Bobo ako sa math

Aritmetik, matematiks — pareho lang ba ito?

Almost age seven, first time kong nakipag-smooching sa isang playmate na 6-year old girl (yung batang may “bangs” pag ni-CLICK nyo yang pikyur). Huli kami sa akto ng tita ko, sya pa yata napahiya. Medtech student sa Centro Escolar nuon ang auntie ko, kaya maski konti siguro, may basic syang alam sa child psychology.

Alin? Kung yung mga super-legalistic at hyper-konserbatibong matandaing inilalagay ang malisyosong pananaw nila sa pag-iisip ng isang inosenteng bata ang nakakita nun, magdyowang sampal na siguro inabot ko. Kung nagkataon, ano kaya ang naging impact nun sa aking paglaki? Hindi pa ako tumutuntong ng grade I (hindi pa uso ang kinder), at sa tutuo lang, wala naman akong naramdamang miski ano sa ismol pang pututuy ko nuon, pramis. Siguro may napapanuod lang ako mga kissing scene sa TV, ginaya ko lang.

Edad disisyete, nakapasa ako sa UPCAT; At sa Los Baños, 9 years na nagpakadalubhasa sa apat-na-taong kurso sa Pamantasan ng Pilipinas.

Aywan ko ba: Nagta-TOP ako sa math at trigonometry nung hayskul, kumbakit naging pinaka-ITLOG ko ang Calculus nang mag-college. Six units yun nung Forest Products Engineering pa ang kurso ko, Maths 26 and 27 ang course title. Ibinagsak ko yung Math 26, pwes nagretake ako — naka 3.0 naman (yehey)… Nung nag-shift ako sa DevCom, hindi required ang Calculus dito sa bagong kurso.

Edad __, hired agad ako sa isang permanenteng trabaho nung nagdaang taon, at ‘nagpakabusabos’ duon bilang isang “public servant”(?) (Dyok lang, baka may dati akong bossing na mapikon)… Kailangan kong i-blur dahil kasama ko ang aking 2nd ex-GF(?) dito sa litrato (in white shirt). Break na kami dito. Ito yung pangalawang punta ko sa kanila para suyuin sya. Sa dalawang naging ex ko, sya ang naisama ko na sa bahay, kahit pa less than two months lang kaming mag-on. “Tita” na nga ang tawag nuon sa kanya ng unang pamangkin ko.

Edad __, sampung taon ko nang nakakasama ang naging misis ko (2 years as steady, 8 years as wife).  Sarap pag ganitong bakasyon (malayo sa trabaho) kung kailan namin nagagawang lumuwas ng Maynila mula Nueva Ecija para makipagharutan sa mga pamangkin ni misis. Kino-cross stitch ni misis dito ang ireregalo ko sa kaibigan kong Pinoy US navy na na-meet ko sa Okinawa.

Edad __, custom framer, pastol ng mga hamster.

Mas mayaman pa ang aking mga daga (kapus-atiks daw, eka) — it’sokey lang, basta ‘malaya’…

Huwag mo na CLICK, baka masindak pa ka!