Berdey wish

Kunwari lang ang paggamit ko nito;😆 hindi ako sun/moon-worshipper wis maga-wish sa bulalakaw. (animated gif from this site)

“Tungkol sa berdey na naman? Kelan ba matatapos yan?”😕

Walang may bagong berdey ngayon; huling berdey post na nga yung sa akin eh. Gusto ko lang bigyang-diin dito na hindi dapat isinusumpa ang araw ng sarili mong kapanganakan (sounds funny, pero may mga taong ganyan). Pinapagliyab lalo iyan ng attitude na Wala akong silbi sa mundo.” Pag ganito ang pananaw mo sa buhay, alin sa dalawa ang pwede mong puntahan?

Pagpapakamatay. Hindi lang yung literal na suicide, kundi pati na rin ang pagsira mo sa sariling buhay mo o pangangatawan, sa pamamagitan ng hindi pag-iingat dito o ang pagkalulong sa iba’t-ibang uri ng bisyo.

Paghahasik ng “lagim.” Paggawa ng lahat ng uri ng katarantaduhan o kalandian para “magpasarap” – na ang napeperwisyo naman ay ang iba – mga taong kanilang ginagamit, ginugulangan at sinasaktan.

Nasa mundo ka, kaya dapat lang na i-enjoy mo ang lahat nang pwedeng ibigay sa’yo ng mundo. Kaya nga pag berdey mo, karaniwan tumatanggap ka ng regalo. Pero klaro ha? Huwag mong isali yung kababanggit ko lang sa itaas: mag-eenjoy ka nga, sinisira mo naman ang katawan mo’t pagkatao, o kaya nung sa kapwa mo.

Sa kabilang banda, hindi naman ubra yung tanggap ka na lang ng tanggap. Dapat i-consider mo rin kung ano ang pwede mong i-share sa mundo. Kaya nga siguro, pag berdey mo, nagbo-blow-out ka naman.

Everebody has something to share, however very insignificant that something may seem.

May i-share akong istorya sa inyo. Mula ngayon, pag nakakita kayo ng Bible book, chapter and verses na pula ang letra, clickable yun at dadalhin kayo sa online Bible na makikita ang link dyan sa sidebar ko.

Itong ibabahagi ko ngayon ay hindi naman tungkol sa berdey, kundi tungkol sa “wish” (prayer actually) ni Haring Solomon nung medyo babago pa lang na naipasa sa kanya ang posisyon bilang hari ng Israel, matapos mamatay ang kanyang amang si Haring David.

That night God appeared to Solomon and said to him, “Ask for whatever you want me to give you.”

Solomon answered God, “You have shown great kindness to David my father and have made me king in his place. Now, Lord God, let your promise to my father David be confirmed, for you have made me king over a people who are as numerous as the dust of the earth. Give me wisdom and knowledge, that I may lead this people, for who is able to govern this great people of yours?”

2 Chronicles 1:7-10

Katalinuhan at kaalaman! Alang-alang sa kapakanan ng taumbayan! Eto ang parallel verse nyan:

“So give your servant a discerning heart to govern your people and to distinguish between right and wrong.”

1 Kings 3:9

Ang bangis! Sino kaya sa mga presidentiables o senatoriables (o maski ano pang ‘potentiables’) ngayon ang hihingi niyan?

Eto ang sagot ng Diyos kay Haring Solomon:

God said to Solomon, “Since this is your heart’s desire and you have not asked for wealth, riches or honor, nor for the death of your enemies, and since you have not asked for a long life but for wisdom and knowledge to govern my people over whom I have made you king, therefore wisdom and knowledge will be given you. And I will also give you wealth, riches and honor, such as no king who was before you ever had and none after you will have.”

2 Chronicles 1:11-12

Eto ang parallel verses sa Book of Kings:

The Lord was pleased that Solomon had asked for this. So God said to him, “Since you have asked for this and not for long life or wealth for yourself, nor have asked for the death of your enemies but for discernment in administering justice, I will do what you have asked. I will give you a wise and discerning heart, so that there will never have been anyone like you, nor will there ever be. Moreover, I will give you what you have not asked for — both riches and honor — so that in your lifetime you will have no equal among kings. And if you walk in my ways and obey my statutes and commands as David your father did, I will give you a long life.”

1 Kings 3:10-14

Ibinigay ng Diyos ang hinihinging katalinuhan at kaalaman! At dahil sa kanyang pagpapakumbaba, ibinigay din kay Solomon yung magagandang bagay na hindi naman nya hinihingi – kayamanan at karangalan! (Kaya nga pag nababanggit ang pangalang Haring Solomon, ang unang sumasagi sa isip ng marami ay ang hindi-mapantayang katalinuhan at kayamanan). En teyk nowt: pinangakuan pa sya ng mahabang buhay kung magiging ‘good boy’ lang. Hindi ba iyan din ang malimit nating sabihin sa mga birthday wishes: “May you have more birthdays to come”?

May nabasa akong bumabanggit tungkol sa four (4) greatest human virtues ayon sa mga native American Indians: courage, strength, wisdom, and generosity… Sa tingin ko, maski pa gaanong sobrang ‘napakasinauna’ na ng principle na ito, ay talaga namang napaka-balanse.

May courage ka nga, kung wala ka namang strength, tagilid ka pa rin. Parang yung sinasabi ng matatanda na: “Malakas ang loob, mahina naman ang tuhod”

How about wisdom and generosity?

May dalawang lakes o lawa sa Israel – ang Dead sea… at ang Sea of Galilee. Ang tubig sa Sea of Galilee ay nanggagaling mula sa bukal sa ilalim ng lupa at sa tubig na umaagos mula sa hilagang bahagi ng Israel; Lumalabas naman ang tubig mula sa  Sea of Galilee sa pagdaloy nito papa-timog sa Jordan River papuntang Dead Sea. Mula sa Dead Sea, ang tubig ay wala nang lalabasan; ang tubig ay sort of ‘nababawasan’ na lang thru evaporation… Ang Sea of Galilee, tumatanggap at nagbibigay kaya nare- replenish. Ang Dead Sea, tanggap lang nang tanggap kaya din saksakan ng alat.

Ganun din sa alam mo. Huwag mo kayang solohin… ibahagi mo😛 Ahehe, baka mag-information-overload ang memory mo pag ipinagdamot mo (Hindi ko sinasabing magpakopya ka sa exams ha?😆 baka naman pilosopohin mo ako?). Saka maganda rin yung naririnig ng iba ang opinyon at palagay mo, malay mo may mali pala dyan sa alam mo, at least maiko-correct ka.

Courage, strength, wisdom, and generosity Malayo pa naman ang botohan, pero pagkatandaan nyo yan. Hindi ubrang UP o Ateneo o LaSalle graduate LANG, o maski anong degree pang tinapos sa kung saang lupalop ng mundo pa yan. Dapat may takot sa Diyos (see Proverbs 1:7), kaya hindi magagawang manggulang.

Hindi rin naman ubrang “may takot sa Diyos” LANG, o maski pa sabihing makatao, makamasa, makabayan, o mala-anghel sa pagiging saksakan ng bait pa nyan. Dapat may alam at karanasan din sa politics at sa pamumuno ng kanyang nasasakupan.

At higit sa lahat: Tinawag ka ba para pumusisyon sa trabahong iyan?

Oebakit yan ang topic mo ngayon? Kakandidato ka ba?:mrgreen:

Hindi a! Maging bosing na nga lang sa opisina, o class-president nung highschool, panay ang ILING ko na. Alam mo ba yung two great questions sa loob ng sabungan?

Question # 1: Sinong shunga-shunga sa sabungan?

Sagot: Yung nagdala ng BIBE!😀

Question # 2: Sinong mas shunga-shunga sa sabungan?

Sagot: Yung TUMAYA sa bibe!😆

Super sira-ulo ako kung kakandidato akong presidente → .😆
Mas-super-duper SIRA-ULO ka kung iboboto mo ako.

Ahehe, naaala ko tuloy yung mga nuisance na bibe – eheste, candidates sa tuwing sasapit ang presidential election.  Gusto laang palang mag-artista.😆 Presidente, artista…🙄 magkaiba ba yun?.

Tama na nga…

Ang berdey prayer ko? Eto:

Remove far from me vanity and lies: give me neither poverty nor riches; feed me with food convenient for me:

Lest I be full, and deny thee, and say, Who is the Lord? or lest I be poor, and steal, and take the name of my God in vain.

Proverbs 30:8-9

In other words, Lord, give me things those I can only handle; and equip me with the ability and strength to handle those You have already given me.”

Addendum (See the thread of eloiski’s comments and my replies below):

Ni-click ko ang “Happy birthday” channel sa sidebar ng website ng URL concerned. Hindi ko alam kung ano duon kasi andaming graphics na lumabas!😀 But as of this date (23 Sep 2008) ito yung unang-una, kaya eto na rin ang nilagay ko dito.

happy birthday

Angganda! Very cool the mouse!😀 ♪ Haberdey to me, ♫ haberdey to me!  Thanks, eloiski! ( my ‘virtual inaanak’ ) … I love it!

Published in: on 20 September 2008 at 11:30 pm  Comments (4)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/09/20/berdey-wish/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. waaaaaaaaaaah!
    hapibday ninong!

    late ata ako! hekhek!

    ————————————————

    Ninong: Tenkyu! 😀
    Hindi ka pa rin late — kasi isang buwan ako magcelebrate
    ng berdey!😆

    May pumagkit na URL dito sa comment mo — visible sya sa edit mode ng comment, pero hindi kita dito sa comment box? 🙄 (mr wordpress, batet tanun?)

  2. teka anong day po ba bday nyo?
    baka parehas po kau ni papa ah!
    hekhek!!!

    ————————————————

    Ninong: …wheh?😛 September 18!
    Hindi na makita kasi natabunan na ng cake.😆 Eto yung post:

    Bobo ako sa math”😉

    Kelan ba birthday ng papa mo?🙄

  3. ninong bday ni papa sa 26! hahaha
    kala ko parehas na kayo eh!
    amp!

    yep, may url dyan na image na ang nakasulat eh happy bday
    gulat ako bat alang lumabas na somethinG!
    ang cute pa naman!
    amp amp amp!

    ————————————————

    Ninong: Uy, this coming Friday na yun.😀
    Ilang taon na kaya si Papa mo…🙄

    Visible pa rin sa edit comment mode (lang) yung ni-type mo.
    Eto nakalagay na URL, inalis ko na lang yung mga CSS code ba tawag dun? — para maging visible.🙂

    http://untoong.blogspot.com/

    Tenkyu sa pa- “happy bday” — ang cute nung website,
    hanapin ko yung image.😉

    Andami pala happy birthday image dun…😯
    Eun, may nilagay ako isa sa post!😀

  4. aww ‘pibertday po!! ^_^

    may gusto lang din po san akong i-share na prayer sa inyo.. ito lagi dinadasal ko parang ‘swerte’ sakin..

    ito yung Prayer of Jabez

    “Oh, that you would bless me indeed, and enlarge my territory, that your hand would be with me, and that you would keep me from evil, that i may not cause pain!”

    Happy birthday po ulit kuya teddy bear ^_^

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Yes! Oks yan.
    Naging bestseller ang Christian book na yan ni Dr. Bruce
    H. Wilkinson. Sayang nga dahil hindi kami nakabili nyan nuon,
    pero alam mo ba? Binigyan kami ng kopya ng hipag ko
    (sister ni misis) .😀

    Yang ni-quote mong prayer ni Jabez ay nasa verse 10
    ng 1 Chronicles 4 (click mo DITO. → ) Tignan mo yung sinundan nyang verse (verse 9) , sabi ng nanay nya:

    “Because I bore him in pain.”

    Sabi ng mga Bible scholars, isang posibilidad daw na suhi si Jabez kaya nahirapan ang nanay nya nung ipinanganak sya.

    Nakakarelate ako dyan kay Jabez, at least sa statement lang
    na iyan.😛 Yung naunang sentence dyan (nasa verse 9 din) :

    “Now Jabez was more honorable than his brothers…”

    Ay aywan ko na😆 kasi sa tingin ko, ako na yata ang pinaka-“dishonorable.”:mrgreen:

    Pero ang nakakatuwa ay ito
    (sumunod dyan sa ni-quote mong prayer) :

    “So God granted him what he requested. ”

    So kung bubuuin natin yan, eto yun:

    Now Jabez was more honorable than his brothers, and his mother called his name Jabez, saying, “Because I bore him in pain.” And Jabez called on the God of Israel saying, “Oh, that You would bless me indeed, and enlarge my territory, that Your hand would be with me, and that You would keep me from evil, that I may not cause pain!” So God granted him what he requested. (1 Chronicles 4:9-10)

    Yeah… yung boldface ang mismong ni-quote mong prayer nya.

    Salamat sa reminder, bunso!😀 Bakit nga ba hindi ko agad naisip yan🙄 sana nai-share ko dito sa post.🙂

    At salamat sa ‘pibertday at Happy birthday ulit,
    my bunsong Teddy bear.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: