Bobo ako sa math

Aritmetik, matematiks🙄 … pareho lang ba ito?

1. Almost age seven, first time kong nakipag-smooching sa isang playmate na 6-year old girl (yung batang may “bangs” pag ni-CLICK nyo yang pikyur).😳 Huli kami ng tita ko, sya pa yata napahiya. Medtech student sa Centro Escolar nuon ang auntie ko; maski konti siguro, may basic syang alam sa child psychology.

Alin? Kung yung mga super-legalistic at hyper-konserbatibong matandaang inilalagay ang malisyosong pananaw nila sa pag-iisip ng isang inosenteng bata ang nakakita nun, magdyowang sampal na siguro inabot ko; kung nagkataon, ano kaya ang naging impact nuon sa paglaki ko? Hindi pa ako tumutuntong ng grade I (hindi pa uso ang kinder nuon), at sa tutuo lang, wala naman akong naramdamang miski ano sa ismol pang pututuy ko nuon, pramis. Siguro may napapanuod lang ako nuong mga kissing scene sa TV, ginaya ko lang.

2. Edad disisyete, nakapasa ako sa UPCAT.  At sa Pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños, 9 years na nagpakadalubhasa sa apat-na-taong kurso.

Aywan ko ba… nagta-TOP ako sa math at trigonometry nung hayskul, kumbakit naging pinaka-ITLOG ko ang Calculus nang mag-college.  Six units yun nung Forest Products Engineering pa ang kurso ko, Maths 26 and 27 ang course title.  Ibinagsak ko yung Math 26, pwes nagretake ako – naka 3.0 naman (yehey). Nung nag-shift ako sa DevCom, hindi required ang Calculus dito sa bagong kurso ko.😡

3. Edad __, hired agad ako sa isang permanenteng trabaho nung nagdaang taon, at ‘nagpakabusabos’ duon bilang isang “public servant” (?). (dyok lang, baka may dati akong bossing na mapikon). Kailangan kong i-blur dahil kasama ko ang aking 2nd ex-GF(?) dito sa litrato (in white shirt).  Break na kami dito😦 ; ito yung pangalawang punta ko sa kanila para suyuin sya.  Sa dalawang naging ex ko, sya ang naisama ko na sa bahay, kahit pa less than two months lang kaming mag-on; “tita” na nga ang tawag nuon sa kanya ng unang pamangkin ko.

4. Edad __, sampung taon ko nang nakakasama ang naging misis ko (two years as steady, eight years as wife).  Sarap pag ganitong bakasyon (malayo sa trabaho) kung kailan namin nagagawang lumuwas ng Maynila mula Nueva Ecija para makipagharutan sa mga pamangkin ni misis.  Kino-cross stitch ni misis dito ang ireregalo ko sa kaibigan kong Pinoy US navy na na-meet ko sa Okinawa.

5. Edad __, custom framer, pastol ng mga hamster.😆

Mas mayaman pa ang aking mga daga” (kapus-atiks daw, eka) – it’sokey lang, basta ‘malaya’…😀

Bagong-tasa itong nasa kaliwa; bunga naman ng pagiging adek sa kaba-blog yang nasa kabila.  Hindi iyan nakakalbo, dati nang malapad ang noo.

Naibida ko na nang pahapyaw kung papano akong sumulpot sa mundong ibabaw. Idagdag ko na lang na hindi lang ako basta iniluwa nang suhi – isang paa ko lang ang naunang lumabas. Alangan namang hilahin yun, diba? – magkakandampisak ang😳 … Kaya ipinasok daw uli ang aking paa para pagsabayin dun sa isa pa.

Lumabas daw akong halos ‘nangangasul’ na, hindi umiiyak o humihinga. Itiniwarik ako ng komadrona, hinataw sa pwet… (SPLAK!) Palahaw ng iyak si homebodybabyboy. Kaya sa aming magkakapatid, ako ang pinakabatang nakatikim ng palo!

Eto pa: May pamahiin ang mga matatanda sa amin na ang inunan daw ng isang sanggol na ipinanganak (placenta) ay hindi dapat itinatapon sa kung saan-saan lang. Mas maganda raw kung ibabaon yun sa lupa, sa ilalim ng hagdan ng mismong bahay para hindi maging “layas” yung bata paglaki.

Oe batet tanun?🙄 Yung inunan ni 1st brother ko, ganun ang ginawa, pero sya pa ang naging pinaka-‘layas’ at adbenturero sa aming lahat; samantalang yung sa akin, itinapon lang daw (ng Lolo ko yata) sa ilog ng Olongapo at hinayaang anurin duon? (Nakarating kaya ng Subic bay?)

At alam nyo bang hanggang ngayon hindi ko pa maharap ipabago ang entryng female sa birth certificate ko?  Ahe, ibinase kasi ng nag-type sa first given name ko, kaya eyun.  Sabagay, affidavit for correction of entry lang naman daw iyon.

Tungkol naman sa pagiging suhi… mahusay daw kaming manghilot ng mga nati-tinik sa lalamunan. Sabagay, pagkarami nang natinik na lumapit sa akin nuon, at mukhang ‘natanggalan’ ko naman. At ako mismo, bihira rin matinik, at kung mangyari man, dinededma ko lang.

Naalala ko nung ilang buwan pa lang kaming ikinasal ni misis… nagdadadahak? – akala ko naglilihi!😀 Natinik laang pala.😥

Sinilip ko ang lalamunan, may tinik nga! Malalim ang kinaruruonan, at mukhang hindi abot ng dalawang daliri ko o kaya ng tyani. Kumuha ako ng long-nosed na plais… O, nganga uli… Hinugot ko… di tanggal si tinik! Ano bang suhi-suhi?

Ang praktikal na advise daw sa mga natitinik ay ang paglunok ng kanin nang hindi nginunguya (ingat lang baka matanggal nga ang tinik, mabulunan ka naman). O kaya, saging ang lunukin mo… Ingat uli, kasi may kakilala akong lumaki ang bibig dahil sa kakakain ng saging.  Pahalang naman kasi kung isubo nya ang saging, hindi pahaba.😆 (Gets nyo ba? Basta hindi bastos joke na yan. Kung DI naisplukan, esplika ko sa baba.)

Ganito yun:

1. Balatan mo si saging.

2. Humarap ka sa salamin.

3. Tapat mo “sideward” o patagilid ang saging sa bibig mo – as in yung kurba nya e parang abut-tengang ngiti mo.

4. Ganun mo isusubo ang saging.

Nakakalaki yan ng bibig (gets na?)  … ewan ko kung makakatanggal ng tinik.

Personally, ang aking advise: Pag feel nyo pa lang na matitinik kayo, huwag nyo nang pansinin… tuluy-tuloy lang ang kain, at hayaang matangay ito ng mga susunod na isusubo nyo (Ahe, tiyakin nyo lang na WALA nang tinik dun sa mga susunod na isusubo nyo). Kasi pag pinansin nyo, nako-conscious lang kayo at nagiging tense ang lalamunan nyo, lalo lang nababaon ang tinik.

Ahehe… bakit nga ba tayo napunta sa subuan? As if naghanda ako at mag-iimbita sa isang kainan! Tama na siguro ang kwentong yan… Basta I just made my point: bobo nga ako sa aritmetik o matematiks, hasler naman ako sa alis-teniks.”

Babay!😉 Sa mga “susunod ko” ko na lang uli hahabaan (bata pa naman ako).

Hmm… Kantahan ko na lang ang sarili ko… at tutal, pet blog ito:

Haberdey tu mi

I belong to the tree

With the pussy and the teddy

And my small rich hammies.

Berdey ko ngayon, and I feel like I’m just 17! 🙂

P.S. (pwedeng laktawan ▼ kase… mas mahaba!)😆

Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle.  Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉

Ang birthdays ng limang kapatid ko, nai-post ko na rin. Click nyo lang ang kani- kaniyang portrait sa ibaba.  More or less, 17-year old ang bawat isa nung magpa-pikyur nyan. Yung sa akin, huwag nyo na i-click, kasi baka IBA ang bumulaga… 😆 Syempre nandito ka na sa birthday ko e.

Ay bakit korteng krus? eka nyo siguro…

Kung pinagtyagaan nyong basahin ang aking post entry about my 2nd brother, may nabanggit ako duon tungkol sa kaapelyido namin na na-meet nya sa PMA (1984). Nabanggit ng isa ruon na ang surname daw namin ay galing sa isang rootword na ang ibig sabihin yata ay crossing o “crossroads”? Hindi ko alam kung panong nangyari yun?  Basta yun daw ang sabi, e maski naman anong research ko ay wala akong makitang rootword nuon.😆 Eniweys, buti na nga lang hindi naging “Cruise” apelyido namin.  Ayoto nun, naglulubugan na ang mga barko natin ngayon.

Incidentally, in my Krus post, isang ka-blog ang nagbigay ng sariling kahulugan sa krus, na sa loob ng mahigit 20 years ng aking pagiging isang born-again christian ay nuon ko lang narinig at na-realized ang taglay na katotohanan.🙂

Choices sa buhay, at apat ang obvious na direksyon – sabihin na nating pa-hilaga o pa-timog, pa-silangan o pa-kanluran – i-disregard na natin yung pataas o pababa… Sa madaling salita, gawin na nating nakahiga ang krus, tutal ito nama’y matagal nang naitumba mula sa pagkakatindig nang ang sumpa nito’y napagtagumpayan na ng ating Manunubos, halos dalawang libong taon na ang nakararaan.

Saan ka ba nanggaling?  Puti ka ba o itim? Dilaw o pula kaya? O kayumangging maligatna – eheste, kaligatan? No big deal!

Pang ethnic minority ba ang hitsura mo, o kaya’y taal na aborigine ka ‘lang’ kaya inggit na inggit ka sa mga tisoy o tisay? So what? Ang pagiging ‘magaling’ o henyo ay wala namang pinipiling lahi o angkan… At lahat ng nilalang, may “choice” para maging anak ng Maykapal, hindi kinapal Nya lang.

Ordinaryong tao lang kaming magkakapatid (marami nga dyan sa inyong di hamak na mas magagaling pa); kung matagal na kayong ‘suki’ ng blog ko, alam nyong wala kaming gaanong alam sa nuno naming ‘pinanggalingan.’ Ahehe, maano ba?

Narun na ko, dapat lumingon sa pinanggalingan para makarating sa pupuntahan. Pero higit na mas mahalaga kung saan ka patutungo kaysa sa kung saan ka nagmula. Ang mga kapatid ko ay mga pangkaraniwang tao lang na sa iba’t-ibang pagkakataon (and in His own sweet time) ay nakakilala kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon.

Napaka-self-righteous mo naman, homebodyhubby!😕

Bakit kailangang ang mga kapatid mo ang ieksampol mo para i-illustrate ang mga Biblical truths na pinagsasasabi mo?

Sino pa kaya ang dapat kong ieksampol nang hihigit pa sa mga taong lubusang kilala ko para makapagpatotoo? Kung sila na ngang mga kilalang-kilala ko na, ayaw mo akong paniwalaan, hindi kaya mas lalo kang magdududa sa mga “pinagsasasabi” ko dito kung ang ineksampol ko ay yung mga taong hindi ko kilala? Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa mga nakaraang posts ko na HINDI galing sa aming sariling “galing” ang eka mo’y mga “ipinagyayabang” ko dito. Okey, see what you want to see; believe what you want to believe, choice mo yan.  Malaya kang hindi makinig o maniwala.  Hindi kasi ubrang yung mga gusto mo lang na mabasa ang isusulat ko dito.

Kung hindi mo kayang gawin ang kapahangasang kayang gawin ng iba – either takot ka, nahihiya, hindi mo pinahahalagahan ang mga sinasabi nila, or plainly hindi mo alam ang sasabihin dahil hindi mo naman trabaho ang gayun – huwag kang ma-insecure, wala kang dapat ipangamba.  Huwag mo silang husgahang palalo o ipokrito. Nakakarelate ka ba sa sinasabi nila dahil nasasapul ka? Huwag mo silang sisihin at pagbintangang pinatatamaan ka. Malay mo ba kung trabaho nila yun mula pa nung bago ka makapakinig sa kanila? Kung papaano ka nag-uubos ng gintong panahon sa anumang ‘pinagkakaabalahan’ mo ngayon, kesyo makadiyos pa iyan o makabayan, o makatao o makapamilya man, o simpleng pagkakalat lang ng iyong katarantaduhan o kalandian, ay hayaan mong gawin ng iba ang gusto nilang gawin sa buhay (o blog) nila. Hindi ka siguro maniniwala dahil ang alam mo lang na trabaho ay yung may katapat na SWELDO.

Accountable ang mga nangangaral sa ginagawa nila; Diyos na ang bahala.  As far as what I am writing here is concerned, alam ko ang ginagawa ko, and I am READY and WILLING to pay the price for what I am doing. Sa ganang akin, I want to give all the glory back to God.

Kung ikaw ay isang kristyano, wala nang makababawi pa sa’yo sa ligtas na kalagayan:

For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons, neither the present nor the future, nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.

– Romans 8:38-39

Pero HINDI ito nangangahulugan na hindi ka na pwedeng magkamali o magkasala. Maski born-again ka pa!  We are souls that are still trapped in these YET imperfect bodies, a perfect battleground for good and evil.  That is why our spirit should be controlled by HIS Spirit. (CLICK for this post) and it is your choice whether you want to follow His will or not.

Nanduon pa rin ang choices… ang iba’t-ibang “landas” na maaaring pagpilian… Ang dalangin ko lang: anuman ang landas na iyon o “sanga” na nagmula sa krus, nawa’y hindi ito palayo sa Kristong Hesus na ipinako, namatay, inilibing… at MULING NABUHAY alang-alang sa mga taong kikilala sa kumpletong gawaing TINAPOS na Nya sa KRUS.

Ikaw, hahayaan mo bang pagdesisyunan ng nakaraan mo kung magiging ano ka? At hahayaan mo bang iyan din ang maging excuse ng mga susunod na salinlahi mo: ang sisihin ka para bigyang-katarungan ang magiging kapalaran nila? Baluktot na pangangatwiran? (Katwiran = katuwiran… Bobo ka man sa math: Katuwidan ╪ Kabaluktutan) Ay wala nang katapusan iyan!😦

Na-tats naman ako!😥 O… e bakit nga pala pikyur mo nasa gitna? Ibig bang sabihin perpekto ka na?:mrgreen:

Hindi a… ano ako, diyos? Para namang wala akong mga posts dito na sa minsang buset ko ay nagagawa ko ring magsulat ng mga pagmumura. NAKAKAHIYA!!!😳 Delete o i-private ko na lang kaya?  Ahehe, tama na nga ito… berdey na berdey ko.

I’m stuck! in the middle of the cross, as if impasse, kasi with regards to my earthly future, stop na sa akin ang legacy ng tatay ko – wala na akong ipapamudmod na mala-wolverineng lahi na magkakalat ng genetically mutated chromosomes ko.😆 Bobo (nga) ako sa math – hindi na makakapag-multiply? (website yun, ala-prendster)

Kaya yung equation sa itaas, hindi tumatandang paurong ang ibig sabihin nun.😆 Bobo lang talaga ako sa math!

In regard to evil be infants,

but in your thinking be adults.

– 1 Corinthians 14:20

Sa mga pamangkin ko… isama ko na rin ang mga pamangkin ko sa tita Choi nyo:  Alam kong nagbabasa kayo ng blog ko, olrayt lang kung matipid kayo sa kumento. Si Gigi, kako-comment lang dito sa blog ko kagabi.😀

Pa-berdey blow-out ko senyo: Pagpalain kayo ng Panginoon!

Huwag kayong “manlalamig.”  PABALIK na kami ng mga tatay at nanay, daddy at mommy, papa at mama nyo.  Ang ilan sa inyo ay malalaki na, upang kayo na ang  mag-ukit ng inyo-inyong kasaysayan; Makikinig sa mga kuya nyo.😉

Kung may problema kayo, huwag mahihiyang magsabi sa Tito Arleen/Robert nyo.  Kung may kapalpakan kayo😆 maghanda nang makinig sa mapang-unawang mga “sermon” ko.😉

Eyun lang… sige, mag-aahit muna ako.  Papunta dito ang Lola nyo – baka ma-“sermun”-an ako pag nakita na naman ang ermitanyong hitsura ko.😳

( Hiking ulit sa December?🙄 sabi ni kuya Dominic, Mt Pulag naman daw? )

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/09/18/bobo-sa-math/trackback/

RSS feed for comments on this post.

20 CommentsLeave a comment

  1. (text message😀 nilagay ko lang dito)

    3:39 am:
    Arleen, Happy B-day Brother! I’ve just sent a sort of gift 2 u.

    3:42 am:
    It’s 10:30 pm here; I’ll call you tomorrow morning. Regards.

  2. (text message😀 nilagay ko lang dito)

    4:44 am:
    A blissful and blessed bday, my bestfriend. May u live forever! God bless.

  3. wow! happy bday po kuya!! hehehe.. at kelan nyo po ipapabago yung female sa birth certificate nyo?? hehehe… kakaibang pangalan po kasi hehehe

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ————————————————

    HBH: Ahehe, uongah e…
    Buti nga kamo yung “Robert” na ang gamit ko nung nikasal ako; kung hindi magkakabaligtad kami ni misis. “Choi” ang palayaw ng misis ko e – di “Arleen and Choi?”😆

    Pasasaan ba’t makakapag-stay din ako nang matagal-tagal
    sa ‘gapo para harapin ang correction of data entry na iyan. Eniweys, bata pa naman ako (17?)😆

  4. klasmeyt!! haberdey!!!! huwaaaaah

    eh kasi klasmeyt kadiri naman kung san san lang itatapon ung inuna diba?? ang creepy kaya ng hitsura nun. nakahawak na ko nun hahaha

    ————————————————

    Klatmeyt: Klasmeyt! Tenchu!😀
    Oonga, dami mo na rin nga naabangang baby na lumalabas.🙂

    11:30 ng gabi kasi ako lumabas. Yung inunan kaya?🙄
    12 midnight na? E di iba na ang berdey nya?
    Kaya eun, hinagis lang daw sya ng lolo ko sa ilog sa likod ng bahay nila sa West Bajac-bajac st., Mabayuan(?) Olongapo city (zip code 2200) , Zambales (complete address pa e no?)

    Nung bata pa ako, nakakakita ako ng bakang nanganganak… Pagkatapos, kinakain nung nanay yung inunan habang yung baby cow ay bising-bisi sa galing sa dodo ng cow!
    Yaaaak, yung nanay cow.

    Ngayon nakikita ko naman mga hamsters ko, ganun din ginagawa ng mga nanay sa inunan pag lumabas na lahat anak… Siguro para hindi maglayas yung mga beybi hamsters nya paglaki?😛

    Yung “Reno potted meat” na liver spread, niloloko namin nuon ang mga bata na human placenta yun.😆 (ansalbahe ko)😳

  5. Naaalala mo pa kaya ako?

    ————————————————

    HBH: Hmm…🙄 parang hindi kita matandaan.🙂 (joke)
    … ‘musta na uli?

  6. Tito,

    Happy Birthday. Sensya na nahuli, tambak ang projects kahapon (napagsabay ko pa ang programming at video editing). Kung magkalapit lang tayo, marami na siguro tayong natapos na digital film.

    Tito Arleen😎: Thank you, Ian.😀

    Class projects at hanapbuhay? Hirap ano? Buti na lang hilig mo.
    “Digital film”… okey yung term – hybrid ng digital at analog.

    Sayang yung mga photos na naiwan sa bahay ni Lola mo
    nung nagbakasyon sya sa Canada – inanay lang daw lahat.
    Buti na lang, marami akong kinuha galing duon nuon.

  7. happy birthday po tito…🙂

    Tito Arleen😎: Salamat, pamangkin!😀
    Magkasunod pa kayo ni kuya mo a?🙂

  8. wow great tracking back of your history po ha
    ay oo nga po sabi nila kapag suhi ka ay may kakayahan kang makatanggal ng tinik sa lalamunan
    by thew way po thank po talaga sa mga Top five nyo yung dalawa lang po kinuha ko …yung TOP 5 bears at Top five Pussy cartoons
    thanks po talga
    saka po iniimbitahan ko sana kayo na bumisita sa isa ko pong blog na tagalog
    http://www.likhangkwento.blogspot.com
    sana po magustuhan nyo

    ————————————————

    HBH: Oo bluedreamer… okay na yung dalawa!😀
    Hiya naman na ako pag nisama mo pa yung may pikyur ako. 😛

    Gulat ako sa response ng marami – especially dun sa bears, hindi ko akalaing marami din palang katulad ko na nakyukyutan sa oso.😀

    Salamat din sa “tag” (tawagin ko na ring naiibang tag iyan) ,
    at sa “gift” …🙄 gift tag? (joke) … Salamat din for posting my two TOP FIVEs.

    Ilagay ko rin iyang tagalog blog mo sa blogarolyo ko.😉

  9. […] Para sa akin, ang birthday ko ang aking first and foremost “Mother’s day.” […]

  10. belated happy birthday po.
    suhi ka rin? totoo ba talaga yung nakakatanggal ng tinik? ahaha.. pansin ko nga pag natitinik ako binabalewala ko lang din at nawawala agad.

    ————————————————

    HBH: Uy… May bago akong ilalagay sa blogroll!
    At “happy feet” ring gaya ko (kasi nauna lumabas ang paa!)😆

    Ahehe, hindi basta-basta natitinik – may ‘sa-PUSA’ yata tayo? Hindi ko nga maintindihan kung bakit DAGA ang nakahiligang alagaan ko.

    In peyrnes, may mga alam din naman akong hindi suwi,
    pero hindi rin ‘tinikin.’🙂

    Salamat sa pagbisita at pagbati, mayui.

  11. […] Walang may bagong berdey ngayon; huling berdey post na nga yung sa akin eh. […]

    ————————————————

    HBH: May pahabol na pa-birthday graphics sa akin dito!😀
    Click and look for the:

    Cake and maws

    Wala lang, gusto ko lang i-link dito sa berdey post ko…

  12. “Hindi dapat itinutumba ang krus – dapat ito’y itinatayo para makita ng marami.”:mrgreen: ← (Wala lang, may ‘maikontra’ lang)

    Walang kaso diyan, ineksampol ko lang. Parang banner o bandila rin na kailangang iwagayway nuong mga nagdaang digmaan para ang mga sundalo ay mag-ibayo ang tapang.

    Well… paano kaya kung BULAG ang isang tao?🙄
    Ibig bang sabihin, wala na syang pagkakataong makakilala
    kay Jesus bilang Kristo?

    Yung literal na hindi nakakakita ang tinutukoy ko dito,
    yung walang paningin dahil may diperensya ang mga mata – hindi yung “bulag” na saksakan nga ng “talino” pero hindi naman nakakakita dahil sarado ang isip at sobrang taas
    ng PRIDE, paris nitong → Si Saulo.

    Ang taong tutuong matalino ay hindi lang ang matang parte
    ng kanyang pisikal na katawan ang ginagamit para makakita – he sees with his mind, his heart and his soul. Kaya nga kung sarado ang utak nya, hindi talaga sya ‘makakakita’ – ay sarado nga eh – walang ipinag-iba sa mga matang nakapikit, parang yung ‘nuon’ niyang si Saulo😦 bago sya naging si St Paul.🙂

    Depende naman yan sa kung papaano mo gustong tignan
    ang “krus” … e di itindig mo ang krus mo kung gusto mo… Samahan mo pa yan ng patay na ‘kristo’ na secondary lang naman sa taong talagang sinasamba mo.

    “Now faith is being sure of what we hope for and certain of
    what we do not see.” (Hebrews 11:1)

  13. hi kuya…

    di pa kita nabati … happy birthday..sorry super late na abti.. i got caught up with all thses work dramas.. i lost track of what i love the most na.. haha.. one of them is reading your posts..

    thank u sa encouragements.. may God bless you all teh more this year..🙂

    God bless…🙂

    ————————————————

    Homebodykuya: Okey lang ading, take your time.😉

    Just a few of the familiar promises of our Father
    (in the Book of Psalms) that I have been holding on for years;
    I just leave the imprecatory part (like those of Ps 55) to Him:

    Psalm 30:5b, 11
    Psalm 55:22
    Psalm 66:10

    For you, O God, tested us; you refined us like silver.

    God bless, anak.🙂 Am always praying for you.

  14. […] A card just came in this afternoon
    (ahehe, humabol pa). […]

    Sa KBCF unang nag-church si misis nung late 1970s
    kung kelan nagsisimula pa lang ito as small group fellowship
    sa mga bahay-bahay. Dito sya nag-grow at nag-mature bilang born-again Christian. Sa choir ang pinaka-ministry nya.

    Sa KBCF kami ikinasal, at syempre dito rin
    yung aming stag-shower party.

    Sa KBCF rin ako nagdecide for my first step of obedience
    as a born-again Christian, and to declare publicly my accepting Jesus as my Savior and Lord.

    Sa KBCF din ako nag-training ng Evangelism Explosion … naka-hanggang level II nga lang ako.

    Napaka-stressful lumuwas every week from our place of work (Nueva Ecija) to our local church in Quezon City, considering our workloads nuong 1990s …kaya kalaunan, dumalang nang dumalang ang pag-attend namin ng worship services sa KBCF.

    Sa kabila nito, ni minsan, hindi pumapalya ang pagme-mail
    ng mga kapatiran namin dito ng KBCF Scroll, at maging mga birthday cards na paris nito. Despite the physical distance,
    they always keep in-touch.

    They are continually praying for us, and we for them.
    KBCF talaga ang aming ‘home’ church!😀

    Ako lang ang KBCFer na salbahe kasi tagal ko nang hindi nakakapagsimba dito sa amin sa probinsya.😳

  15. […] Hmp! Yan yung subject na wala pala sa curriculum ko nung nag-shift ako sa DevCom!😕 (tsamba lang yan, sabi ko nga sayo, bobo ako sa math) […]

  16. […] Ako ang pinakabatang blogger dito. :lol:[…]

  17. ————————
    Boolaboy Berio
    […] “Teka mawarningan si bosing… boploks sa math yun i.” […]

  18. […] Have you ever felt regretful you were born on board this ‘God-forsaken ship’? […]

  19. […] AK-48! […]

  20. […] Ba’t nga ba tuwing magberdey ko e parang pababa nang pababa edad ko? Nung sangtaon trenta la’ng ibinawas.😆 Ngayon kwarenta! […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: