links para na rin sa convenience ng lahat – baka ekako ka-blog nyo rin sila.🙂

Yung links sa URL ng mga dati kong ka-blog na pet-bloggers (foreigners) ay sadyang hindi ko na inilagay.  Hindi ko na rin nagawang lagyan ng links ang mga bloggers na once or twice bumalik, pero hindi nag-iwan ng URL nila. (Well, there are rare cases na nag-iwan nga ng link, pero napilitan lang bumisita dahil isinubo ng papa. Kaya please lang, huwag basta-basta magli-link ng kilala nyo nga, hindi ko naman kilala — baka magalit sa akin.)

Pasensya na po duon sa mga lumalabas na “wavatars” sa comments ng iba (specially sa mga blogspot bloggers).  Automatically generated po kaya iyon…🙄 Pero, cute naman di ba?  Kasi mukha namang kartuns.

Eyun lang… thank you!

Published in: on 30 August 2008 at 10:00 pm  Comments (30)  
Tags: ,

30 Comments

  1. […] See above post for info about the BLOGROLL. […]

  2. LOL natatawa ko..

    “ilan lahat ang mga alaga mo?”

    Argghh parang la respeto ako nun LOL Kasi kala ko po halos kasing age ko lang na nagba blog tungkol sa mga hamsters nya.. ahehe chorrii po..😉

    nakakatuwa naman yun po pala una kong comment.. aheheh..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: No problemo, ‘bunso’…😉
    Hangga’t maaari nga sana ay maalis ko yung possible “generation gap” ko sa kabataan.

    Alam mo ba, iyan ang pangamba ng ilang mga dati kong kabarkadang sing-edad ko, lalo na yung mga boss na sa opisina. Baka mawala “daw” ang respect sa kanila pag nag-level sila
    sa “ways” and “styles” ng kabataan (o subordinates nila) … Mas naiilang tuloy ang mga ito sa kanila kasi parang may ‘bubble’ na nakabalot sa kanila, iniiwasan nilang ‘magpakatotoo.’

    Wala naman yun dun di ba? (Bakit ba kami ni misis?)
    Kanya-kanyang diskarte lang naman yan kung papaanong makikipag-relate sa mga kabataan nang hindi nawawala ang respeto sa kanila… At sa comment mo, wala naman akong nakikitang kaso.🙂

  3. hello there just dropping by to say have a great day and by the way i am now celebrating my first year here in the blogosphere and i got something for you in my blog hope you like it thanks for all your comments and time you spent in my blog thanks for being a part of it hvae a great blogging day!!!

    ————————————————

    HBH: Salamat din sayo, bluedreamer.
    And happy blog anniversary!😀

  4. ayos! nakita ko yung blog ko sa blogroll mo po hehehe… salamat po!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Syempre…

    Akshuli, fjordz, matagal ka na naka-link dyan sa sidebar ko,😉 bago ko pa inilipat itong blogroll dito sa post. Nung midmonth
    ng June pa, pagkatapos ng comment mo (your 3rd in my blog) sa post na ito. → “Usapang Tatay

  5. wow salamat po sa paglink!😀

    ————————————————

    HBH: Empre naman! 🙂 Thank you din, mylene.

  6. hehehe ang galing nabasa ko ung unang comment ko dito ahahahha galing klasmeyt!!!

    ————————————————

    Klasmeyt: Dalawa yang unang comment mo, klasmeyt.🙂

  7. hello bumibisita po uli have a great day po

    ————————————————

    HBH: Hello… good day din! Tagal ko na nga ring hindi nakakapag-ikot.

  8. yey!! kasama ko sa blogroll mo kuya!! haha… di na ko nakakapunta masyado sa blogamundo… dami pinapagawa sa opis e.. grrr… anyways.. naeenjoy ko talga magbasa ng blogs mo..🙂 God bless kuya!

    ————————————————

    Homebodykuya: Ahehe, parang ‘baptism’ ba?
    Unang job, sangkaterbang trabaho agad…😛
    Kering-keri mo yan.😉 God bless!

  9. […] Aru… lumala yata ang vertigo ko. 🙄 Tsokey lang… Basta naka-one full turn na akong sakay ng blogosperyo.😀 Isang taon na pala akong nagkakalat ng superbabaw kong kaligayan sa internet? […]

  10. itay grabe apskasipag mong gawin ang post na ito lalo na yong blogroll akalain mong iniisa=isa mo tlga yung first comment natin.. itay hindi b nanlalabo ang iyong mga mata sa paggawa nun..

    itay happy blogerversary.. at dahil dyan madadagdagan ang piraso ng hibla ng iyong balahibo.. hanapin mo na lng itay kung saan it tutubo.. heheheh..

    itay alam mo ba kung nsan na si ate mine bat ala na syang blog?

    ————————————————

    Itay: Haynaku anak, matagal nang malabo ang mata ko
    bago pa man ako naging adek sa pagba-blog,😆 kelangan ko
    na nga yatang magpalit ng antipara.

    Balahibo ba eka mo? Siguradong hindi na sa bumbunan
    tutubo yun, o kaya sa mala-pernando kulapoeng patilya ko, dahil ilang century tuna pa siguro, ninipis na ang long hairs ko. Sa balbas at bagote pa siguro hehe.

    Si ‘minyang’🙄 … may blog pa naman sya anak, kaya lang ‘protected’ or naka-set sa private – pag ni-click mo ang link
    nya dyan sa blogroll, hihingan ka ng ‘LOG IN password.’
    Sori, anak😦 hindi ko alam ang ‘password’ nya.

    Subukan mong tanungin sa mga natatandaan mong mga huling kausap nya na nasa blogroll mo rin, baka sakaling matulungan ka nila.

    Mukhang dyan lang sa sinundang mong pingbak ko nakita
    ang blogoberdey ko; hindi mo nakita ang pag-ikot ng aking mga daga sa gulong ng palad sa talampakan?😆

    Tengkyu sa blogonibersaryong pagbati, anak.🙂

  11. as usual, ang galing ng gimik mo🙂

    ————————————————

    HBH: 😳 Thank you, mareng kengkay…🙂

  12. Natatandaan ko pa nuong isang taon, ‘nagsasalita pa lang akong mag-isa’ dito sa blog ko… Nagulat pa ako nun a?😯 Kasi biglang may nagsulputang mga ‘mukha’ sa comment boxes sa ilalim ng post ko nuon. Gusto nyong makita? CLICK nyo ito:

    My 1st ‘birthday post’ : my very 1st 3 commenters

    Well, in fact may dalawa pang comments na mas nauna pa
    dyan – yung isang comment, dun din sa isa sa tatlong yan
    (‘The first-borns’ post) ; yung isa sa pamangkin kong si Ian (‘homebodyhubby – the storyteller’ post) .

    Hinintay ko lang talaga ang araw na ito – berdey ko😆 –
    which is exactly 1 year after that “birthday post” (1 year ago) ,
    to acknowledge these three WordPress bloggers:

    1. Paurong
    2. Dilan (dEe)
    3. Nika Catbagan

    Sila ang pinaka-original na “Mga unang nakilala nung ako’y inosente pa (sa mundo ng blogging) …” Syempre, may lima
    pang sumunod sa kanila… pero sa undas pa yun.😉

    Salamat sa inyo…🙂

  13. Last year, ginulantang ako ng comment ng isang
    SLU freshman student. (click nyo) → Halloween

    Una nya akong tinawag na “ninong”
    nung 10th comment nya sa blog ko → Pasko

    Una ko namang ‘ipinirma’ ang pangalang “ninong”
    sa reply ko sa 27th comment nya nung unang paalam ko
    ng hiatus dito → Eclipse

    One year ko na palang ka-blog ang aking virtual inaanak?🙂

    Si Eloiski ang naging daan upang makilala ko sina:

    1. Yeye na una kong tinawag na → “klasmeyt” at
    2. Repah na sa kanyang 38th comment ay nagpatawag
    sa akin ng → “anak

    Dito ko unang ginamit ang “klasmeyt” (yeye’s 16th comment) at “itay” (repah’s 48th comment) → Meme na si Bebang.

  14. weeee!
    natuwa naman ako sa comment na iyon!
    nagsaliksik ka pa po talaga!
    ang hirap maghalungkat ninong ah!
    galing!
    clap clap clap!

    hehehe!

    ————————————————

    Ninong: Ahihi, hiya naman ako…😳 matiyaga lang siguro.

    Ngayon pa lang ako magreply sa mga comment… Pagtapos mangangaluluwa ako sa blogosperyo (awoooooooo!!!)😯 … pagtapos mahihimlay uli (high-yatoos) .

    Bydawey, haywey…🙂 Naghanda ba kayo… (sikret…)

  15. Noong una pa lang akong nagba-blog last year
    (Sep to Oct 2007) , foreign bloggers pa lang ang ‘nakakalabit’ ko dahil wala naman akong makita nuong kababayan natin na nagba-blog tungkol sa mga alaga nilang hayop… (May ideya
    na kasi ako sa apathy ng ilan sa daga, kaya medyo ingat ako) .
    In all cases, I always did the first move – meaning, I was the one who initiated the relationship by being the first one to comment on their blog… Halos lahat, bumisita din naman – nariyan sila sa blogroll pero ang links, nasa mga comments nila.

    Kahahanap ko ng kababayang pet blogger, may nakita naman akong isang Pilipina na may alagang mga aso at hamsters
    Sa wordpress.org, at hindi lang blogger – professional web designer businesswoman pa… Ilang beses din akong nag-iwan ng comments dun, pero mukhang hindi naman interesadong makipag-usap sa isang tulad kong taga-wordpress.com lang😆 ay sinawaan na rin ako.
    ————————————————
    Sa panahong ito ng undas ako naglakas-loob😛
    na muling ‘mangalabit’ ng isang kababayang blogger…
    hindi naman ako nabigo… as an acknowledgment,
    1. nag-iwan sya sa blog ko ng isang → comment
    2. sa kanyang pangalawang dalaw ako ay kanyang ni → tag😀

    Si Kengkay ang kauna-unahan sa mga kinalabit kong kababayang blogger na naging ka-blog ko later; sa kanya
    ko rin unang nalaman ang masayang laro ng tagging

    One year “magka-blog anniversary” namin ngayon!😉

  16. Hindi pa natatapos ang araw ay isa pang blogger ang nag-payback ng visit sa blog ko; ang unang tumawag
    (dito sa blog) ng tay sa akin (nauna pa kay repah) .

    Albeit tough, humane.

  17. Naalala ko 20 years ago nung una akong sumama
    sa bahay ng 3rd girlfriend ko na ngayon ay misis ko na.
    First time ko pa lang na makikita ang pamilya nya — sa Angono yun, at mga alas onse na ng gabi nung makarating kami duon. Hindi na ako nagdecide na umuwi pa ng Calamba, paris ng gawa ko later pag inihahatid ko sya galing sa board review; Duon na lang daw ako matulog, eka ng mother-in-law ko (byenang hilaw pa lang nuon) .

    Sa sala, magkasamang matulog sa iisang banig at kulambo ang kuya nya at ang isa pang kapatid nyang lalaki na kung tawagin nila ay “Bok.” Hindi daw darating nuon ang kuya, kaya yung espasyo nyang tulugan, ako ang ookupa… Samakatuwid,
    bago ako nakatulog, itong si Bok ang nakabidahan ko.

    May pagka-chubby ang body built ng future brother-in-law kong ito… Masayahin at palabiro sa mga pamangkin, friendly
    at very accommodating (? tutuo yata’ng sabi ng dad ko about the amiable temperament of this somatotype ? as exemplified by a jolly and optimistic politician ?) … Sa mga kapatid na lalaki ni misis, sya ang pinakamagaling makisama… Ang bayaw kong si Bok ang male version ng misis ko (sanguine) in terms of temperament.

    Naalala ko lang, may long-time ka-blog ako (► one year na!)
    na tumawag sa akin ng “Bok” kalaunan (6th comment)🙂 .
    I started adopting the nickname on his 21st comment.

    Sa mga ka-blog ko, sa kanya ko nakikita ang pinakasukdulang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga kababayan at sa Inang Bayan.

    Salamat, Taroogs, my iskulmeyt and kababayan.🙂
    Laking pasasalamat ko — nandyan kayo.

  18. One year ko nang ka-blog si Yeye!😀

    Bakit “klasmeyt” ang tawagan namin?
    Dadalawa kasi kaming ni-TAG ni eloiski nuon ng calendar tag. Hindi pa kami magkakilala ni klasmeyt yeye nuon… Pagkatapos kong gawin ang tag sa akin, tinignan ko yung tag sa kanya at naglakas-loob akong unang mag-comment duon… Later, sumilip rin sya sa blog ko at nag-comment sa tag sa akin.

    I started using “klasmeyt” in my replies in her 16th comment.

    Salamat, yeye! I thank the Lord for my initiating an online friendship with you… God bless, sis.😉

  19. To date, I was tagged (or “awarded”) 20 times.

    Isa si Repah sa tatlong pinakamarami (tig-aapat bawat isa)
    ang ni-TAG sa akin. Ngayong araw na ito, isang taon ko nang ka-blog ang aking “virtual anak.”

    Ang 1st comment nya dito sa blog ay nuong December 4, 2007. “Kuya hubby” ang nakasanayan nyang itawag sa akin simula sa kanyang pangwalong comment… Nagpatawag sya sa akin ng “anak” sa kanyang ika-38 na comment; una kong ginamit ang “itay” sa aking mga replies, sa kanyang ika-48 na comment.

    Salamat repah, anak… sana huwag kang magsawang dumalaw at mag-iwan ng kumento mo rito.🙂

  20. She was a blogmate closest to me.
    Minyang I fondly wrote when referring to her;
    Robby she sometimes used when referring to me.

    Kapwa kami may interest sa animal pets.
    Ibinili pa nga nya ng paberdey na pair of hamsters si Bentong.

    She suddenly ‘left’ after her 198th comment.
    One year ko na sanang ka-blog si ‘mine’ ngayon.

    God bless, ‘minyang’ …thank’s for the company.
    I hope you already found what you’ve been searching for,
    esp the answer to what I see as your most important question.

  21. ————————————————😦

    “Lumamang pa yata si Beria, na 199 days ko lang nakasama?”
    ————————————————
    Robby

  22. […] Tinanghali ako ng gising — pasado alas-nuwebe na yata… May naalala ako kaya diretso agad sa laptop. Punta ako sa website nya… […]

    Isa sya sa mga blogmate kong pinakamalapit sa akin.😀
    Hindi pa kami personal na nagkikita pero napakagaang ng loob ko sa kanya, siguro dahil na rin kababayan ko sya.

    Musika para sa pandinig ko ang tawaging “kuya” (kahit pa sabihin nating siguro hindi nalalayo ang age namin ng papa nya; in fact, tatlo sa 13ng pamangkin ko ang ngayo’y sing-edad nya)

    I don’t know when was the first time she referred to me as kuya teddy bear — basta nalaman ko na lang na ito palang blog ko ang naka-link sa ganuong pangalan sa blogroll nya.😀

    ‘Empre, na-touched ako😳 kasi kahit alam kong hindi naman ako ganun ka-cute at ka-chubby para maging kasing-huggable ng isang full-sized na teddy bear, ang feeling ko talagamg napakabait ko.😳 Well, basta naaliw ako sa neym; at nagsimula akong gamitin ito sa kanyang 39th comment.😉

    Salamat sa pagtitiwala mo, angel. Nakaisang taon na pala yung una mong comment dito!?😆 Sana ma-meet kita personally kahit minsan lang bago ka grumadweyt at posibleng makapag-abroad.🙂

    Merry Christmas, bunso!😀 Gayun din sa kuya mong kasama mo ngayon… (gayun na rin sa papa at mama nyo) .

  23. […] Sulit naman ang luwas at puyat…
    I met an angel (↑) on Christmas day.🙂 […]

  24. ayun pala yung sinasabi nyo kuya teddy ^_^ late na po ako ng bati ng happy monthsary na ka blog ko kayo.. AT kinagagalak ko po kayong makilala ng personal kahit sobrang nahihiya po ako nun (blush)..

    at ke memestizo nyo nga talagang magkakapatid.. Parang UN, merong koreano, amboy, etc..😆

    Thank you po ulit at sana hindi lang po yun yung last ^_^

    **fighting**

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Ako daw Middle Eastern, as in Palestinian, aheheh.😆

    Yung “UN assembly” hindi ko alam kung kelan maulit;
    yung pagbabalikbayan ko for sure hindi pa last.😉

  25. “happy anniversary” po pala dapat😆 sorry po ulit😀

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Same here, bunso.🙂

  26. Masyado akong ‘bisi-bisihan’ nung nagdaang pasko
    dahil sa reunion kaya hindi ko naisingit i-acknowledge😳
    ang ilan pang one year ko nang nakikilala dito sa blog na nagpaparamdam (at/o pinararamdaman ko) pa.

    Mag-meyk-ap ako ha?😉 Eto sila sa dalawang magkasunod
    na comments. ↓

  27. Sinong hindi nakakakilala kay ‘fur’?
    First time nya mag-comment dito nung christmas day 2007, nagbigay agad sya ng e-card… Marami syang binigyan,
    hindi lang ako.🙂

    Bukod dyan sa walongbote.co.nr at taratsilipin (WP)
    may superjen (blogspot) pa sya.

    This year (2008 ) sumilip sya dito walong araw before pasko, another website uli → painuminmoko.idlip.net

    Sipag mo namang mag-blog, jeniffer! 😉 Hapi-hapi!

  28. Bago matapos ang 2007, nakatagpo ako ng blogger na pareho ko yatang ‘ka-weirdo’😛 (no offense koo, ganun din naman ako) . Inabot pa nga yata kami ng paghihiwalay ng taon na naghuhuntahan dito?

    May walong weirdo tag sya sa akin nuon, itinaon ko ang sagot
    sa unang araw ng taon ng mga daga.

    Recent visit nya, nito lang nagdaang pasko (2008 ) . →

    Hapi anniversary, koolai
    Add ko yang WP site mo sa blogamundo ko.

  29. May mga bloggers sa rolyo ko na napakabihira kung bisitahin ako dito (yung iba nga hindi na) ; ako man ganuon din sa kanila — pero tsokey lang, may special bonding namang hindi mawawala maski pa “magunaw” ang buong ka-blogamunduhan.

    Nabanggit ko na ang iba dyan sa itaas, kaya apat lang (muna) ang nilista ko dito, itinaon ko sa week na ito:

    ginoong lapis — mahigit isang taon ko na rin syang ka-blog → bago pa mag-wan-yir-old sina Wigwam.😉

    icsx — mahigit isang taon na rin ang una’t huling silip nya dito. Sa kanya ko kinopya ang reminder na ito. → “The Bell

    a-ding (younger sister) jezreel — tomorrow saktong one year na nung → una syang bumisita rito. (Hapi ka-blog anibersari, Pompom!)😀

    4angels — magkasunod lang sila ni jezreel → 2008 National Bible week… A very faithful child of God.🙂

  30. […] Paisa-isa ko nang naidetalye kada one-year ka-blog (anibersari) ko bawat isa. Simulan nyo sa ◙ 12th comment ↑ sa post na “Blogamundo” at isa-isahin pababa hanggang sa dulo. […]


Comments are closed.

%d bloggers like this: