Mother’s day… in September?

Natatandaan ko (na naman?) nung estudyante pa ako… Desperado na ako sa grades ko, at kamamatay pa lang nuon ng dad ko. Wala namang halong hinanakit, ewan ko ba kung bakit nasabi-sabi ko sa nanay ko:

Kung minsan nga, parang gusto ko na ring mamatay…😥

Ahehe… don’t get me wrong. Not in any time of my life na naging “suicidal” or “death-wisher” ako (Ako pa? Ay fighter– “survivor” yata ako!) Na-imagine ko lang, kasi tinanong nya ako nuong nagkataong naka-EMO mode ako. Malagihay pa nga yata dahil sa dalawang bote ng Pale Pilsen (beer) na minamam ko. (What I really mean to say is: “Ano kaya kung namatay na rin ako?” )😛

Napansin ko’ng natigilan ang mom ko, bumaling ng tingin sa iba. Tapos eun… nangilid ang luha at sisinghot-singhot na.

Marami akong naging alagang mga DAGA (anubayan! hehehe), at hanggang ngayon may siyam pa nga, di ba? Minsan, pag sabay-sabay silang nagno-noise barrage tuwing gabi, napagmumuni-muni ko:

“Hindi kaya naiinip ang mga hamsters ko sa buhay nila? Masaya kaya sila sa monotonous na “gising-kain-IKOT-kain-tulog… gising-kain-IKOT-kain-tulog… (uli)” na gimik nila? Hindi kaya sila nagsisi na ako ang naging “tatay” nila – ako na simula pa nuong ampunin ang kaunaunahang mga ninuno nila, ay wala nang hinangad at ginawa kundi ang maibigay ang lahat ng kaya kong ibigay para guminhawa at maging ENJOYABLE ang kaiiksing buhay nila?”😆

(Sa tutuo lang, kung siryus pet-owner ka, siguro minsan nai-imagine mo rin yan.)

Ahehe, alagang daga pa lang iyan… Ay paano pa kaya kung anak mo na?

Wala na sigurong mga katagang dudurog nang higit pa sa PUSO ng magulang – lalo na ng isang ina, kaysa dito, na mamumutawi mismo mula sa mga labi ng kanyang ANAK:

Sana hindi ikaw ang naging nanay ko!

Sana hindi mo na lang ako ipinanganak!

Isinusumpa ko ang araw nang ako’y isilang! (tsk tsk tsk… pangtelEMObela)

Kaya kung ang talagang intensyon mo ay ang pasakitan ang loob ng nanay mo, sumige ka bata – yan ang sabihin mo.😕 Baka magsisi ka balang araw? Baka kung kelan tinabunan na iyan sa hukay ay duon ka pa lang makakaisip na ihingi ng tawad ang padalus-dalos na pagsasalita mo nuon? Maski na gaano kalaki pa siguro ang naging pagkukulang nyan sa’yo, nasa hukay ang isang paa nyan nung oras na isinisilang ka. Caesarian daw o? Pilosopo?

Maaaring naririnig mo sa iba na sinasabi sa nanay mo:

Wala kang kwentang ina sa mga anak mo!

Kung ayaw mong ipagtanggol ang nanay mo kasi iyon din ang ibig mong sabihin, ay huwag mo nang gagarin pa. Baka naman lola mo iyon na nanay nya, o kaya tiyuhin mo na kuya niya? (Kayo naman kasing mga mas nakatatandang ‘nananaway’, huwag nyo namang sermunan nang harap-harapan yang mga “nanay” pag nandyan ang mga anak nila). Pero kung manggagaling sa anak nya na tulad mo? Ay mahiya ka naman…😦

Kung may nababasa ka mang sermon dito na pinagsasabihan ko ang mga iresponsableng magulang, love letter ko sa kanila iyon – bakit kasi pinakikialaman mong basahin ang mga personal na liham ko para sa kanila? Bakit hindi ang mga personal “love letter” na sadyang ginawa ko para sa isang tulad mo ang pagbulay-bulayan mo?

Tandaan mo: habang tumatanda ka, mas tumatanda pa rin ang mga magulang mo. Sige, alagaan mo yang grudges mo nang may pagtatanim sa isip mo na “hindi ako magiging katulad ng nanay ko sa mga anak ko.” Baka ma-shocked ka na lang na yang mga anak mo, sa kabila ng pagiging “mabait” kang ina sa kanila ay naging mas masahol pa sayo (o sa nanay mo – eka mo). Bakit? You may not know it, nasasakal mo na pala yang anak mo ng ideyalistikong ‘pagmamahal’ mo sa kanila.

Sa kabilang banda, maaari rin namang napapabayaan mo na sila at hindi nabibigyan ng panahon – dahil sa sobra namang pagluluwag at toleration mo… Either way, ito kayang treatment mo sa mga anak mo ngayon ay bunga ng kimkim na galit mo sa ‘pagkukulang’ sayo ng nanay mo nuon?

May malayooooooo akong mga kakilala (pitong letter “o” yan – talagang super-‘distant relatives’ na, hindi ko na nga makilala sa sobrang layo). Subconsciously (or otherwise), parehong may naging ‘tampo’ sa pagkukulang ng kanya-kanyang ina. Yung isa, apparently mas ‘mabait’ na anak kaysa dun sa isa (Quite similar to the older, ‘non-prodigal’ son sa Luke 15:28-30. You may read Luke 15:11-31 for the whole story). Yung una, may ganitong bilang ng anak; Itong isa, ganuong bilang din sana – kung hindi nagpalaglag.😦 Alam nyo bang parang mas titino pang maging nanay itong huli dahil natutong akuin at pagsisihan ang lahat ng sariling pagkakamaling kanyang ginawa? Higit sa lahat, natutong patawarin ang ina sa mga pagkukulang nito. Talaga namang mas disastrous yang hatred kaysa sa anger, di ba?

Ikaw na hanggang ngayon ay galit pa rin sa nanay mo: magiging nanay ka rin. May panahon ka pang ipagpag yang grudges mo, anak…

“Anlabo yata ng title? Hindi ba ‘Grandmother’s day’ daw ang nasa September?”

Sigurado ka?🙄 Alam ko sa October 5 pa yung Grandsparent’s day.” E di okey-olrayt, huwag alisin yung Lola’s day kung mayroon nga nuon sa September. Basta sa akin, malinaw pa rin yung title…

Para sa akin, ang birthday ko ang aking first and foremost Mother’s day.”

Honor your father and your mother…

– Exodus 20:12

A wise son brings joy to his father,

but a foolish man despises his mother.

– Proverbs 15:20

There are those who curse their fathers and

do not bless their mothers.

– Proverbs 30:11

JESUS HIMSELF said these two verses:

And when you stand praying, if you hold anything against anyone, forgive him, so that your Father in heaven may forgive you your sins.

– Mark 11:25

All that the Father giveth me shall come to me; and him that cometh to me I will in no wise cast out.

– John 6:37

Bagong gising ako… at least hindi na mukhang ermitanyo (sabi ng nanay ko).😆 Dumating sya kahapon, pero umuwi na rin kaninang umaga… Si Choi (misis ko) ang nagpikyur sa amin ng mom dito.

Published in: on 19 September 2008 at 11:30 pm  Comments (2)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/09/19/mother%e2%80%99s-day%e2%80%a6-in-september/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Nakakatuwa naman yung isang “gift” na natanggap ko – nipagitnaan ang dates nung posts nya (Sep 11 and 17)
    ng birthdays namin ng mom ko (Sep 10 and 18) .
    Para na ring pa-birthday gift sa akin ito.😛

    Kyuryus kayo? Check this out

    TAPSIngkobLOG post

    Thanks to my fellow-blogger bluedreamer.😉

  2. kaya habang nakakausap ko pa mom ko kahit sa chat lang, sinasabi ko na yung mga gusto kong sabihin at nagpapasalamat na ko sa lahat ng mga sakripisyo nya para samin.
    Isa ding pinakamasakit na pwedeng sabihin ng mga magulang sa anak nila..

    “Kung makakapili lang din ako ng anak, Siguradong hindi ikaw ang pipiliin ko!”

    Pero kahit na ganun yung naranasan ko sa Dad ko, hindi ko narinig na sabihin niya yun sakin..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Tama ka dun, ‘angel’.😀

    Yang ni-quote mo, tutuo, masakit talaga yun…
    Pero kung logic lang ang pag-uusapan, mas factual yung isinusumbat ng anak sa magulang kaysa sa isinusumbat ng magulang sa anak. Desisyon at aksyon kasi ng magulang kaya naging tao at isinilang ang isang anak; samantalang ang anak, whether he/she like it or not, bunga lang ng desisyon at aksyong iyon ng mga magulang.

    Pero ganun pa man, tiyak kong bunga lang ng bugso ng damdamin ng mga magulang kaya din nila nasasabi ang ganun. Sabi nga ng nanay ko, mas kaya daw tiisin ng isang anak ang magulang kaysa tiisin ng isang magulang ang anak. Yang mga utos ng Panginoon tungkol sa paggalang ng mga anak sa kanilang magulang, it goes beyond mere human logic.

    Sa kaso mo, alam ko namang napatawad mo na si dad mo…

    Kaya nga bunso, pag napatawag uli si dad mo sayo, I hope masabi mo rin sa kanya ang mga gusto mong sabihin, paris ng mga kaya mong sabihin sa mom mo…

    God bless, anak.😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: